Chereads / The Groom's Tale / Chapter 38 - Chapter Thirty Seven-Savibg The Bride and The Fall of Groom

Chapter 38 - Chapter Thirty Seven-Savibg The Bride and The Fall of Groom

Hindi pa nagbukang-liwayway ay umalis na siya ng mansion nila at tahimik na minamaneho't binabaybay ang daan papuntang San Fellas. Sinunod niya ang lahat ng detalyeng ibinigay sa kanya ni Don Felix. Tumawag ang huli kaninang alas-tres ng madaling araw, katulad niya ay hindi makatulog ang mga ito. At sino ba namang magulang ang komportableng matutulog habang nawala at kinidnap ang anak?

She was beautiful, innocent, and kind, too pity in the hands of her abductor, Rost Valerion. Hindi mapakali ang mga ito at iniisip ang kalagayan ng anak, lalo na't nasa kamay ni Rost si Zev.

Habang nag-uusap ay dinig na dinig niya ang hikbi ni Mrs. Polavieja sa kabilang linya. Nag-hysterical na naman sa lungkot at takot ang matandang babae. Pinangako niyang maiuwing ligtas si Zev, at mananagot sa batas si Rost Valerion.

Wala siyang kibo habang nagsasalimbayan sa kanyang utak ang iba't-ibang isipin, kasama na ang plano at kung paano talunin si Rost at ang mga tauhan nito. Pero hindi niya kailanman pina-iral ang takot sa kanyang dibdib.

Wala siyang dalang baril dahil sa tingin niya ay hindi niya 'yon kailangan. He was too good in martial arts, at sapat na 'yon para isa-isahing aatakihin ang mga tauhan ni Rost.

Sunrise reflected in the foothill as he exactly reached San Fellas. Ayon kay Don Felix ay kailangan niyang iwan ang kotse sa paanan ng bundok and that was exactly the place that Don Felix referred at. He sighed as he got out of his car.

Isang hindi kabigatang bilog na bakal hanggang sa kanyang balikat ang inilabas niya mula sa loob ng kanyang kotse. 'Yon ang gagamitin niya. Kailangan niyang umakyat ng bundok na 'yon. Dahil doon ang shortcut sa daan papunta sa kampo ni Rost.

Nang nakaabot siya sa ibabaw ng maliit na bundok na 'yon ay nakita niya ang isang daan. Nagsimula siyang naglalakad. He was surprised by the trace of a car wheel on the earth. Tumango siya at alam niyang may bagong kotseng dumaan doon.

NANGHIHINA at masakit ang kanyang katawan. Her hands were handcuffed. May pasa ang mukha niya, at itim ang gilid ng kanyang mga mata. Poor Zev, there's no strength left for her. She was giving up. Her lips were dried and cracked, her throat was dried too. She leaned her head on the chair where Rost Valerion was sitting. The guy blew a thick gray smoke na mas lalong nagpapanghina at nagdudulot ng panghihilo kay Zev.

Pumasok ang isang tauhan nito. Kahit pa ang mga tauhan nito ay nakakatakot ang hitsura. Matititpuno ang mga katawan at mahaba ang buhok. The place was hell for her. She was hopeless waiting for someone to save her. Will her groom come and save her? She has despaired. Poor Zev.

"Okay na po, boss" ani ng lalaki na pumasok kanina.

"Make sure na hindi tayo babagsak. The fifty thousand kilo ay para kay Mr. Chang, the other two hundred kilo ay para sa partner nating si Mr. Tim," He was referring to a drug at sa mga Tsinong negosyante nito. "Magdala ka ng maraming tauhan para siguraduhing safe ang business." Patuloy ni Rost at inilagay ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa.

"Roger that, boss"

"Sige aalis na kayo at alam n'yu na ang dapat ninyong gawin." maawtoridad na sambit nito. Lumabas na nga ang lalaki at naguhit sa labi ni Rost ang isang ngiti. A satisfied smile hovers his lips.

"After my business here in the Philippines ay dadalhin kita pauwi sa Madrid, Honey," sambit nito kasabay ng pagbuga ng usok ng sigarilyo.

Pailing-iling si Zev. Hindi maari. Ayaw niyang sumama rito.

"Pangakong magiging masaya ka, lahat ng bagay na hihilingin mo ay mapapasayo.

Her lips quivered. Kahit pa ilang bilyon ang ibibigay nito sa kanya, ay hindi siya papayag na magpakasal dito, sa lalaking walang ibang ginagawa pulos kasamaan.

NANG makarinig ng mga ugong ng sasakyan si Reese ay kaagad siyang nagtago sa likod ng isang malaking punong kahoy. Maya maya ay dumaan ang dalawang itim na van. Alam niyang mula 'yon sa kampo ni Rost. Pero paano kung sila Rost ang lulan ng mga van na 'yon at dalhin nila si Zev? Hahabulin ba niya 'yon? Biglang lumiwanag ang mukha niya at agad kunan ng litrato ang plate number ng mga van gamit ang cellphone niya. He immediately sends it to Don Felix, alam niyang kasama ng mga pulis ang huli.

