Chapter 72 - Chapter: 71

Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto.

KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan.

Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.

Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.

Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.

Habang kumakain ang anak at ang yaya nitong si rose ay nakatulala lamang itong naka tingin sa dalawang kumakain. Napansin ni rose ang hindi pagkain ni eloisa at ang pagiging tahimik nito. Hanggang sa hindi na nakatiis si rose at nag usisa na ito sa kanya.

"ma'am... May problema po ba kayo? Bakit parang ang lalim po yata ng iniisip ninyo?.."

Tumingin si eloisa dito. Halos walang gana din siyang mag salita ng araw na iyon dahil pakiramdam niya ay babagsak ang kanyang mga luha kapag ibinuka niya ang kanyang bibig. Ngunit sa bandang huli ay nagpasya itong mag kwento kay rose.

"n-ngayon kasi rose ang—" lumunok muna  si eloisa upang tanggalin ang mga bikig niya sa lalamunan bago ipinag patuloy ang kanyang pag sa salita.

"ngayon ang kasal ni jordan rose..." maluha luha ito matapos na bigkasin ang mga salitang iyon.

"ay talaga ma'am... Kaya pala nandito ang mommy at Daddy ninyo.. Kaso natutulog pa kayo kanina ng magpunta sila kaya sabi nila babalik nalang daw po sila kapag nagising na kayo.." tugon sa kanya ni rose.

"oo, malamang dahil sa kasal ngayon ni jordan kaya sila nandito.. Pati si kuya david ay nandito rin naman kahapon pa.."

Matapos na sabihin iyon ni eloisa ay may narinig silang kumatok sa pintuan. Dali-daling tumayo si rose upang buksan ang pintuan.

Nang buksan ito ni rose ay kaagad ding pumasok ang mga taong nasa labas ng pinto. Ang nanay at tatay ni eloisa. Nakangiti ang mga itong lumapit sa gawi ni eloisa. Bihis na bihis na ang mga ito at naka make up na rin ang kanyang nanay sonya.

"good morning iha!.." kaagad na bati ni don Ramon sa kanya habang naka akbay ito sa balikat ng kanyang nanay sonya.

"good morning din ho sa inyo.." ganting bati ni eloisa sa dalawang matanda.

Humalik si eloisa sa pisngi ng mga ito. At umupo ang kanyang nanay sa kanyang tabi. Habang ang kanyang tatay ramon naman ay hinila nito ang upuang nasa tabi ng kama at doon umupo paharap sa kanila.

"oh bakit malungkot ka iha.. Hindi ba dapat ay masaya ka ngayon.. Ngayon ang araw ng kasal kaya dapat maging masaya ka.." agad na tanong ni don Ramon sa kanya ng makaupo ito.

"eh hindi naman po ako invited sa kasal tay eh.." tugon ni eloisa.

"maari ba iyon anak.. Eh magka kapamilya tayo nina jordan, kaya hindi na kailangan ang invitation card pa, para sabihing invited ka.. Kailangan mong pumunta ng kasal kundi mag wawala si jordan kapag hindi ka niya nakita doon.." matapos na sabihin iyon ng kanyang ama ay tumawa ito.

Mas lalong nakaramdam ng lungkot si eloisa. Naisip niya kasi na masaya ang mga taong kasama niya sa paligid habang siya ay nagluluksa ang kanyang puso.

"oo nga anak.. Dapat nakangiti ka dahil ngayon ang espesyal na araw.. Kung anuman yang iniisip mo diyan, ay isantabi mo na muna ha anak.. Sige na maligo ka na muna, para makapag bihis ka na ng damit na susuotin mo.." utos naman sa kanya ng kanyang nanay na may malapad na ngiti sa labi habang nagsasalita.

Kakamot kamot naman sa ulong tumayo si eloisa upang magpunta ng banyo.

Nang matapos ng maligo si eloisa ay nakatapis lang itong lumabas ng banyo. Nagulat pa siya ng pag labas niya ay may dalawang baklang naghihintay sa kanya sa labas nakaupo din ang mga ito sa kama kasama ng kanyang mga magulang.

"n-nay sino po sila? Bakit po sila nandito?.." Tanong ni eloisa sa kanyang ina.

"sila ang mag aayos sa iyo anak. Sige na isuot mo na itong damit mo para ma umpisahan na nila ang pag aayos sa iyo.." tugon naman sa kanya ng kanyang ina at tumayo ito upang iabot sa kanya ang hawak nitong Paper bag.

"maiwan ko na muna kayo sonya ng anak mo ha.. Doon nalang muna ako sa labas.." paalam ni don ramon bago naglakad palabas ng pinto.

Nang makalabas ang ama ni eloisa ay doon niya rin napansing wala na rin ang kanyang anak at ang yaya nitong si Rose.

