Chereads / Huling Sandali / Chapter 3 - Dos - Bad shot

Chapter 3 - Dos - Bad shot

"Uy dalian nyo na nga kasi. Baka maubusan ng application form." pagmamadali ni Harana sa mga kaibigan nya.

Alas kwarto na nang hapon sila natapos. Hanggang ala-una lang talaga ang pasok nila ngayon araw kaso dahil may research sila, inabot na sila ng alas kwatro. Studies first parin naman daw ang motto nila kahit na medyo humaharot sila.

"Girl, atat na atat ka?" medyo inis na sabi ni Van. Napatawa na lang ang tatlo pa nilang kaibigan ng mag-pout si Harana.

"Kasi naman. Alam nyo naman marami diba gusto mag-try mapalapit kay Augustus. Panigurado marami maga-apply bilang assistant manager nyan." agad nitong tinapik ng mahina si Van. "Kaya kapag ako hindi nakahabol, isusumpa ko 'yang lovelife mo!"

"'Teh kulang ka lang sa kain nan. Bilisan mo na nga dyan Van baka mai-sumpa ka talaga netong si Harana." Anne.

Ngumiwi lang si Van. Hindi kasi talaga nya magets kung bakit ganito na lang magpaka-ewan at mag-effort ang kaibigan nya gayong alam naman ng lahat na bukod kay Ophelia, basketball, sa tropa, pamilya at studies nya, wala ng ibang pinagkaka-interesan pa ang isang Augustus Carrington. Kahit nga ata may mag-confess ng sobrang bongga kay Augustus ay titingnan lamang nito ito at lalagpasan.

Ganoon ka-walang kainteresado si Augustus sa mga babae. Kung hindi nga lang ito gwapo at malakas ang charisma, malamang isa na ito sa mga kinaiinisan ng lahat dahil sa mga ruthless acts neto sa mga admirers nya. Isa lang sa mga lowkey acts nya ang pagpupunit ng mga letters at pagtatapon ng regalo, half lowkey at half ruthless naman ang pagbabalewala neto sa effort ng isang umamin sa kanya at ang pinaka-ruthless na siguro ang pagtangka nitong sagasaan ang isa sa mga stalker nito. Pagtangka dahil kung hindi siguro binunggo ni Tres, isa sa mga tropa at ka-teammate nya, ang kotse nito at baka talagang ginawa na yon ni Augustus.

Napailing na lang ng tuluyan si Van habang pinapanood ang masayang pagpunta ni Harana sa clubroom ng basketball team. Tawa pa ito ng tawa kaya naman kinimkim na lang ni Van ano man kaprangkahan sasabihin nya.

Na sana hindi nya ginawa.

***

Pagkarating sa tapat ng clubroom, agad na kumatok si Harana at pumasok. Naiwan sa labas ang mga kaibigan nya. Sapat na daw na alam nito na nandoon sila at hindi na kailangan pang magpakita sa loob.

She silently sigh and mutter a wish for someone to give her strength. Agad naman umepekto dahil kung hindi, baka tumakbo na sya palabas ng makita nyang halos lahat ng members ng basketball team ay nandoon at nakatingin sa kanya. Halos lahat dahil ang ilan ay nakapikit, nagc-cellphone o kaya naman nakatingin sa iba--like Augustus na si Ophelia na lang ata talaga ang nakikita.

"Harana? Why are you here?" pagtatanong ni Ophelia. Agad itong tumayo mula sa tabi ni Augustus at pumunta sa table sa may gilid ng pinagp-pwestuhan ng basketball team. Sinenyasan sya nitong pumunta at umupo roon na agad nyang ginawa.

Ang awkward pagtinginan ng mga tao. Ayan kaagad ang naisip ni Harana habang pumupunta sa pwesto kung asaan ang pinsan nya. "Hi ate Ophelia. Maga-apply sana akong assistant team manager."

Halatang nabigla si Ophelia. Harana was not the type of girl na sasali sa gantong club. She'll rather bond with her books or kaya naman with her friends. That's the sole reason why she's called the Unreachable Princess ng school nila. Harana might be oblivious to her fame since unlike Augustus, his team and Ophelia, she's not being crowded by her admirers and is not receiving any gifts. Takot kasi sila sa mga kaibigan nito na grabe makapag-protekta kay Harana.

"Hala, more on mga grade 11 kasi ang priority ng team ngayon, Nana." Ophelia noticed how Harana's shoulder fell, probably disappointed to the point na hindi nito napansin ang nickname na tinawag sa kanya kung hindi lang pinuna ni Tres.

"Ang cute naman ng nickname mo, Miss." he said. "Nana, ang cute." napangiti ito at medyo natawa ng makita ang pamumula ng pisngi ni Harana.

"Ate naman sabi ko wag mo ko tawagin nan kapag nasa school tayo ih." mahinang bulong ni Harana. Natawa lamang si Ophelia.

Harana glanced at the team beside them. Na sana hindi na lang nya ginawa because she sa how Augustus stare at Ophelia's laughing face. He looks so whipped and in-love. Harana felt how her heart clench kaya naman umiwas sya ng tingin and her stare happen to land on Tres na tinitingnan sya. She got nervous. Nakita kaya nito ang pagtingin nya kay Augustus? Trying to hide her nervousness, she gave Tres a smile.

"If you're here to flirt, you're free to go." agad na natahimik ang buong room. Augustus coldly stare at her. Parang galit pero imposible naman yon dahil wala naman syang ginawa, isip ni Harana. "We're not searching for a team assistant manager that will just flirt with the members."

