Mino's P.O.V
What I am expecting to experience after they captured me is to be chained and tortured from skin to bone but my state right now is something out of the ordinary.
Well, bakit ba hindi pa din ako nasasanay sa mga magugulo at nakakagulat na mga bagay na nangyayari sa mundong ito.
I looked at the glass of blood in front of me, I do wonder if it's a human blood or from some unfortunate animal. I am held captive yet they dress me into a formal royal attire, as if I am one of them.
They let the servant serve me and let me have a seat at this long table filled with festive food na para bang isang barangay ang kakain. I raised my eyebrow, what is up for this show?
Ilang sandali pa ng tahimik kong pag-iisa sa mahabang mesa ay marahan na bumukas ang malaking pinto. Agad na bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki. Masasabi ko na may kaedaran na siya ngunit nanatili ang kaniyang magandang anyo at kakisigan. Tss... vampires!
Agad akong napatingin sa koronang nasa kaniyang ulo ngunit nang makahakbang na siya papasok ay marahan niya itong tinanggal at ipinatong sa maliit na unan na hawak ng taga-silbi upang magsilbing patungan ng kaniyang korona.
Hindi ko pa man siya kilala ay ramdam ko ang kaniyang lakas at awtoridad. Tila natigilan sa paghinga ang mga tagapag-silbi na nasa silid habang marahan na tumutunog ang kaniyang pangyapak.
Seryosong-seryo ang ekspresyon nito ngunit may kakaibang lungkot na nanghahari sa kaniyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakaupo na siya sa malayong dulo ng mahabang lamesa tsaka niya sinalubong ang aking paninitig.
I saw him somewhere, I just need to remember when or where. We are both just staring at each other na tila ba nagsusukatan ng lakas. Who is this king?
"Get to the point old man," malamig kong saad sa kaniya. I don't want to ask him why his servants treated me nicely despite the fact na ako na ata ang pinakakinasusuklaman na nilalang sa mundo na ito dahil sa ginawa ko kay Vreihya na hindi ko naman alam kung ano.
Agad akong natigilan dahil sa ginawa niyang pagngisi, hindi ko mapagkakaila na nakakaramdam ako ng kakaibang presensya na nanggagaling sa kaniya.
"Do you know me?" malamig na saad niya sa akin gamit ang kaniyang tinig. "You're definitely not the ruthless king Zakarias that I heard about," I answered quickly and casually lean on the chair.
"You're certain with that idea because?" he asked while directly staring at me na tila ba hinuhukay ang buo kong pagkatao. He's really intimidating, his stare, his posture, his voice and even the way he sit, he's definitely a scary king.
"First of all, you entered this room then put down your crown, indicating that you never wanted your title or you don't want your visitors to feel like they are talking to someone at the higher account, you want them to feel like you are just their level. That, old man, is very different from a king that wanted to execute innocent lives of both humans and his race just because they are mated to humans or vice versa."
I saw a sly grin formed on his lips and then it hit me quickly. I remember him now, the intimidation that I felt earlier was turned into a complete easiness now that I knew and remembered him.
"The first time I saw all the kings and queens of other kingdoms, you're the one who looked at me coldly but also the only one whom I sense no hatred towards me," I stated, remembering the moment I saw all of them when they held the villagers captive and made me battle for a duel.
Agad niyang pinagsalikop ang kaniyang palad sa ibabaw ng lamesa at muli siyang ngumisi at marahan na napailing. Ilang sandali pa ay agad na lumapit sa kaniya ang isang tagasilbi at marahan na yumuko ito upang magbigay galang sa hari na nasa kaniyang tabi.
Agad na nangunot ang noo ko dahil sa nangyari. "This is my trustworthy servant, Mathew, all his life he pretended to be my son, he acted like he wanted to be the princess's mate," malamig at seryoso niyang saad.
Okay? What will I do with that information?
"Pagod na pagod na akong magpanggap, pagod na pagod na akong magkunwari na para bang kagaya ako ng ibang kaharian na may anak na prinsipe na nais na makaisang dibdib ng prinsesa dahil lamang sa gusto ko na dugo ng aming pamilya ang manalaytay sa susunod na dyosa ng buwan."
