Chereads / Huling Sandali / Chapter 2 - Uno - Sure ka na ba?

Chapter 2 - Uno - Sure ka na ba?

Maingay at mainit ang araw na 'yon. Pawang mga nagk-kwentuhan at mga naghaharutan pa muna habang hinihintay ang prof nila para sa unang subject. Hindi na makikita ang maayos na silid na dinatnan nila kaninang umaga dahil may mga iba ng upuan ang nakaharap sa likod para makipagkwentuhan sa mga kaibigan at may mga kalat na rin sa lapag.

Nakatingin lamang si Harana sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga taong naglalaro sa labas na hinahabol ng guard na napapadaan, ang mga estudyante na tumatakbo dahil mal-late na at kung ano ano pa. Bored na bored na sya. Sa sobrong pagka-bored nya, may naisip syang isang kagagahan na naman.

"Tingin nyo ba makakapasok ako kung maga-apply ako as a basketball team assistant manager?"

Agad na naibuga ni Mayne ang iniinom nitong tubig habang agad na napatigil at napalingon sa kanya sila Hana. Kitang kita sa mga mukha nila ang pagkabigla. Ito kasi ang unang beses na tinary ni Harana i-approach si Augustus, hindi approach na lapitan at umamin pero i-appraoch na mapunta sa isang lugar na sobrang lapit rito.

"'Nakahithit ka ba, Rana?" nanlalaking matang tanong ni Van. Hinawakan nito ang mukha ng kaibigan at tinaas baba, chin-check kung may sugat ba ito kahit na walang connect sa tanong nya.

Sobrang nagulat ang mga kaibigan ni Harana to the point na nawalan sila ng sasabihin. Taliwas sa maingay at magulong personalidad ng mga ito. Ngumiti lang si Harana, "Kasi diba g-graduate na din naman tayo and syempre, YOLO diba. You only live once kaya why not i-try ko diba?"

Bumuka ang bibig ni Hana at Anne, mukang parehas na may sasabihin ngunit naudlot ng pumasok ang prof nila para sa General Chemistry. Agad silang umayos ng upo at nakinig pero hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang pagsenyas ni Anne na maguusap sila mamayang lunch break.

Natapos ang morning class nila na tahimik at hectic. Hindi makasingit sa paguusap dahil kulang ang 10 minutes break nila dahil an rin may mga ibat-iba pa silang mga tinatapos. Graduating na silang apat ng senior high school kaya nagseseryoso na rin. May chance kasi na hindi sila maka-marcha kapag nagkanda-letse letse ang mga grades nila.

"Hoy, 'teh. Sure ka na ba talaga dyan sa plano mo?" pagtatanong ni Van, isa sa mga kaibigan ni Harana. Nasa may canteen sila ngayon, nakain habang ini-interrogate si Harana sa bagong kagagahan naiisip nito.

"'Teh, alam naman namin na makapal mukha mo pero gosh, hindi naman namin inexpect na ganito kakapal." nakangiwing saad ni Hana. Pasimple itong kumukuha ng fries ni Van habang medyo ginigising din sya sa kagagahan balak nyang gawin kaso nahuli din ni Van. "Aray, gago. Ang sama ng ugali. Bawal manghingi?"

"Mag-tigil nga kayo. Parang mga bata." pag-suway ni Mayne bago humarap kay Harana. "Harana, support ka namin sa halos anim na taon mong pagpapaka-tanga kay Augustus pero jusko, hindi ka namin support dyan sa naiisip mo."

"Tama." pagsangayon ni Anne. "Konting hiya, mhie. Dalagang pilipina tayo dito pero ikaw halos ibigay na kay Augustus ang lahat pati yang puri mo."

"Ang OA nyo. Maga-apply lang naman akong assistant manager sa team nila. 'Yon lang." pagtatanggol ni Harana sa sarili. "And amay extra points kapag may club ka at active member doon 'no. Sayang din 'yon."

"Ay teh, wag kami. Ang taas na ng grades mo tapos maghahakot ka pa sa extra points? Balak mo bang talunin si Ophelia as a Valedictorian? 'Wag na umasa beng." agad na napangiwi si Harana sa pamamarangka ni Van. Tinapunan nya ito ng fries at nagpatuloy na lang kumain.

Sya si Harana dela Fuentes, ang running for Salutatorians ng batch nila. Consistent top 1 sa class nila noong JHS at top 2 sa buong JHS tapos top 2 ngayon sa STEM strand sa class at buong batch. Sanay na syang laging top 2 dahil simula ata elementarya lagi na nyang kalaban si Ophelia sa pagiging una. Wala naman kaso sa magulang nya dahil ang mahalaga daw nagaaral syang mabuti. Ang kaso sa kanya hindi okay kasi pati naman ba sa crush nyang si Augustus, top 2 sya kay Ophelia.

