Chereads / One Bite To Another / Chapter 74 - COMFORT

Chapter 74 - COMFORT

Third Person's P.O.V

She run quickly, away from the man that caused her nothing but harm and fear ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng pagtakbo ay agad na mabilis na nagdilim ang kalangitan.

Agad siyang napatingala sa itaas dahil mabilis na natakpan ang araw at mabilis na dumagundong ang kulog at kidlat.

Tila agad siyang kinilabutan sa atmospera ng paligid sa gitna ng malawak na disyerto. Ilang sandali pa ay mabilis siyang napatakip sa kaniyang tenga at napapikit dahil sa maliwanag na kidlat na gumuhit at sinundan ng isang malakas na kulog.

Sunod-sunod na bumuhos ang malalakas na patak ng ulan at mabilis na lalong bumigat ang kaniyang kasuotan dahil sa mabilisan itong niyakap ng ulan. Marahas siyang napatingin sa nakahandusay na prinsipe na ngayon ay kaawa-awang nababasa habang walang malay.

Panandalian siyang natigilan at nag-isip kung babalikan niya ba at tutulungan ang lalaking nanakot sa kaniya nang husto o magpatuloy sa pagtakbo palayo hanggang sa makakita siya ng kabayanan na pwedeng taguan.

Akma na sana siyang tatakbo ngunit agad siyang natigilan, mga halimaw nga pala ang mga naninirahan dito. Paniguradong kapag napunta siya sa kanilang kabayanan ay agad siyang lalapain.

Agad siyang napahinto at napayakap sa sarili habang patuloy na bumubuhos ang malamig na ulan. Mukhang wala siyang ibang pamimilian kundi ang manatili sa tabi ng walang malay na prinsipe.

Mabilis siyang tumakbo pabalik ngunit napapatakip siya sa kaniyang tenga dahil sa dumadagundong na kulog at may kasama pang gumuguhit na kidlat.

Agad siyang umupo sa tapat ng mukha ng prinsipe na mahimbing na natutulog habang dumadaloy na ang patak ng ulan sa kaniyang matangos na ilong.

"Damn it! Wala tayong masisilungan," naiinis niyang pahayag na tila ba sinermunan niya ang prinsipeng walang malay.

Marahas niyang inalis ang nakadoble sa kaniyang makapal na dress at mabilis itong itinapal sa sugat ng prinsipe na patuloy na nagdurugo. Mabilis na nabasa ang kulay lila niyang manipis na suot sa ilalim.

Agad siyang marahas na napasabunot dahil sa tila wala siyang magawa kundi ang maupo at tiisin na mabasa ng malakas na ulan na tila delubyo na ata. Hindi niya maiwasan na mag-alala para sa prinsipeng sugatan sa kabila ng kaniyang galit.

Ngunit agad siyang napatayo at napasapo sa kaniyang bibig nang makita niyang tila may tumutubong mga damo na nagmumula sa nakadapang katawan ni Mino. Marahas siyang napaatras nang mabilis itong kumalat sa paligid.

Mabilis na tumubo ang malalaking puno sa paligid na tila nagsisimulang magkaroon ng isang gubat sa gitna ng disyerto. Mabilis na napaatras at nawalan ng balanse si Vreihya habang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Bigla-bigla na lamang nagkaroon ng matatayog na mga puno, mga bulaklak at malalagong mga damo. Namamangha siyang napatingala at naharangan ng malalagong dahon at sanga ng mga puno ang mararahas na patak ng ulan.

Akala niya'y doon na magtatapos ang mga kakaibang bagay na kaniyang nakikita ngunit mas lalo siyang natigilan ng unti-unting may nabubuong isang palasyo na kaniyang natatanaw sa hindi kalayuan.

Tila mabilis na gumagapang ang malalaking ugat at mga kahoy upang bumuo ng isang kastilyong matayog.

Rinig na rinig niya ang mga kaluskos at tunog na ginagawa ng mga ugat, sanga at mga kahoy upang buuin ang kastilyong siyang magsisilbi nilang silungan at pansamantalang tahanan.

Nanindig ang kaniyang balahibo dahil sa nasaksihan ngunit agad siyang napatili sa gulat ng may isang baging mula sa malapit na puno ang tila humawak sa kaniya.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata na napatingin dito ngunit marahan nitong itinuro ang direksyon ng nakabulgtang si Mino.

