Chapter 25 - KABANATA 24

Hera was caught off guard. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang Ina. Nagtagis ang kaniyang bagang at hindi mapigilang magalit sa babae na kaharap niya ngayon. Noon ay kapag sinasabihan siya nang ganito ng kaniyang Ina ay hinahayaan niya lang ito at sinusunod ang gusto. Pero iwan niya ba, ngayon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galit.

Sobrang kapal ng mukha nito para humingi sa kaniya ng tulong. Matapos ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kaniya, sa tingin ba nito ay gana pa siyang tumulong? Grabe ang kaniyang naranasan noong kasama pa siya ng mga ito. Ang mga masasakit nilang salita, ang pagmamaltrato ng mga ito sa kaniya at iba pa. Kailan man ay hinding-hindi niya iyon malilimutan.

Sawang-sawa na siya na magpakatanga pa sa pamilya na walang magandang dinulot sa kaniya kung hindi sakit lang. Alam niya sa kaniyang sarili na nangako siya noon sa namayapa niyang Ama na kahit anong mangyari ay iintindihin niya ang taong nagsilang sa kaniya. Pero kung ganito lang din naman ang kahihinatnan, hihingi na lang siya ng tawad sa kaniyang Ama dahil sa pagtalikod niya sa kaniyang pangako.

Ang pangako niya siya kaniyang Ama lang ang dahilan kung bakit mas pinili niyang manatili at indahin ang sakit.

Masama ba na isipin na muna niya ang kaniyang sarili at lumayo sa mga ito na siyang nagpahirap sa kaniya ng ilang taon? Deserve rin naman niyang sumaya, hindi nga lang sa piling ng mga ito. Sa totoo lang ay gusto niyang maghiganti dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya. Pero alam niya sa kaniyang sarili na hindi iyon maganda at kailan man ay hinding-hindi siya nakakaramdam nang satisfaction.

Leaving them and not meeting them forever is already enough that can fill her satisfaction. Nawala na nga ang mga ito sa kaniyang isipan, at ngayon na nakita niya ulit ang mga ito ay bumalik ulit sa kaniyang isipan ang mga hindi ka nais-nais na naranasan niya mula pagkabata.

"May sakit kasi 'yong kapatid mo, kailangan ng malaking pera para sa operasyon nito. 'Di ba Natalie?" pagpapatuloy nito at kaagad na sinundot ang tagiliran ni Natalie. Napaigtad ang kaniyang kapatid dahil sa ginawa ng Ina. Mabilis itong tumango-tango sa kaniya at peke na ngumiti.

"A-ah, oo H-hera. May sakit si Nathan, tulungan mo naman. Bigay ka na lang pera. Okay na kahit hindi ka bumisita." Kung ikukumpara lang siguro niya ang kakapalan ng mukha ng kaniyang kapatid at Ina sa isang makapal na bagay ay tiyak na mananalo ang dalawa.

Akala siguro ng kaniyang Ina ay hinding-hindi niya makikita ang pagsisinungaling nito. Who is she trying to fool?

Hera composed herself and let out a heavy sigh. Hinawakan niya ulit ang nabitawan na bag at sinukbit iyon sa kaniyang balikat. Pagkatapos ay malamig na tiningnan ang kaniyang kapatid at Ina na may ekspresyon sa mukha na nagsasabi na magbigay ka na ng pera kung ayaw mong masaktan ulit.

"Pasensya na po pero wala po akong pera," sinabi niya iyon sa napakalamig na boses at kaagad na tinalikuran ang dalawa. Napaigtad si Natalie at ang kaniyang Ina at hindi makapaniwala dahil sa kaniyang naging ugali sa harap ng mga ito.

In the past, she used to be timid and stiff everytime they act superior towards her. Para siyang isang kuneho na walang magawa kung hindi sundin ang kagustuhan ng mga ito. But she's not the same Hera anymore. The pain she felt for more than ten years are already enough. Tama na ang pagiging martyr niya para sa mga ito.

If they won't treat her like a family then it's fine. It's better to live in pain after accepting the truth than continue living in the same roof as them where all she can feel is hell.