Sinumpa na ata syang maging laging pangalawa rito. Ano kayang klaseng kasalanan ang ginawa nya sa past life nya para maranasan 'to? Hindi naman siguro nya trinaydor ang bansa nya since blessed sya sa pagkakaroon ng mapagmahal na magulang at nakakakain sya ng tatlong beses sa isang araw. Kaya anong klaseng kagagahan ba ang ginawa nya para maging ganto ang buhay nya? Malaman nya lang ay agad syang iisip ng paraan para maayos naman ang buhay nya ngayon. Tinalo pa ata nya si Tinkerbell sa pagiging top 2 e.

"'Teh, alam namin nagdadamdam ka pero 'wag mo naman ibuhos sa pagkain mo. G na g yarn?" agad nyang sinamaan ng tingin si Van.

Van Andres. Ang kaibigan nyang babae na nasobrahan sa pagka-pranka. Kalog ito katulad ng ibang nilang kaibigan na sina Hana Mendez, Mayne Rodriguez at Anne Mercado. Si Mayne ang kasabayan nito sa kalokohan at kaingayan. Mangasar pero pikon naman.

"'Uy wag nyo ginaganyan si Hara babes. Baka umiyak 'to. Di tayo si Augustus para bigyan ng walang limit na pasensya." pangaasar din ni Mayne. Nagtawanan ang apat habang ngumibit lang sya.

Mayne Rogriduez. Kalog at nangunguna din sa kalokohan ito pero tinalo sya sa pagiging grade conscious. Kung tutuusin, kung wala si Ophelia at si Harana sa school nila ay baka si Mayne na ang running for Valedictorian.

Ngumisi si Hana at Anne habang nakikigatong rin sa pang-aasar sa kanya. "Pero teh if iiyak ka kay Augustus lapit ka samin ha? Sagot na namin tissue at sad songs. Ikaw na bahala sa chuckie." Hana.

"Tangeks, alak dapat 'yon. Bakit naman chuckie." Anne.

"Gaga, tag-graduate bawal muna. Baka ma-postponed." nagkaroon ng katahimikan sa lamesa nila pero napuno din ng tawanan.

Hana Mendez at Anne Mercado. Ang kambal sa pangaasar sa kanya. Mag-pinsan ang dalawa at simula ata sa tyan ng mga nanay nila ay magkasama na kaya naman bukod kila Harana, silang dalawa ang may sobrang kilala sa bawat isa.

"Tigilan nyo ko. Si Van naman i-hot seat nyo. May bago 'yang jowa, wag kayo." agad na ngumiwi si Van sa sinabi ni Harana.

Agad napunta kay Van ang mga panunukso at pangaasar. Nakasimangot na ito pero pinagsawalang bahala lang nila dahil nagiingay pa ito. Kapag kasi hindi na, galit na ito. Nakahinga kahit paano si Harana ng maluwag dahil nawala sa kanya ang atensyon.

Alam nyang dinadaan lang ng mga kabigan nya sa biro ang mga sinasabi nila but deep inside she knew that they disagree with her decision. Saksi ang mga ito sa ilang taon nyang pagpapaka-tanga kay Augustus at miski kahit kailan, hindi sila naging pabor rito. Siguro noong una pero nung magtagal ay hindi na.

Nag-simula 'yon ng punitin ni Augustus lahat ng mga letters na nasa locker nya, kabilang na dito ang ilan tambak na letters na ginawa ni Harana pagkatapos ay itapon lahat ng regalo. Alam naman nilang mali pero syempre medyo masakit pa din sa part ng mga taga-hanga na nagbigay ng mga sulat at regalo.

"'Teh mamaya na siguro pags-senti mo. Papasok na sila Augustus." agad na napatingin si Harana sa may entrance ng canteen, inaabangan ang pagpasok ng lalaking nagawang sirain ang studies first na motto nya sa buhay. Kaso, nakakasakit naman ang pagpasok neto. "Ay may ibang kasama. Ayos lang yan. Tara shot na--aray naman."

"Mamaya ka na magbiro, Van." panunuway ni Anne bago sya inguso.

Paano naman ba kitang kita ang pagkabagsak ng balikat nya. Pumasok ba naman ba si Augustus kasabay si Ophelia. Kasama nga ang buong basketball team pero naka-akbay naman. Medyo kumirot ang puso non ni Harana. Iniwas na lamang nya ang tingin pagkatapos ngitian si Ophelia ng kumaway ito.

Sure na ba talaga sya na mag-apply as a basketball team assistant manager? Paniguradong araw araw nyang makikita ang mga gantong sinaryo.