Tahimik na umupo sa kanyang swivel chair si Reese sa loob ng kanyang pribadong opisina. Katatapos lang niyang pirmahin ang mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. It was all about serious business and a partnership between him and the SMC.
Maya maya ay may kumatok sa pintuan. "Pasok ka," aniya sabay click sa hawak niyang remote, the door was slowly open, it was April, who stood there. April was his secretary. Pinuntahan siya nito dahil inin-quire niya ito kanina lang.
"Good morning Sir." bati nito sabay yuko.
"Buenos Dias. Siyanga okay na ba yung ipinahanda kong Agenda?"
"Okay na po lahat Sir. The meeting will be started at 1:30 pm later"
"Gracias,"
"So anong oras ka aalis bukas?" malungkot na tanong ng sekretarya niya habang umupo ito sa isang client's Chair.
"Early in the morning" malungkot ding sambit niya.
"I wish you the best"
"Gracias. Pagandahin mo ang Performance mo rito para ma promote ka for MMC's main branch"
Tumatango-tango ito. "Wait, Roses, Chocolates and cake. Para kanino yan?" Usisang tanong nito na ang atensiyon ay nasa ibabaw ng isang mesa.
"Paki-alamera ka talaga" He chuckled.
Si April ang sekretaryang naging kaibigan niya. She has a good personality at friendly din ito tulad niya. They've been friends since day one.
"Naman." Protesta nito. "Nagtatanong lang naman ako. Paki-alamera na agad tuloy nagmumukha akong kawawa dito" nagkukunwaring nagtatampo ito.
Tinawanan niya ito. "Ganon na nga, kawawa naman ang secretary ko. April the chaser, wala ng hiya, kapal pa ng mukha"
Nagkatawanan ang dalawa. Tawanang maririnig mula sa kalawakan ng opisina.
"Hay naku, maiba nga ng paksa. May girlfriend ka na ba as of now?" She asked with a full curiosity in her head.
"Si, ako pa" pagmamayabang niya.
"She's a lucky woman," April said. "Baka sa kanya matutupad ang pangarap mo."
Reese said mildly "I think you have the point, total mabait siya. Yes, I believe it, na sa kanya ko nga maabot ang pangarap ko. She's full of life and wise in her ways in the world. Siguro nga wala na akong dapat alalahanin. I trust her."
Napangiti ito sa sinabi niya. May bahid man ng lungkot ang pagkatao ng binata but he can't stop the time para pigilan ang bukas. Nakatakda na kasi ang oras niyang babalik ng Madrid. Bukas na 'yon. Aalis siya ng madaling araw. That would be his unsaid goodbyes. He can't bid a goodbye to her personally. Uminit ang sulok ng mga mata niya at nagsimulang naninikip ang dibdib ng binata. His heart was shaking and it was on tears.
NAPANGITI si Zev nang matanaw niya ang kaibigang si Collen. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito nakikita, ayon sa isang kaklase nila ay nakita raw umano nito si Collen na lumabas kasama si Patterson. Dahil hindi niya alam ang lokasyon ng dalawa napilitan na lang siyang maghintay sa canteen ng University.
"Kanina kapa ba rito?" tanong agad ni Collen at umupo sa tabi niya.
"Where have you been?" Balik tanong niya sa kaibigan.
"Sa labas with my Babe" masayang sambit nito.
Wala siyang komento sa naririnig niya mula sa kaibigan.
"Oh siya, balita ko pumunta kayo ng Wuhan a days ago. Bakit ngayon ko lang yun nalaman." Tanong nito.
"Yeah, kagabi lang kami nakauwi dito sa Pilipinas." Sambit niya. Zev was tired Physically.
"EXCUSE me." anang pamilyar na boses. Napalingon sila. Isang lalaking may dalang Roses, chocolate, at cake box. He's Matt. Kaibigan ni Reese and the Aijaxlife Bartender. "For you. Happy first month of love for both of you. Please stay strong." sabi nito habang inilapag sa table ang dala nito.
