Third Person's P.O.V
"It still pains me to think that I wanted to be the best for you, to be worthy for you, to be able to reach your level yet all of those time that I am thriving, you given me nothing but pain and agony in return."
The only part that she heard as she felt a presence walking out of the room. She felt the pain, agony and the rage on that statement that when she opened her eyes, warm tears escaped on it as if her heart sympathize with his pain.
She quickly held the bedsheets on her palm and suppressed her sobs and cries as she buried her face on the bed.
Her shoulders begun to tremble as she feels the pain not just on her back but in her chest too. It is like crying for his name yet she knew very well that he can't come and held it for her without breaking it back.
So this is a game of breaking hearts and causing pain to one another.
Mino and Alonzo both walked to the vast and long hallway, Mino is about to utter something but he felt the strong presence again.
Bahagya silang tumigil sa paglalakad habang tila nagtataka si Alonzo sa kung anong nangyayari. He is about to inquire about what is happening ngunit mabilis siyang naglaho.
"Damn!" marahas na napainda si Mino nang makaramdam siya ng isang pwersa na tila tumama sa kaniyang ulo dahil sa matinding sakit.
He quickly knelt to the floor while holding his head habang tila nagsisimulang umikot ang kaniyang paligid. Tila umikot nang mabilis ang kaniyang paligid na lalong nakadaragdag sa kaniyang sakit na nararamdaman.
"Stop this!" nahihirapan niyang saad.
"Ang binibining hindi iniingatan ng kapareha ay binabawi ng prinsipeng nagmamahal sa kaniya."
Marahas na napatingin sa kaniyang paligid si Mino sa kabila ng sakit na nararamdaman dahil sa tinuran ng matandang tinig.
"Ang binibining hindi iniingatan ng kapareha ay binabawi ng prinsipeng nagmamahal sa kaniya."
This is his dream yet someone seems to be in control. Mabilis na pumasok sa isip ni Mino ang prinsipeng tinutukoy ng tinig.
Mabilisan siyang tumayo kahit na nakakaramdam ng hilo at sakit. Kasabay ng kaniyang nahihirapang pagtindig ay ang pagtigil ng pag-inog ng kaniyang paligid maging ng sakit na kaniyang nararamdaman.
Napansin niya na tila mabilisan na uminog ang panahon dahil sa biglaang paglamig ng temperatura ng paligid. Tila mas lalong kinumpirma nito ang kaniyang hinala.
Mabilisan siyang nagtungo sa silid ni Vreihya ngunit bahagya siyang natigilan nang makita na wala ito sa kamang hinihigaan lamang niya kanina.
Agad na bumugso ang malamig na hangin mula sa veranda ngunit agad napukaw ang kaniyang pansin dahil sa nagyeyelong paligid at mabilisang pagpatak ng mga nyebe.
"Calix!" madiin niyang pahayag sabay bumaling ng tingin sa presensyang kaniyang naramdaman sa sulok at agad niyang nakita ang prinsipe ng mga nyebe habang may ngiti sa mga labi ni Vreihya na tanda ng kasiyahan.
Bahagya siyang napatigil dahil sa nakakulong sa isang malaking kulungan si Vreihya. The cage is made of flawless ice but what he can see is happiness on Vreihya's eyes and the way she smiles is very far from the fear he had caused.
Isang makapal na kasuotan na ang suot nito at tila nananabik siyang malaman kung kamusta na ang mga sugat nito ngunit pinili niyang itikom ang kaniyang bibig.
Umalingawngaw ang magiliw na pagtawa ng binibini habang may kinang sa mga mata nito habang nakatangin sa prinsipeng kaniyang kausap.
A sharp dagger pierced on his chest and he can feel the bleeding pain alongside of it. He breathed slowly as an attempt to calm himself. If there is a competition, he needs to be kind in order for Vreihya to not depend fully on Calix.
Marahan siyang lumapit sa dalawang masayang nagbibiruan kahit pa hindi maintindihan ni Mino kung bakit nakakulong si Vreihya sa makinis na kulungang yari sa yelo.
"Hi, what's happening in here?" malumanay na tanong nito. Sabay na napatingin sa kaniya ang dalawang ngunit rinig na rinig kung paano iniatras ni Vreihya ang kaniyang sarili sa gilid ng kulungan na tila takot na takot.
