Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan.
Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.
Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae.
Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa.
Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.
Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan. Habang sumisisid ay napansin niyang hindi lang siya ang mag isang sumisisid may nakita din siyang isang lalaki na pawang may hinahanap din ito.
Nang mauubusan nanaman siya ng hangin ay muli nanaman siyang umahon upang kumuha ng hangin mula sa itaas.
Nang maka ahon ang binatang si adrian ay kaagad na nahagip ng mga mata niya ang nagku-kumpulang mga tao. Naisip niyang baka si eloisa yun kaya pa takbo niya itong pinuntahan.
Hindi pa siya tuloyan nakakalapit ay nakita na niya si jordan na Buhat-buhat ang walang malay na si eloisa.
Dali-dali niyang nilapitan ang mga ito. Nang mapansin siya ni jordan ay masama ang tingin nito sa kanya. Dahan-dahang inilapag ni jordan si eloisa sa buhanginan at kaagad ding nilapatan ito ni adrian ng pang unang lunas.
Ubod lakas niyang pi-nump ang isang parte ng dib-dib ni eloisa ngunit hindi parin ito nag kakamalay. Naisipan niya ng I-mouth to mouth resuscitation si eloisa. Narinig niyang sumigaw si jordan.
"shit! Anong ginagawa mo! Ako nalang ang gagawa niyan!" utos ni jordan kay adrian.
Ngunit hindi nakinig ang binata dito at ipinag patuloy ang balak nitong i-mouth to mouth resuscitation si eloisa na wala Paring malay ng mga sandaling iyon. Ngunit nanatili pa rin itong walang malay kahit na nagawa na ni adrian ang pag mouth to mouth dito.
Muli niya itong pinump sa dib-dib at muling inulit nito ang pag mouth to mouth kay eloisa. Si jordan naman ay kuyom ang dalawang kamao na nakatingin lang sa ginagawa ni adrian kay eloisa.
Mga ilang segundo pa ang lumipas habang nakalapat ang bibig ni adrian kay eloisa, upang mabigyan ito ng hangin ay naramdaman niyang unti unting bumabalik na ang pag hinga ng babae tsaka niya lang tinanggal ang kanyang labi dito.
Nang tuluyang makahinga ang babaeng si eloisa ay hindi nito napigilang umiyak. Akma na sanang yayakapin ni adrian si eloisa ngunit bigla siyang itinulak ni jordan at ito ang yumakap kay eloisa.
"shhh.. Stop crying.. You're now safe baby... " pa bulong na saad nito kay eloisa habang hinihimas nito ang likurang bahagi ni eloisa.
Si adrian naman ay kuyom ang kamao nito na nakatingin lang sa dalawang magkayakap at unti-unting kinakausap ang mga tao sa paligid na humayo na.
Ilang sandali pang nasa ganoong posisyon ang dalawa ng tumayo si jordan Buhat-buhat si eloisa. Dinala niya ito sa kuwarto kung saan naka check in ito kasama ang kanilang anak.
Habang ang binatang si adrian naman ay naka sunod lang sa dalawa. Nang marating nila ang kuwarto ni eloisa ay Agad niya itong pinasok at pinaupo sa upuan. Inutusan ni jordan si rose na painumin ng tubig si eloisa. Habang umiinom ng tubig si eloisa ay nag salita si jordan.
" Just a moment baby.."
Matapos na sabihin iyon ni jordan ay lumingon siya sa gawi ni adrian na ng mga sandaling iyon ay nasa loob din ito ng kuwarto nina eloisa. dali-dali niyang hinila sa braso si adrian palabas ng kuwarto.
Nang maka labas na sila ay bigla niyang inundayan ng suntok ang binata sa sikmura.
"bullshit ka! Pasalamat ka at naging okay kaagad si eloisa! Dahil kung hindi ako mismo ang papatay sayo! Now! i want you to do is leave my resort! I don't want to see your face here! go and fucking leave!" pasigaw na saad ni jordan kay adrian.
Muli pa sana niyang susuntokin si adrian ngunit biglang dumating si david at agad na inawat nito si jordan.
" that's enough jordan!.. " utos nito kay jordan.
