Chapter 70 - Chapter: 69

Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.

Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw.

"bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila.

Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito.

" naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas.

"naku, wala na! Kahit humingi ka pa ng pasensya nasira na niya yung mga bulaklak." tugon ng babae sa kanya.

"sige kung gusto mo papalitan ko nalang.. Huwag ka ng magalit bata naman yan eh." muli pang saad ni eloisa sa babaeng si roxanne.

"hindi na kaya kung papalitan mo pa. Bukas na ang kasal namin ni jordan." tugon ng babae kay eloisa.

Nangunot ang noo ni eloisa sa sinabi ng babae. Akala niya kasi ay kasal na ito at si jordan. Hindi siya nakapag salita sa sinabi ng babae.

Magsasalita pa sana ang babaeng si roxanne ng may lalaking sumigaw sa di kalayuan.

" Hey! What's going on?!" Tanong nito habang malalaki ang mga hakbang palapit sa kanila.

"What happened?!  Is there a problem?" muli nitong tanong ng makalapit na ito sa dalawang babae.

"tiya po! Aaway niya po mommy ko.." singit ng batang si lucas.

Nagulat si eloisa sa sinabi ng bata agad niyang tinakpan ang bibig ng bata at sinabihan itong huwag  makikisabat sa usapan ng matatanda.

Natawa si jordan sa sinabi ng bata. Kinuha niya ito mula sa pagkaka buhat ni eloisa.

" anong nangyari baby?" muli niyang tanong sa bata na noo'y buhat buhat na niya.

Si eloisa na ang sumagot.

"ahmm.. Inapakan kasi ni Lucas ang mga bulaklak niyo.. Sorry ha.. Papalitan ko nalang sana.. Kaso sabi ni roxanne bukas na daw ang kasal niyo..."

Muling natawa si jordan sa sinabi ni eloisa. Nang tumingin si eloisa kay roxanne ay nakita niyang umirap ito sa kanya.

Ibinaling ni jordan ang paningin niya kay Roxanne.

"sige na roxanne ako nang bahala makipag usap dito.. May gustong kumausap sayo doon.. Puntahan mo na muna.." utos ni jordan sa babaeng si roxanne.

Nakasimangot na umalis ang babaeng si roxanne at muli niya pang inirapan si eloisa.

Umiling iling nalang si eloisa sa ginagawang pag irap sa kanya ng babae ayaw niya na itong patulan dahil baka lumaki pa ang gulo.

"sorry talaga jordan sa ginawa ni Lucas.. At congrats pala in advance.." saad ni eloisa kay jordan nang makaalis na si roxanne.

Nangunot ang noo ni jordan ng marinig ang huling sinabi ni eloisa.

"congrats?" saad nito.

"oo congrats.. Ikakasal pala kayo ulit ni roxanne.." ulit ni eloisa sa kanyang sinabi.

"ah— oo.. Kasal ko nga bukas.. Pero bukas palang ako ikakasal.." tugon nito kay eloisa na nakangiti.

"ah.. Akala ko kasi ikinasal na kayo dati.." saad niya kay jordan. At kinuha niya na si Lucas mula sa pag kakakalong nito.

Nang makuha na niya si Lucas ay agad nagpaalam si eloisa kay jordan.

"sige Jordan aalis na kami.. Pasensya na ulit sa ginawa ni Lucas..."

Hindi na hinintay pa ni eloisa ang sasabihin ni jordan. Agad na siyang tumalikod at naglakad palayo sa kinatatayuan nito.

Habang naglalakad palayo at kalong niya si Lucas ay naiisip niya parin si jordan. Nang hihinayang siya sa pagkakataon na pwede pa sana silang magkabalikan. Ang buong akala niya kasi ay ikinasal na talaga ito kay roxanne.

Lakad lang siya ng lakad at hindi niya alam kung saan ang direksyon ng kanyang lakad. Ang yaya namang si rose na nakasunod lamang sa bawat hakbang ni eloisa ay kakamot kamot ito sa ulo. Napansin kasi nito na malayo na ang kanilang nalakad. Hanggang sa hindi na nito natiis at nag tanong na ito.

"m-maam... Loisa.. s-saan po pala tayo pupunta?.."

Doon lang bumalik sa huwesyo si eloisa. Kanina pa nga pala sila naglalakad ni rose at wala na sila sa resort kung saan sila naka check in.

Saglit itong tumigil sa pag lalakad at umikot paharap kay rose.

" ah.. Hindi ko nga alam rose... Ang sakit ng puso ko ngayon..." tugon niya kay rose.

"s-sakit sa puso Ma'am? As in masakit ang puso niyo? Naku ma'am baka kailangan na nating magpunta sa ospital! Baka kung mapaano kayo! Bakit hindi niyo po kaagad sinabi ma'am!" matapos na sabihin iyon ni rose ay taranta ito na kinuha si Lucas mula sa pagkaka kalong ni eloisa.

Natawa si eloisa sa nakitang reaksyon ni rose.

" hindi rose... Ganito kasi iyon... "

At hinila niya ang kamay ni Rose paupo sa buhanginan. Umupo din naman si rose sa kanyang tabi habang buhat parin nito si Lucas na kasalukuyang natutulog na ng mga sandaling iyon.

Pagkaupo nila ay tsaka lang ulit nag salitang si eloisa.

