Chereads / One Bite To Another / Chapter 36 - LASTREIAS

Chapter 36 - LASTREIAS

Gamit ang kanilang bilis ay agad na pumalibot sa akin ang lima habang ang kasama nilang tumilapon kanina ay wala ng malay. Hindi na nakatiis pa ang lalaking nasa aking likuran at agad siyang umamba ng saksak na siyang aking naiwasan samantalang sumugod na din ang nasa aking harapan. Tila hudyat iyon sa kanilang lahat kaya sabay-sabay silang sumugod.

Agad kong ginamit ang aking bilis at nawala ako sa gitna nilang lahat sabay agad kong siniko sa batok ang isa na siyang nagpatumba dito. Agad na napatingin sa aking direksyon ang apat na tila gulat pa sa aking bilis. Agad na inambahan ng isa ang aking tagiliran na agad kong naiwasan sabay sinipa ko ang kaniyang kaliwang binti na siyang nagpatumba sa kaniya.

Agad akong napahakbang pakanan dahil sa naramdaman ko ang isang lalaking umamba mula sa aking likuran. Mabilis akong humarap sa kaniya sabay pilipit sa kaniyang kamay na may punyal na siyang nagpatunog sa kaniyang buto. Agad siyang humiyaw at napaluhod kaya tinuhod ko ang kaniyang dibdib nang pagkalakas-lakas. Muli kong narinig ang pagkabali ng mga buto niya sa dibdib.

"ENTRANTE! MAMATAY KA!" malakas na sigaw sa akin ng lalaking garalgal ang boses na siyang kanilang pinuno. Agad siyang naglabas ng mas maraming punyal at ibinato niya sa aking direksyon na walang kahirap-hirap ko lamang na iniwasan. Akma na sana akong susugod ngunit may humawak sa aking binti at ito ang lalaking siniko ko kanina sa batok.

Mabilis kong inapakan ang kaniyang siko at agad itong nabali at napabitaw siya sa akin. Naghuhumiyaw ito sa sakit at nang tumingin ako sa aking harapan ay agad na sumugod sa akin ang kanilang pinuno. Mabilis kong naiwasan ang kaliwa't kanan niyang pag-amba ng punyal na nasa magkabila niyang kamay.

Tila nainip na siya sa aking ginawa kaya naman itinapon niya ang kaniyang hawak at mabilis akong prenteng humakbang pakaliwa at agad na sumigaw ang lalaking tinamaan ng punyal dahil sa aking pag-iwas. Isa ito sa kaniyang mga kasamahan na aatake sana sa aking likuran ngunit tinamaan ng punyal sa kaniyang dibdib na mabilis naman niyang ikinamatay.

Agad kong nakita ang isa sa kanilang mga kasama na tila ba sinasamantala na kaharap ko ang iba sa kaniyang mga kasama at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon nila Mino. Entrante! Hindi maaari! Tila nawala ako sa konsentrasyon kaya naman sa aking pagharap na muli sa kanilang pinuno ay isang punyal na bumubulusok sa aking direskyon ang siyang sumalubong sa akin.

Ngunit agad ko itong naiwasan at tumarak ito sa puno na nasa aking likuran. Mabilis ko itong kinuha at itinapon sa direksyon ng kasamahan nila na nais pumunta sa direskyon nila Mino. Mabilis na tumarak sa kaniyang batok ang punyal na agad niyang ikinamatay. Agad na akong tumingin sa nag-iisang lalaki na tila pinipigil na ang nararamdaman niyang takot.

Hindi na ako nakapagtiis pa kaya naman gamit ang aking bilis ay mabilis akong nawala sa kaniyang paningin at napunta sa kaniyang likuran. "Bye," mayabang kong turan sabay buong pwersa kong pinilipit ang kaniyang leeg na agad na nagpatumba sa kaniya. Agad kong pinagpagan ang aking kasuotan dahil nakakita ako ng iilang dumi dito.

"Mama!" agad kong narinig ang sigaw ni Kypper at mabilis kong binuhat ang mga bangkay at inihulog sa isang bangin. Hindi ko nais na makita ni Mino at ni Kypper na gumamit ako ng dahas. Ilang sandali pa ay nakapunta na ako sa ilog kung saan nakita ko ang nanghihinang si Mino na nakasandal sa isang malaking bato. "Ano na ang nangyari? Nakaraos ka na?" agad kong tanong sa naghahabol ng hininga na mortal.

"Success! Ginhawa!" nanghihina ngunit natutuwa niyang saad. "Pero wala ba kayong sabon dito? Amoy popo ang kamay ko," saad ni Mino. Mabilis kong kinuha ang hugis kahon na sabon na nakabalot pa sa tela na siyang binili ko kanina. Kulay pula ito at gawa pa sa katas ng isang mabangong bulaklak na may halong pampabula. Ireregalo ko sana ito kay Ina sa aming pag-uwi.

"Nakakawala ng angas kapag natatae sa daan," malamig na turan na lamang ni Mino dahil tila nasira ang kaniyang makisig na imahe dahil sa pagtatraydor sa kaniya ng kaniyang tiyan. Napangisi na lamang ako habang lumalayo na siya sa amin upang magtungo sa ilog at maghugas ng kamay. Agad naman na lumapit sa akin si Kypper at inilahad ang kaniyang mga braso na tila gusto magpabuhat.

Nang binuhat ko na siya ay agad siyang lumapit sa aking tenga. "Wala na sila hindi ba?" agad niyang tanong na siyang nagpakunot ng noo ko ngunit agad ko din itong naintindihan. "Naramdaman mo din pala sila," agad kong saad sa kaniya na siya niyang tinanguhan. "Kaya ba nakaalerto ang iyong katawan kanina?" agad kong saad dahil pagkakita ko pa lamang sa kaniya kanina ay ramdam ko na tila inaalerto niya ang kaniyang sarili kung sakaling may umatake sa kanila ni Mino.