Nakinig naman sa kanya si jordan at unti-unti itong dumistansiya kay adrian.
Nang makalayo si jordan kay adrian ay agad itong inakbayan ni david at saglit itong kinausap. Tumango lang ang binatang doktor dito at walang lingon likod na naglakad ito papunta sa kanyang kuwarto.
SAMANTALA matapos na uminom ni eloisa ng tubig ay mabilis itong nag punta ng banyo upang magbanlaw at makapag palit ng damit. Madalian lang ang kanyang kilos dahil iniisip niya na babalik si jordan dahil sinabihan siya nito ng sandali lang.
Ngunit nakalabas na siya ng banyo at tapos na siyang mag bihis ay wala pa rin si jordan. Kasalukuyan na siyang nag susuklay ng basa niyang buhok ng marinig niyang may kumakatok sa pintuan. Akma na sana itong bubuksan ni Rose ng bigla itong bumukas at dumungaw ang ulo ng kanyang kuya david.
"Can I go inside sweetie?" Tanong ng kanyang kuya habang nakangiti.
Nang marinig ni eloisa ang boses ng kanyang kuya ay mabilis niyang nilingon ito. At dali-daling naglakad palapit dito at tsaka binuksan niya ng malapad ang pintuan upang makapasok si david. Agad na yumakap dito si eloisa.
"kuya buti napasyal ka dito.." saad ni eloisa kay david habang nakayakap parin dito.
"oo balak ko talagang pasyalan kayo dito ng pamangkin ko.. Kamusta ka? Balita ko nalunod ka daw.. Okay ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital para ma check up ka..?"
Kumalas si eloisa sa pagkakayakap dito at ngumiti.
"no need na kuya.. I'm okay na... si jordan nga pala kuya?"
Naisip niya bigla si jordan kaya hindi na niya napigilang itanong sa kanyang kuya.
"ah si jordan.. Umalis na.. Sabi ko ako nalang kakausap sayo..." tugon sa kanya ni david.
Nalungkot bigla si eloisa sa narinig. Masayang masaya kasi siya kanina habang yakap siya ni jordan at mas lalo na ng binuhat siya nito. Biglang siya nakaramdam ng malakas na boltahe ng kuryente ng mag dikit ang kanilang katawan kanina ni jordan. At inasahan niyang makakausap niya pa ito ng matagal.
Napansin naman ng kanyang kuya ang biglaang pag lungkot ng mukha ni eloisa. Ginulo nito ang buhok ng kapatid at tsaka Tumawa ito ng malakas.
"mahal mo pa siya noh?.." saad ng kanyang kuya habang tumatawa.
Iginiya siya nito paupo sa kama at hinila naman nito ang upuang nasa gilid lang ng kama at tsaka ito umupo din paharap sa kanya.
"huwag ka na mag kaila bunso.. Alam ko mahal mo pa siya..." muli nitong saad kay eloisa.
"oo kuya aaminin ko sayo.. Ni minsan naman hindi siya nawala sa puso ko.." tugon ni eloisa sa nakatatandang kapatid.
"oh eh bakit ka malungkot...?" muling tanong ni david sa kanya.
"eh kasi ikakasal na siya bukas kuya... Kung nalaman ko lang kaagad na hindi pa naman talaga siya kasal ay sana naipag laban ko pa siya.. Kaso huli na ang lahat kuya.. Malabo na kaming mabuo.."
Matapos niyang sabihin yun ay tiningnan niya ang kanyang anak na si lucas. Naglalaro ito kasama ng kanyang yaya rose sa gitna ng kama. Muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa kanyang kuya david. Nakita niya itong naka ngiti parin.
" kuya naman eh! Nalulungkot na nga ako, nagagawa mo pang ngumiti diyan! Hump!" matapos na sabihin iyon ni eloisa ay inirapan niya ang kanyang kuya.
Muling Ginulo ni david ang kanyang buhok at hinawakan siya sa dalawang kamay seryoso na itong nakatingin sa kanya.
