Chereads / One Bite To Another / Chapter 34 - WORDS

Chapter 34 - WORDS

Vreihya's P.O.V

Mahigpit kong hinawakan ang makapal na balabal nang maramdaman ko na ako na lamang ang mag-isa sa higaan. Sadyang nakadagdag sa lamig ng paligid ang katotohanan na ako na lang ang mag-isa. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at buong pwersa na inupo ang aking sarili mula sa pagkakahiga.

Habang kinukusot ko ang aking mata at ginigising ang aking diwa ay unti-unti kong nakita si Mino na nakatayo malapit sa lamesa. Ang kaniyang makisig na likod ang siyang aking nakikita habang nakapatong sa kaniyang balikat ang mahimbing na natutulog na bata. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa aking nakikita.

Nang marahan siyang humarap sa akin ay nakita ko kung paano niya marahang hinahagod ang likod ng batang balot na balot ng makapal na kasuotan. "What happened?" agad kong tanong nang magkasalubong ang aming mga mata. "He is having nightmares kaya hinele ko para makatulog," saad nito habang paunti-unti niyang isinasayaw nang marahan ang kaniyang katawan upang ihele ang bata.

Bumangon ako nang tuluyan sa higaan habang nakabalot sa akin ang makapal na balabal dahil hindi ko nais na maramdaman ang lamig sa aking likuran. While I am looking for a thicker clothes an idea crossed my mind again. "We need to move out from here. Hindi tayo pwede magtagal sa isang lugar dahil mahahanap nila tayo," saad ko habang hindi tumitingin sa kaniya.

"Can we stop later for food? Hindi ako natutuwa sa sobrang gaan ni Kypper," saad niya at agad akong napatingin sa kaniya. "Kypper? Is that his name?" agad kong tanong sa kaniya. "Yes! Can you believe that even his own father is abusive and didn't even give him a name," seryoso niyang saad. Hindi ko alam ngunit tila may kumurot sa aking puso dahil sa kaniyang sinaad.

Agad akong tumungo sa direksyon ni Mino at inilahad ko ang aking magkabilang kamay na tila ba gusto kong kunin ang bata. Marahan naman niyang ibinigay sa akin ang bata at ramdam ko nga na hindi normal ang gaan nito para sa kaniyang edad. I was holding him tightly na parang hindi ko nais na may umagaw pa sa akin sa kaniya.

Agad na lamang akong napatingala upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. I am heartbroken about the fact that even his own father didn't treat him right. Siya pa man din ang una niyang tinawag nang mabuhat siya ni Mino na nangangahulugan lamang na kahit sinasaktan siya nito ay siya pa din ang kaniyang hanap.

Agad akong naramdaman ang pagtitig ni Mino ngunit wala akong balak na ibaba ang ang paningin dahil hindi ko nais na maiyak. "When he is having nightmares earlier he is begging his father to stop beating the hell out of him," marahan na tugon ni Mino at dahil sa mga kataga na iyon ay tila masaganang ilog na nagsiagos ang aking luha mula sa aking mga mata.

I bit my lower lip to stop the sobs na nagbabalak na tumakas. Ngunit marahan akong napayuko at tumalikod kay Mino. I don't want anyone to witness me at my weakest. "I guess you were right at some point... We are indeed monsters," agad kong saad sa kaniya. It's a shame to think na ang tagal ko na sa mundong ito ay hindi ko personal na nasasaksihan ang kalupitan ng mundong ito.

Buong buhay ko ay umikot lamang sa aming palasyo. Namulat ako sa magagandang bagay sa aming palasyo dahil na din siguro sa pamamahala ni Ina at Tiyo ngunit sa labas pala ng aming palasyo ay maraming kalupitan na nangyayari. Why am I so naive? Tila kunukwestyon ko ngayon ang aking sarili kung bakit hindi ko ninais na lumabas sa aming palasyo at alamin ang sitwasyon ng lahat?

And here I am, nagawa kong obserbahan ang mundo ng mga tao at ang kanilang kalupitan ngunit wala pala akong muwang sa sarili kong mundo. Bakit ko sila nagawang pintasan kong ang mundo na aking pinagmulan ay hindi din pala perpekto. Tila nanliit ang aking pagtingin sa aking sarili. Masyado akong tumingin sa masasamang bagay sa mundo ng mga tao subalit sa mundo ko ay sa mabubuting bagay lamang ako naka-sentro ngunit wala lang din naman palang pinag-iba.

Nasa ganito akong pag-iisip ng bigla kong marinig ang pag-iyak ng batang aking tangan-tangan. Agad ko siyang inihiga sa higaan at nakita ko ang kaniyang paghagulgul habang nakapikit. Mabilis na lumapit si Mino at tinanggal ang makapal na kasuotan na siyang naglilimita sa kaniyang kilos. "I am here Kypper," marahan na pagpapakalma sa kaniya ni Mino.

Marahan na binuksan ng bata ang kaniyang mga mata at nang makita niya ako ay agad siyang nagliwanag at nag-anyong lobo. Agad siyang tumakbo at pumunta sa pinakagilid ng higaan at naghuhumiyaw na tila ba takot at pinagmamalupitan. Sa muling pagkakataon ay muling nadurog ang aking puso sa kaniyang itsura.

