Chereads / The Groom's Tale / Chapter 31 - Chapter Thirty

Chapter 31 - Chapter Thirty

Nahihirapan man ang loob niya. Nahihirapan man siyang huminga. But there she was ought her death. The good and bad angels of hers were fighting too, gusto siyang tulungan ng guardian angel niya. Pero nakikita na niya ang sarili sa isang madalim na lugar. Napakadilim ng lugar na 'yon, at hindi niya alam kung paano lalabas doon.

She lost herself in the middle of nowhere.Woe, a tunnel that scared her, there were chattering around and she concluded that it was afterlife world. Everywhere was great darkness there's no single thread of light, no moon, no stars, she heard some laughs and chuckles, her soul was not alone.

Doon niya nakikita ang sarili niya at hindi niya alam kung paano lumabas sa lugar na 'yon.  Dahil sa sitwasyong hinaharap niya ay halos mabulag siya sa takot. But she refuses to complain.

Gusto na niyang magpahinga. She wants to rest forever, alam niyang pagod ang buong katawan niya. Nanghihina na ang puso niya. Sino ba naman ang kayang pumigil sa kanya sa plano niyang iyon. Ang magpakamatay? Wala, walang makapagpigil sa kanya. Not even gods, and she very feels sorry for taking her own life, a gift from God.

She was very sorry for it. How she wished that Hephaestus burn her down. She let Hades solve her problems. Death may be terrible but some part of her believes that it's quite friendly.

She's a poor animal who knows her death. Bakit hindi na lang siya bagsakin ng lupa at langit. Alam niyang hindi ginusto ni Reese ang ginagawa niya ngayon. Alam niya hindi ito pabor. But she doesn't want to be ill forever.

Nakikita ng dalaga ang maamong mukha nito sa kanyang isipan. He's gentle. His name is gentle, at missed na missed na niya ito, at matatapos na iyon sa sandaling mawawala na siya.

Nagtataka ang Taxi driver sa paghikbi niya pero hindi ito nag-usisa kung ano ang nangyari sa kanya. Alam ng dalaga na sa pagkawala niya ay mawawasak ang lahat ng pusong nagmamahal sa kanya. Mom, Dad, Kyle, Kith magpahinga lang ako bulong niya sa hangin. Hindi kaya ng dalaga ang ituloy ang buhay, mabuhay sa katotohanang wala na si Reese, truth are painful.

Kung mabuhay pa ito at papakasalan nito si Nace ay magiging masaya na siya. Kaya niyang tanggapin 'yon. Kaya niyang magdusa habang buhay habang si Reese ay magpakasaya sa piling ni Nace.

Pero ngayong wala na ito, anong silbi pa ang mabuhay, he's her life. Ang pagkawala nito habang buhay seems a fragrance of forest flowers that expand, where to find it? invisible, and where to find him, invisible, she can't find him in the North, South, East, or even in the West, she can't find him everywhere.

His ghost and soul might be on her side, suffering. His soul wanted to embrace her, Alas! It was not in his power. Maaring nahihirapan din ang kaluluwa nito ngunit hindi niya 'yon makikita. Maaring nasa tabi niya lang ito. Pero sa kaluluwa nito ay libong milya ang layo nila sa isat-isa.

Ano pa ba silbi niyang bumangon sa bawat umaga at masilayan ang bawat pagsikat ng araw at makita ang bukang-liwayway? Wala na. The Rose already lost its fragrance. No strength left, it ready to give away. The leaves are withered now.

His soul that she can't see, might silent by her side. God didn't say a word. She's leaving this life for the uncertain. A story of her life was torn and its page fadeaway.

Napatingin siya sa loob ng sling bag na dala niya, sa loob niyon ay nakikita niya ang lason na binibili niya. Nanginginig ang mga kamay niyang hipuin at haplusin iyon.

Desido na talaga akong mabuhay, sa ibang mundo nga lang. I don't need protection but peace. Hades will take care of this burden and pain of mine.

