Chereads / The Groom's Tale / Chapter 11 - Chapter Ten

Chapter 11 - Chapter Ten

NANG lumabas na siya kasama niya si Collen ay nakatanggap siya ng text mula kay Reese na nasa labas na raw ito ng gate at hinihintay siya nito kaya nagmamadali siya at halos tumakbo siya nang malapit na siya sa gate. Ayaw niyang makita ni Collen si Reese.

Ayaw niyang kung anu-ano ang iisipin ni Collen. She keeps on running at hindi niya nakita ang isang lalaking nakatayo at nakaharang sa direksiyon niya, malakas ang pagkabangga niya rito dahilan para mahulog ang cellphone nito.

"I-Im so sorry!" Her lips quivered as she spoke.

"Fuck." He cursed.

Napatingin siya rito, ito yung lalaking pinagkaguguluhan ng mga estudyanteng babae kanina at dahil sa gate nangyari 'yon, ay umagaw 'yon sa atensiyon ng mga estudyante. Kaya pinaliligiran sila ng maraming estudyante na may hawak na cellphone. They took pictures and videos.

"I'm sorry!" she apologized.

"Don't you have eyes, Dullard?" He asked.

Dullard? Ano 'yon? Sinsabi nito, Teka may Meriam app ba ako?

"Z-zev?" Narinig niyang tawag sa kaniya ni Reese mula sa kung saan nagtitipon ang mga estudyante. Nakayukong tinalikuran niya ang kausap at dahan-dahang lumakad sa kinaroonan ni Reese. Nagsitabi ang mga estudyante. She's walking timidly.

"Anong nangyari?" tanong nito nang nasa harap na siya nito.

"Nabangga ko siya." she lowered her voice.

"Wait." the guy called. "Pick up my phone for me," anitong sabay harap sa kanila.

Kitang-kita niya ang paglaki ng mga mata ni Reese. His eyebrows knitted together. Reese clenched his fist. Dahan-dahang naglalakad si Reese papalapit sa lalaki.

"Long time no see Bro!" the man approached him.

"Clyde, Should I give a fuck?"

Clyde? She whispered. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Reese nagdaang gabi. Binanggit nito ng gabing 'yon si Clyde Patterson ang stepbrother nito. So this guy was the CEO of Patterson airlines She thought.

"I have sent you a lot of invitation and you haven't -"

"Over my dead body Clyde," mabilis niyang sinabi para pigilan ito. Reese's eyes were burning with anger.

"And tell your girl to pick up my Phone. She was lucky that I wasn't reporting her. She hit me," Clyde said.

"That was unintentional." She said defending herself.

"Just pick up my Phone thickhead. You're trying to hurt me, Huh. Pick up my Phone. You hit me intentionally."

"You oversimplify. That was unintentional I repeated my words."

"It doesn't matter Dickhead." Clyde clenched his teeth.

"Watch out your words asshole!" pagkasabi nito niyon ay biglang naglanding ang kanang kamao ni Reese sa mukha ni Clyde. Dahil sa lakas ng suntok niya ay napaatras ito.

Napahaplos ito sa natamaang pisngi. Kaagad niyang inawat si Reese. Matalim ang mga matang nakatingin ang lalaki sa kaniya.

Napailing na lamang si Reese na lumabas sa gate ng university at sumunod siya. Huminga siya ng malalim ng binuhay nito ang makina ng kotse at umalis na sa lugar na 'yon, hindi siya nito pinansin.

"Hey? Galit ka ba sa'kin?"

He shook his head.

"Bakit mo ba sinuntok yung tao. Ngayon lang kayo nagkita hindi ba?" She asked with action.

"Bastos eh!" He said coldly. He's indifferent now, cold-blooded.

Hindi na niya kinontra ang ugali nitong 'yon dahil alam niyang uminit ang ulo nito kay Clyde. Nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Inisip mo pa rin ba ang nangyari kanina?" tanong nitong sumulyap sa kaniya.

