Chapter 26 - KABANATA 25

Hindi na nag-abala pa si Hera na itago ang disappointment na bumalatay sa kaniyang mukha nang hindi ang lalaki na inaasam niya ang nakita. Akala niya talaga si Lucas na iyon, pero hindi naman pala. Hindi alam ni Hera kung ano bang reaksyon ang dapat niyang ipakita kay Sir Bryle. Blangko lang siyang nakatingin sa lalaki na may ngisi na nakapaskil sa labi nito.

Did she seriously thought Lucas will find her?

Napakagat na lang siya sa loob ng kaniyang pisngi nang bumalatay ang sakit sa kaniyang puso. It's hurting but she needs to accept it. It might be bitter but what can she do? Ang tanga niya sa part na umasa pa siya na hahanapin siya ng lalaki. Hindi na siya na kuntento na sa loob ng mahigit dalawang linggo ay hindi pa rin ito nagpapakita.

Isn't that a sign trying to tell her that Lucas will never ever look for her? Bakit pa siya umasa na baka may gusto sa kaniya si Lucas. She needs to accept the fact that her feelings for him were clearly one sided. Nangarap ata siya na sana suklian rin ng lalaki ang kaniyang nararamdaman. Hinding-hindi iyon mangyayari, tatanda na lang siguro siya ay baka hindi pa rin siya nito magugustuhan.

Did the way Lucas treated her made her hope silently for him to love her too? How foolish. Una sa lahat ay hindi magkapareho ang antas ng kanilang pamumuhay. Mayaman ang lalaki at may natapos. May sarili ng bahay at mga bagay na puwede nitong ipagmalaki sa mundo. Habang siya, hito ngayon malapit nang lumampas sa kalendaryo pero wala pa ring napapatunayan sa sarili.

She still hasn't graduated and were only on college level. Umaasa lang din siya sa kaunting pera na meron siya ngayon dahil wala naman din siyang aasahan kung hindi ang sarili niya. Tinaboy na siya ng mga tao na tinuring niyang pamilya noon at maging ang tao na nagbigay sa kaniya ng panibagong ilaw ng pag-asa. Kung hindi siguro nag bigay si Lucas ng isang milyon sa kaniya ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin.

She never really felt upset when he gave her a million as a compensation. She's only upset because she doesn't want to leave but he force her.

"It's been a while. How are you?" Bryle suddenly asked again that made her go back from reality. Napayakap si Hera sa kaniyang sarili nang bigla na lang dumaan ang malamig na hangin, dahilan nang pagdaan ng kuryente sa kaniyang batok pababa sa kaniyang likod. Mas lalong humigpit ang kaniyang yakap sa sarili at binuka ang labi upang magsalita.

"A-ayos lang naman po," mahina ang boses nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Pagkatapos ay napatitig na lang siya sa guwapong lalaki na nasa kaniyang harapan. Matagal na noong huli niyang nakita si Bryle. Kung tama pa ang kaniyang memorya ay naaalala na ang huli nilang pagkikita ay noong binilinan siya ng lalaki ng gamot para kay Lucas.

Speaking of gamot, iniwan niya lang ito doon. Habang nakatitig sa lalaki ay hindi niya tuloy mapigilang magtaka. Why is he here? Noong pinalayas siya ni Lucas ay tiyak na alam iyon ng lalaki. Like duh, ito kaya ang nag hire sa kaniya. Impossible na hindi iyon malalaman ni Bryle. Mukhang ito pa naman ang naghahanap ng mga trabahante ni Lucas.

Napangiti si Bryle dahil sa kaniyang naging sagot at nilagay ang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa. Bryle is still wearing a tuxedo. Despite the tiredness on his autumn like eyes, he still looks extremely good. Mukhang kakatapos lang nito sa kaniyang trabaho at dumiretso na ata agad dito.

But why though?

Ngayon na hindi na siya nag t-trabaho sa mansyon ni Lucas, wala na rin siyang koneksyon pa sa lalaki. Hindi siya makahanap ng sagot kung bakit nandito si Bryle at sa hating gabi pa talaga.

"Why don't we go inside? It's cold here." Napipilitang tumango na lang si Hera dahil hindi matanggihan ang lalaki. Sa totoo lang ay bawal magdala talaga ng lalaki sa loob ng boarding house lalo na sa kuwarto. Pero dahil wala siyang choice at hindi makasabi ng hindi kay Bryle, mukhanh pakikiusapan na lang niya si Nay Jolly.

Nang makarating na sila ni Bryle kung nasaan ang kaniyang silid ay nandoon pa rin ang matanda na nakatayo. Halata sa matandang mukha nito na inaantok na talaga pero mukhang hinihintay ata siya nito. Nang maramdaman ni Nay Jolly na may presensiya sa malapit nito ay kaagad na lumingon ang matanda sa kanilang direksyon.