My eyebrow furrowed because of his statement, wait what?
"Your expression is giving me a conclusion that you don't know anything do you?" seryoso niyang saad at marahan siyang napailing sa akin.
All I know that I am Vreihya's mate and I will be the father of her child. I don't know anything about having a bloodline for the Goddess. Ang alam ko lang ay humihina ang kaniyang kapangyarihan and she needs me as her vision. Nothing more and nothing less.
"Vreihya's child will replace the Goddess above," he stated coldly at agad akong natameme sa kaniyang sinabi. Re-replace? Her child will replace the Goddess?
"As you can see, it is big deal for the other kingdom to get rid of you so that Vreihya can marry a royalty to make the bloodline of the child more rightful to be a ruler. Walang may gusto ng isang dyosa na may dugo ng isang tao."
"Well that's bullshit!" mabilis kong singhal sa kaniya at agad na nagtapon sa akin ng matalim na titig ang tagasilbi sa kaniyang tabi.
"So that explains why the other kingdoms wanted to get rid of me," madiin kong pahayag na muli. "Paano ko naman masisiguro na hindi mo talaga ako balak na paslangin gaya nila? A fancy treatment will not make me trust you!"
Mabilis siyang ngumisi sa akin na tila ba may nakakatawa sa sinabi ko. Sa kanyang kumpas ay muling bumalik sa kaniyang kinatatayuan ang tagasilbi. Agad na tumikhim ang hari na nasa aking harapan bago niya muling sinalubong ang aking paninitig.
"There's no sense of executing you right now dahil hindi na si Vreihya ang may hawak ng propesiya," he begun at mabilis na kumunot ang noo ko. "Before she died because of your doings, she already passed the prophecy to someone else and she did it voluntarily."
WHAT? Bakit ba kanina ko pa naririnig na ako ang may kasalanan sa pagkamatay niya? What the hell? She is alive! Buhay na buhay! And to whom she passed that so-called prophecy thingy?
"Ang tanging rason na lamang ngayon kung bakit ka nila nais patayin ay dahil pinatay mo ang kaisa-isang prinsesa na dapat sana ay kokompleto sa propesiya."
Gusto ko sanang sumigaw sa kaniya na buhay si Vreihya at kahit kailan ay hindi ko siya pinatay ngunit wala akong tiwala sa kaniya! I don't want to risk the fact that I knew to some king that I don't fully trust!
Besides, he's one of those who attack the kingdom kaya hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan ng kahit ano.
"Then, if they wanted to kill me then why don't you do the same?" mabilis kong tanong sa kaniya. Kahina-hinala ang maayos na pagtrato sa akin sa lugar na ito.
"You don't really remember anything do you?" makahulugan niyang saad sa akin na muling nagbigay sa akin ng kaguluhan. What the hell is this again?
Agad kong narinig ang ingay na ginawa ng upuan nang mabilis siyang tumayo at nagtungo sa isang pader ng palasyo kung saan may nakasabit na isang tela.
Sa tansya ko ay isa itong malaking larawan na tinatakpan ng mahaba at pulang tela. Ilang sandali pa ay hinila niya ito pababa at agad akong natigilan sa larawan na aking nakita.
It is a portrait of a very beautiful woman wearing an elegant gold dress at bakas ang matinding kasiyahan sa kaniyang mga ngiti ngunit natigilan ako nang makita ko ang magagandang pares ng kaniyang mga mata.
Both of my hands trembled when I saw her eyes ngunit mas lalo akong nabigla dahil sa biglaang pagwawala ng aking puso dahil biglang sumagi sa aking ala-ala ang sanggol na hawak ko, her eyes were scarlet red like the child.
What's the meaning of this? Hindi ko siya kilala ngunit bakit tumitibok nang ganito ang aking dibdib. "FUCK!" agad kong napamura nang bigla kong naramdaman ang gumuhit na sakit sa aking ulo.
Mabilis akong nawalan ng balanse at nahulog sa gilid ng aking upuan. Damn it! Mabilis na nanginig ang aking katawan tsaka unti-unting lumiwanag ang paligid. Ilang sandali pa ay agad kong naramdaman na tila may tangan ako sa aking mga bisig.
