Chereads / The Groom's Tale / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

Reese stretched his arms as he entered the dining room. He saw his Dad and his Abuela eating their breakfast. Nakatingin ang mga ito sa kaniya na ang mga mata ay tila nagtatanong.

"Buenos Dias, (Good morning)" bati niya habang umupo.

Reese doesn't know where or how to start para buksan ang ginagawa ni Nicky, gusto niyang idaan 'yon sa pamaaraang walang masasaktan. These two people were expecting too much from him. Umaasa ang mga ito na matutuloy ang kasal sa susunod na linggo. Kaya siya ay blanko kung paano magsimula. Pero wala siyang pag-pilian dahil kailangan na malaman ng mga ito ang nangyari.

"What was with that face?" puna ng Abuela niya.

Now kailangan niyang sasabihin 'yon, kung ano man ang magiging reaksiyon nila hindi na niya 'yon problema. Huminga siya ng malalim.

"Hindi na matutuloy ang kasal, Dad." Sabi niyang halos ikalaglag ng table knife na hawak ng daddy niya. Kitang-kita niya ang reaksiyon nito, ang mukha nito ay halatang nagugulat, while some other parts of him wanted to ask 'why' a thousand 'why's.

Sinabi na nga ba niya kanina na mag-usisa ang mga ito, lalo na ang daddy niya.

Kitang-kita niya ang disappointment sa mga mata nito. Ganito ito palagi kung may problema siya, dahil ito ang unang iiyak, at mas pinoproblema pa nito ang isang bagay kaysa kaniya.

Naniniwala naman si Reese na dumaan lang ang isang bagay o tao tulad ni Arexia at si Nicky they're just come and goes away. Parang ganon na nga ang cycle dahil darating lang ang mga ito temporarily then ginulo ng mga ito ang buhay niya at biglang nawala. Wow, the world was so cruel.

"Wala sa akin ang deperensiya, Daddy." Malungkot na sambit niya. Tama siya na wala sa kaniya ang deperensiya at wala siyang pagkukulang.

"Ewan ko nga at bakit ako nagkaganito, bakit ang malas ko. Noong una it ends like nothing, at ngayon naiwan akong talunan. Bakit ang lupit ng tadhana sa akin?" dagdag niyang may lungkot sa tono niya.

Ikinuwento niya sa mga ito ang buong pangyayari na ikinagugulat na lamang nila. This was his fate. Siguro nga ay kapalaran na niya iyon na palaging malas sa pag-ibig o kay daling matawag siya na 'King's of brokenhearted.

"She's an uncivilized woman!" His abuela outrage went wild. There were always a dart in her words.

Hindi nagsalita ang Don pinilit nitong prosesohin sa utak nito ang naririnig mula sa anak. Pero naawa ito sa kaisa-isang anak, bata pa si Reese, and yet he had been through so much pain.

Tama nga si Reese na napakamalas niya pagdating sa pag-ibig, pero sino ba ang dapat sisihin? Wala, Wla.

"Sa kabila ng lahat ay mabuting tao pa rin si Nicky." sa wakas ay sambit ng Don.

"Buena? (Good)" sigaw na tanong ng matanda. "Oh, Carlos, you're out of your mind."

"Yes she's good. I hope she will find her path to become genuinely good," Don Carlos said as if he defending her.

Reese's Grandmother simpered " Oh, fool. Nicky was not for him, she's not. Naririnig mo ba ang sinabi ng anak mo? It was all 'kati', Oo, I suspected her in the first place na iba talaga ang babaeng 'yon. Now look at your son, he seems to carry the weight world with all the burden on it. His marriage fate badly tortures him," She said.

"Hindi na matutuloy ang kasal so there's no sense na pagtalunan 'yon." wala sa sariling sambit niya.

"Hijo! No Estoy de Acuerdo (Son, I disagree)" ani Don Carlos.

"Wala tayong magawa, Dad. Wala na atang matinong babae sa Mundo." Kitang-kita ang disappointments sa mga mata ni Reese.

"Ang pangarap ko Hijo." remind ng Daddy niya.

"Kung apo ang hinangad n'yu pwede bang science at teknolohiya ang sasagot diyan?" He said, smirking.

"Loco, Que raro. (Crazy, that's strange)" Protesta ng lola niya " You lost your mind. Hindi ka pweding maging single father at sa abnormal na paraan pa."

Reese sighed." Right time por favor." Alam niya sa sarili niya na may darating pa sa buhay niya na handa siyang mamahalin, the woman who will always stay by his side, na hindi siya pababayaan in ups and downs. The woman who's willing to share his happiness and his misfortune.

"Hijo twenty-three kana."

