Vreihya's P.O.V
Flowers are expected to be beautiful in every way. No one likes the flower that has an ugly petal or a nasty scent, but, I am that kind of flower.
Sino nga ba ang magtatangka na umibig sa isang bulaklak na hindi lang tinik ang mayroon kundi may nakakadiring anyo din?
This is the side of me that I wanted to bury deep into my soul, not letting it take control of me again.
One of the reasons why I don't want to love someone, paano kung malaman nila na hindi pala ako ang maganda at perpektong prinsesa?
The other reason is obvious, I am already mated so why bother to entertain other lovers? But, this is the main reason on top of that.
How can he accept this kind of flower? My kind of flower?
"Circa! Run! Please just run!" nagmamakaawa kong pahayag sa babaeng aking kaharap ngunit isang masikip at madilim na paligid ang bumungad sa akin.
"No! No! Not this place again!" panic is visible with the way I exclaimed habang inililinga ko ang aking paningin sa aking paligid.
Hindi ko nagustuhan ang unang beses na napunta ako sa lugar na ito at hanggang ngayon ay hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam na tila nakakulong at walang tatakbuhan.
Agad kong nakita ang isang malaking salamin sa aking harapan na hindi lamang nalalayo sa masikip na lugar na aking kinatatayuan.
Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa kitang-kita ko doon si Circa at maging ang katawan ni Kypper na kaniyang hawak-hawak.
Nasaksihan ko kung paano mamutla nang husto si Circa habang nakatitig sa aking direksyon. Entrante! Nakita ko na ang ganito niyang reaksyon at batid kong hindi ako ang kaniyang nakikita ngayon.
Agad akong napasalampak sa malamig na sahig dahil batid kong nagising na ang demonyong matagal ng natutulog sa kaibutaran ng aking isip.
Circa, bakit mo siya ninais na gisingin. Mino? Entrante! Si Mino! Hindi niya maaaring makita na nagkakaganito ako, ayoko! Hindi maaari!
Hindi ko nais na matakot siya at piliin na iwanan ako! Hindi ko kakayanin na makita siyang natatakot sa akin o hindi naman kaya ay tumatakbo palayo.
Nakita ko sa salamin ang aking mga kamay na tila kumukuyom habang ang maiitim na ugat ay nagsisimulang bumalot dito.
Agad na bumukas ang aking kamao na nakikita ko sa salamin kasabay ng paglabas ng matatalas na kuko.
Hindi! Hindi!
Tila kinilabutan ako sa sarili kong tinig nang marinig ko ang garalgal at malalim na pagtawa na nagmumula sa akin, napatakip ako sa aking tenga dahil tila umaalingawngaw ito sa loob ng silid kung nasaan ako.
Nangatal nang husto ang aking katawan dahil batid kong wala akong magagawa, wala akong lakas upang pilitin siyang patulugin na muli at maibalik ako sa aking katinuan.
Isa na lamang akong pag-iisip na walang kakayahan na utusan ang aking sariling katawan.
Kitang-kita ko kung paanong itinapon na lamang ni Circa ang walang buhay na katawan ni Kypper habang batid kong pinipilit niyang patapangin ang kaniyang sarili.
"Kamusta?" rinig kong prente niyang pahayag sa kabila ng nangangatal niyang mga kamay. No! Circa! What have you done? Why!
"Ow! The bitchy deity," rinig kong mapait na saad ng nilalang gamit ang aking tinig na namamaos at mas garalgal habang tila nabingi ako sa narinig kong malakas na pagaspas ng pares ng mga pakpak.
Gumalaw ang dugo na kinatatayuan ni Circa ngunit tila nanginig ako nang husto dahil sa nabatid kong may presensya sa aking likuran.
Entrante! Ayaw ko! Ayaw ko siyang muling makita! Nagsisitaasan ang mga mumunti kong blahibo sa katawan dahil batid kong nasa iisang silid lamang kami.
"Miss me?" rinig kong pahayag niya sa aking likuran. Seryoso at malalim ang kaniyang tinig na siyang mas lalong nagpapahirap sa akin na huminga.