Napanganga siya. Hindi niya alam na mag-isang buwan na sila ni Reese as lovers. Her mind went back to the day on the MCcollen bookstore, mga panahong pinag-aagawan nila ang isang Book na kapwa't nila gusto.
"Bakit hindi siya ang naghatid." tanong niya.
"May meeting sila, Zev."
Tumango siya. "I see"
"Oh, paano may pupuntahan pa ako." paalam nito.
"Muchas gracias."
Nagkunwaring umubo si Collen pagka-alis ni Matt. "Oh, Babe wow hah mahal na mahal ka. Pero iiwan ka rin niyon sa huli" biro nito.
Hindi magandang biro iyon. Pero posibleng mangyari ang bagay na 'yon. He was a CEO at marami ang employer nitong mga magandang babae. Everywhere he goes he will always meet a woman. Boys will be boys. Isn't that weird? It's heartbreaking.
Collen try to observe Zev's facial expression, there must be something in Zev's bittersweet smile she thought. "Zev?" Collen said gently. "I see so many changes of expression on your face, but if it's none of my business and I know it isn't. Tell me right now."
She's worried. She's doubted. "I'm worried," She said honestly and miserably. "Paano ba kung-."
She sighed. "It's a sad situation." She said quietly "It's very sad. Iyon din ang palaging kong Iniisip kay Patterson. Ang lalaki ay lalaki kailanman. Pero kahit ganon ang paniniwalang 'yon kung mahal ka talaga ng nobyo mo hindi iyon gagawa ng masama dahil nga mahal ka niya. Palagi ko rin tinanong ang sarili ko 'what if iwan ako ni Clyde dahil may nakita itong maganda sa company nila'. Yeah, It's freaking hurt, booba. However, when that certain time comes you deserve to accept it and congratulate him because you have been part of his ultimate goal in life. Nothing can make you comfortable but to accept it and live your life to the fullest after."
Accept it? Hell Yeah. She will be shattered into a billion pieces. Piece into a pieces. No, she can't let the world take away her only happiness.
At exactly five o'clock in the afternoon, Reese cornered her on the cellphone, asking whether he might drop in. Monthsarry nila ang araw na 'yon and she can't refuse him. When Reese appeared at the door she kissed him. Pagkatapos magkahiwalay ang mga labi nila ay binati siya nito. She greeted him back and hugged him tightly.
"Labas muna tayo may ipapakita ako sayo Amor,"anitong ngumiti. Hinila siya nito palabas ng apartment. She was surpised, startled, and astonished nang sa labas ay Ibinigay nito sa kanya ang susi ng isang Honda Jazz Type R model na ang kulay ay silver. "Go open it. That's for you." He smiled. Agad siyang tumalima at buksan nga iyon, and more surprises inside. A thousand books inside met her sparkling eyes. She didn't know what to say, basta ang saya niya. Hindi man siya humingi ay kusang nagbibigay ito.
A tears of joy fell from her eyes. She hugged him tightly at ginanti rin nito ang yakap niya. He kissed Zev's forehead ng paulit-ulit. Once again she felt very loved.
"Teka muna mag shower muna ako," anito nang nasa loob na sila ng apartment. Ang kanyang bagong sasakyan ay nasa garahe na. Nailagay na rin niya ang kanyang mga bagong libro sa kanyang bookshelves.
"Go ahead amoy pawis ka na nga eh." biro niya.
NASA kama si Zev ng silid niya sa apartment niya at binabasa niya ang nobela ng boyfriend niya na ibinigay nito noon sa kanya. Hindi niya maiwasan ang humanga sa content ng nobela. There are millions of things to write and say than to show. Zev smiled. Pero mamaya ay tumigil siya sa pagbabasa dahil halos kinse minutos na at wala pa rin si Reese.