She nodded.

"I think he deserves my fist. ¿Que le parece? (What do you think?)"

" I think mabait naman si Patterson ah," sagot niya.

"He forced you to pick up his phone. Greek god. Ano ba ang nakain ng taong 'yon hah?" naiinis na sambit ng binata.

Goddess bobo...

Patuloy na nanahimik si Zev. Ayaw niyang makipagtalo sa binata.

Nang muli siyang nag-salita ay iniba na niya ang paksa. "Free pala ako bukas. Baka pwede na nating ituloy ang plano mong pag-akyat ng bundok."

"Sure! Susunduin kita ng six in the morning." Sabi nito at inihinto ang kotse sa tapat ng gate ng apartment niya.

"Muchas Gracias." Sabi niya bago lumabas ng kotse nito.

"Por favor, no hay de que. (Please don't mention it)"

"¿Porque? (Why)" tanong niya.

"You have thanked me enough" he smiled.

"Hasta manñana. Adios (See you tomorrow, bye.)"

"Adios," anitong ngumiti.

Naiwang nakatulala si Zev. Galit siya sa sarili niya at nag-away pa ang magstep brother dahil sa kaniya. Pero hindi naman niya sinadyang banggain si Clyde. It was unintentional and accidental. Sapat na ang rasong kinakapitan niya para hindi makaramdam ng pagsisi sa sarili. Napailing na lamang siyang pumasok sa loob. Sa ngayon ay dapat niyang asikasuhin ang dapat niyang isusuot bukas.

Nang gabing 'yon ay hindi kaagad nakatulog ang dalaga kaya bumangon na lang siya at humanap ng babasahin, naisip niyang basahin ang book ni Reese. Hindi niya napigilan ang humanga sa imahinasyon ng Author. But she feel the pain in it, even though the book was a work of fiction ay halata namang konektado 'yon sa buhay ng binata bilang isang batang ulila sa ina. It was reflection of him.

The book speaks for his failures when it comes to love at naawa siya kay Reese. Pero masaya na siya kay Reese dahil nagawa nitong lampasan ang mga hamon ng buhay. Nakatulog siyang ang huling binasa niya ay...

Mi Amor Every time I was sad I heard your sweet voice that bruited in the castle wall. Thy soft voice touched I feel very loved. I love you more than what the world has to offer. If we are not able to finish our lives together in this world, my only wish is to find you, love you, and seek your beauty and love in the afterlife. If I die first promise me to marry my corpse and make a promise on the altar. Because if you die first in your young age I'll carry your corpse in the altar, kiss your dead body, put an expensive ring on your finger and I'll make a vow that I'll love you no matter what, your death can't tear us apart. I'll bring your dead body home. Sleep with me in the night. Every night I'll tell you how much I love you. I love you...I know your soul will come. Broken and shattered in the dimness but oh Mi Amor Don't cry, don't shed a tear because I'll seek you in the afterlife.

Alas singko palang ng madaling araw ay gising na siya at naghanda ng almusal. Pagkatapos kumain ay isinuot na niya ang kaniyang sports shoes. Simpleng summer short lang ang suot niya pero litaw ang maganda at makinis niyang mga paa.

Mabilis siyang lumabas nang makatanggap ng mensahe mula kay Reese na nagsasabing nasa labas na ito. As usual ang matatamis nitong mga ngiti ang palaging sumalubong sa kaniya.

Habang nagbibiyahe sila patungong Rizal dahil sa Mt Paminitan ang lokasyon nila ay kung anu-ano ang tinanong ni Zev kay, Reese, na magiliw na naman nitong sinagot ang mga 'yon.

"Adventurist ka ba?" tanong niya rito.

"Nope. Pero mahilig ako sa mga dangerous sport.

"Example."

"Surfing, wakeboarding, ice skating, at hiking. And last month I and my Thai friends were climbing Mountain Everest. It was an interesting event in my whole life.

"Recreation," she remarked.

Napalabing sumulyap ito sa kaniya.