Pinili ko na hindi tumingin at pigilan ang matinding pagnanais ng aking lalamunan na masuka dahil sa matinding takot at kaba.
Si Mino ang naiisip ko sa mga oras na ito, ako na may kapangyarihan ay tila hindi matagalan ang presensya ng nilalang sa aking likuran, paano pa kaya siya na isang tao lamang.
Ngunit hindi ko din maiwasan na magalit dahil sa ginawa ni Circa sa bata. Hindi ko alam ngunit agad na napakuyom ang aking kamao dahil muling dumaloy sa akin ang galit.
Muling nag-init ang aking mga mata habang tumititig na ako nang madiin kay Circa na nakikita ko sa salamin.
She will pay for her dear life because of what she had done!
A part of me wanted for her to run away and save her life ngunit umiikot sa aking isip ang imahe ni Kypper habang wala na sa kaniya ang magaganda niyang mga mata.
"Let me be in control!" saad ng nilalang na nasa aking likuran at agad akong tumango sa kaniyang tinuran habang nararamdaman ko ang tila paggapang ng kung ano sa aking likuran.
Agad kong naramdaman ang pagkapit ng baging sa aking mga paa at palapulsuan habang umaangat na ako sa sahig na aking kinasasalampakan.
I felt a force from the veins entangled on me moving through my whole body, and that's what I new very well that she is on full control of everything.
Whenever my emotions are too much, she can easily took advantage of it all. I am beyond angry right now and I want to release the wrath that is screaming on my chest.
"I will avenge you," she stated with her signature sinister laugh, a statement that I heard in the past before everything turned into a bloody massacre.
Third Person's P.O.V
"Good to see you again," prente lamang na pahayag ng diwata ng sangtwaryo habang nakatitig siya sa nilalang na ilang taon niyang pinaghandaan na muling makaharap.
Ganoon pa rin na nakakatakot at nakakadiring tignan ang anyo nito. Sinong mag-aakala na may ganitong katauhan na tinatago ang prinsesang kagandahan lamang ang makikita sa kaniyang kabuuan.
"Still looking ugly and gory as before," she stated bitterly but a sinister grin formed on the creature's black lips.
She saw how it's pupils became as thin as possible while the overflowing horrifying aura is visible in its body.
Sa enerhiya pa lamang na lumalabas sa kaniyang kaharap ay tila nakakaamoy na siya ng kamatayan. She saw how the blood where they are standing is being mixed with a black tint coming from Vreihya's direction, spreading all throughout the blood on the ground.
A smirk formed on its lips before its raspy and deep voice echoed again. "Still the puny and scared little pathetic deity."
"Thank you for waking me up this time. I will never go to sleep again," a wide green registered on its face and a black liquid slowly drip out of its mouth, a sinister happiness is visible in its physic and the way how the visible veins on its body is throbbing with excitement.
"I plan to get rid of you right now," Circa stated despite the fact that her stomach is turning due to the sight that she is seeing right now.
"Then die trying."
Ang mapayapa at tahimik na sangtwaryo ay tila nababalot na ngayon ng malalakas na alingawngaw ng ingay. Ilang mga pagtilapon ng mga puno ang naririnig sa buong kagubatan habang ang pagaspas ng pakpak ng isang nakakatakot na nilalang ang siyang tila nagbibigay takot sa mga hayop at ibang nilalang na nabubuhay sa kagubatan nito.
Ilang mga hayop at insekto ang nagsitago sa kanilang lungga habang nararamdaman nila ang pag-uga ng lupa at nakakatakot na tawa ng isang nilalang.
Ang mga kababaihan na naninirahan sa sangtwaryo ay kinikilabutan nang husto habang nasa taguan na inihanda ng diwata para sa kanila bago pa man niya naisipan na gisingin ang nilalang.
"AAAAAAH!" malakas na sigaw ni Circa na siyang bumalot sa malawak na sangtwaryo habang naririnig niya ang mabagal na pagkabali ng kaniyang braso na hawak-hawak ni Vreihya.