"Hey cousin, can we talk?" masayang saad ni Calix kay Mino at tumayo ito at iniayos ang mga kusot sa kaniyang pang-maharlikang kasuotan.
Tila kumunot pa ang noo ni Mino sa tawag sa kaniya ng prinsipe ng nyebe ngunit ano pa nga ba ang aasahan niya. What's happening right now is weird enough.
Mabilisan silang nakalabas ng silid at kasalukuyang naglalakad sa harding nababalot na ng makakapal na nyebe.
"You're a jerk you know?" panimula ni Calix at bahagyang napatigil si Mino sa paghakbang sa mga nyebe sa lupa.
"Why?" nakataas na kilay niyang tanong sa prinsipe na nagsisimulang ibuka ang kaniyang palad upang lumikha ng maliit na nyebeng bola.
"You left her and you never came back for a month, ni hindi mo na siya dinalaw at ngayon ka lamang bumalik. She was left alone in that lonely room," madiin na pahayag ni Calix. Nagsisimulang magkaroon ng maliliit at matutulis na yelong tinik ang kaniyang maliit na bolang nyebe.
Mino's lip parted a bit because of Calix's remarks, ang alam nilang lahat ay isang buwan niyang iniwan na nakakulong si Vreihya sa kaniyang silid at ni hindi na dinalaw pa.
That sounded so cold.
"Do you know why she is inside that cage?" agad na usal ng prinsipe at agad na dinurog sa kaniyang palad ang bolang nyebe.
"Every time that I give her my company for the past weeks, she always beg for me to lock her up on a cage so you can't harm her. What the hell have you done to her?" biglang naging matalim ang tono ng kaniyang pananalita at mariin na tumingin kay Mino.
"How can you do that to a poor woman like her!" mabilis niyang panunumbat ngunit kaagad na ngumisi si Mino.
"You knew nothing! Bakit hindi ka na lang manahimik and just build a freaking snowman," agad na sagot pabalik ni Mino sa kaniya.
"You're being irrational!" madiin na turan ni Calix pabalik habang nakikipagsukatan na ng titig kay Mino.
Agad na napangisi si Mino sa kaniyang kausap. "Me? Irrational? How can you say that to me when you knew nothing! You're just a part of this stupid dream!" mabilis na pambabara ni Mino sa prinsipe ng nyebe.
"Fuck this! I will stop this act! It's me silly! I am the prince who knew very well what happened to you! Hindi ako makapaniwala na ganito mo siya itatrato kahit sa panaginip mo! This is too much Mino! You let her be hurt, be harmed and you even scare the hell out of her!" Calix's exclaimed harshly at Mino who was taken aback by his statement.
"So what? Ganiyan din naman ang pinaramdam niya sa akin! Wala pa ang sakit na nararamdaman niya sa pinaramdam niya sa akin!" Mino exclaimed back at him habang pareho na silang may nagniningas na mga mata.
"Mababago ba ng paghihiganti mo ang lahat? Mapapatawad mo na ba siya when you succeeded breaking her into pieces? Gagaan ba ang pakiramdam mo o mas higit ka lamang madudurog dahil tuluyan na siyang mawawala sayo!" pangangatwiran ni Calix kay Mino na tila hindi pa din nagbabago ang isip.
"What if this dream is your last chance to see her? Paano kung ito na lamang ang huling paraan na makakasama mo siya? Would you rather waste that with plotting this revenge of yours!" dagdag niya pa at tila mas lalong bumilis at lumamig ang pagpatak ng mga nyebe sa paligid.
"Picking the pieces of a broken heart and using it to stab the one who hurt you will make you bleed even more in the process," makahulugang pahayag ni Calix bago ito unti-unting naglaho.
Tanging si Mino na lamang ang natitirang nakatayo sa gitna ng tahimik at nagyeyelong hardin. This is what he can feel right now from the inside. Cold and alone.
With his mind being clouded, he found himself standing in front of Vreihya while she is hugging herself. Nakasiksik ito sa dulo ng kulungan upang makalayo nang husto kay Mino.
"Talk to me," tila mahinang utos ni Mino sa binibini na agad na nangatal dahil sa kaniyang tinig. Mas lalo siyang nagsumiksik sa kulungan na tila ba nakadepende ang buhay niya doon.
