Chereads / The Groom's Tale / Chapter 28 - Chapter Twenty-Seven

Chapter 28 - Chapter Twenty-Seven

"China has become a Warzone. This December 2019, a new type of CoronaVirus was identified in Wuhan, China. Wuhan is the epicenter of CoronaVirus," ani ng tagapagbalita at tahimik na nanonood at nakikinig si Don Carlos. "There's identified infected Chinese individuals, these two weeks the number of new infected and deaths in Wuhan are increasing, which have posed major public health and governance concern."

Nagkibit balikat lamang si Don Carlos sa naririnig at hindi na niya itinuloy ang panonood ng balitang 'yon. Pinatay niya ang telebisyon.

Si Reese? Biglang naisip niya tatlong araw na ang nakalipas nang nagpa-alam ang kaisa-isang anak na pumunta raw ito sa Wuhan dahil bibisitahin umano nito si Lee ang kaibigan nito at employee ng kompanya nila. Pero hanggang ngayon wala pa rin si Reese.

Wuhan? Oh God aniya sa isip niya nang muling sumagi sa isip niya ang balita kanina.

Tumayo siya at tumindi ang pag-alala niya nang subukan niyang tawagan si Reese ngunit cannot be reached ang cellphone ng anak. Paroo't parito si Don sa paglalakad sa labis na pag-alala. Hindi siya papayag na may masamang mangyari kay Reese. Aanhin niya ang malaking kayaman kung mawawala naman ang Unico Hijo niya.

Naguguluhan siya dapat noong tumungo si Reese sa Wuhan ay dapat nakabalik na ito agad. Imposibleng hindi alam ng anak ang trahedya sa Wuhan mismo. Nasaan na kaya ito? Ngayon ay halos sumabog ang ulo ng Don sa tindi ng pag-iisip at labis na pag-alala.

Nang tinawagan niya si Matt ay sinabi nitong hindi nito nakita si Reese. Nagsuhetisyon itong tatawagan daw niya si Zev baka nasa Las Piñas si, Reese. Napa-iling na ibinaba niya ang Cellphone.

"Hija, nandyan ba si, Reese?" tanong niya kay Zev. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. So weird ang pagtawag kay Zev. He knew that ikinuwento kasi ni Reese sa kanya ang nangyari, na alam na nito ang buong pangyayari.

He thinks about his question once again. Imposible namang nandon si Reese, sa totoo lang ayaw niyang tawagin ito dahil siya man ay nahihiya, at alam niyang hindi pa ito nakarecover sa nangyari, alam niyang ikakadurog ni Zev ang nangyari. Pero dahil sa sobrang pag-alala ay wala na siyang choice kundi tawagan ito baka may ideya ito kung nakabalik na sa Pilipinas si Reese.

Fear ran down Don Carlos a fear that Reese himself embracing his old life na walang ibang inaatupag kundi ang mga dangerous sports.

"H-hindi Po." Matipid na sagot nito sa kabilang linya. It seemed she don't want anybody right now. Zev need to be alone, to get his thoughts together. "Hindi ba nasa Wuhan si —."

"Hija alam mo ba ang nangyari sa Wuhan ngayon." Muli na namang bumilis ang tahip ng dibdib niya.

"Opo Tito I was worried nga. Hindi pa ba umuwi si RK?"

"Wala akong ideya Hija, kaya nga tinawagan kita ."

Paglipas ng ilang sandaling pag-uusap nila ay nagpa-alam na ito. Sinubukan niyang tawagan muli si Reese ngunit can't be reach pa rin ito. Napabuntong hininga siyang pumanhik sa itaas sa loob ng silid ni Reese.

Pagpasok niya ay may nakita siyang hugis pusong bato at katabi niyon ang isang sobre. Ibig sabihin niyon ay nakabalik na si Reese sa Pilipinas pero nasaan ito.

Maya maya nag-ring ang cellphone niya tila nabawasan ang tindi ng pag-alala niya nang makita ang pangalan ng anak sa caller ID ng cellphone niya.

"Hijo, nasaan ka?" tanong agad niya.

"Dad Marianas trench is the deepest place on Earth." He announced and coughed.

"Everyone knows that. Pero nasaan ka ngayon?" His lips quivered as he spoke. Pati ang tuhod niya ay nanginginig sa sobrang pag-alala.

"Nasa Pier ako Dad, pupunta ako ng Marianas."

"W-what?"

"Dad listen to me."

Nararamdaman niyang parang nahihirapan ito sa paghinga. Umubo ito minsan at siya man ay nagtataka kung ano ang ginagawa nito sa Marianas kaya't nagtatanong siya. Halos matumba ang Don nang marinig ang sinasabi nitong ilulunod ang sarili.