"W-wait lang Hera!" Kaagad na pinigilan siya ng kaniyang Ina na makaalis. Humarap ulit si Hera sa dalawa at wala sa sarili na bumaba ang kaniyang tingin sa kamay na mahigpit na nakahawak sa kaniyang braso. Sobrang higpit no'n na para bang mababali na ang kaniyang buto. Kung hindi lang siguro siya sanay na masaktan ay baka umiiyak-iyak na siya ngayon sa sakit.

Ramdam niya ang panggigil ng Ina base pa lamang sa hawak nito sa kaniya. Her Mother was already furious because of the personality she showed earlier but she doesn't care.

"Kung may sasabihin pa po kayo, sabihin niyo na. Marami pa po akong gagawin." Somehow, talking back like this to her Mother gave a strange feeling of satisfaction.

Her Mother, Louisiana gritted her teeth as if her patience has already ran out. Kung hindi lang siguro nagpasiya si Hera na lumaban at maging ganoon pa rin kagaya ng dati ay baka bumigay na siya. Her Mother never treated her like this, only when she needs something to her. Pero dahil nga hindi siya pumayag na bigyan ang kapatid na nasa hospital daw, sigurado siya na galit na ang Ina sa loob nito pero pinatili pa rin ang sarili na kalma dahil mukhang nangangailangan ata talaga ito ng pera.

"H-hera, hindi ka ba naawa sa kapatid mo?" nagmamakaawang tanong ulit ng kaniyang Ina at mukhang iiyak na talaga. Kung hindi siguro niya alam na umaarte lang ang kaniyang Ina ay baka kanina pa siya nahulog sa patibong nito. Napahigit siya nang malalim na hininga at tinitigan ang naluluhang mga mata nito.

Noong minaltrato niyo ba ako, naawa rin ba kayo?

Gusto niya iyong isumbat sa Ina pero walang kahit ni isang salita na lumabas sa kaniyang bibig. Parang may kung anong emosyon ang pumipigil sa kaniya na sumbatan ang Ina na siyang dahilan kung bakit ganito na lang ka lungkot ang kaniyang puso.

"Hindi." That was only one word but Hera's Mother's whole body trembled. Hindi sa sakit kung hindi sa galit. Ang kaninang galit at inis na kinikimkim nito kanina sa kaniya ay bigla na lang sumabog na parang isa bulkan. Ang mabait at malamyos nitong ekspresyon ay kaagad na bumalik sa dati. Ang mala demonyo nitong mukha at ang nanlilisik na mga mata. Ganitong- ganito tumingin sa kaniya ang Ina. Hindi 'yong mabait.

"Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Kung hindi dahil sa akin baka patay ka na ngayon!" malakas na sigaw ng kaniyang Ina na para bang wala na itong pakialam sa paligid at ang gusto lang ay saktan siya ngayon. Her Mother was about to push her but thankfully, she was quick on her feet.

Mabilis na umiwas siya dahilan nang pagkawala ng balanse ng kaniyang Ina at napasalampak ito sa sahig. Napangiwi ang may katandaang babae dahil sa sakit at tumingala sa kaniya. Instead of helping her, malamig na tinitigan niya pabalik ang taong nagsilang sa kaniya.

"Kung hindi rin dahil sa 'yo, baka naging masaya na rin ako ngayon. You never really treated me like your daughter, I wonder if I can do the same to you." Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad na tumalikod siya sa eksena. Kaagad na tinulungan ni Natalie ang Ina na ngayon ay hindi na nakatayo dahil sa impact nang pagkakasalampak nito kanina.

Hera left them with an expressionless face. But little did they know, Hera was already wondering inside.

Why do I felt satisfied when I saw my Mother's face in pain as she glared at me?

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pinalayas siya ni Lucas sa mansyon nito, pero para sa kaniya parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari sa araw na iyon. Ang mga salitang binitawan ng lalaki at ang masakit na ekspresyon nito sa mukha ay nakatatak pa rin sa kaniyang isipan na para bang bago lang iyon nangyari.

Just like a magic, what happened that day was still vivid inside her as if someone casted it for a long time. Wala atang araw na hindi niya iyon naiisip. Maging sa kaniyang pagtulog ay nandoon din, partikular na sa kaniyang panaginip na halos hindi siya tinatantanan. It makes her feel pain but at the same time, she finds comfort in those last yet painful memories of Lucas and her.

