Chereads / The Groom's Tale / Chapter 37 - Chapter Thirty-Six

Chapter 37 - Chapter Thirty-Six

It's been twenty-four hours, however, all his messages haven't been answered by Zev. Reese was worried. Wala siyang ideya kung nasaan si Zev. Alam niyang hindi umuuwi ang huli sa Las Piñas at sigurado siya roon. Dahil kung nakauwi ito ay bakit hindi nito sinagot ang mga text messages niya and her phone was not even ringing mula pa kahapon. Nagiging isang malaking katanungan 'yon sa kanya. Naglalaro na naman ang what if's niya at bakit. May ginagawa ba itong bagay na hindi niya nagusto kaya hindi nito nasagot ang mga text messages niya. Kung mayron man ay hindi na 'yon bago sa kanya. At kung mangyari iyon, he became a groom without a bride for the third time around. What a jerk.

Kung mangyari iyon ay magiging isa na lang siyang katawa-tawanan at hindi na niya makayanan pa. But he prayed na hindi 'yon mangyari. Ayaw niyang magduda kay Zev dahil hindi iyon nakakabuti sa kanya lalo na ngayon sa oras na gulong-gulo ang isipan niya sa paghahanap sa dalaga. Alam niyang malayo ang karakter ni Zev sa mga babaeng dating nakarelasyon niya. He feels sorry of his absurd thought that Zev leave her for another man. He feels sorry about that. Obvious na mangyari iyon because Reese knows how much Zev loved him. She loved him damn much. But what was wrong? Halos sumabog na ang utak niya sa kakaisip at pag-alala. Ang bente kwatrong oras na hindi nito pagpakita sa kanya ay naging isang malaking tandang pananong.

He remembered their last talk noong nakaraang gabi. He clearly remembered her tone. She wants Reese to visit her in her apartment. Sa tono pa lang ng pananalita nito nang gabing 'yon, Reese sensed that there was something wrong or it seem Zev have a thing that she feared. Noong pinuntahan niya ang dalaga sa apartment nito ay hindi niya ito nadatnan doon. Wala ito sa silid nito, wla ito sa kusina, wala ito sa paborito nitong lugar. She wasn't in a place na madalas nilang puntahan. So ibig sabihin she was not in a good place.

Good God parang bolang naglaho si Zev. This time ayaw na niyang mawala pa ito sa kanya. Ayaw niyang mangyari ang nangyari noong iniligtas siya ni Zev sa Mediterranean at pagkatapos ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya. Ayaw niyang maulit ang mga bagay na sa kanya ay nagbibigay ng sakit, na sa kanya ay mapanakit. Paano kung muling mawala si Zev sa mga paningin niya. Paano siya. Ayaw niyang ang kwento ng pag-iibigan nila ay babalik sa umpisa kung mangyari 'yon ano'ng klaseng kwento 'yon babasahin lang ba niya ng pabalikatad?

Iniisip niyang baka galit si Zev sa kanya kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natanggap na replies sa mga messages niya. Pero wala siyang maalalang bagay na ikinagagalit ni Zev. Wala siyang nagawang bagay na maaring sumaktan kay Zev. Baka nasa panganib si Zev? Iyon ang bagay na ayaw na sana niyang isipin. Natakot siya. Suddenly as if by magic, Reese remembered the fine white paper with an unfamiliar name written on it. Iyon ang bagay na nakita niya sa loob ng apartment ni Zev. Ano 'yon at bakit may mga criminal records ng taong nakasulat sa papel na 'yon.

Reese tried to investigate by searching his name on social media pero wala taong lumabas when he searched the name Primo. Sino ang lalaki kung isa itong criminal at malaking tao dahil base sa mga description nito ay mukhang malaking tao si Primo dahil hindi nito magawa ang pagiging drug lord, syndicate, drug trafficker's, drug sellers, corrupt, professional robber at iba't-ibang illegal activities kung hindi ito big time. Pero ano ang relasyon ni Zev sa lalaki bakit nasa kay Zev ang papel na 'yon? Sa nabasa niya ay Madrid ang lugar kung saan nakatira si Primo. Really? Bakit hindi pamilyar sa kanya ang pangalan nito. Fuck, who was the guy, and what the fuck is his relationship with Zev. May kinalaman ba si Zev sa buhay ng lalaki? He's dead to the world. Gusto na talaga niyang magalit to be wild and beast.