Unti-unting umangat ang katawan nito habang may namumuong higaan sa kaniyang ilalim na gawa sa mga baging. Marahan itong gumalaw patungo sa direksyon ng palasyo habang hindi makagalaw sa kaniyang kinasasalampakan ang binibining hindi na makapag-isip nang maayos.

Bahagya siyang nagulat ng alalayan siya ng isang sanga upang makatayo na siya namang nagawa niya. Marahan siyang itinutulak na tila ba sinusuportahan ang kaniyang timbang upang hindi siya matumba.

Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na nasa loob na nga palasyo habang patuloy na gumagalaw ang higaang baging ni Mino patungo sa hagdanan.

"Sandali! Saan mo siya dadalhin?" nag-aalalang saad ng binibini na ngayon lamang bumalik sa kaniyang katinuan.

Mabilis siyang tumakbo pataas ng hagdang yari sa kahoy nang hindi na niya matanaw kung naasaan na si Mino sa patuloy na pagtaas nito.

Mabilis siyang nakatungo sa pangalawang palapag ng malawak na palasyo ngunit sinalubong siya ng kadiliman.

Sa kaniyang paghakbang ay binalot siya ng kaba ngunit nagliwanag ang mga baging at iilang bulaklak sa sahig, pader at maging sa itaas ng pasilyo na siyang nagbigay liwanag sa kaniyang dadaanan.

Agad niyang nakita ang nag-iisang silid sa dulo ng pasilyo at mabilis niya itong tinungo. Sa kaniyang pagbukas ng pinto ay bahagya pa siyang namangha dahil sa mga makukulay na alitaptap at mga nagliliwanag na bulaklak sa paligid.

Tila nasa isa siyang nakakabighaning hardin habang may isang prinsipe na nakadapang nakahiga sa isang malaking kama sa gitna.

Bahagya pa siyang tumakbo palapit dahil sa pag-aalalang basang-basa pa ang dami nito at inihiga siya sa higaan ngunit mabilis siyang napatalikod nang makitang wala itong damit pang-itaas.

May makapal na kumot ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito ngunit tila nakaramdam siya ng pagkailang.

Ngunit hindi niya mapigilan na muling mapasilip sa prinsipeng nakahiga at natutulog nang mahimbing. Habang may mga paro-parong nagliliwanag sa itaas na bahagi ng higaan kung saan may nakalupon na mga baging at mga bulaklak.

Hindi niya maiwasan na mapatingin sa maamong mukha nito. Ngunit bahagya siyang napalapit sa higaan nang mapansin niya ang sariwa ngunit hindi na nagdurugong marka ng malalim na kalmot sa likuran nito.

Ngayon niya napansin na tila hindi bumagay sa makinis at maputlang likod nito ang malalim na sugat. Iniwas niya ang tingin niya doon dahil tila hindi niya maiwasan na matakot dahil sa sugat na iyon.

Batid niyang masakit ang mga iyon dahil siya mismo ay nakaranas na nito nang una silang magkita ng prinsipe na sinumpa na niya.

Bumaling ang kaniyang tingin muli sa mukha ng prinsipe, napansin niya ang may kabahan nitong buhok na bahagyang tumatakip sa kaniyang mata.

Bumaba ang kaniyang tingin sa matangos nitong ilong at sa mapula nitong mga labi. He has a long lashes and a thick scythe-shaped eyebrows that compliments his feature.

His jaw is concrete and sharp na tila ba pagtumiim ang mga ito ay paniguradong may mga binibining matutulala sa kaniya. She can help but notice his smell on the air. An earthy scent swirled around him combined with a sweet hint of a fragrant flower.

She can see the broad and defined muscles on his shoulder as well as on his masculine back. He looked stiff and uncomfortable in his sleep yet his gorgeous face states the opposite.

She is like staring into a Greek god came to life, his fingers were long as he can see the define details on them with his clean squoval nails.

Tila yata na-insecure siya sa kaniyang basang-basang itsura habang may ganitong kaperpektong nilalang sa kaniang harapan.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Vreihya nang bahagyang gumalaw si Mino upang ipilig sa kabilang banda ang kaniyang mukha ngunit naigalaw nito pababa ang kumot na tumatakip sa kaniyang ibabang bahagi ng katawan.