"Hera hija... Boyfriend mo ba 'yang guwapong lalaki na nasa likod mo?" mapaglarong tanong nito sa kay Hera at nanunuksong tiningnan ang babae. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa hiya at mabilis na pinamulahan ng magkabilang pisngi. Mabilis pa sa cheetah na umiling-iling siya sa matanda. The way she shook her head were strong. Really showing that what the old woman said right now were not true.

"Hindi po Nay Jolly! Dating boss ko po 'to si Bryle." Napangiwi na lang siya at pasimpleng tumingin kay Bryle baka nagalit na ito dahil sa sinabi ni Nay Jolly. But just looking at his face, he doesn't seem to be angry. In fact, Bryle just smirk and raised his hand to show it to the old woman.

"I'm married." 'Yon lang ang sinabi ni Bryle na nagpaawang ng kaniyang labi maging ang labi ni Nay Jolly. May ideya na si Hera na hindi na single itong si Bryle but married? Gosh, she couldn't help but wonder who's the lucky girl.

Sinabi niya kay Nay Jolly na mag-uusap muna sila ni Bryle sa loob dah malamig sa labas. Sa mabuting palad ay pumayag naman ang matanda kaya hito sila ngayon, nakaupo sa sala at magkaharap. Ipagtitimpla na sana niya ang lalaki ng kape pero tumanggi ito. Ayaw ata nito sa mga murang kape na syete lang. Gusto ata nito ang mamahalin.

Now that she's facing Bryle and there's the only two of them, she couldn't help but be nervous. It's like the first time she met Bryle. Noong inalok siya nito nang trabaho.

"B-bakit nga po pala kayo nandito?" medyo kabado niyang tanong sa lalaki. Bryle crossed his legs and stared at her. Mas lalong nagwala ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang katawan dahil sa titig ng lalaki. It's different and it really pressures her.

"I want you to go back being Lucas' maid." Parang nabingi ata si Hera nang marinig ang sinabi ng lalaki. Her head tilted in both confusion and surprise. Gusto niyang pukpukin ang ulo kong tama ba ang kaniyang narinig o pinaglalaruan lang ata siya ng kaniyang isipan.

"When you left, his situation became worst. Lucas might not say it but I know he's secretly looking for you. We don't know, maybe you're that medicine he has been looking for," mahabang wika ng lalaki. Naguguluhan na napatitig din sa Hera sa mga mata nito.

"W-what do you mean po? Hindi ko po kayo naiintindihan." Umiling-iling si Hera at pilit na iniintindi ng lalaki. Why did Lucas' situation became worst when she left? Eh hindi ba ito naman ang gusto ng lalaki? Ang magpakalayo siya? He should become better because she's not there anymore! And what does Bryle mean medicine?

"To make it short, I want you to be his maid again. Of course, I won't force you since he is the one who throw you away. But if you ever felt something and wanted to help him, just call me."

Nang gabing iyon ay hindi nakatulog nang maayos si Hera. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang sinabi ni Bryle. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ba niya ang alok nito. Sa mga nakaraang araw, palagi niyang hinahangad na sana pabalikin siya ni Lucas pero ngayon na mismong si Bryle na ang nag alok sa kaniya na pabalikin siya, parang gusto na lang niyang mag back out.

She doesn't know why though. She just felt disappointed that it wasn't Lucas who asked her that. Ang taas ng tingin niya sa isang katulong na kagaya niya. Pero anong magagawa niya? Love yourself ika nga.

Napabuntong hininga si Hera at mabilis na tinapos ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit. Isang araw na ang nakalipas mula noong nagpunta si Bryle dito sa kaniyang tinitirahan ngayon. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya sigurado kung tama ba ang desisyon na kaniyang gagawin.

Naguguluhan pa rin talaga siya pero sa ngayon, ang magagawa lang siya ay ang sundin kung ano ang sa tingin niya ay tama. Nang matapos na siyang magligpit ay tinabi niya ang kaniyang maleta at sinimulan na ring linisin ang buong silid. Sa kaniyang paglilinis ay natigilan siya nang may narinig na katok. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na tiningnan ang kaniyang bagong biling cellphone.

Wala naman mensahe si Sir Bryle at wala rin si Nay Jolly, who was knocking now?

Napalunok na lang siya nang paulit-ulit at dahan-dahan na naglakad papunta sa pinto. Wala si Nay Jolly, umalis at dito sa boarding house ay wala siyang kakilala. Hindi niya tuloy mapigilan kabahan dahil may kumakatok.

Normally, in horror movies, this scene always makes the first kill.

Dahan-dahan na hinawakan ni Hera ang seradura ng pinto. Bago pa man niya iyon pihitin ay tahimik na napadasal na lang siya.

I just hope it's not a thief!

When she opened the door, her mouth was left hanging when the person who welcomed her just now were the person who has always been inside her mind in the past days. Ang maganda nitong berdeng mga mata ay wala ng buhay. He looks so tired and drained. Parang pumayat din ito. Nagsimulang manginig ang buo niyang katawan kasabay ang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso sa sakit.

"Lucas..."