"Freaking talk to me Vreihya!" malakas niyang bulyaw sa binibini at tila bata nitong tinakpan ang kaniyang tenga at pumikit nang marahas dahil sa takot.
"I want Calix! Calix please help me! Calix! Calix!" paulit-ulit na pagmamakaawa niya para sa prinsipe ng mga nyebe habang patuloy niyang tinatakpan ang kaniyang tenga at marahas na nakapikit ang kaniyang mga mata.
"Vreihya I-" mahinang bulong ni Mino habang napaatras siya ng kaniyang hakbang dahil sa kaniyang narinig. It feels like his heart wanted to stop beating as her words echoed to his mind.
Isn't it what he wanted? To treat her badly, to make her feel weak and in pain? Yet, he is not getting the satisfaction he needed. Calix is right, he is bleeding even more while trying to hurt her back. It's like a double-edged sword and he is the one getting stab deeper.
"Calix! Calix! Please Calix help me," paulit-ulit na pakiusap ng binibini na nagsisimula na muling maiyak. He can see how her body trembled and how desperate she is to call his prince charming just to make her feel safe.
He was the one who supposed to do that, he's the one she supposed to call whenever she felt unease yet here he is, giving her reasons to feel unsafe and terrified.
Marahan na mas lumapit si Mino sa kulungan ng binibini habang mas lalong lumalakas ang tawag nito sa pangalan ng prinsipe ng nyebe. Nabalot ng pagsusumamo at pagluha ang bawat banggit niya ng pangalan ni Calix.
It was like she is enchanting a spell that stabs Mino straight from the heart. His hands were trembling as he lay his fingers on the frozen cage as he witness how frightened his princess is. A sight that he planned yet caused him to hear his heart shuttering into pieces as he try to wipe the blood yet drowning on it further.
He is about to utter some words ngunit agad niyang naramdaman ang isang malakas na presensya sa kaniyang likuran. "Mino! Anak! Kinakailangan ninyong tumakas!" mabilis na turan ng nag-aalalang tinig.
Kapwa mabilis na tumingin si Vreihya at si Mino sa tinig ng reyna na kasalukuyang nagbubukas ng portal sa kaniyang likuran.
"Ina? Why?" tila naguguluhan na turan ni Mino habang kitang-kita ang naluluhang reyna. Matagumpay na nagbukas ang portal sa kaniyang likuran at rumehistro dito ang isang pamilyar na lugar.
Ang disyerto ng Valhala, the dessert where they hid, a place where Vreihya made her own palace and forest to be their fortress.
"Anak! Bigla ko na lamang naramdaman na wala na ang Tiyo mo, ang kapangyarihan niya ang dahilan kaya hindi nila nalalanghap ang samyo ng iyong kapareha, sa bigla niyang pagkawala ay paniguradong susugurin ng mga gutom na bampira ang-"
Kapwa sila napatigil nang marinig nila ang mabibilis na yabag at ang mga nakakakilabot na ungol sa paligid.
Tila mas lalong kinilabutan at natakot si Vreihya para sa kaniyang buhay dahil sa narinig. Lalo siyang namutla at naiyak dahil sa narinig na masamang balita.
"Damn it! Come with me!" agad na inilahad ni Mino ang kaniyang kamay upang ayain si Vreihya na lumabas sa kulungan ngunit marahas siyang umiling.
"Just let me die here! Wala din naman pinagkaiba kung sasama ako sa'yo!" umiiyak na sumbat ng binibini at mas lalong nagsusumiksik sa kulungan.
Tila mas lalong lumalapit ang mga presensya sa paligid habang mas lalong nagiging kakila-kilabot ang mga ingay na kanilang ginagawa.
"Vreihya please! Let me save you," tila nahihirapang pakiusap ni Mino habang hindi na niya maiwasan na matakot para sa binibini.
"No! Ang tanging nais mo lamang ay saktan ako, your cruel! Just let me die!" panunumbat ng prinsesa sa kabila ng takot na nararamdaman sa kaniyang dibdib.
Tila natigilan si Mino sa sinaad ng binibini habang nakadaragdag pa sa kaniyang pag-aalala ang papalapit na mga ingay at presensyang tila hindi magpapaawat.