Mabilis siyang nagtungo sa kabilang gilid ng kama at mabilis na hinawakan ang kumot at iniangat ito nang bahagya dahil kunting baba na lang nito ay baka makakita siya ng hindi dapat.

Nagmamadali niyang inayos at bahagyang itinaas ang kumot upang maiwasan na lumislis ito at mawalan ng takip ang sensitbong parte ng katawan ni Mino.

Mabilis niyang binitawan ang iniayos niyang kumot at agad na napayakap sa kaniyang sarili dahil muli niyang naramdaman ang lamig ng kaniyang basang katawan at kasuotan.

Mabilis siyang napalundag nang bahagya dahil sa malakas na kulog na dumagundong na muli sa kalangitan. Agad na nangatal ang kaniyang katawan dahil sa lamig, matindi na ang kaniyang pagnanais na makapagpalit ng kaniyang damit o kaya may maibalot sa kaniyang katawan.

Marahas siyang nagpalinga-linga sa silid ngunit wala siyang ibang makitang bagay na maaari niyang gamitin pamalit o hindi naman kaya pambalot sa kaniyang katawan.

Nang sumagi ang kaniyang mga mata sa makapal at tila komportableng kumot ay bahagya siyang napalunok ng laway.

Marahas siyang umiling sa kaniyang sarili na tila ba kinokontra ang sumagi sa kaniyang isip. Mas lalong nangatal ang kaniyang katawan dahil sa lamig lalo na nang mas malakas na bumuhos ang ulan at naramdaman niya ang pagpasok ng malamig na hangin sa maliit na bintana sa silid.

Dali-dali niya itong isinara habang nanginginig ang kaniyang buong katawan ngunit tila wala pa din nagbago sa lamig na kaniyang nararamdaman. Kung mayroon lamang sanang kahit kurtina sa silid na ito ay baka iyon na ang kaniyang ginamit na pangontra sa lamig ngunit wala siyang nakita.

"Damn it!" nanginginig niyang bahayag habang nararamdaman na niya na may bumabara sa kaniyang lalamunan at bigla na lamang siyang napabahing.

"Oh God! Bahala na!" marahas niyang usal at hindi na niya pinigil ang kaniyang sarili. Mabilis niyang ibinaba ang zipper ng kaniyang mahaba ngunit manipis na lilang kasuotan.

Mabilis na bumagsak ito sa sahig at mabilis siyang humkbang palayo dito. She removed her soaking wet undergarments. Tila nanginig siyang lalo dahil sa yumakap sa kaniyang hubad na katawan ang lamig ng paligid.

Wala lang din naman kasing silbi ang makapal na kumot kung basa lang din siyang hihiga sa higaan at ibabalot ito sa kaniyang katawan.

Mabilis niyang tinungo ang higaan atsaka mabilis na isinilid at ibinalot ang kaniyang sarili sa makapal na kumot.

Agad siyang napahinga nang malalim nang mabatid niya ang init na dala ng makapal na kumot sa kaniyang katawan. Tila nakababad siya sa isang hot spring na siyang nagbigay sa kaniya ng ginhawa sa kabila ng lamig ng paligid at sa lakas ng ulan sa labas ng palasyo.

Unti-unti niyang nararamdaman na hinihila na siya ng antok ngunit bahagya siyang napatingin sa lalaking nasa kaniyang tabi. Nakapilig ang mukha nito sa kabila habang mahimbing na natutulog.

Unti-unting naipikit ni Vreihya ang kaniyang pagod na pagod na mga mata ngunit sa kaniyang nanlalabong mga paningin ay nakita niyang marahan na humarap sa kaniya ang mukha ni Mino na may kulay asul na liwanag sa kaniyang mga mata.

Ngunit tuluyan na siyang dinala ng antok nang maramdaman niya ang magaan na haplos sa kaniyang pisngi at tuluyan nang nandilim ang lahat nang maramdaman niya ang malambot at mainit na bagay na lumapat sa kaniyang noo.

Her heart became flustered as the god Hypnos (god of sleep) had triumphed to invade her system.