"Are you insane Hijo?"

He has a suicidal tendency and Don Carlos recall what was Reese doing three years ago.

Narinig niya ang pag-ubo nito bago ito magsalita. "Kailangan kong gawin ito, Dad."

"Reese anak listen, malulutas ang problemang ito, ang problema mo. Magpakamatay ka? Ano ka baliw?"

"Hindi 'yon ang iniisip ko, Dad. Ayaw ko lang may mahawaan akong ibang tao," anito

"What do you mean?" tila may nararamdaman si Don ng kakaibang lamig na biglang yumakap sa kanyang katawan.

"Dad, positive ako sa Corona Virus." He said bravely without even that he had the serious disease "It happened in my one day staying in Wuhan. I can't believe na nahawaan na ako."

"R-Reese?" He said weakly then cried.

"Dad huwag kang iiyak. Always remember that I'll always love you."

Nararamdaman ni Don Carlos ang mahigpit na pagyakap sa kanya ng malamig na simoy ng hangin na nagpatindig ng balahibo niya, tanda ng matinding takot ng kaluluwa niya.

"Reese, uuwi ka na Please," aniya sa basag na tono.

"Dad I said don't cry. Bago ako mawala Daddy gusto kong malaman mo na ang bata sa sinapupunan ni Venace ay hindi akin. Inamin ni Lee na siya ang ama ng dinadala ni Nace."

"H-Hijo."

"Daddy may panahon kapa para mag-asawa. Enjoy your life," anito sa kabilang linya pero halata sa boses nito ang matinding lungkot.

"Enjoy my life? Paano ko mae-enjoy ang buhay ko kung wala ka?" Durog na durog si Don Carlos sa mga oras na iyon.

"I know you can. You're the strongest father I've ever known. Like what I said ay muli kang mag-asawa't magkaroon ng mga anak, I know they will love you tulad ng pagmamahal ko sayo. Higit sa lahat huwag mong pabayaan ang sarili mo." He stopped to cough. Then he continued. "Have a pity on poor Zev huwag mo siyang pabayaan. Inside my room may inilagay ako ibigay mo 'yun sa kanya di na bale kung papatawarin niya ako o hindi at least I can tell to the world that I love her so much."

"Please! " Nanghihina na talaga si Don Carlos. Hindi niya alam ang gagawin lalo na ngayon nasa bingit ng kamatayan ang kaisa-isahang anak. Hindi inaasahan ni Don Carlos na mangyari ito sa tanang buhay niya. "Reese paki-usap umuwi kana anak. Kaya natin to. I send you to the US for the best medication."

"Wala ng oras Daddy. Nagsisimula pa lamang ang kumakalat na sakit na ito. Send me to the US? Never 'yon mangyari Daddy. they will accept me, alam mo naman siguro Ang Corona Virus Diba? Saka pagod na ako Daddy, pagod na ako sa lahat. Hindi ko na kaya. Too overburdened, too tired. Takot na takot. Durog na rin ang puso ko, it's my fate. By the way, si Lola took care of her, farewell Dad, always remember na mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayong lahat." pagkasabi nito niyon ay wala na ito sa kabilang linya.

Bumagsak sa sahig si Don Carlos, habang nakatitig sa kisame pakiramdaman niya ay nakahiga siya sa nagbabagang apoy o parang may isan-libong karayom na sabay itinusok sa buong katawan niya.

Hindi siya makapagsalita para siyang napipi sa nangyari, pero ramdam na ramdam niya ang patuloy na pagtulo at paglandas ng mga luha niya.  Sa labis na pag-iyak ng Don ay hindi na niya naisipang tumawag sa Sea Marine Patrol. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng Don. Sigaw na maririnig sa loob ng kabubuang Mansion. Sigaw na ikinagugulat nilang lahat na naroon.

Paglipas ng mahabang minuto ay bumangon ang Don at naghilamos isa ang nasa isip niya ay ang puntahan si Zev ngayon din. Gusto niyang ibalita dito ang nangyari ang kinatatakutan lang ng Don ay baka saktan ni Zev ang sarili kapag malaman niya ang nangyari kay Reese.

NAPaTIGIL si Zev sa pagtingin ng Cosmopolitan magazine nang marinig ang ang tunog ng doorbell tumayo siya para alamin kung sino ang nagdoorbell. Ang malungkot at miserableng mukha ng Don ang sumalubong sa kanya. Nagtataka siya kung bakit siya nito pinuntahan.

"Si Reese Po?" tanong niya nang nakaupo na ito sa sofa.

Don Carlos did not say anything but he lay down the stone that was perfectly shaped like a heart on the center table. What a surprise it was for Zev. For a long time, she gazed at the stone she silently cried she picked it and kissed it.