"Ma'am, baba na," ani taxi driver.

Napapitlag siya. Noon niya napansin na nasa tabing dagat na sila. Mabilis niyang pinunasan ang mga basang pisngi, nagpasalamat siya at lumabas ng kotse. Napatingin siya sa malapit na dagat. Huminga siya ng malalim at humakbang sa may maraming malalaking bato.

Thank you for everything querido, until we meet again.

NANG dunating si Matt sa mansion ng mga Medel ay kitang-kita ang matinding pag-alala sa mukha nito. He seems very worried, worst than seeing a ghost.

Ang unang tinanong ng binata ay si Zev. He's breathless as he rolled his eyes to look for her. Bago ito dumiretso sa mansion ay dumaan muna ito sa apartment ni Zev. A hysteric surprise met his eyes. Ganon na lamang ang pag-alala nito nang makita ang ilang malilit na bote ng nakakamatay na lason at may katabing sulat na nakalagay sa center table sa sala.

He searched for her everywhere. Hinahanap nito si Zev sa silid niya pero wala ang dalaga roon, kaya desido ang binata na dumiretso sa mansion.

Namumula pa ang mukha nito dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito. Yes, he was red in the face and worried shadow on it as well. Walang minutong dapat sayangin si, Matt. Hindi rin nito maiwasan ang mabilis na pagtahip ng dibdib nito. Iniisip nitong may hindi magandang nangyayari.

Hindi nito matanggap kung may masamang nangyari kay Zev. Bakit kasi bulong nito. He clenched his fist on his lap. Kung sakaling may mangyaring masama kay Zev ay hindi niya mapatawad ang sarili nito.

"Kanina pa nag-paalam. Ewan, wala kaming ideya kung saan siya pumunta," ani ng isang katulong. He clenched his teeth at may galit na nabubuhay sa dibdib ng binata. Bakit kasi? muling bulong nito.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga ito nang ipinakita ni Matt ang lasong nakita nito sa apartment ni Zev. "May balak sigurong-" huminga ito ng malalim. "I can't waste any seconds now. Kailangan ko siyang hanapin sa madaling panahon," Pagkasabi nito niyon ay tumalikod na ito at nagmamadaling lumabas. Tumingin ito sa madilim na kalangitan at nagpakawala ng isang buntong-hininga.

"Mio dios (My God)," anang matanda. "Sana ay-" her voice broke, dropped in a sob, and cried in lament.

NAKAUPO sa ibabaw ng isang malaking bato si Zev at minamasadan ang alon. Humampas iyon sa kanyang mga paa. Mas lalong lumakas ang alon dahil sa lakas ng ulan. Sigurado na siyang hindi na siya matutuloy sa Wuhan at dito na niya tatapusin ang lahat. Doon na niya tapusin ang kwento niya at paghihirap. Namamaga na ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak, hikbi at hagulhol ang maririnig sa lugar na 'yon.

Habang tumatagal ay lalong naging masakit sa balat niya ang bawat butil ng ulan. Naninikip ang dibdib niya. Maghintay siya ng isang oras para gawin ang masamang balak niya. Hindi na niya alintana ang malakas na hampas ng alon, at ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa halip ay kumanta pa siya na parang si 'Sisa' sa Noli me Tangere.

She's singing sweetly and, bitterly. Pero ang dugtong ng pagkanta niya ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Humahagulhol siya na parang wala ng bukas, pagkatapos ay nakayuko na lamang siya at mapait na ngumiti, naghalo na ang luha at ulan sa kanyang mga pisngi.

Palakas ng palakas ang ulan at malakas na rin ang bawat hampas ng alon sa kanyang mga paa. Dumating na ang oras niya. Oras na niyang magpahinga.

Huminga siya ng malalim. Then, she removed the lid of the poison bottle. Ngayon ay naamoy na niya ang amoy ng kamatayan niya kahit basa ang katawan niya ay biglang tumindig ang mga balahibo niya. O, baka lumabas na nga ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan.