"ma, si Lucas at rose nga pala?.." muling tanong ni eloisa sa kanyang ina.

"ah si lucas.. Kinuha ni david kanina habang naliligo ka.. Pinasama ko na rin si rose.." tugon ng ina ni eloisa sa kanyang tanong.

Matapos na marinig ang sinabi ng ina ay binuksan na ni eloisa ang paper bag na inabot sa kanya ng kanyang ina.

Nangunot ang noo ni eloisa ng mailabas niya ang damit mula sa paper bag. Nagulat siya sa ganda ng kanyang isusuot.

" nay, akin ba talaga to? Bakit parang pang kasal naman to nay.." muli pang tanong ni eloisa sa ina.

Tumawa ang nanay ni eloisa bago ito nag salita.

"oo naman anak.. Gusto ko kasi mas maganda ka pa doon kay Roxanne.. Kaya sige na bilisan mo na dahil malapit ng mag simula.."

Hindi naman na muling nag salita pa si eloisa. Isinuot na nito ang gown na kanyang hawak.

Nang maisuot na ni eloisa ang gown ay sinimulan na siyang ayusan ng dalawang bakla. Ang isa ay inayus nito ang kanyang buhok, habang ang isa naman ay ang siyang nag make up sa kanya.

Nang matapos na siyang ayusan ng mga ito ay namangha siya ng makita niya ang kanyang sarili sa salamin. Halos hindi niya makilala ang kanyang sarili. Maging ang dalawang baklang nag ayos sa kanya ay humanga sa kanyang naging itsura at pati na narin ang kanyang ina.

"malabo man ang paningin ko anak ay kitang-kita ko pa rin ang ganda mo!.. Bagay na bagay sa iyo yang gown na suot mo.. Para kang prinsesa anak!.. Baka mapagkamalan ka nilang ikaw ang ikakasal niyan!" matapos na sabihin iyon ng kanyang nanay sonya ay tumawa ito ng malakas.

I-iling iling nalang si eloisa sa itsura ng kanyang nanay habang tumatawa ito. Sa tanang buhay niya kasi ay ngayon niya lang itong nakita ng ganun ka saya. Naisip niya na siguro nga ay dahil din iyon sa kanyang ama. masaya na ito dahil nakakasama na nito ang kanyang amang si don ramon.

Muli niyang pinasa dahan ng tingin ang kanyang itsura sa salamin. Bumuntong hininga siya ng malalim at tsaka ngumiti. Naisip niya na kailangan niyang maging masaya ng araw na iyon para nalang sa mga taong nasa kanyang paligid. Tsaka nalang niya iisipin kung saan siya pupunta pagkatapos ng kasal na iyon upang mag luksa.

"o paano tara na, at nag text na ang daddy mo.. Lumabas na daw tayo.." narinig niyang saad sa kanya ng kanyang ina.

Tumango lang si eloisa dito bilang tugon sa sinabi ng kanyang ina.

Nang makalabas sila ng kuwarto ay napansin niya habang nag lalakad na halos walang tao sa paligid at pawang sila lang ang taong naglalakad.

Pagkalabas palang ng hotel ay nakita na niya ang kanyang amang naghihintay sa kanila. Hinawakan siya nito sa kaliwang braso habang ang kanyang inay naman ay nakahawak din sa kaliwa naman niyang braso.

Hindi niya alam kung saan sila pupunta sumunod nalang siya sa bawat hakbang ng kanyang mga magulang. Huminto sila sa harap ng isang simbahan. Hindi kalakihan ang simbahan na para bang bagong gawa lamang ito. Puno ito ng mga ibat ibang kulay ng bulaklak sa paligid.

Nakita niyang maraming tao na sa loob at nakita niya rin si roxanne na kabababa lang nito ng sasakyan. Maganda ang suot nitong wedding gown. Ngunit kung titingnan mong mabuti ay mas lutang ang ganda dito ni eloisa. Naunang pumasok sina eloisa dito. Niyaya siyang magpunta ng kanyang ama sa unahan ngunit tumanggi si eloisa at sinabi niyang doon nalang siya Malapit sa may pintuan uupo.

Wala naman magawa ang kanyang mga magulang dahil kahit anong gawin ng mga itong pakiusap kay eloisa ay ayaw talaga nito sumama. Kung kaya't naiwan si eloisa na nakatayo Malapit sa may pintuan.

Maya-maya pa ay nag simula ng kumanta ang mga mang aawit. On this day ang kinakanta ng mga ito. Habang nakatayo sa may gilid ng pinto ay  nakita niya si jordan sa unahan ng simbahan. Humanga siya sa ganda ng suot nito. Bagay na bagay sa binata ang suot nito at ngiting ngiti pa itong naka tayo habang hinihintay ang kanyang bride.