" diba kilala mo na si jordan.. Yung sinasabi mong lalaking nagyaya sa inyo na kumain ni Lucas.."

Hindi nag salita si Rose at tumango lang ito sa kanya.

"siya kasi ang tatay ni Lucas.. Akala ko kasi ikinasal na siya dun sa babaeng si roxanne kaya naisip ko na wala na kaming pag asang magka balikan pa.."

Hindi na nag salita pa si rose patuloy lang itong nakatingin at nakikinig sa pagku kwento ni eloisa.

"kung alam ko lang sana inilaban ko siya... Pero huli na ata ang lahat rose... Bukas na ang kasal nila.." patuloy na pagkukwento ni eloisa kay Rose.

"ay ganun ma'am.. Kaya pala kahawig siya ni Lucas... Baka kaya pa ma'am... Bukas pa naman ang kasal nila.. Bakit hindi mo kaya siya akitin sa sexy at ganda niyong yan! Mas lamang kaya kayo doon sa babaeng mapapangasawa niya!.. Kahit nga ako ma'am na babae ay gandang ganda sa inyo eh! At tsaka isa pa ma'am mukhang may feelings pa sa inyo yun eh! Nahuli ko kaya siyang naka tingin siya sa inyo nung naka salubong natin siya. Ang tagal pa nga niya kayong tinitigan kahit na nag-lalakad na tayo nun palayo sa kanya. At tsaka bakit interesado siyang malaman kung may relasyon kayo ni sir adrian diba.. Ipag laban niyo pa siya ma'am!.. " pag kukumbinsi ni rose sa kanyang amo.

Napangiti si eloisa sa sinabi ni rose. Hindi na siya muling nag salitang pa. Pinag iisipan niya kung may laban pa ba siya na makuha si jordan. Ilang sandali pa siyang nakatanaw sa malayo.

May nabuo na siyang desisyon sa kanyang isipan. Bumuntong hininga muna siya ng malalim bago niyaya si rose na tumayo na at babalik na sila sa kuwarto nila.

Nang makabalik na sila sa kanilang kuwarto ay nag palit siya ng damit. Naka suot siya ng two piece na kulay pula. Pinatungan niya lang ito ng kulay puting tela na parang lambat. Nilugay niya lang ang kanyang buhok at nagpahid ng pulang Lipstick na Waterproof. Nang makuntento na siya sa kanyang nakikitang itsura sa salamin ay kaagad siyang nag paalam kay Rose na maliligo lang sa Beach.

Nang makalabas siya ng kuwarto ay nahagip ng kanyang mga mata si adrian na tumatakbo. Pawis na pawis ito. Agad niya itong tinawag ngunit hindi siya narinig nito. Napansin niyang palabas ito ng hotel. Sinundan niya ito hanggang sa makalabas ito ng hotel.

Mabuti nalang ay huminto ito sa pag takbo ng makalabas na ito ng hotel. Kaya't naabutan ito ni eloisa. Agad niya itong hinawakan sa braso bago siya nag salita.

"uy adrian! Anong nangyayari sayo bakit ka tumatakbo? Kanina pa kaya kita tinatawag.." saad ni eloisa kay adrian.

Nagulat si eloisa sa ginawa nito dahil bigla nalang siyang niyakap ni adrian.

"saan ka pupunta babe? Maliligo ka ba? Tara samahan kita!.." yaya ni adrian kay eloisa.

Tumango naman si eloisa dito. Tsaka muling nag salita.

"teka saan ka ba galing ha.. At ngayon lang kita nakita?.." Tanong ni eloisa kay adrian.

Ngumiti sa kanya ang lalaking si adrian at bumulong.

"okay lang ako.. May emergency lang akong pinuntahan.. Huwag ka lumingon palapit sa atin si jordan.." saad ni adrian sa kanya habang naka ngiti ito.

Hindi na muling nag tanong pa si eloisa sumunod nalang siya sa sinabi ni adrian. Hanggang sa Naramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ni adrian at hinila. Napansin niya nalang na tumatakbo na pala sila papunta sa karagatan.

"wait Adrian! Saan tayo pupunta.. Paalala ko lang sayo hindi ako marunong lumangoy ha.." saad ni eloisa kay adrian habang tumatakbo sila.

"oo alam ko naman akong bahala sayo loisa!.. Pag seselosin natin si jordan.." tugon ni adrian sa kanya.

Nangunot naman ang noo ni eloisa sa narinig mula kay adrian. Puno man ng pagtataka sa sinabi ni adrian ay natuwa naman siya sa balak nitong gawin. Kung kaya't walang pag aatubiling sumang ayon nalang siya sa binabalak ni adrian.

Nang makarating sila sa dalampasigan ay marami ring naliligo dahil hapon na at palubog na ang araw. Sinabihan siya ni adrian na hubarin ang nakapatong sa kanyang manipis na tela. Agad din naman niyang hinubad ito dahil confidence naman siya sa kanyang sarili.

Nang hubarin niya ito ay bahagya pang natulala si adrian habang nakatingin ito sa kanya.

"ah, kaya pala!.." narinig niyang sinabi ni adrian at ngumiti ito ng malawak at matapos na sabihin iyon ay hinubad din ni adrian ang kanyang suot na T-shirt at maging ang suot nitong short ay kanyang hinubad din. Nakasuot nalang ito ng trunks.