Agad naman akong napangiti sa ideyang kahit na sa murang edad niya ay handa siyang lumaban at protektahan ang ibang tao. "Mama? Bakit po minsan iba ang gamit ninyong salita ni papa?" inosente niyang saad. "Huwag kang mag-alala tuturuan ka namin pero sa ngayon mas mainam na hindi mo naiintindihan. Malinaw ba?" marahan kong sabi sa kaniya na nginitian niya lamang.

Nasa kalagitnaan kami nang magaan naming usapan nang bigla akong tinawag ni Mino. "Prinsesa! Look at this!" rinig ko ang kaniyang tinig sa aking likuran at sa aking pagharap ay tila agad na nanginig ang aking tuhod at tila mabubuwal na ako. Agad na nakangiting pinakita sa akin ni Mino ang isang paro-paro na kulay itim ang pakpak habang ang katawan nito ay kasing pula ng dugo.

Mabilis kong itinaboy ang paro-paro sa kaniyang kamay habang ramdam ko ang matinding kilabot. "Entrante! Mino takbo!" agad kong saad sa kaniya sabay mabilis kong kinarga si Kypper at gamit ang aming bilis ay agad kaming tumakbo paalis sa ilog. Hindi maaari! Kailangan naming makaalis kaagad sa kagubatan na ito. Halos mabingi na ako sa kaba at pagwawala ng aking dibdib.

"Anong nangyayari?" agad na tanong sa akin ni Mino habang katabi ko na siyang tumatakbo nang mabilis. "That butterfly is a Lastreias!" natatakot kong pahayag habang hinawakan ko na ang kamay ni Mino upang mas mabilis na makatakbo. "What the hell is that?" naguguluhan niyang tanong habang marahas kaming lumiko palabas ng gubat.

Mas higit na kumalampag ang aking puso dahil sa kilabot na aking nararamdaman. "It is a butterfly that can be seen whenever-" agad na naputol ang aking dapat sanang sasabihin dahil agad kaming hinarang mga mga kawal na nakaharang sa bukana ng kaharian ng Calixtas. Entrante! Wala na akong oras! Baka maabutan kami!

Akma na silang magsasalita ngunit napilitan na akong umihip sa hangin na siyang nagpalabas ng tila abo na mula sa mga bulaklak na nasa kanilang paligid. Agad silang nawalan ng malay at marahas kong muling kinaladkad si Mino papasok sa kaharian at muling nagtatakbo. Pagkalampas sa maliit na kahariang ito ay matatagpuan na ang sangtwaryo.

Kailangan na namin magmadali! Hindi ko na pinansin ang mga bagay na aking nababangga at maging ang mga mamamayan ng lugar na ito. Kailangan na namin makapunta kaagad sa sangtwaryo. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama kay Mino. Hinding-hindi!

"Prinsesa!" tila nahihirapan niyang tawag sa akin dahil batid kong napapagod na din siya kagaya ko. Ngunit mas lalo akong kinilabutan nang marinig ko ang napakalakas na ungol na tansya kong nagmumula sa kabayanan na aming hinintuan kanina. Entrante! Hindi maaari!

"I know you heard that awful growl! What on earth is that!" agad na singhal ni Mino habang tila nanlalabo na ang aking mata sa patuloy na pagtakbo nang mabilis. "Those butterflies are only visible when an Awol is nearby!" kinikilabutan kong pahayag at mas lalo akong natakot dahil sa naramdaman ko ang biglang panlalamig ng kamay na Mino na siyang hawak ko.

Batid kong alam na niya ang ibig sabihin noon. Agad akong nagulat nangg siya na ngayon ang kumakaladkad sa akin nang mabilis na tila ba batid din niya na kailangan naming magmadali. Ilang mga nilalang na ba ang muntik na naming mabangga at ilang mga bagay na ang tumilaon kapag aming nadadaanan. Ilang minuto pa kaming nagtatakbo at nakita ko na ang bukana ng sangtwaryo sa gubat na kanina pa namin tinatakbuhan. Bahala na kung ano man ang naghihintay sa amin sa loob niyan! Kailangan namin ng ligtas na lugar.

Ako naman na ngayon ang kumakaladkad kay Mino at agad ko siyang inihinto nang nasa tapat na ako ng lagusan. Kapwa kami hingal na hingal habang kinukuha na ni Mino si Kypper mula sa aking pagkakabuhat. Nanghihina na nang husto ang aking tuhod dahil sa malabis na pagtakbo.

"Ako si Prinsesa Vreihya Amely na mula sa pamilyang Zecilion. Ninanais namin na makapasok sa lagusan ng sangtwaryo," hingal na hingal kong pahayag sabay iniangat ko ang aking palad kasabay ng pagnigas ng aking mga mata. Nag-usal ako ng isang dasal na tanging ang mga nilalang lamang na pinapayagang makapasok ang nakakaalam.

Agad na nagliwanag ang lagusan kasabay ng pagliwanag ng aking palad. Unti-unti itong bumukas at agad kaming pumasok. Nang tuluyan na kaming pumasok ay tila pinagsisisihan ko kaagad na nagtungo ako dito. Ang nilalang na matagal ko ng kinakainisan ang siyang bumungad sa akin. "Maligayang pagbabalik... Paborito kong laruan," mayabang na saad nito na siyang awtimatikong nagpainit ng ulo ko.