Muli niyang hinanap ang papel na 'yon. Oh, it shocked him again. Hindi ang ang background ni Primo kundi ang last name mismo nito. Bakit noon lang niya 'yon nakita. May kaparehong last name kasi ito at 'yon ang lalaking naghahatid sa kanya sa MMC nang gabing nag-eemosyonal siya.

Rost Valerion and Primo Valerion. Are they related? They're both from Madrid. Ito ba ang mga nasa likod ng pagkawala ni Zev? Posible. Kailangan niyang mag imbestiga ngayon. Sigurado siyang may alam si Don Felix tungkol sa dalawang lalaki. Tumayo na sana siya ng biglang nag ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon dahil si April ang tumawag. Agad niya tinanong ito kung bakit ito napatawag. She mentioned about the email. What was about the email she mentioned? Oh, may bilin pala itong bisitahin niya ang email ng Company the other day. Why does he forget things lately.

"Pero sorry po," nahihintakutang sambit nito sa kabilang linya. Gano'n ang tono nito noong nagkausap sila sa loob ng office niya noong nakaraang araw. What's wrong with her? Why she apologized. Ano bang importante sa email na 'yon?

"Bakit April?" Kalmadong tanong niya.

"He threatened me. Kaya binura ko ang message sa email ng company." Her voice quivered.

"Threatened? Binura?" He didn't get her point.

"Papatayin niya raw ako kung hindi ko 'yon buburahin" umiiyak na ito.

"April? What was wrong?" He puzzled.

"Rost Valerion remember? I told you the other day na i-check mo ang email account ng company dahil naka received tayo ng email message mula kay Rost na ang laman ay pawang babala, pagbabanta at paghahamon sa'yo. Ani ng lalaki ay papatayin ka daw niya dahil sa pag-aagaw mo kay, Zev. Sir, sino ba talaga si Rost? Natakot na ako. Alam mo bang nagbabanta ito na bombahin nito ang kompanya," iyak nito sa kabilang linya.

Nakayuko siya sa narinig niya. Hindi siya makasagot agad. Naiintidihan na niya ang lahat. Noon pa man ay alam na niyang masama si Rost at wala talaga siyang ideya na gusto nito si Zev at kung ano ang koneksiyon nito kay Zev ay gusto niyang malaman 'yon. "It's okay. Don't worry. Hindi niya 'yon magagawa. Trust me."

"Okay po, Sir"

"Good. Tatapusin mo muna ang mga designated works mo for tomorrow. I'm on a new mission," aniya at nagpaalam na. What the fuck is wrong with Rost threatening them. Kung iniisip nito na magtagumpay ito ay nagkakamali ito. Reese is good sa gano'ng klaseng laro. Hiling lang niya na walang masamang mangyari kay Zev. Tumayo na siya at lumabas ng mansion. Kailangan niyang pumunta ng Las Piñas sa mga magulang ni Zev ngayon din.

"ANAK ni Primo si Rost," iyon ang balitang una niyang natanggap mula sa ama ni Zev. Pagka-abot niya ng Las Piñas ang unang naging katanungan niya ay tungkol kay Rost at Primo. Namumula pa ang mukha niya dahil sa mabilis na pagpapatakbo. "Ang yumaong ina ni Rost ay isa ring Pilipina." Pagbabalita nito.

"Sino po ba sila? Big time?" He asked and sip in his coffee. Ayaw muna niyang buksan ang pagkawala ni Zev.

"Oo tama ka, big time na tao si Primo. He's involved in any illegal activities. He's my target before—"

"Target? What do you mean po?"