"Ang cute mo P'RK"

"Gracias." He said, then added quickly. " So You're using the Thai particle 'Pee' How about calling you Nong'Zev?"

She smiled. "Are you fluent in speaking Thai?"

"A little. You know marami kaming partners from Thailand. Marami rin kaming employees na Thai. Pero marunong naman silang mag-English, so walang Problema." He smiled.

Tumatango-tango siya sa sinabi nito.

Maya maya ay nagkuwento na ito nang nagkuwento tungkol sa bansang pinuntahan nito para lang makapag-surfing. Naka-abot na ito sa Bali, Hawaii, Barcelona, Mexico, San Juan Puerto Rico at sa iba ring panig ng daigdig na kung saan ay mae-enjoy nito ang ibat-ibang uri ng water activities. Then after his long story ay nagtanong siya tungkol sa buhay ng isang CEO, at magiliw namang sinagot 'yon ni Reese at nalaman niyang it's just a lightwork lalo na't sila ang may-ari ng company.

Hindi alam ni Zev kung ilang oras o minuto na ito sa pagbibiyahe hanggang sa inihinto nito ang kotse.

Zev wowed the picturesque of the place ang totoo 'yun ang kauna-unahang makita niya ang bundok sa personal.

"Ang ganda pala rito." komento niya nang magsimulang umakyat ang dalawa sa pag-akyat ng bundok.

Tulad ng inaasahan ni Zev ay mabato at may mga bangin ang dinaraanan nila, natakot siya kaya ayaw niyang dumistansiya kay Reese. Kaya nang humarap ito sa kaniya ay natamaan siya ng tungkod na dala nito.

Napasinghap siya nang maramdamang mahuhulog siya sa bangin ngunit hinila siya nito at pagkatapos ay humampas siya sa katawan ni Reese na yumakap sa kaniya ng mahigpit.

Hindi alam ni Zev kung bakit bumilis ang tahip ng dibdib niya. Hindi dahil sa takot na mahuhulog siya kundi sa kadahilanang magkadikit ang mga katawan nila. Hindi na niya kinontra ang isiping maramdaman ni Reese ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib, at parang napaso na rin siya sa kanilang katawan that pressed together so intimately. She felt the warmth of their bodies.

Hindi niya alam kung bakit niya hinigpitan ang pagyakap dito, inside her she heard a rhythm, a lovely tone.

Nang bitawan siya nito ay saka lamang siya tila bumalik sa tamang huwisyo. Hindi siya makatingin dito dahil sa nangyari baka iniisip nitong nagustuhan niya ang pagyakap nito sa kaniya kaya hindi kaagad siya bumitaw. Kaya humingi na lang siya ng paumanhin dito at matamis na ngiti ang naging sagot nito sa kaniya.

Maya maya ay niyaya siya nitong magpahinga sa may clear space ng kagubatan.

She was getting tired. She picked up some stones to throw it anywhere. But it was accidentally hit the beehive nearby.

"What the," aniyang tumayo nang makita ang mga bubuyog na nagkagulong lumilipad papunta sa direksiyon nila.

Nagkaiba sila ni Reese ng direksiyon sa pagtakbo dahil sa takot na ma sting sila ng ilan sa mga 'yon. But one of the bees sting her left hand, therefore she sped off, running full speed into the crowded woods, habang tumatakbo siya ng matulin she turn her head to make sure na walang bubuyog na humabol sa kaniya at nang muling ibinalik ang atensiyon sa kaniyang tinakbuhan

Bannnnngggg...tumama ang ulo niya sa katawan ng malaking puno. She fell back like a dead tree.

"Zevvv?" Sigaw ni Reese pagkatapos ay kinapa niya ang noong inagusan ng dugo.

"OH MY GOSH." Bulalas niya nang makita ang tila walang buhay na katawan ni Zev na nasa mga ugat ito ng malaking puno.