"Tito, the truth is napatawad ko na si, Reese. Dahil na-realized kong hindi talaga kami para sa isat-isa. Masaya ako para sa kanya. Para sa nalalapit na kasal niya, nila ni Venace. "

"Good to hear that Hija." malungkot na sambit nito.

"Teka nasaan ba siya.?"

Hindi ito sumagot.

"Gusto ko sanang maging Maid of Honor ni Venace sa kasal nila ni Reese."

Don Carlos gave a long profound sigh. He was broken, shattered into a pieces. "Hija listen ang ama ng batang dinadala ni Venace ay si Lee, Reese friend."

Biglang lumiwanag ang mukha niya na para bang bigla siyang nagkaroon ng mga bagong pakpak.

"Pero wala na si Reese Hija." humikbing dagdag nito.

"H-huh?" gusto niyang matawa sa biro iyon ng Don hindi niya alam na may pagka Jolly din pala ito.

"He drown himself in Mariana's."

"Tito, hindi po nakakatawa yang Joke n'yu "

"No! Te Estoy diciendo la verdad (I'm telling you the truth) Wala na talaga si, Reese."

"No, I don't believe it."

"Positibo siya sa Coronavirus. Ayaw niyang may mahawaan siyang ibang tao that's why he came up with drowning himself."

"Corona Virus?" tanong niyang biglang sumeryoso ang mukha niya. This wasn't a damn joke or prank this was happening.

Ibinigay ng Don sa kanya ang liham ni Reese kinuha niya iyon at binasa.

Zev huwag mong pabayaan ang sarili mo. Don't think ill about me, more than this I'm so sorry. Sorry, I caused you sorrow. Mahal na mahal kita Mi Amor.... Mahal na mahal—RK..

"Kasalanan ko ang lahat, Tito. Kung di dahil sa'kin ay di sana pumunta ng Wuhan si RK. I want  to die." Zev began to sob.

"No, no, Zev."

"I don't deserve to live. Ano ba ang saysay na mabuhay ngayon?"

Now Reese was right the last thing in the world he want to do is to make her unhappy and that was happening all of the sudden.

"Of course, you deserve to live. Napakabuti mong bata. You loved him and he loved you too."

"What am I going to do? Drowning myself too?"

Don Carlos protested. "Marami anak. Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo."

"Gusto kong mamatay." She screamed.

He protested again." No, You need to live to chase your dreams to enliven Reese kahit sa pagsusulat na lang. It's the work he loves the most," anitong ngumiti na puno ng pait.

"T-tito,"

"Nandito lang ako para suportahan ka tulad ng bilin ni Reese."

When she raised his head the room seemed to swim in a circle.

"Ipahanap ko na lang ang bangkay niya." anito sa basag na tono.

Now it was the trees that move slowly in a circle, tilted against the sky. Zev stood up leaning against the wall. Her head is spinning. Hindi niya inaasahan ang nangyari, at ano ang magagawa niya. Hindi siya isang Diyos na may kapangyarihang ibalik ang buhay ng isang namatay. Now she began to question everything, bakit ito nawala, bakit ang aga itong mawala sa paningin niya.

"Oh, I'm sorry. I'm sorry."

"Nanghihina ako,"

Para siyang basang sisiw o tupang ligaw na naghahagilap ng masusuungan. How could I started again ngayong wala na si Reese. How I could deserve to live. Inisip niyang parang wala ng saysay ang mabuhay pa ngayong wala na ang lalaking pinakamahal niya.

She let the pen and pain in Reese work to tell the tale. It's a dead end. She was appointed to block it, but she can't beat it, nor Reese can't overpower it. Death show its horrible face smoothly in the door and took away her man. So cruel. How the man being can escape in the clasps of death. She was traumatized, it was happening all of the sudden.

She struggled for breath. Kung alam niyang mangyari ang nagyari sa oras na 'yon ay sana ipadama niya kay Reese na mahal na mahal niya ito. Naawa siya sa sarili niya, tunay na kaawa-awa ang malungkot na kaluluwa niya, sinurot siya ng konsiyensiya sa panahong sinampal niya ito nang magtapat ito ng kasalanan.

Napadako ang tingin niya kay Don Carlos. Nakikita niya sa hitsura nito ang matinding lungkot. She wondered if Adam feel the pain that Don Carlos feel right now when Adam lost his son Abel that was murdered by Cain. Did Adam feel the same?

Napakasakit para rito ang mawala ng kaisa-isahang anak. Let everybody know that his heart was breaking, that Reese's death breaking it. Let the whole world know how sting this pain was. His very heart had collapsed. Naawa siya sa kalagayan ng Don. Nararamdaman din niya ang matinding sakit. Pero si Don Carlos ang makaramdam ng napakatinding sakit dahil hindi madali ang mawalan ng isang anak.