She placed the head of the bottle under her lower lip, iinumin na sana niya ang lasong 'yon nang may kumanta mula sa likuran niya.

Baby blue eyes, I was frozen by your stared

And my heart started to beat again

Baby, are you my Perfect fantasia?

Oh baby we need to live

To tell this heart tales.

Sound's familiar she whispered then she turned her back. "R-Reese?" She was surprised na makita ang binata sa lugar na 'yon.

'His ghost' she said inaudible.

"Ang sama ng panahon. Isn't it? But it reminds me of something very tender," he said gazing to the wide sea at ibinalik ang tingin sa kanya. "Well, it rain like this the day we met. When your eyes met mine, irresistible. I can't resist looking on your beautiful blue eyes like an ocean."

Why God? Bakit ako binisita ng kaluluwa nito?

He chuckled. "Do you remember the day nang pinag-agawan natin ang natirang La Ultimo Memorias na book sa Mccollen bookstore? Muntik mo nang mapunit yung cover. But our story started there."

Zev said nothing, still. She did not believe That it was Reese who stood in front of her now.

"Bakit hindi ka natutuwa?"

Hoo! His ghost was so gentle. Here he comes and asked me that question. Gentle.

"Hoy! Hindi kaba natutuwa na bumalik ako?"

"But you already-" sa wakas ay sambit niya, nalaglag ang hawak niyang lason.

"Dead?" He concluded.

Tumango siya. "Kahit bumalik kapa ay hindi mo na ako magawang yakapin. Wala 'yon sa kapangyarihan at kakayahan ng isang kaluluwa. Gusto ko man at gusto mo man pero kahit magiging puti ang uwak ay hindi natin 'yon magagawa. You can't hug me. You can't kiss me, at sa tanging panaginip ko na lang mo iyon magagawa. Por favor Mi Amor let me follow your Path. Handa na akong mawala. I'll seek you in the afterlife," aniya at patuloy ang paglandas ng mga luha niya.

"You'll make yourself sick," anito na humahakbang papalapit sa kanya para yakapin siya nito. Pero umaatras siya dahil sa isiping kahit gusto man nito iyon ay hindi na nito iyon magagawa dahil isa lamang itong kaluluwa. Pumikit si Zev nang maramadamang mahuhulog siya sa tubig dagat ngunit hinila siya nito at pagkatapos ay humampas siya sa katawan nito. He hugged her tightly. Nagmulat siya ng mga mata. Buhay nga siya. Pero paano. Hindi na niya iyon iniisip kung paano. Gumanti siya sa mga yakap nito.

"Am I dreaming?" She kept asking. "Nanaginip ba ako? Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising pa," hagulhol niya.

"Ako nga ito. Hindi ka nanaginip. Kung totoong patay ako ay gagawa ako ng paraan na muli kang makita. Mahal na mahal kita, Zev. Hindi pa ito ang oras para magkahiwalay tayo," hikbi ring sambit ni, Reese.

Ang mga puso nila ay sumasayaw sa tuwa habang ang mga mata nila ay binahaan ng kanilang mga luha. Nagdikit naman ang kanilang mga labi at puno ng kasabikan ang halik nila. Ang mga puso nila ay nagkakantahan at lasapin ang sarap ng pagmamahal nila.

"Handa ka na bang makinig sa kuwento ko?" Tanong nito na tila nagmamakaawa at hinigpitan ang pagyakap sa kaniya

"Si, Mi Amor (Yes, my love)" she said and smile.