Agad na ginawang usok ni Circa ang kaniyang sarili upang makatakas sa hawak ni Vreihya at ang usok ay nagkalat sa buong paligid at naging anyo ng diwata na siyang pumalibot kay Vreihya sa malawak na kaparangan kung saan sila naglalaban.
Nagpalinga-linga si Vreihya upang tukuyin kung sino sa mga ilusyon ang tunay na diwata. Ang tunay na diwata ay nakatingin lamang sa likuran ni Vreihya habang pinipigilan niya na maglabas ng tunog dahil sa matinding sakit na nararanasan dahil sa nabaling braso.
But she felt so calm too early dahil agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa bigla na lamang nawala si Vreihya sa kaniyang harapan at isa-isa niyang nakita na dumadaing sa sakit ang mga ilusyon niya ng kaniyang sarili.
Her eyes can't even follow the blurry shadow that is quickly moving behind her illusions na napapainda sa sakit at bigla na lamang nawawala.
"Found you," saad ng isang malalim na tinig sa kaniyang likuran tsaka niya naramdaman ang isang mabilis at malalim na kalmot na tila pumilas sa kaniyang balat.
Agad siyang napasigaw nang malakas habang mabilis na gumalaw ang nilalang tsaka siya kinalmot nang mabilis sa kaniyang mga binti, braso, tagiliran at iba'-ibang parte ng kaniyang katawan.
Agad siyang napasuka ng dugo habang ramdam niya ang mabilisan nitong pagkalmot sa kaniya. Sa kabila ng matinding sakit at kirot ay nagawa niya muling maging isang usok at lumayo sa halimaw.
The smoke entered the forest upang pansamantalang magtago ngunit tila lalong nasindak ang diwata dahil mabilis siyang nasundan ng nilalang habang nakabibingi ang paraan ng pakakakalmot ng matatalas na kuko nito sa bawat punong nadadaanan.
Its wings were shut close on its back upang magkasya siya sa masisikip na hanay ng mga puno.
Agad siyang nabigla dahil sa kahit usok lamang siya ay nahawakan siya ng nilalang, bumalik siya sa kaniyang tunay na anyo habang hawak ng nilalang isa pa niyang braso at marahas na binali.
Isang malakas na sigaw na muli ang umalingawngaw sa kagubatan at marahas na itinapon pabalik ng nilalang ang diwata sa parang kung saan sila naglalaban.
Marahas na bumagsak ang katawan ni Circa sa damuhan habang mabilis na pumagaspas ang mga pakpak ni Vreihya at marahas itong bumaba sa harap ng nakahandusay na katawan ng diwata.
Agad siyang sinakal ni Vreihya at iniangat mula sa damuhan. Agad na nagpupumiglas ang diwata upang makawala at sinubukang sipain si Vreihya ngunit hindi niya ito iniinda man lamang.
"Just… fucking… die!" nahihirapang saad ng diwata habang patuloy siyang nahihirapan na huminga at nanlalabo na ang kaniyang paningin.
Agad na lalong lumakas ang enerhiyang lumalabas sa nilalang at unti-unting umuga at nabibitak ang lupa na kaniyang kinatatayuan.
Sa isang mabilis na kilos ay umangat sa ere si Vreihya habang sakal-sakal ang diwata. Mabilis na pumagaspas ang pakpak nito upang mas lalong tumaas.
Pagkatapos ay bumulusok ito paibaba habang nauuna ang katawan ng diwata.
Tuluyan ng kinain ng kaba at takot si Circa, sa patuloy na pagbulusok ay tila sumusuko na din siyang lumaban. Tiyak na mababali lahat ng buto niya sa katawan dahil sa bilis at lakas ng kanilang pagbulusok.
Pumikit na lamang siya at inihanda ang kaniyang sarili sa isang mapait na kamatayan. Huminga na siya nang malalim at hinayaan na lamang niya ang nilalang na magtagumpay.
Vreihya's P.O.V
"MAMA!" agad akong tila nagising dahil sa sigaw na aking narinig. Marahas akong nagbukas ng aking mga mata at nakita ko sa salamin na sakal-sakal ko si Circa habang tila bumubulusok kami paibaba.