Mabilis niyang inagapan si Zev, pinulsuhan ang leeg, nakahinga siya ng maluwag ng malamang in stable function pa 'yon.

Wala pa rin itong malay nang ihiga ni Reese sa komportableng lugar. Dagli niyang pinunasan ang dugong umaagos sa noo at tuhod nito. May sugat at putok ang manipis nitong mga labi dulot marahil nang malakas nitong pagkabangga sa katawan ng puno.

Inilabas niya ang dalang first aid kit and he cleaned the bloody wound of Zev. Sigurado siyang paggising nito ay mararamdaman ng dalaga ang hapdi ng mga sugat nito. Mi culpa he whispered kung hindi niya niyayang umakyat ng bundok ang dalaga ay hindi sana mangyari 'yon.

Pinangko niya ito. Laking salamat niya at madali lang niyang ma re-trace ang daan pauwi sa kinaroonan ng kotse. Naawa na siya rito dahil patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito sa tuhod nito.

Huminto siya at napatingin sa maamo nitong mukha, wala siya sa katinuan nang mapasulyap sa namumula nitong mga labi. He kissed that lips when she was drunk. Don't be a fool Reese kontra ng isang bahagi ng utak niya.

Nagising si Zev dahil sa sakit at mahapdi niyang mga sugat. Napatingin siya sa nasugatang tuhod, the wounds were pretty bad, the Doctor told her she was lucky it wasn't laceration or puncture it was only abrasion. Pagkatapos niya 'yon pinalitan ng bandage ay bumaba na siya upang bumili ng kaniyang breakfast dahil hindi siya makapagluto. Kitang-kita ang paghirap niya sa paglalakad kahit sinasabing abrasion lamang 'yon and it still caused severe pain.

Ang tanging naalala ni Zev kagabi ay pagkatapos siyang pagamutin ni Reese ay inihatid siya nito sa apartment niya.

Napangiwing binuksan ni Zev ang pintuan, saka lumabas but she was suddenly stopped nang sa tabing kalsada ay nakikita niyang naka park ang sasakyan ni Reese at maya maya ay lumabas ito. Kinawayan siya nito habang papalapit ito sa kaniya ginantian na lamang niya ng ngiti ang maamong mukha nito.

He looks so handsome sa pang opisinang suot nito. Literal ang kakisigan ng binata. Pilit kinontrol ni Zev ang tahip ng kaniyang dibdib but she couldn't, alam niyang tumitibok 'yon pag nakikita niya ang lalaki, she can tell na na-in love na siya rito and hindi niya iyon ma-deny.

Naalala niya ang gabing magkasama sila ng binata, gabing nag-iinuman sila, noong hinagkan siya ng binata sa kaniyang mga labi. Ang halik nito ay naghahatid ng masarap na sensasyong humaplos sa damdamin niya. She closed her eyes as she imagined how he kissed her.

"Hola." bati nito.

Pero parang walang naririnig si Zev, nakangising pumikit pa rin ito.

"Hey, Señorita," sabi nitong sabay hampas ng mahina sa balikat ng dalaga.

"H-hah?"aniyang nagugulat kasabay ng pagmulat niya. There ngayon niya lang napagtanto na kaharap nga niya si, Reese.

"Okay, ka na?" malayong tanong nito.

"Pretty bad" sagot niya saka niyaya niya itong pumasok sa loob.

"May dala akong food. I know di ka makapagluto" ngumiting sambit ni Reese.

"Muchas gracias, RK. (Thank you very much)"

"My pleasure." Sabi nitong inilapag sa dining table ang dala nito. "Sige kumain kana para makapag-inom ka ng gamot mamaya."

Cheese sandwich, Scrambled egg, Sinangag, Almond Pancake, at Cheesy bread ang dala nito. Pagkita sa pagkain ay bigla siyang nagutom agad siyang kumain at wala siyang paki alam kahit inoobserba nito ang bawat galaw niya, at hindi na niya pinansin ang nagkalat na mantika at cheese sa sulok ng kaniyang bibig.