Reese was clueless why the two forced him to get married at a young age at magkaroon ng anak, alam niyang napakabata pa niya para gampanin ang responsibilidad ng isang ama.

"Lola alangan namang-Hmmm woman is required," aniyang tumawa.

"Then why don't you come with me sa pagbalik ko sa Madrid next week? Malay mo roon mo makikita ang magiging-"

"What does Spanish woman know sa pag-aalaga ng bata tulad ng inang Pilipina?" aniyang pinutol ang sinabi ng Daddy niya. "Wala sa linya ko ang maghanap ng babae sa ibang bansa Dad." Dagdag pa niya na tila naiinis na.

"Pero okay ka lang ba talaga Hijo?" Seryosong tanong ng matanda.

"Lalaki ako lola, and after all hindi naman malaking kawalan si Nicky, right?"

"Sabagay," she said.

"I think I'm late." biglang nasabi niya.

"Stay home," said Don Carlos.

"Hindi ako pupunta sa office ngayon, Daddy. Pupunta lang ako ng Manila." Sabi niyang tumayo na.

"A few months from now babalik ka sa Madrid." Pahabol na sabi ng Daddy niya.

"Alam ko 'yon Daddy," aniya at tumalikod na.

Inihinto ni Reese ang kotse niya sa tabing dagat malayo ito sa lungsod, gusto ng binata ang mag-isa. May dala siyang beer, at napaupo sa may maraming batuhan. Doon tahimik na umiinom ang binata.

Ang lugar na 'yon ay naging paborito niya dahil sa tuwing may problema siya ay doon siya tumambay. Kahit noong bata pa siya ay palagi siyang pumunta roon, super breathtaking, and he feels enraptured. Ang lugar na 'yon ang nag-witnessed ng pagdaloy ng luha niya mula sa kaniyang mga mata.

A severe pain ran down him. Kahit sinasabi niyang wala sa kaniya ang naganap nang nagdaang araw ay nag-iwan pa rin 'yon ng mahapding sugat sa kaniyang dibdib, napapaso ang kaluluwa niya.

Tinanong niya ang sarili kung nagiging masaya si Nicky sa ginagawa nito sa kaniya. Ewan nga ba niya kung may konsensiya ito, pero mukhang masaya naman ito sa ginagawa niyang 'yon. Hell.

"Napakasama mo literal." his pronunciation of that line was inadvertently amplified. Maya maya ay may narinig siyang dalawang babaeng nag-uusap na dumaan sa likod niya. Nababaliw daw siya at na-depress. Ang mga konklusyon ng mga ale ay hindi na niya kinontra at talagang wala siya sa sariling pag-iisip.

Reese was electrified by pain and depression, the marriage depression. Pero tama bang problemahin niya 'yon. He's scared of telling that to the world or else he will receive tons of 'I told you so'.

"Ganiyan naman ang mga kabataan ngayon mare. Siguro ang isang 'yan ay bigo sa pag-ibig," sabi ng isang ale sa kausap nito.

"Ewan ko nga sa kanila, nagmamahal tapos kapag nasasaktan ay umiiyak. Asan ang tibay ng loob doon Mare? hindi ba't pag nagmamahal ay handa mong tanggapin ang magiging resulta nito? kung iiwan ka man ng taong mahal mo ay dapat maging matatag ka. Harapin mo ito ng buong lakas. Kaya nga walang makapagtalo sa'tin bilang produkto ng tatlong dekadang nakalilipas. Kahit nasasaktan ay magagawa pa rin natin ang bumangon at harapin ang bukas." sagot nito sa sinabi ng unang ale at naglalakad palayo ang mga ito.

Ikaw kayang dalawang ulit na nabigo sa kasal preparado na. A groom without bride for two times, that's big tale that I couldn't tell to the world, and Hell I can't. Pero may punto nga ang mga aleng 'yon.

Nakatingin siya sa naglalakad palayo na mga ale tila may punto ang mga ito. Kailangan ni Reese ang magpakalalaki at harapin ang sitwasyon. Ika nga niya ay darating ang tamang oras para sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at tumayo. Isa ang nasa kaniyang isipan ang ibaon na lamang ang nangyari sa limot. Reese thinks of a woman whose heart was full of kindness. Maya maya ay naglalaro naman ang imahe nito sa kaniyang isipan, hubog ng katawan nito, her voice, her blue eyes, the perfect Zev seems lovely.

I'll show you who's Reese without you Nicky-a total cold-blooded, but you'll get jealous later when the right princess claims me as her prince.