Maya-maya pa ay nakita na niyang nagsisimula ng maglakad si roxanne papasok ng simbahan. Nakangiti ito habang nag lalakad. Tumigil pa ito sa paghakbang ng makita siya. Nginitian niya nalang ito kahit na labag sa kanyang kalooban, ngunit ang babaeng si roxanne ay bahagya pang umirap ito sa kanya.

Sinundan niya nalang ng tanaw ang babae habang naglalakad palapit kay Jordan. Habang nakatayo si eloisa ay halos marinig na niya ang tibok ng kanyang puso sa sobrang lakas. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at gusto na niyang tumakbo palabas. Kusa ng tumulo ang kanyang mga luha. Narinig niyang nag simula ng mag salita ang pare at kasalukuyang kinakausap na nito sina jordan at roxanne.

Hanggang sa nagpasya na siyang tuluyang lumabas nalang ng simbahan. Lakad takbo siyang pabalik ulit ng hotel ngunit nakasalubong niya si adrian.

"hey loisa! What are you doing here? Diba ngayon ang kasal niyo ni jordan?.. Halika na balik na tayo sa simbahan.."

Napanganga si eloisa sa narinig na sinabi ni adrian sa kanya.

"a-ako? Ikakasal ngayon kay— jordan? Eh si roxanne ang pakakasalan niya.. Hayun nga at nag sisimula na ang kasal nila.." saad ni eloisa kay adrian.

Umiling-iling ang binata kay eloisa.

"no, listen to me loisa.. Ikaw ang pakakasalan ni jordan.. Later mo nalang alamin kung bakit si roxanne naka suot din ng pang kasal.. Pero kayo talaga ni jordan ang ikakasal.. Nung bigla akong hindi na nagparamdam sayo nun dati, kung natatandaan mo pa.. Kinausap niya ako nun na layuan ka.. Ang totoo nun binayaran niya pa nga ako para lang lumayo sayo.. Nalaman ko kasi nun na nalulugi na ang kumpanya namin kaya tinaggap ko nun ang bayad ni jordan.. At yun talaga ang totoong dahilan kung bakit hindi na ako nagpakita ulit sayo nun.. Sorry loisa... " paliwanag sa kanya ni adrian.

" pero bakit mo ito ngayon ginagawa adrian? " Tanong ni eloisa sa binatang doktor.

" k-kasi.. Gusto kung makabawi kay jordan loisa.. Malaki ang utang ng company namin sa kanya... Siya ang nag salba sa pagka lugi ng company namin.." muli pang paliwanag ni adrian kay eloisa.

Pagkatapos na sabihin iyon ni adrian ay nag ring ang hawak nitong cellphone. Agad na sinagot ito ng binata. Si david ang tumatawag at tinatanong nito kung nakita niya daw si eloisa. Sinabi naman ni adrian na kasama niya si eloisa. Nasa kabilang linya parin si david ng kausapin ni adrian si eloisa.

"loisa we need to go back na!.. Let's go!" saad ni adrian kay eloisa.

Ngunit umiling dito si eloisa.

"no adrian.. Hindi parin ako naniniwala.. Hindi naman nag propose sa akin si jordan para isipin ko na ako ang pakakasalan niya.." tugon nito kay adrian na umi-iling iling parin.

Naririnig niya sa kabilang linya si david dahil naka open parin ang linya ng cellphone ni adrian.

Agad na inabot sa kanya ni adrian ang cellphone nito.

" hello sweetheart comeback here na please... Naghihintay na ang pari sayo.. Tsaka na namin ipapaliwanag sayo sweetie kung bakit hindi ka namin sinabihan.. Basta kailangan mo ng bumalik dito.. Adrian, dalhin mo na dito si eloisa bilisan mo!" huli pang saad ni david bago ito nawala sa linya.

Hinila na sa kamay ni adrian si eloisa upang igiya ito pabalik ng chapel. Ngunit nakaka limang hakbang palang sila ni eloisa ay bigla nanaman itong huminto sa paglalakad.

Kaagad na nilingon ito ni adrian.

"what happen loisa? Lets go na!.."

Tanong ni adrian dito.

"no adrian, kailangan ko munang marinig ang boses ni jordan, para maniwala ako na hindi niyo ako pinag titripan lang ni kuya!.." tugon niya kay adrian.

Kaagad naman na di-nial ni adrian ang cellphone number ni david. Mabilis din namang sinagot ito ni david. Matapos na sabihin ni adrian kay David ang nais mangyari ni eloisa, ay may limang segundo lang ang lumipas ay agad na inabot ni adrian kay eloisa ang cellphone.

Nang tinapat ni eloisa ang cellphone sa kanyang tenga ay narinig niya ang boses ni jordan sa kabilang linya.