Marahas niyang hinawakan ng dalawang kamay ang kulungan at pinuwersa itong buksan. Agad na gumawa ito nang malakas na ingay dahil sa marahas na pagbukas, mabilis na itinapon ni Mino ang parte ng kulungan na kaniyang tinanggal.
"HUWAG KANG LALAPIT!" malakas na sigaw ni Vreihya at marahas siyang tumayo sa kinasasalampakan upang mas lalong isiksik ang kaniyang sarili.
"Vreihya please!" pagmamakaawa ni Mino sa kaniya ngunit marahas na umiling ang binibini.
Marahas na ngumisi si Vreihya habang tinitignan ang prinsipe sa kaniyang harapan. "What am I seeing in your face? You're worried? For whom? For me? You've done terrible things to me, iniwan mo din akong mag-isa sa silid na ito and then you're coming back here acting all worried!" malakas na sumbat ng prinsesa.
Akma na sanang sasagot si Mino ngunit agad na napatili si Vreihya at malakas na naalog ang kulungan dahil sa marahas na pagpasok at pagtama ng isang nababaliw na bampira na tumalon mula sa veranda.
Agad na nanlilisik ang mga mata nito nang makita na ang mortal na siyang pinagmumulan ng mabangong samyo. Mabilis na nanginig sa takot si Vreihya habang nagwawala na ang halimaw upang mahawakan siya ngunit mabilis na sinakal ni Mino ang halimaw at nalabas siya ng malakas na boltahe na siyang tumusta sa hawak niyang halimaw.
He growled and his fangs and claws emerged at marahas niyang tinapon ang sunog na bangkay sa veranda.
Marahas na nagtitili dahil sa takot si Vreihya dala ng nasaksihan kaya naman siya na mismo ang lumabas sa kulungan. Akma na sana siyang tatawid sa portal ngunit agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may bampirang naglalaway na tumalon patungo sa kaniya.
Nagmula din ito sa bukas na veranda, mabilisan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at naramdaman ang mga bisig at ang malamig na katawan na yumakap sa kaniya.
Sa kaniyang pagdilat ay nakita niya ang pagyakap sa kaniya ni Mino habang ang likod nito ang nakaharang sa halimaw. Mabilis na tila sumuka ang halimaw kasabay ng pagpatak ng marahas na tubig.
Agad siyang binuhat ni Mino upang mapabilis ang pagtawid tsaka niya bahagyang natanaw ang halimaw na sumusuka ng tubig na minanipula ng reyna. Tila nalunod ito kahit wala siya sa malalim na tubig.
Mabilis na tinawid ni Mino ang portal at agad na yumakap sa kanila ang mainit at nakakapasong disyerto.
"Bitawan mo ako!" mabilis na pumalag si Vreihya at agad siyang nabitawan ni Mino. Akma na sana siyang tatakbo ngunit nanlaki ang mata niya nang makita ang isa pang bampirang tila sabik na sabik na nakatalon sa portal habang ang reyna ay nakikipaglaban na sa mga iilan na nakapasok.
Muntik na siyang maabot ng bampira ngunit mabilis na nahawakan ni Mino ang leeg nito at marahas na itinapon pabalik sa portal. Mabilis itong tumalsik at tumama sa panibagong bampira na papasok sana sa portal. Mabilis na gumawa ng ingay si Mino habang nakalabas ang kaniyang mga pangil. His growl is like a warning that no one can harm Vreihya.
"Mag-iingat ka aking anak," mabilis na tumingin at tumango si Mino sa kaniyang ina bago sumara ang portal.
Agad siyang humarap at nagulat nang bigla na lamang lumapat sa kaniyang pisngi ang malutong na sampal ni Vreihya. Bahagya siyang natigilan ngunit agad nanlabo ang kaniyang mga mata at mabilisan siyang bumagsak sa mainit na buhangin nang nakadapa.
Agad na napatakip sa kaniyang bibig si Vreihya nang makita niya ang malalim na sugat sa likuran ni Mino, muntik pa siyang masuka nang makitang halos nakikita na ang kaniyang buto sa likuran.
Mabilis na tumakbo palayo si Vreihya. In her mind, this is her chance to escape from the prince she despised the most.