"CIA agent ako before at nasa list ko ang pag-investigate kay Primo. I listed all the activities he was involved in including drug spelling, kidnapping at iba. But I was unlucky at alam ni Primo ang ginagawa ko. Kaya nagsimula itong magpadala ng tao at ako ay kanilang sinubaybayan. Ilang ulit na akong binalaan ni Primo pero hindi ako nakinig until Primo put me and my whole family in danger. There I stopped I let the other CIA work for it. I resigned without turning over the criminal records of Primo. In Madrid, no one dared to investigate Primo maging ordinary ka man, CIA or detective kaya hanggang ngayon ay nanatiling naghari ang demonyong, Primo." Mahabang salaysat ng Don.

Tumatangu-tango siya. Naiitindihan na niya ang lahat.

"Akala ko noong umalis na kami sa Madrid ay matatahimik na ang buhay namin. Ang anak ko namang si Zev ay palaging ni-threatened ni Rost. Si Rost ay may gusto kay Zev kahit noong magkaklase pa sila sa Madrid. Ibinalita 'yon ni Zev kaya umalis na kami ng Madrid at naninirahan dito. Araw-araw natakot ako because Primo might haunt me and my family. Pero laking pasalamat ko sa balita kahapon na sumuko na ang matandang 'yon." May ngiting gumuhit sa labi nito pagkabanggit sa huling linyang sinabi nito.

"Nasaan ba si Zev, Hijo? Bakit ikaw lang ang pumunta dito.?" Mrs. Polavieja interrupted.

Paano ba niya sasabihin ang klaseng tanong na 'yon. No way kailangang malaman ng mga ito ang pagkawala ng anak. He told them by details about Zev's disappearance since yesterday. Nakita niya ang iba't-ibang reaksiyon ng mga ito. Mr. Polavieja was shocked, worried flooded in his face, while Mrs. Polavieja was dead to the world. Para itong natumba sa narinig mula kay Reese. Then, she cried.

Mr. Polavieja clenched his fist on his lap. Galit ang aura nito. But what the old man can do to solve the conflict? Matanda na ito at wala na itong lakas para harapin ang problemang 'yon.

"Si Rost po ang alam kong dumukot kay, Zev. The other day he send an email full of threats for me and the MMC. Kung may masamang mangyari kay Zev he will pay it. Hahanapin ko sila at agwin sa demonyong kamay nito si Zev. He has no right to touch her." Galit na sambit niya.

"Kailangan nating ipaalam ito sa police." Suhetisyon ni Mrs. Polavieja.

"Hindi maari. I heard a lot of kidnapping cases sa Pilipinas na namatay ang biktima. Hindi maaring authoridad ang mag solve sa problemang 'to. I will solve it myself, alone. I'm here to ask an idea about sa lugar na maaring kuta ni, Rost."

Pailing-iling ang Don. Hindi nito inaasahan ang narinig. Akala nito ay matatahimik na sila. "San Fellas, oo doon ang lugar kung saan dalhin ni Rost ang anak ko sigurado ako doon. May bahay ang mga Valerion sa gitna ng kabundukan ng Fellas."

He nodded. Pinaplano na niya kung paano ililigtas ang babaeng mahal niya. Kailangan niyang iligtas si Zev dahil ang kasal nila ay sa susunod na buwan na.

"Maraming tauhan si Rost, Hijo. You need a back-up," ani Mr. Polavieja.

"Sige po, tatawag kayo ng police pag-binigyan ko kayo ng signal." Tumayo na siya at handang umalis. Malalim na ang gabi at pasado alas onse na ng gabi. Kailangan pa niyang bumalik sa mansion nila at maghanda. "I will call you for a signal."

"Hijo, mag-ingat ka. God will take care of everything." Mrs. Polavieja said. Kitang-kita niya ang matinding pag-alala sa buong mukha ng magulang ni Zev. They trust him to save Zev from the cruel hands of Rost. He will assure them to bring their daughter home safely. Pangako niya 'yon kahit buhay pa niya ang kapalit mailigtas lamang si Zev.