NASA kanyang silid si Reese. Tahimik siya habang nag-type ng kaniyang ikalimang nobela. Plano ng binata na pagkatapos i-publish ang nobelang 'yon ay pupunta siya ng Wuhan, China upang dalawin ang matalik niyang kaibigan doon na si Lee.

Kahit nasa sitwasyong broken-hearted ang binata ay pinilit niyang ipatrabaho ang kaniyang utak sa pag-iimagine. Napangiti siya habang minasdan ang nai-type niya.

Even though he wasn't a professional novelist his novel were written well and his imagination was running wild, tuloy-tuloy ang kaniyang imahinasyon. Hindi siya katulad ng estrangherong si Zev na kilala niya nang nagdaang araw na super fan ng Romance. Zev? Biglang tanong niya sa sarili, tumigil si Reese sa ginagawa niya. The lights made the things glisten, that's my—

Pero ginimbala siya ng pag-ring ng kaniyang cellphone, si Matt ang pangalang nakaregister sa Caller ID ng cellphone niya.

"¿Que fecha es hoy? (What's today's date)"  tanong agad nito sa kabilang linya.

"Es Lunes primero de Octubre, (It's Monday, October first)" sagot niya. "So what's about Date?" dagdag at balik tanong niya.

He could hear his friend chuckles from the other line. "Supposedly." Tumikhim muna ito bago nito itinuloy ang sasabihin nito "Hindi ba't ngayong araw sana ang kasal n'yu ni, Nicky?"

His body suddenly reacted to a sudden pain that ran down him. He felt a rush of adrenaline. He was stabbed in the chest ten times and it was freaking hurt. Reese had to control his eyes from a burning sensation. Pero hindi nga niya napigilan ang mga luhang nagsisi-unang pumatak. Mabilis niyang pinahid ang mga 'yon gamit ang palad niya.

"Still there?"

Reese sighed.

"I heard you sighing"

"Que planes tiene para esta noche? (What are you doing tonight)" tanong na lamang niya sa kaibigan upang pansamantalang kalimutan ang sakit na yumakap sa kaniya.

"As Usual Bro. By the way, yung damit na iniwan mo pala sa apartment ni Zev ay nandito na. Dude, are you sleeping with her, magkatabi?" He said and asked.

"What a fool brain." Ibinagsak niya ang sarili sa kaniyang kama. " Bakit na sayo yan?" Sagot niya pero nandon pa rin ang tanong kung bakit nito kilala si Zev.

"Inihatid niya sa apartment ko, wala naman siyang ideya sa lokasyon mo."

There he grabbed the chance "Are you guys related." a little bit of curiosity fill him.

"Kababayan ko siya actually," anitong tumawa.

"I see! Taga Las Piñas din?"

"Dickhead of course. Hep, kiddo, don't tell me you're interested with her irresistible charm. Hmm, baby you'll make me insecure, Im jealous."

"Fuck you,"

"Inaabangan ko."

"W-what?" He gasped.

"The day you'll fuck me," anitong hindi nito napigilan ang pagtawa.

"Gago, wanna see bullet hole in your head."

"Wag daddy,"

"Bye for now bull shit."

Narinig niya ang paghalakhak nito. Kinulit pa siya nitong huwag muna maghang-up. He's funny, mistula itong patay gutom na kaibigan. Pero si Matt ang matalik niyang kaibigan, a trusted one, mabait, at parang kapatid na rin niya ito.

He's sweet guy, pero alam niyang nagka-interes din ito sa lalaki. No, he's not a bisexual, he's straight, naintindihan niya si Matt kung bakit attracted ito sa kapwa niyang lalaki, sa gay and bisexual guy, he once told him about Kith. Hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy nitong si Kith, pero mukhang masaya naman ito pagkuwento at pagbanggit sa pangalang Kith. He's bewitched sa Kith na 'yun.

Napabuntong hininga siya at narinig pa niya ito, he wasn't hang up yet, he love listening to his rant. He's funny nga, kung anu-ano pa ang jokes na ginamit nito para lang mapangiti siya. Alam naman ni Matt na broken siya, kaya naintindihan niya ito kung bakit bigla itong naging weird sa oras na 'yon.

"Bitch, I'll hang-up," aniyang nagbubuntong-hininga.

"Take Care of yourself," sabi nito mula sa kabilang linya.

"Legit care ba yan, Matt?" tumawa siya.

"Scam, Sige na. I know naman na you'll court Zev,"

"Suppport ka?"

"Sa kay Zev ako mag support hindi sayo." Tumawa ito ng malakas.

"Bitch, adios"

"Adios (Bye)" paalam niya

Ibinaba niya ang kaniyang cellphone at ngumiti ng may naalala siyang pangalan ng isang Diyosa.