Nagtataka akong luminga-linga sa aking paligid at halos kilabutan ako nang makita kong ito din ang lugar na nakita ko sa pangitain na pinakita sa akin ng dyosa. What the hell? Bakit ako nandirito?
Nasa gitna ako ng pagkalito nang agad kong narinig ang pag-iyak ng isang sanggol. I looked at the thing that I was holding in my arms and my eyes widened when I saw the baby again.
Katulad ng dati ay narinig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa galak na mahawakan ko siyang muli. Muli kong nakita ang kaniyang magagandang mga mata ngunit napupuno na ito ng mga luha.
Mabilis ko siyang inalo upang tumahimik sa pag-iyak ngunit mas lalo siyang humagulgol. Oh God! She's just so beautiful! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng saya dahil naririnig ko ang kaniyang munting pag-iyak.
Ilang sandali pa ng pagpapatahan ko sa kaniya ay hindi pa din siya humihinto. Oh God Mino! You suck at this!
Marahan kong hinalikan ang kaniyang maputing pisngi. Damn it! I love how warm her skin was against my lips. Tila isa siyang babasagin na bagay na gustong-gusto kong protektahan. Ilang sandali pa ay agad akong napatingin sa presensyang nararamdaman ko na papalapit.
It's a familiar presence kaya naman hindi ko na napagilan ang aking sarili na mapangiti dahil muli ko na naman masisilayan ang magandang binibini na tangi kong iniibig.
"Vreih-"
But I was stunned when it wasn't the gorgeous princess that made my heart beat widely. I saw the beautiful woman on the portrait standing elegantly in front me with a warm smile on her lips.
Nagsalubong ang aming mga mata ngunit tuluyan akong hindi nakapagsalita dahil sa kaniyang pulang mga mata. Her eyes were glowing red na siyang tila pares ng mga mamahaling ruby.
"Almino, you always made her cry," she stated on her warm voice at nagulat na lamang ako nang nawala na sa aking mga bisig ang sanggol. I am looking at her right now while she is humming a sweet song while looking at the baby on her arms.
A-Almino?
Tulala ako na napaatras nang makita ko kung paano magiliw na tumawa ang sanggol habang magkasalubong ang magkasing kulay nilang mga mata.
What's the meaning of this? Who is she? Why am I having a vision with her and that child together?
Marahas akong umiling habang patuloy na lumalakas ang kaniyang mapanuyong pag-awit sa sanggol na siyang hindi na magkamayaw sa masayang pagtawa habang magkasalubong ang kanilang mga mata.
Their eyes... why on earth they have the same eyes?
Ilang sandali pa ay mabilisan akong hinila pabalik sa aking wisyo. I breathed heavily habang hawak-hawak ang aking sintido. No! No! Those are all lies! Who is she!
Hindi pa man ako nakakabawi ngunit naramdaman ko ang isang mahigpit na sakal sa aking leeg. Ilang sandali pa ay nakaangat na sa ere ang aking mga paa habang matiim na nakatitig sa akin ang hari sa kahariang ito.
His stares, I will be lying if I said that it didn't gave me any chills. His face remain emotionless but his presence is enough to send me to the grave.
" I can kill you if I wanted, if all I want is that stupid power or a name! All I wanted is to bring back my daughter!" he begun coldly habang mas lalong dumidiin ang kaniyang pagkakasakal sa akin.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit matagal na siyang wala sa aking tabi! Kagagawan mo kung bakit kailangan kong magtiis nang ganito! Kasalanan mo ang lahat!" galit niyang singhal habang tila pinapatay ako ng kaniyang titig.
Okay! Binabawi ko ang sinabi ko na hindi siya galit sa akin! He's beyond furious at me right now! Ano na naman ba ang ginawa ko?
"I- I don't understand!" nahihirapan kong saad dahil babaliin niya ata ang leeg ko. Damn it! He's too powerful with just his bare hands!
"My daughter is your forgotten mate! And you will save her whether you like it or not dahil kung hindi, sinisiguro ko sa iyo na wala kang uuwian na mga magulang!"