Kanina pa ito nasa loob ng banyo sa ibaba. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. A while later ay bumukas ang pinto ng silid niya at sumungaw ang bulto ni Reese.
"Hi. I'm back," anitong ngumingiti. Nakabihis na pala ito.
"Bakit ang tagal mo?" nagkukunwari siyang nagtatampo.
"Pinatuyo ko lang buhok ko"
"Wow longhair"
"Pweding pumasok"
Tumawa siya. "I read your novel, halika pasok ka," aniya, napansin niya ang mga dala nitong take out foods. "W-what? Lumbas ka?"
Tumango ito.
"Thank you"
"For what? Hep I saved that for myself, gutom kasi ako" he smirked.
Itinuloy niya ang pagbabasa ng nobela at hindi pinansin ito. Kinunsulta niya ang suot niyang wristwatch at pasado alas nuebe na pala ng gabi.
"Halika" yaya nito. Inilapag nito ang dala nitong pagkain sa isang circle table sa loob ng silid niya. "You must be hungry now"
"Sabi mo you saved that for yourself. Takaw!"
"Mi Amor. Can I ask you a favor?" malungkot ang pagkasabi nito niyon. Umupo ito sa tabi niya.
"Sure" she smiled.
Nagpakawala muna ito ng isang buntong hininga bago magsalita. " Amor El mañana de la Vida del hombre es impredecible. Ahora quiero decir algo, quiero decir estas Palabras con sabiduría. Quiero que seas fuerte pase lo que pase. Quiero que sigas siendo fuerte, incluso el mundo es muy cruel contigo. Su crueldad no es tuya (Tomorrow's of man's life is unpredictable. Now I want to say something, I want to say these words out of wisdom. I want you to be strong no matter what happens. I want you to remain strong even the world is very cruel to you. Its cruelness is not yours.)"
Napapansin niya ang lungkot sa tono nito. "Teka lang ano bang sinasabi mo?" tanong noyang naguguluhan.
"Basta gusto kong maging matatag ka Mi Amor. Promise mo sa akin kapag wala ako, pangako mong aalagaan mo ang sarili mo" He said.
"¿Por qué hablas así hoy? (Bakit ka ganiyan magsalita ngayon)" nagtataka na talaga siya.
Pinilit nito ang ngumiti. "Wala lang basta nasabi ko na kanina na we don't know what tomorrow's will bring. It's better na pinaghandaan natin ang maaring mangyari. That's why bilhan kita ng mga books para may malilibangan ka habang wala-" Hindi nito itinuloy ang sinasabi.
"Habang wala ka?" Nagsimulang kumabog ang dibdib niya.
"Habang wala kang ginagawa." pagtatama nito.
Nakahinga siya ng maluwag. "Si, Mi Amor Muchas Gracias. Million naman ata ginasta mo," aniyang humilik sa dibdib nito.
Lumapad ang ngiti nito pero hindi napansin ni Zev ang luhang nagsisi-unang pumatak sa mga mata nito. He roughly wiped them away with the back of his hands. "You deserved it" Then he hugged her, mahigpit ang yakap nito na tila ayaw siya nitong pakawalan.
Sa mga oras na iyon ay walang ideya si Zev na umiiyak na pala ito. He was badly hurt. Pero buo na ang desisyon nito. The fear bothered him the fear of missing Zev every second and every day for the rest of all his days in a foreign land. The thought went on and on, it pierce his heart and gave him a severe ache. It bothered him now and then.
Maya maya ay kumanta na si Reese habang yakap siya nito.
Until one day I saw you walking in the rain
Perfect with the little white dress
You bloom like a little white rose
Raindrops on your petals.
Until I realized that you're the woman who visited me in my dreams.
Baby blue eyes, I was frozen by your stare.
And my heart started to beat again.
Baby, are you my perfect phantom?