Sa pagpatuloy ng paglalakad niya ay nakaabot siya sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Nagmamatyag siya mula sa kanyang kinatataguan. Isang lalaki ang mula sa munting kubo ang naglalakad sa direksyon niya. Umihi ito, pero hindi pa nito naibaba ang pantalon nito ay isang malakas na palo sa batok nito ang natanggap ng lalaki. He was motionless and fell to the ground. Duguan ang bibig at ilong nito.

He move quickly and reached the backdoor. Bukas 'yon at dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Isa namang lalaki ang nagkataong dumaan sa kung saan siya nakatago. Isang malakas na lower cut ang pinakawalan ni Reese para sa lalaki. Natumba ito sa sahig. Putok ang labi at sargo ang dugo sa ilong nito.

Dahan-dahan siyang pumanhik sa itaas, sa ikalawang palapag ng bahay. May narinig siyang dalawang lalaking nag-uusap. Doon niya nalaman na hindi si Rost ang lulan ng mga van kanina, kundi mga tauhan lang ng binata.

Isang palong nakakamatay ang natanggap ng lalaking nagsalita, bumagsak ang katawan nito. Dinaklot naman niya ang isa sa suot nitong jacket at inundayan ng malakas na suntok sa panga nito. Nanlaban ang lalaki kahit nanghihina na 'to. Ubod lakas niya itong sinipa at nasira ang dingding at bumagsak ito sa bubong sa ibaba. Nagdulot 'yon ng malakas na ingay. Alam niyang naalarma si Rost dahil sa ingay na 'yon.

Mabilis siyang kumilos at pumasok sa isang silid para salubungin ang eksenang 'yon. Si Rost may hawak na baril at nasa likod ng naghihinang si Zev. Itinutok nito ang baril sa kanya.

"Long time no see, bro. ¿Como esta?" Sambit nitong ngumiti. He locked his arm on Zev's neck. "Isang maling kilos mo ay basag ang bungo ng babaeng 'to" dagdag nito na nagbabala at nagbabanta.

Reese clenches his fist. Kitang-kita niya na nahirapan si Zev. "Asshole, 'wag kang magtago sa likod ng babae" angil niya.

Tumawa ito. "Huwag kang mag-alala kaibigan, dahil tiniyak kong ito na ang huling araw mo. This is the perfect time honey, ang papatayin ko mismo sa harap mo ang lalaking pinakamahal mo. Would you be kind enough to drop that damn iron,"

"H-huwag kang makinig sa kanya." Nanghihinang saway ni Zev.

"Just shut the fuck up," anitong hinigpitan ang braso sa leeg ni Zev at ito ay nasasaktan. "Ayaw ko ng mag-aksaya pa ng panahon."

Itinapon niya sa isang sahig ang hawak niyang bakal. Rost pulled the trigger of his gun and point it right at Reese's chest. Inipon naman ni Zev ang natirang lakas niya at nagpumiglas siya, kinagat niya ang braso ni Rost at sinipa ang harapan ng lalaki. Tumama sa kisame ang bala ng baril. Bumagsak si Rost at napangiwi sa sakit.

Parang gutom na Tigre si Reese at ayaw niyang bigyan ng tsansang makabangon si Rost. Pumaibabaw siya sa lalaki at dinaklot si Rost sa jacket nito at sinuntok ang mukha nito ng ilang beses. Putok ang labi nito. Wala ng natirang awa sa dibdib ng binata. Tumigil lamang siya ng hindi na ito kumilos at pulos dugo ang kamao niya

Nanghihingal siyang tumayo. He turned his back to Zev na natatakot ang huli, she runs to him and embraced him, gumanti siya sa yakap nito. Tahimik na umiiyak si Zev sa kanyang dibdib. Nakangiti siya ng marinig ang tunog ng mga kotse ng mga police sa di kalayuan. Natagumpayan na naman niya ang isang hamon na 'yon.

Kumalas sa yakap nila si Zev nang marinig ang boses ng Mommy at Daddy nito na tinawag ang pangalan nito. Tumakbo ito at yumakap sa nag-alalang mommy at daddy nito. Ngumiti si Reese, at muling lumingon sa kung saan ang walang malay na katawan ni Rost. Naging mapait ang ngiti niya ng makita ang lalaki at ligo ang dugo nito, nakatayo ito at nakatutok sa kanya ang hawak nitong baril. Balak niyang daluhungin ito, pero hindi pa siya nakakilos ay isang putok ng baril ang umalingawngaw.

Nanlaki ang mga mata ni Zev pagkita sa gumigiwang na pabagsak na katawan ni Reese. Bumagsak ito sa sahig at nagbaha ang dugo nito sa dibdib.

"Reeeeeseeee?" Malakas niyang sigaw kasabay ng hagulhol.