Medyo nasaktan doon si Harana. Napahiya na rin. Ang brutal din magsalita ni Augustus, walang preno at talagang straightforward. Gustong maglaho ni Harana dahil sa kahihiyan pero imbis na iyon ang gawin, tumingin sya pabalik kay Augustus. "Hindi naman ako nandito para doon."

"Talaga ba? Hindi iyon ang nakikita ko. Pagkapasok mo pa lang rito ay ngumi-ngiti ka na kay Tres. If you're trying to hook up with him, sabihin mo sa kanya at don't use our club application as an excuse."

Hindi alam ni Harana kung dahil ba sa pride pero kahit nasasaktan sya, nagawa nya padin sagutin pabalik si Augustus. "I'm trying to be polite here which apparently you can't do. Hindi naman ikaw ang manager or ang coach nyo. Oo, may say ka kasi captain ka but gosh, hindi ka ba marunong rumespeto? Hindi ka ba naturuan non?"

Mas lalong tumahimik sa loob ng room. Tunog na nga lang ata ng aircon ang maririnig. Harana knew she stepped on a landmine right then. Alam nyang taboo topic ang magulang ni Augustus. Halos mangatog na ang tuhod nya.

"You know nothing so shut the fuck up."

"And I'm not talking nor smiling at you kanina as far as I know so please, fuck off too." she said bago binalingan ang ate Ophelia nya na natahimik na. "Thank you for your time, ate Ophelia. I'll excuse myself na po."

Hindi na nya nahintay ang pagpapaalam ng pinsan nya at naglakad na paalis. Sumalubong sa kanya ang tahimik na mga pigura ng kanyang mga kaibigan. Paniguradong narinig ng mga nito ang sagutan nila dahil hindi naman soundproof ang room at hindi masyadong nakasara ang pinto.

"Tara na. Sayang sa time pagpunta dito." huling sabi pa nya bago medyo pabagsak isarado ang pinto. May ilan napatingin sa kanya pati na rin ang mga nanlalaking matang mata ng mga kaibigan nya pero lahat iyon ay inignora nya.

Shit. Bad shot. Harana thought.

Wala na talaga syang pagasa kay Augustus. Kung dati 0% ang pagasa nya, ngayon -10% na ata.

Gusto nyang maiyak ngayon na mismo ngunit nakataya ang pride nya. Confident syang naglalakad papuntang parking lot.

Buti na lang tahimik ang mga kaibigan nya hanggang sa makasakay sila sa kanyang kanyang kotse ng kanilang mga sundo.

***

At the clubroom.

"Augustus, hindi ko nagustuhan ang ginawa mong 'yon sa pinsan ko." panimula ni Ophelia. Hindi sya pinansan ni Augustus bagkus ang inungusan lang.

Iritado padin ito sa babae. Pupunta-punta sa kanilang clubroom tapos makikipag-ngitian lang? Nakakairita. Halatang hindi ito seryoso sa paga-apply bilang assistant team manager.

"Tama si Manager, Captain. Wala naman ginawa si Harana kanina e." paggatong ni Jake.

"Tama, Cap." agad na bumaling si Joshua kay Jake pagkasabi non. "Pero paano mo nalaman pangalan ni Miss Ganda kanina? Ikaw ah crush mo 'yon no? Hanap ka na lang bagong crush pre, akin na yon."

"Gago. Sinabi kanina ni Manager. Ayan tingin ka kasi ng tingin."

"Augustus, kinakausap kita. Pinsan ko ang binastos mo kanina. Pumunta dito si Harana ng ayos tapos gaganunin mo?" iritadong saad ni Ophelia. Alam nyang nasaktan ang pinsan nya sa ginawa ni Augustus.

Pinapalabas kasi ng mga sinabi nito na nandito si Harana para lumandi at isa syang malanding babae. Alam nyang kahit gaano pa ka-"unreachable" or gaano ka-walang pake tingnan si Harana sa mata ng iba, mabilis itong masaktan. Mabait ito at medyo soft-hearted taliwas sa image na unag impresyon ng maraming tao.

"Ha! Kung nandito sya para mag-apply bakit kailangan makipag-ngitian?"

"Ano ngayon ang masama Bro kung makipagngitian sakin si Harana? Parehas naman kaming single. Wala din naman sa rule natin ang bawal magkaroon ng relationship. Anong problema ngayon?" pagtatanong ni Tres. Muling natahimik ang ibang club members. Seryoso na naman kasi ang usapan.

Isa si Tres sa mga pinaka-carefree at outgoing na member ng club nila kaya nakakapanibago na ganito ito ngayon.

"Walang masama sa ginawa namin pag-ngiti, bro." Tres stated. "'Wag mong ibunton kay Harana kung ano man galit mo ngayon sa mundo." tinapik nito ang balikat ni Augustus sabay ngiti. Augustus just brushed off Tres' hands on his shoulder and just stay silent on the corner.

"Gusto kong mag-sorry ka kay Harana bukas na bukas 'rin, Augustus. Ayusin mo ang attitude mo sa pinsan ko." babala ni Ophelia bago umupo sa tambayan ulit nila.

Muling umayos ang vibes sa clubroom. Muli sila nagkwentuhan at nagplano para sa mga trainings, future matches at kung ano ano pa. Tahimik lang si Augustus sa gilid at nagsasalita lang kung kailan kailangan. He's not like Tres that likes to mingle around. He likes to be by himself or with those who he is comfortable with kaya naman kakaunti lang ang mga taong maituturing na kabilang sa circle of friends nya. Unlike Tres na halos lahat ng schoolmates ay kaibigan na.

Muli nyang naalala ang babae kanina. Lalo na ang pagngiti nito kay Tres at pakikipagbangayan sa kanya.

She's beautiful.

Wait, what?