Vreihya's P.O.V
So this is what a broken heart feels like... it sucks! Ang sarap maging bata ulit... ang tanging nagpapaiyak lamang sa akin noon ay sa tuwing iiwan ako ni ina upang sumama sa pagpupulong.
Hindi ako ang tipo ng bata na iiyak kapag madadapa o hindi naman kaya ay hindi nakukuha ang gusto pero nang araw na naramdaman ko na kailangan kong iwanan ang kaisa-isang kaibigan ko para sa lalaking hindi ko pa man kilala ay nadurog nang husto ang puso ko.
But now?
I saw love on his eyes with the way he looked at her, the way he talk and the way they lips crushed to each other. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko kung paano may pag-ibig sa bawat kilos ni Mino para sa babaeng iyon.
He was never my original mate and we both know that pero mas masakit para sa akin na nagawa niyang umibig nang lubusan sa iba habang ako ay maaga kong pinigilan upang hindi na lumalim.
Awang-awa na ako sa sarili ko, I don't have a kingdom to rule, I don't have my people anymore, and the two vampires that gave me everything and loved me genuinely is still missing, but on top of that... my heart aches for more upon witnessing the love that he shared with someone else.
Kahit na maraming beses ko na siyang nakita sa piling ng iba, hindi naman ako nasaktan ng ganito. Parang pinipiga ngayon sa sakit ang puso ko habang tila nasa isa akong bangungot.
That lady is gorgeous, she looks more mature and elegant than me. Kahit lamang sa kaniyang larawan ay masasabi kong mas higit siya sa akin sa mas maraming bagay.
Sabi ni tiyo, napakahirap na makipaglaban sa unang minahal, lahat kasi ng espesyal na pinagsamahan niyo ay nagawa na nila, ang mga pangakong binitawan niya sa iyo ay nabanggit na niya sa nauna.
Ganito pala ang masaktan dahil sa labis na pag-ibig? Nakakapanghina ng kalamnan, nakakawala ng tinig, nakakawala ng lakas para lumaban, nakakawala ng kompyansa at nakakababa ng tingin sa sarili.
Tila gusto ko na lamang bumalik sa mga panahong wala akong iniisip na ganitong matinding pagdaramdam. Kung dati ay sigurado na akong ako ang pipiliin niya at ililigtas. Tila nahahati ngayon sa dalawa ang puso ni Mino.
Sino ba sa aming dalawa ang mas mahal niya. Hindi siya maaaring magkaila sa akin, nararamdaman ko ang bawat pintig ng puso niyang ibang pangalan ang tinatawag, damang-dama ko kung paano tumakbo sa isip niya ang babaeng tinititigan niya ang larawan ngayon.
Nakakapanlumo!
He is my whole universe but for him... am I just a star?
But everyone can and will hurt me but mother said that I should find the one who is worth suffering for. Is Mino worth for this pain?
I suppress my tears as strong as I can, hindi ko na nais pa na marinig niya akong umiiyak. Ayaw ko na muli pang magsalita, he knows that this pains me to the core, I just want to see if he will do everything to make me feel that I am still the only one without me begging for it.
He will feel me grieve, he will know that I cried, he will understand that I am in sorrow but he will never hear me beg for love because if he know that I deserve and worthy for it, he will give it to me.
"Vreihya?"
Entrante! I want to curse myself as I felt my heart throb when he calls my name. I feel like I wanted to embrace him tightly and get back all the words that I said. Pathetic!
"You know that I love you right?" he asked solemnly while still looking at the portrait. Hindi ko nais na sumagot, he should know by now that silence is a sign of a striking pain.
Yes you love me but until when? Until you save her? Until she came back again? I don't need a love that has a time limit.
"I am at the end of my straw now, you know that I am confused, I am lost, I am a broken puzzle and a captive of my own past but that will never change how I feel about you," he said sincerely at muli kong naramdaman ang tila pag-aalo ng kaniyang tinig sa puso ko.
"Please hold on tight for me my love, alam mo ba na pakiramdam ko ngayon ay hindi kita magagawang mahalin nang lubusan at buong-buo dahil maging ako ay kulang, hindi pa din ako kompleto," his voice cracked as he begun to tear up.
Mabilis na pumatak nang sunod-sunod ang aking mga luha. Am I selfish? Bakit nasumbatan ko na kaaagd siya sa aking isip at nakalimutan ko na mahirap nga din pala para sa kaniya ang lahat. He don't really know himself at kahit ako ay hindi siya lubusan na kilala.
Magagawa nga ba namin mahalin ang isa't-isa kung hindi namin lubusang kilala kung sino nga ba kami? Paano namin masasabi na mahal namin ang pinakadulo ng aming pagkatao kung hindi namin lubos na nalalalaman lahat ng parte na bumubuo sa amin?
"Please stay with me, huwag mong tatangkain na iwanan ako, ngayon kita higit na kailangan Vreihya. Batid mong naguguluhan ang damdamin at isip ko ngayon ngunit asahan mong alam ko kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa akin."
Sino nga ba ang may-ari ng puso mo Mino?