Kinagabihan ay tahimik na naglalakad si Zev ewan niya parang napapaso siya sa tuwing napatingin siya sa paligid niya. Alam niyang habang buhay na ang sugat sa dibdib niya at hindi 'yon pwedeng hilumin o gamutin ng ano mang klaseng gamot.

Pakiramdam ni Zev sa bawat pagtibok ng puso niya ay kakambal na ang sakit na tumutupok sa buong pagkatao niya.

Masaya na sana siya tungkol sa balitang hindi si RK ang ama ng dinadala ni Venace, pero bakit biglang nawala ngayon si, Reese. Iyon ba ang kapalit nu'n?.Life is unfair ayon sa kanyang paniniwala. Bakit ba kasi nawala si RK ngayon pa namang kailangan na kailangan niya ito.

Pasado alas onse na ng gabi ay tahimik paring naglalakad si Zev hindi niya alam kung ano ang direksiyon niya. Para siyang ibong lumilipad na walang eksaktong direksiyon.

Ginagawa niya iyon dahil wala siyang balak umuwi. Dahil sigurado siyang lalamunin lang siya ng matinding lungkot sa loob ng silid niya. The familiar streets looked strange, foreign, and unfriendly. Tila hindi na pamilyar sa kanya ang lahat. Nag-iba na rin ang takbo ng panahon para sa kanya.

"Hey, Zev anong gi—" hindi naituloy nito ang sinabi nito nang nagpatuloy siyang naglalakad ng payuko.

Alam niya kung sino ang may-ari ng boses na 'yon. Si Matt. I would not be complete again, ngayon ang pag-iisa ang magiging hobby ko, aniya sa sarili.

"Zev?" Sigaw nitong sumunod sa kanya.

Hindi niya inaasahan na dumating ang kinatatakutan niya ang mawala si Reese sa paningin niya.

Naglalakad pa rin siya nang naglalakad hanggang sa napahinto siya sa pamilyar na lugar. Ngayon nakatayo siya sa labas ng McCollen Bookstore. Their first meeting place sa Pinas na kung saan pinag-aagawan nila ang natitirang La Ultimo Memorias book. Naglandas na naman ang mga luha niya dapat sana ay hindi na siya muling tuksuin ng mga alaalang 'yon.

"Zev makinig ka naman sa akin," sabi nitong tila nagmamakaawa sa likuran niya.

"Huwag kang magpakatalo sa lungkot na nadama mo ngayon. Alam kong masakit but I want you to fight, Gusto kong maging matatag ka tulad ng bilin ni Reese, Please.."

"Oo masakit.. Ang sakkiiit," aniyang hinarap ito.

"Uwi na tayo I walk with you." anito

Humikbing napaupo si Zev he sniffed into the air, the fragrance of flowers that bloom at night expands. Umupo ito sa tabi niya saka walang anumang pinahid nito ang basang pisngi niya gamit ang isang palad nito.

"Kailangan mong magpakatatag tulad ni Rose sa titanic," anitong nakangiti.

She sobbed then bitterly bite her lowered lip in agony.

"How long does it take to be certified in Plastic surgery?" asked Matt to change the subject.

"Three years at least."

Iyon ang sinamantala ni Matt para pumunta sa iba ang paksa gusto nitong pansamantalang kalimutan ni Zev ang lungkot na nadarama.

"So ayun, you can rebuild your heart. Make it fresh again."

"Ang sugat sa puso ko ay nanatiling sugat. Maybe God has a special reason why I experienced this. Pero ang biglang pagkawala ni Reese, ay siyang hindi ko inaasahan. Napaka-bata pa niya. Hindi niya deserve, it's I who suppose to die. I deserve it."

"Tayo na please," anitong inalayan siya nitong tumayo. Wala siyang magawa kundi sumunod dito. Habang naglalakad sila pauwi ay ibat-ibang nakakatawang kuwento ang ikinuwento nito pinilit niyang tumawa kahit di bukal sa loob tulad din ito ni Reese na mahilig magpatawa.

Kumanta pa ito na ikinatatawa niya sinabihan niya itong wala ito sa tono, saka nagkunwaring nagtatampo ito. Malakas niya itong hinampas sa ulo. Then she run and he chased him at maya maya ay hinabulan sila ng mga aso.

Halos hindi siya makahinga pag-abot nila ng apartment niya. Sa mga oras na 'yon ay parang nakalimutan niya ang lungkot sa dibdib niya pero nang nagpa-alam na ito ay muli na naman siyang tini-tortured ng imahe ni Reese na nakikita niya sa bawat sulok ng silid niya.

Nakatulog siyang yakap niya ang picture frame nila ni Reese.