Nang tumigil si Reese, ay nakatulog na pala ito sa balikat niya. Buong ingat nitong ihiga ang dalaga sa kanyang kama.
"I Love you so much" bulong ni Reese sa natutulog na dalaga. Tumayo siya at pumasok sa loob ng banyo. Pakiramdam ng binata ay may higanteng tinik sa lalamunan nita. Ang bigat ng pakiramdan niya. Umiyak siya ng umiyak, grabe ang sakit na nasa dibdib niya.
His heart and mind screaming in tears. Durog na durog si Reese. Ilang oras nalang at hindi na niya makita si Zev. Lumabas siya ng banyo at muling memoryahin at sulyapin ang maamong mukha ni Zev na nakatulog. Iyon na ang huling pagkakataon na makita niya ang dalaga. He kissed her lips habang patuloy ang pagpatak ng luha niya.
Nang inilayo na niya ang katawan sa natutulog na kasintahan pakiramdam niya ay parang mamatay na siya. Mabigat ang mga hakbang niyang lumayo sa silid ni Zev.
Bumaba siya ng hagdan. Nakayukong naglalakad pauwi ang binata. Hindi niya makontrol ang pag-agos ng mga luha niya. The Earth was swallowed by the darkness of the night, no courage left, the leaves of the trees dance in the winds.
Hindi pinansin ng binata ang nararamdamang lamig dulot ng panahon, dulot ng basang katawan dahil sa lakas ng ulan. Wala siyang paki-alam, alam niyang palaging sumabay ang panahon sa kalungkutang nararamdaman ng isang tao.
Tumigil ito sandali at napaluhod at humahagulhol na parang bata. Iyak at hagulhol ang ginagawa ng binata sa gitna ng kalye habang patuloy ang pagpatak ng ulan. There was a fury in the wind, nag-iisa siyang nage-emosyonal sa kadiliman ng gabi. Pero nandyan ang masamang panahon na animoy nakatitig sa binata at sa puso niyang durog na durog, titig na animoy nagpapahiwatig ng pagdamay ng pag-unawa.
ALAS singko ng umaga nang magising si Zev napansin niyang wala na sa tabi niya si Reese. Iniisip niyang baka nasa ibaba lamang ito. Pero nagkamali siya ng bumaba siya, hindi niya nakita si Reese, wala ito sa sala, wala ito sa kusina.
Muli siyang pumanhik sa itaas baka nasa loob lang ng banyo ito, pero wala talaga ito roon. Sinubukan niyang tawagan ito pero nadismaya siya dahil cannot be reached ang cellphone nito. Napabuntong hininga siyang muling umupo sa kama niya. Nang binuksan niya ang inbox ng cellphone niya ay may mensaheng naroon.
Kailangan kong umalis ng bansa at bumalik sa Madrid. Mahal na mahal kita. Masakit man ang naging desisyon ko pero kailangan na kailangan kong gawin ito. Gusto kong maging matatag ka para sa akin. Patawad Amor, Please wait for me. Will you? I'm afraid. But I trust you. Mahal na mahal kita. Take care of yourself always I love you, Mi Amor. I'll be seeing you-Reese.
Waiting? And the beginning feels like torture. Naninikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay sabay siyang binagsakan ng lupa at langit. Ngayon nag-iisa na lamang siya, wala na si Reese, umalis na ito at sa ilang sandali ay naglandas na ang mga luha niya. Kasabay ng luhang iyon ay ang muling pagbuhos ng ulan sa umagang iyon.
Niyakap niya ang sarili at napaupo, nakayuko siya at patuloy sa pag-iyak. Halos isang buwan lang niyang naging kasama si Reese tapos ngayon ay parang bola itong biglang naglaho.
She was hurt emotionally. Dumating na nga ang kinatatakutan niya rati. The world was very cruel to her. But she's hoping that her destiny will movin' smoothly. Isang nakakatakot na sigaw ang pinakawalan ni Zev.