Sa mga nakalipas na araw, nilunod niya ang kaniyang sarili sa pag-iisip ng mga kasagutan sa kaniyang tanong. And in those days, she realizes that what she felt towards Lucas were not just a simple emotion. Mas malalim iyon at puro, na kailan man ay hindi niya naramdaman sa kaniyang pamilya.

Speaking of family, after her encounter with her Mother Louisiana and Sister Natalie, she became even more confident and brave than she was. Nang dahil sa nangyari ay mas lalong naging matatag ang kaniyang desisyon na lumayo na sa mga ito. Wala rin naman siyang aasahan kung hindi sakit kung magpapatuloy siya sa kaniyang ilusyon na kailan man ay hinding-hindi mangyayari.

At first, accepting the fact that she's now alone and without a family who'll comfort her in dark times was not easy. Sino bang tao ang agad na matatanggap ang nangyari? It's not like she wasn't hurt in the process. Accepting it and moving on the same time were never been easy. She has been abused her whole life but despite her situation, she still wish to be accepted and be part of the family.

She had been longing for love this whole time but she never ever once felt that she was loved. Masakit pero wala rin naman siyang magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan. It might hurt and difficult right now but life is not all about struggles and pain. Hera is sure she will find the love and comfort she had been longing for in the future.

"Hera hija, may dala akong pagkain dito. Baka gusto mo." Mabilis na napalingon siya sa kaniyang gilid nang marinig iyon. Agad na napatayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan ang landlady na may dalang pagkain. Ngumiti siya sa matanda at kaagad na tinanggap ang pagkain na binigay nito.

"Salamat nay..." nakangiti niyang pagpapasalamat sa matanda. Ngumiti rin ito at kaagad na nagpaalam na para bumalik.

After her fight with her mom and sister, nagpasiya siya na hindi na tutuloy sa boarding house na iyon. Kapag kasi tinuloy niya ay tiyak na makikita niya ulit ang kaniyang Ina at mga kapatid. Kaya napagdesisyunan niya na lumayo na lang at maghanap ulit. Syempre dahil sa kaniyang naging desisyon ay nagpunta ulit siya sa ibang lugar. Luckily, may nahanap siyang matitirhan.

She has been living her for more than two weeks now and she can say it was peaceful. Hindi niya mapigilang makaramdam nang kakaibang kaginhawahan. Pero sa likod ng kaginhawaan na iyon ay nagtatago ang sakit ay lungkot na matagal na niyang pilit na tinatago.

Miss na miss na niya ang lalaki. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya umasa na sana hanapin siya ng lalaki at bawiin ang sinabi nito sa kaniya. Pero lumipas na lang ang ilang araw ay wala pa rin. Her hope continue to shattered the day passes. The pain and longing she felt for him continue to pile to the point that she felt burdened.

Ganito ba talaga kapag may gusto kang tao? Hindi niya alam. Ito ang pinakauna at sa tingin niya ay ang pinakahuli. Thinking about liking someone the same time she likes Lucas is nauseous.

She doesn't want to like another man except Lucas.

Bandang alas dose na ng gabi nang magpasiya si Hera na tumigil sa panunuod ng drama. Hindi niya namalayan na alas dose na pala at napasobra na sa panunuod. Napakusot-kusot siya ng kaniyang mga mata at mabilis na lumapit sa nakabukas na tv. Papatayin na sana niya iyon nang may narinig siyang malakas na katok sa kaniyang pinto.

Nakakunot noong binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kaniya ang nakapantulog na si Nay Jolly, ang landlady ng kaniyang tinitirahan ngayon. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil sa ekspresyon ng matanda.

"Nay? May problema ba?" nagtatakang tanong niya.

"May naghahanap sa 'yo sa baba hija, ang gwapo. Mukhang mayaman hija." Nang dahil sa sinabi nito ay biglang bumilis ang tubig ng kaniyang puso.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kaagad na nilampasan ang matanda at bumaba na. Sobrang bilis nang pintig ng kaniyang puso at nag-iisang mukha lang ng lalaki ang lumilitaw sa kaniyang isipan.

It's Lucas!

Pero ganoon na lang ang pagkahulog ng kaniyang puso nang hindi si Lucas iyon. Ang nakangising mukha ni Bryle ang sumalubong sa kaniya.

"Hera, how are you doing? It's been awhile."