Umupo sila at tumingin ito sa mga mata niya. "Yes I went to Wuhan a week ago, dumiretso agad ako sa White cloud cave at agad kong kinuha ang batong itinago natin doon noon. I know na naibigay na iyon ni Daddy sayo. Pagkatapos kong kunin ang batong 'yon ay pinuntahan ko si Lee dahil may kailangan daw siyang sabihin sa akin, at doon ko nga nalaman na hindi ako ang Ama ng dinadala ni Nace, inamin ni Lee na siya ang Ama at handa nito 'yon pananagutan. I was so happy knowing na makakasama na kita habang buhay. Pero nang umuwi na ako rito sa Pilipinas biglang bumigat ang pakiramdam ko at dahil nabalitaan ko ang masamang nangyari sa Wuhan ay agad akong nagpacheck-up , halos hindi ako makapaniwala sa result, positive daw ako, and it consider as first case of Corona Virus in the Philippines." Huminga ito ng malalim at nagpatuloy. "Because of my overburdened brain and due to my fear ay naisipan kong tumungo ng Marianas para ilulunod ang sarili ko dahil ayaw kong may mahawaan akong ibang tao. I was decided to commit suicide. Sumakay na sana ako ng barko papuntang Marianas nang bigla akong nakatanggap ng call galing kay Doctor Howard, humingi ito ng tawad mali raw ang ipinakitang result, negative ang tunay na result. May fever lang naman ako that time and it related to the COVID symptoms. Napikon ako and I want to file a case against him, pero hindi ko na iyon iniisip. Ang mahalaga ay kasama na kita ngayon, Zev"

Zev said nothing. She let him continue.

"Si Matt ang unang nakaka-alam na hindi totoo ang pagkamatay ko pero sinabihan ko siyang huwag 'yon sasabihin sayo. Kasunod sina Lola nagvivideo call kami, at si Daddy tulad mo ay halos hindi naniniwala. God has always mysterious ways saving human lives."

Hindi niya inalis ang mga matang nakatingin sa mga mata nito.

"Ang saya ko alam mo ba 'yon, Zev?" Muling naglandas ang luha sa mga mata nito. "Sa wakas Zev, my tale is bad. Nagiging groom ako ng dalawang beses without bride. Iniwan ako. Niloloko. Ang masaklap pa roon ay niloloko ako dalawang linggo bago ang kasal. Hanggang sa nakilala kita. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa—"

Hinaplos niya ang pisngi nito at nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito

"Oh bakit? Hindi ka ba naniniwala?" Malungkot na tanong nito.

Umiling siya.

"Pero ako to at lahat ng sinasabi ko ay totoo"  depensang sabi nito.

"Hindi 'yon ang iniisip ko. Alam mo bang hindi sa Mccollen nagsimula ang story natin?"

Napakamot ito sa ulo. "H-Huh? What do you mean?"

"It all started in the Mediterranean. It was me.... It was me who saved you."

"Zev?" Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Sorry, dapat noon ko na ito sasabihin sayo pero di ko magawa," Dahan-dahan niyang binuksan ang isang Ring box at lumitaw ang isang pamilyar at magandang singsing. "Sayo ito. I keep it for a purpose. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ko ito ibabalik pag-"

"How come-" he was surprised. Pero bigla nitong naalala noon nang tumuloy ito sa apartment ni Zev isang gabi dahil sa sobrang kalasingan, kinabukasan nang buksan nito ang closet ng dalaga ay nakikita nito ang bagay na 'yon. So hindi nga siya namalikmata. "Ikaw nga ito." Hinaplos nito ang pisngi niya. "You saved me. You're the woman whom I exactly looking for. Tama nga ang napili ng puso ko."

"Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ko ibabalik ang singsing na ito kapag hindi ka muna makatagpo ng matinong babae."

"At ikaw iyon. Ikaw ang nakita ko. You're the woman na palaging hinahanap ko." Kinuha nito sa kanya ang singsing at lumuhod sa harap niya. "Mi Amor, will you marry me? Say yes and refuse to say No."

Ngumiti siya. "No! No, I can't live without you. You're my life. I marry you because I deserve you. My husband."

Napaiyak ito habang isinuot sa daliri niya ang singsing, Perfect at bagay na bagay iyon sa kaniya. "You're now Mrs. Medel."

"Pangako mo sa akin na hindi mo na ako iiwan."

"I can't live without you by my side." Tumayo ito at hinagkan nito ang mga labi niya at buong puso niyang tinugon ang halik nitong 'yon.