Tila nakatigil kami sa ere at nang mag-angat ng tingin ang nilalang ay tsaka ko nakita si Kypper sa hindi kalayuan. Hindi ko napigilan na agad na mapaluha nang makita ko ang kaniyang asul na mga mata.
Buhay siya! Buhay si Kypper!
Tsaka ko lamang napagtanto ang lahat, ilusyon lamang pala ni Circa ang aking nakita. Kung ganoon ay paraan niya lamang ito upang magising ang nilalang na matagal ko ng itinatago.
Bakit Circa? Bakit? Mali itong ginawa mo!
Agad akong nagpumiglas sa mga baging na siyang nakapulupot sa aking mga paa at palapulsuan.
"Let's finish her!" rinig kong malamig na turan ng nilalang sa aking likuran. "No! Tumigil ka! Bitawan mo ako!" marahas kong pahayag sa kaniya habang nagpupumiglas.
"Do you think you have the power to give orders?" garalgal niyang pahayag at agad akong kinilabutan. Hanggang maaari ay ayaw ko siyang galitin dahil batid kong wala akong kalaban-laban.
"Tumigil ka na! Pakiusap!" mahina at nagmamakawa kong saad sa kaniya ngunit isang nakakalokong pagtawa lamang ang aking narinig mula sa kaniya.
Agad akong natigilan nang makita ko na tila itutuloy niya ang balak niyang gawin kay Circa na batid kong masama ang lagay dahil sa sumusuka na ito ng dugo.
"MAMA HUWAG PAKIUSAP!" agad na muling natigilan ang nilalang at marahas na lamang na binitawan si Circa na bahagyang uminda dahil sa pagbagsak ng kaniyang katawan sa lupa.
"Kypper," mahina kong bigkas sa kaniyang pangalan na siya ding binigkas ng nilalang na siyang may hawak ng aking katawan.
"Damn! This is not good," tila nagagalit na pahayag ng nilalang sa aking likuran dahil ito ang unang beses na tila nakapagsalita ako ng ako mismo habang siya ang may hawak ng aking katawan.
Tila takot siya na magkaroon ako ng kontrol na muli.
Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ni Kypper sa aking direksyon at ang pagyakap niya sa aking bewang habang ramdam ko ang kaniyang panginginig. Hindi man ako ang may hawak ngayon sa aking katawan ay nararamdaman ko ang kaniyang mainit na yakap.
"Mama," umiiyak niyang tawag na muli sa akin ngunit agad akong nabigla nang makita ko ang aking mga kamay sa salamin na nakahawak na sa kaniyang leeg at inaangat ang mumunti niyang katawan.
"Entrante! HUWAG!" malakas kong singhal sa nilalang na siya pa ding gumagapos sa akin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Kypper habang tila nahihirapan na itong huminga.
Narinig ko ang malakas na pagtawa ng nilalang habang lalong namumutla si Kypper at pinipilit na pumalag.
"SILVIA, UTANG NA LOOB! HUWAG ANG BATA!" naiiyak kong pahayag sa nilalang na aking kausap ngunit patuloy lamang siya sa pagtawa nang malakas.
Agad kong nakita ang tila paghina ni Kypper habang tila babagsak na ang talukap ng kaniyang mga mata. Entrante! Hindi! Hindi ako makakapayag!
"SA IYO NA ANG KATAWAN KO SILVIA! BITAWAN MO ANG BATA!" determinado at nagmamakaawa kong pahayag at kasabay noon ay ang mabilisan na pagbitaw kay Kypper na marahas na sumalampak sa damuhan habang nahihirapan siyang napaubo.
Isang halakhak ng tagumpay ang siyang namutawi sa aking pandinig ngunit naiyak na ako nang tuluyan nang makita ko kung paano gumapang palayo sa akin si Kypper habang takot na takot at nanginginig.
Kypper, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya.
Habang tumatawa ang nilalang ay siya ko namang paghikbi nang malakas tsaka ko muling naramdaman ang paghigpit ng aking mga gapos at ang muling pagdaloy ng kaniyang enerhiya sa aking kaibutaran.
Hindi na ako ang may-ari ng aking katawan.