"Babalik ako Alodia, ililigtas kita mahal ko."
Entrante! Mabilis na gumuhit ang matinding sakit sa aking dibdib nang maalala ko ang pangakong binitawan niya sa babaeng 'yon. Babalik siya para sa kaniya? Ililigtas niya siya? Paano naman ako?
And that beautiful child on his vision? Is she even ours?
Masakit! Ayoko na! Ayoko na!
"I love you," he stated quietly na tila ba mapanuyo niya akong binubulungan. My body trembled as I continued to suppress my tears. Those words isn't reassuring! I need actions! I need to see it! I need to feel it!
I will never be settled for less!
Third Person's P.O.V
Ilang sandali pa ay muling pumasok ang hari sa malawak na silid. Agad niyang nakita si Mino na prenteng hinihiwa ang pagkain sa kaniyang harapan at marahan itong kinain na tila walang nangyaring kung anuman kanina.
King Ozyrus slyly smirked and sat at the edge of the table and looked intently at Mino. Mino looked at him as well and he never broke the gaze as he drink the blood on the glass.
On his mind, Vreihya's blood is much sweeter than that animal blood. "We'll talk," malamig na pahayag ni Mino at maangas na pinahid ang dugong nasa kaniyang labi. Bahagya lamang na tumango ang hari at prenteng sumandal sa upuan.
"Who am I? I saw how you bowed down to me as if I am someone higher than you," Mino said but the king tightened his grip on the table.
"What if we made a deal?" the king coldly stated and Mino raised a brow.
"Spill it," Mino replied.
"I will tell you who you really are if you can save my daughter and get her back here alive," the king stated with such intenseness on his voice. Mino greeted his teeth, as much as possible ay gusto niyang umiwas kay Alodia.
He know pretty well the pain that Vreihya is feeling right now at ayaw niya iyong dagdagan. He also doubt himself if he can't feel anything for her despite her being his past. Hindi niya gustong makasakit lalo na ang iparamdam kay Vreihya na hindi siya ang nag-iisa sa kaniyang puso.
But he needs this! On the back of his mind, knowing who he really is will be the key to end all of this! Paano siya lalaban at iibig kung hindi niya tunay na kilala ang kaniyang sarili?
"Where is she?" mabilis na tanong ni Mino and that made Vreihya felt the pain again. Mino is now accepting the idea of saving his former princess.
"King Zakarias had her for decades now! That bastard!"
Mabilis na nabiyak ang lamesa sa dalawa nang marahas na sinalampak ng hari ang kaniyang kamay. Gumawa ng marahas na ingay ang nalaglag na mga bagay sa lamesa. His claws emerge all of the sudden and he let out a harsh growl at hindi maiwasan ni Mino na kilabutan dahil sa nakakatakot na presensya ng hari.
"Where is he keeping her?" mabilis na tanong ni Mino.
"Hell," madiin na sagot ng hari at marahas na napakunot ang noo ni Mino. Hell?
"He's the king that can manipulate fire, and where does fire reign wildly and free?" mabilis na sagot ng hari dahil alam niyang tila naguluhan si Mino.
"Why can't you save her?"
"Dahil papatayin siya kapag nagtangka akong kumilos laban sa kaniya! He had the upper hand! He had the control over me! Kahit sinong malakas na ama ay manghihina kung nasa panganib ang kaniyang anak!" malakas na singhal ng hari na siyang dumagundong sa buong silid.
"Then why do you need me to do it?"
"Dahil nang tinalikuran mo ang anak ko ay nawala ang kaniyang kapangyarihan! Nawalan siya ng kakayahan na protektahan ang kaniyang sarili! King Zakarias took that as an advantage to abduct her! Kasalanan mo ang lahat!" malakas na sigaw ng hari at mas lalong tumalim ang kaniyang paninitig kay Mino.
"Sino ka para umibig nang malaya habang nagdudusa ang aking anak dahil sa kagagawan mo!?" mabilis na sumbat na muli ng hari.
Mino felt defeated, kahit pa sinabi ng hari na mas mataas siya kaysa sa kaniya ay hindi niya naman iyon natatandaan nang husto kaya hindi niya din magamit bilang isang paraan upang umiwas sa pinapagawa ng hari.
"Fine! I'll save her!"
"You should!" malamig na pahayag ng hari.
Sa kabilang banda ay patuloy na nagdaramdam si Vreihya. On her mind, a lingering question of what about saving her? Tila nalimutan na ata ni Mino na kailangan din ni Vreihya ng pagliligtas. She's scared about the idea of Mino and that princess seeing each other and reviving the love that they both shared before.
Paano naman si Vreihya?
"Better be prepared with Zakarias' new ally!" mabilis na saad ni haring Ozyrus at agad na tumingin sa larawan ng kaniyang magandang anak.
"Who?" maikling sagot ni Mino at muling tumitig sa magandang larawan ngunit mabilis din na nag-iwas nang muling humigpit ang tila tali sa kaniyang dibdib.
"The new holder of the prophecy, princess Circa of Nordalez and her mate, the prince of Calixtas."