Ngunit hindi ko maiwasan na gumaan ang pakiramdam dahil malinis at puting-puti na ang kaniyang balahibo na siyang malayo sa kalunos-lunos nitong itsura sa kamay ng mangangalakal. Agad siyang pinuntahan ni Mino at agad siyang hinawakan at pinakalma. "Huwag kang matakot Kypper. Iniligtas ka niya," saad ni Mino habang hinahaplos ang nanginginig na katawan nito.

Nag-ingay ito na tila nakikipag-usap kay Mino ngunit agad siya nitong binuhat sa kaniyang mga bisig. "Hindi ka naiintindihan ni papa," natatawa niyang pahayag ngunit agad na hinaplos ang aking puso dahil sa tawag niya sa kaniyang sarili. Alam ko ang ibig sabihin ng mga kataga na iyon. Iyon ang tawag ng mga tao sa kanilang mga ama.

Muling nagliwanag ang katawan ni Kypper at bumalik siya sa kaniyang musmos na katawan. Agad na tumingin ang namumulang mata ng bata kay Mino na tila ba hindi niya alam kung muli siyang iiyak. "Mayroon akong pangalan?" tila hindi niya makapaniwalang saad. Tumango si Mino sabay marahan na pinisil ang pisngi ng bata. Medyo nanginig ang kaniyang katawan dahil na din siguro takot pa siya na mahawakan.

"Aha! Bigay sa'yo ni papa," masayang saad sa kaniya ni Mino. "Papa?" inosenteng ulit ng limang taon na bata. Tumango nang nakangiti si Mino sabay itunuro niya ako na siyang sinundan din ng medyo nanginginig pang bata. "Ginamot niya lahat ng sugat mo," masiglang pahayag sa kaniya ng mortal sabay tinignan ng bata ang kaniyang katawan na tila ba namamangha siya na walang kahit anong sugat sa kaniyang katawan.

Agad na napatingin sa akin ang bata dahil alam kong kapwa namin nakikita ang nagliliwanag na tali na siyang nagdudugtong sa aming dalawa. Iniangat ko ang aking palasingsingan at sinundan niya ang lumiliwanag na tali na nakadugtong sa kaniyang leeg. "Sa... Salamat po," nahihiya pa niyang pahayag sa akin na siyang aking ikinangiti.

Malalim ang tiwala niya kay Mino dahil lubos siyang nakikinig. Umupo ako sa higaan at tinapik ang aking hita na tila gusto ko siyang lumapit sa akin. Ilang segundo pa siyang nag-isip bago niya natutuwang tinawid ang aming distansya at agad na yumakap sa akin. Hindi ko mapigilan ang yakapin siya nang mahigpit na may kasamang pag-aalo. Hindi ko hahayaan na muli kang masaktan sa aking mga kamay.

Nang kumalas siya ay nakangiti siyang tumingin sa akin at muling tumingin kay Mino. "Papa ko din siya?" nagtatakang tanong ng bata na kapwa namin marahan na tinawanan ni Mino. "Hindi, siya si papa at ako naman si mama," saad ko sa kaniya sabay binigyan ko siya nang magaan na halik sa kaniyang noo. He is really a handsome kid like Mino.

Muli ko na naman naramdaman ang mga pamilyar na titig sa akin ni Mino habang marahan kong pinipisil ang malambot na pisngi ni Kypper. Masayang-masaya ako dahil wala na siyang anumang sugat na mababakas ngunit tila mas natutuwa ako dahil sa muli na namang nakatitig sa akin ang mortal. Tila ngayon lamang ako natuwa na may nakatitig sa akin. Those gaze of him, pwede bang sa'kin niya lang ialay ang mga titig na iyan?

"You will be a good wife," agad akong napatingin sa kaniya ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin at napatikhim na para bang wala siyang sinabi ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit tila hinaplos nito ang aking puso na siyang muli kong pinapakalma.

"You know Mino, words can mean a lot kaya kung wala kang malalim na pagpapakahulugan sa mga salita ay mas mainam na huwag na itong banggitin," agad kong saad sa kaniya dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga salitang mayroong kahulugan para sa akin ngunit wala lang ito para sa kaniya.

A word can mean a lot of things. It can also lead to confusions na siyang nararamdaman ko ngayon. It makes us question certain things gaya na lamang ngayon na napapatanong ako kung may ibig sabihin ba ang sinasabi niya. Isa sa pinakaayaw ko ay ang nililito ako ng mga salitang hindi ko alam kung may kahulugan din ba sa kaniya gaya ng pagpapakahulugan nito sa akin.

Sa aking sinaad ay agad siyang napatingin sa akin at napangiti. Ang ngiti na siyang tila ginugusto ko ng laging nakikita sa kaniya. Tila mas kaakit-akit siya kapag nakangiti at sumisingkit ang kaniyang mga mata. "Noted," maikli lamang niyang saad ngunit agad akong tila nasemento nang muli ko na namang maramdaman na tila may nabubuksan sa aking isip.

"Words aren't just enough Vreihya. They are not enough to express everything," muli kong rinig sa kaniyang isip. Entrante! Muli na naman akong nalito!