"will you marry me.. Baby?..." Tanong ni jordan sa kanya mula sa kabilang linya. Mahina at parang maiiyak ang boses ng binata habang sinasabi niya iyon kay eloisa.

Mag sa salita pa sana si jordan sa kabilang linya ng inabot ni eloisa kay adrian ang cellphone nito.

At kasunod nun ay bigla nalang tumakbo si eloisa pabalik ng simbahan. Agad naman siyang sinundan ni adrian.

Nang makarating sila sa labas ng simbahan ay tahimik ang lahat. Nakita niya ang kanyang tatay na nakatayo sa labas ng pintuan ng chapel. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Yumakap si eloisa dito. Habang nakayakap siya sa kanyang ama ay may ibinulong ito sa kanya.

"let's go anak.. Hinihintay ka na ni jordan.." matapos na marinig niya ang sinabi ng kanyang ama ay kumawala siya sa pag kakayakap at tumango dito.

Kaagad na inilagay ng kanyang ama ang kanyang kanang kamay sa braso nito at iginiya na siya papasok ng simbahan.

Pagpasok palang nina eloisa ng simbahan ay muli niyang narinig ang music na on this day na kinakanta ng mga batikang mang aawit. agad niya ring nakita ang kanilang anak na si Lucas nauna na itong naglalakad sa kanila habang hawak nito ang wedding ring nila ni jordan. Naka alalay dito si rose.

Nang magsimula na silang maglakad ng kanyang ama papuntang altar ay nakita na niya si jordan na katabi ni david. ngiting ngiti ito habang nakatingin sa kanya. May tumutulo pang luha sa gwapo nitong mukha. Gayon din si eloisa, hindi niya mapigilan ang sunod sunod na pag patak ng kanyang luha. Bumulong pa siya sa kanyang sarili na sana hindi panaginip ang lahat ng ito.

Nang tuluyan na nilang marating ang kinatatayuan ni jordan ay muli siyang niyakap ng kanyang ama at maging ang kanyang ina rin ay niyakap din siya na nakatayo lang pala malapit sa kina tatayuan ni jordan. Si david naman ay niyakap din siya at tinapik siya ng marahan sa kanyang braso. Matapos nilang magyakapan ay ibinigay na ni don Ramon kay jordan ang kamay ng kanyang anak na si eloisa.

Agad namang hinawakan ni jordan ng mahigpit ang kanyang kamay habang nagkatitig ito sa kanya. Ang mga titig ni jordan na matagal niyang hindi nasilayan at ang ngiti nitong nakakapag pakilig sa kanya. Kapwa sila nagtitigan habang parehong may tumutulong luha sa kanilang nga mata. Maya-maya pa ay may narinig silang umubo. Nang lingunin nila ito ay si pader na kanina pa nag hihintay sa kanilang dalawa.

"let's start the ceremony.." saad pa ni pader sa kanilang dalawa.

Sabay silang tumango dito na may ngiti sa kanilang mga labi.

Nang matapos ang ceremony ay kaagad silang nagyakapan at matagal na naglapat ang kanilang mga labi.

Narinig pa nilang naghihiyawan ang mga tao sa simbahan. Iginala ni eloisa ang kanyang paningin sa loob ng simbahan. Nakita niyang halos nandoon lahat ang kanilang nga kakilala. Si ella at ang mga magulang nito. Sina rina at joy at maging ang kapitan at mga kagawad sa kanilang probinsya ay naroon din. Pati na rin ang mga kaibigan niyang bakla na nag manage ng kanyang salon habang wala siya ay nandoon din. Masaya ang mga itong nag papalak-pakan. Hindi naman mahanap ng kanyang mga mata si roxanne.

Isa-isang nagpapa picture ang mga ito sa mag asawang Jordan at eloisa. Nang matapos na ang kanilang pag pi-picture ay dumiretso na sila sa harap ng hotel kung saan doon ginanap ang kainan. Ito pala ang nakita noon ni eloisa na inaayos ng maraming manggagawa. At ang mga bulaklak na pinag aapakan ni Lucas noon ay nakita niya pa itong Naka sabit din. Natawa si eloisa ng makita ito. Habang busy sa pagkain ang lahat at silang dalawa naman ni jordan ay nakatanaw lamang sa kanilang mga bisita ay naramdaman niyang niyakap siya nito sa kanyang likuran. Bumulong pa ito sa kanya.

"thank you... Dahil pumayag kang magpakasal sa akin.. Mahal na mahal parin kita mula noon.. Hanggang ngayon eloisa mae Macaraeg.."

Kumawala si eloisa sa pagkakayakap ni jordan at dahan-dahang umikot paharap sa lalake.

"mahal na mahal din kita... Mula noon hanggang ngayon jordan ko..." sinabi ni eloisa ang mga katagang iyon habang hawak niya ang dalawang pisngi ni jordan at nakatitig sa mga mata nito.