" sweetheart.. Kung talagang para kayo ni jordan sa isa't isa ay kayo talaga kahit ilang taon man ang lumipas... Ngayon kung talagang hindi naman kayo ang naka tadhana ay wala tayong magagawa diyan.. Nandito naman kami palagi nina nanay at tatay para sayo.. Hindi ka namin pababayaan.. " tugon ng kanyang kuya sa kanya.
Pagkasabi niyon ay muli siyang niyakap nito.
" huwag mo masyadong dib-dibin yan ha.. Isipin mo nalang si lucas.. O siya,lalabas na ako.. May kailangan pa akong gawin sa labas.. Bukas na ang kasal ni jordan at ako ang bestman niya kaya bukas ay magkikita pa tayo dito.. magpahinga ka na muna okay.. Babalikan nalang kita bukas.. " huling saad ni david sa kanya.
Tango lang ang tanging naisagot niya dito at tuluyan ng lumabas ng kanilang kuwarto si david.
Hindi na muling lumabas ng maghapon na iyon si eloisa. Nagpa deliver nalang siya ng hapunan nila sa kuwarto at doon nalang sila kumain kasama sina rose at ang anak niyang si Lucas. Malaki naman ang kuwarto nila malapad ang kama nito at may balkonahe pa ito. May lamesa din itong pang apatan sa loob at may malaki din itong t.v kung saan maaari kang manood ng mga gusto mong movie.
Nang matapos na silang kumain ay doon niya lang na isipang lumabas. Kahit na air-conditioned naman ang kanilang kuwarto ay pinili parin ni eloisa ang lumanghap ng hangin sa labas. Nasanay kasi siya sa kanilang probinsya na madalas kapag katatapos lang nilang kumain ay nagtutungo siya sa ilalim ng puno at doon nag papahangin may duyan kasi sila sa ilalim ng puno at doon madalas siyang tumatambay.
Naglalakad si eloisa sa gilid ng hotel kung saan may mga tanim na puno at iba't ibang klase ng makukulay na ilaw ang nakakabit sa mga ito. Mayroon ding mga nakatanim na bulaklak sa paligid nito at may mga upuan din sa bawat gilid. Kaya kung gusto mong umupo habang nag papahangin ay makakaupo ka.
Nang marating ni eloisa ang dulong bahagi ng may mga nakatanim na puno ay doon siya nag pasyang umupo sa upuang may mga bulaklak na nakatanim sa magkabilaan. Habang nakaupo siya ay may nakita siyang dalawang anino sa di kalayuan. Tinitigan niya itong mabuti. Kahit na madilim sa bahaging iyon ng kinatatayuan ng dalawang anino ay maliwanag ang buwan kaya makikita mo parin ang mukha ng mga ito kung iyong tititigang mabuti.
Habang tumatagal ang pagkakatitig ni eloisa sa dalawang anino na magkayakap. Nakita niya ring naghahalikan ang mga ito. Nakapulupot ang dalawang kamay ng babae sa leeg ng lalake habang naka hawak naman ang kamay ng lalake sa bewang ng babae.
Nang titigan niyang mabuti ang mukha ng dalawa ay nakilala niya ang mga ito. Sina jordan at roxanne. Nakaramdam ng libo libong karayom si eloisa sa loob ng kanyang dib-dib. Nasasaktan siya sa nakikitang imahe ng dalawa. Nag-buntong hininga siya ng malalim at inalis ang paningin sa dalawa.
Naisip niya na wala na talaga silang pag-asa ni jordan. Mukhang mahal na mahal nito ang babae dahil kahit na bukas na ang kasal ng mga ito ay hindi mapigilan ang ka-sweetan nila sa isa't isa. Hindi mapigilan ni eloisa ang mapaluha. Kaytagal niyang hiniling na sana hindi sila totoong magkapatid ni jordan. Na sana sila parin Hanggang sa huli.
Sa bandang huli ay naisip niyang tama nga siguro ang sinabi ng kanyang kuya david. Na kapag kayo talaga ang nakatadhana ay kayo talaga sa huli. Sa isiping iyon ay mas lalo pang naiyak si eloisa dahil naisip niyang maa-aring hindi talaga sila ni jordan ang nakatadhana.