Chereads / Hiding Son of Atlas Gilmore / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

Umalis na parang wala sa sarili si Vanessa doon. Nag text nalang ito kay Natalia na naka uwi na ito. Agad na natulog si Vanessa pag ka uwi niya.

Hindi niya expect na may ganong mangyayari. Hindi pa siya makatulog noong una, dahil sa kakaisip sa nangyari. Isa din sa iniisip ni Vanessa ay kung sakaling may mabuo ba sa ginawa nila ng lalaki.

Ang naalala lang ni Vanessa ay Altas ang name ng lalaki. Sa isip ni Vanessa bukas nalang niya itatanong muli sa kaibigan kung ano nga ba ang pangalan ng lalaki. Sobra ang pagsisi ni Vanessa sa nangyari.

"F*ck, I'm so stupid." Inis na ani ni Vanessa sa sarili. Nag magising ito ay late na masiyado, kaya napagalitan ito ng kanyang magulang.

"Kelan ba mag titino Vanessa?" Striktong tanong ng Ina sa kanya.

Dahil sa tuwing late siya gigising sa umaga ay lagi ito nagagalit sa kanya. Ayaw kasi nito ng taong tamad. Dapat daw maging masipag ka, hindi pwedeng tamad.

Sa bagay puro naman pera ang nasa isip ng magulang ko. Ano panga ba ang asahan. Ayaw nila ng anak na walang ipagmamalaki. Dahil disgrace daw iyon sa pamilya namin .

Kung makapag salita sila ng mga hurtful words akala mo hindi ka nila anak. Kaya dahil sa mga masasakit nilang sinasabi sakin ay nag rebelde ako sa magulang ko.

Puro pag kakamali ang nakikita nila sakin. Na parang wala akong ginawang tama. Kaya even na may mga gawain akong against sa kanila ay nagiingat padin ako.

Ayoko din naman sila iwan dahil sila lang ang mga pamilya ko. Kahit na medyo hindi ako gusto ng magulang ko ay kasundo ko naman si Ate Eunice.

Si ate Eunice ay paborito din nilang anak. Dahil lagi nila itong napapansin na napaka masunurin nito sa magulang nito. Mahinhin kung kumilos, sinunod ang gusto ng magulang.

Kaya kahit sa relasyon ni Ate ay na ngialam na din ang parents namin. I feel sad for ate. Dahil yung lalaki truelove niya ay iniwan nito dahil sa banta ng magulang na paalisin ito sa aming mansion.

Isang hardinero ang kuya Alejandro, Hindi na din nakakapag taka na nahulog ang ate kay kuya Alejandro. Napaka sipag nito sa trabaho. Minsan nahuhuli ko ang mga titigan nilang dalawa.

Kahit alam ni ate na mali ay tinago parin nila ito sa aming parents. Pero hindi din yun nagtagal dahil nalaman nila ang bawal na pag big nila ate Eunice.

Nung una natakot ako na baka ganon din ang mangyari sakin. ilayo sa taong mahal ko.

Pinaghiwalay ang kuya Alejandro at Ate Eunice. Dinala si ate sa ibang bansa at doon na ito pinag asawa ng mayamang business man.

Nalala ko pa noon kung paano nag maka-awa ang ate kila mama, pero nag matigas lamang ang aming magulang.simula ng makita ko mismo kung ano ang sinapit ni ate ay pinangako ko na Hindi ako kailan man susunod sa gusto nila.

Mayroon akong sariling desisyon, ako ang masusunod, buhay ko to kaya ako ang mag kokontrol sa aking sarili.

Simula ng mawala ang ate dito sa aming mansion ay nawalan ako ng karamay dito dahil ito ang laging takbuhan ko kapag hindi kami okay ang aking pakiramdam sa mga naririnig ko.

Akala ko pa noon may pag asa pa na magbalikan ang ate at kuya Alejandro, pero nawalan na din ng pag asa si kuya Alejandro. Tumigil nadin ito sa aking ate, Balita ko may asawa na din ito.

Kaya ayoko sundin ang mga gusto ng aking magulang ay dahil ayoko magaya sa ate at kuya Alejandro.

Habang nasa mesa si Vanessa ay gumagamit ito ng kanyang Cellphone, ganto ang lagi niyang ginagawa kapag mag sisimula na Ang sermon ng kanyang Ina.

" Galing ka nanaman ba sa bar?" Galit na ani ng kanyang Ina. Hindi kumibo si Vanessa sa Ina. Dahil kapag sumagot lang ito ay magagalit lamang ang ina.

" Kahit kailan talaga napaka tigas ng ulo mo!" Sermon nito kay Vanessa.

Tinuon lamang ni Vanessa ang kanyang atensiyon sa Cellphone. At patuloy padin Ang sermon ng Ina sa kanya.

Nakatanggap siya ng message mula kay Natalia.

"Baks, nawala ka bigla??" Message nito sakin. Siguro nagtataka ito bakit ang aga nito umalis.

" Something happen baks." Reply ko sa message ni Natalia. Agad naman nag reply si Natalia sa kanyang mensahe. " Huh? Ano nangyari?"

Base sa message ni Natalia ay kita na kumunot na ang ulo nito sa pag tataka kung anong nangyari ba talaga.

" Wanna meet up, chika ko sayo?" Reply ni Vanessa sa kaibigan. Tumayo agad ng mesa si Vanessa kahit na hindi pa ito nakakailang subo ng pagkain.

" Ano?? Lalayasan moko??" Galit na sigaw ng kanyang Ina. Halos ang mga maid sa aming mansion ay naka yuko dahil sa takot na baka mapagbuntungan sila ng galit ni mommy.

Umakyat agad ako sa aking room para mag ayos ng sarili. Nag suot ako ng damit na sa tingin ko ay nakapa ganda ko. Wala akong pakialam kung ano ang tingin ng iba sakin.

Base sa aking pananamit, dahil sa matagal na ayos sa sarili si Vanessa ay tinadtad na pala siya ng message ng kaibigan kung nasaan na siya.

Pero si Vanessa ay parang walang pakialam kung mainis ang kaibigan. Sanay na ang mag kaibigan na matagal talaga matapos mag ayos ang dalawa.

Ginamit ni Vanessa ang kanyang sasakyan na napaka expensive ng price. Mahilig din kasi ito sa mga sasakyan na nakaka attract sa mata ng tao.

Nang dumating sa place si Vanessa ay agad na lumapit si Natalia sa kanya upang batiin.

"Hey, girll!!! Mukhang fresh ka ata ngayon? Walang stress sa bahay niyo?" Tanong nito sa kaibigan. Vanessa laughing of what she say.

" Ayun na nga may chika ako." Excited na ani nito.

"Ano ba yun? May matatawag kana ba na yes daddy.." pang aasar ni Natalia sakin.

Nagtawanan kapwa ang dalawa sa kanilang biruan. " Ayun na nga, naalala mo yung lalaking tinuro ko?" Saad ni Vanessa kay Natalia.

" Oo si Atlas Gilmore ba? Ano meron?" Naguguluhang tanong ni Natalia sa kanya. Vanessa winked at her. " OMG!! huwag mo sabihin na sinuko mo ang Bataan mo??" Gulat na sabi ni Natalia.

Tumango lamang si Vanessa sa kaibigan. "But, I'm scared of what happened last night." Nag aalalang saad ni Vanessa sa kaibigan.

" Ano kaba di naman siguro tanga yun, para buntisin ka! Mayaman yon CEO" pag kukuwento ni Natalia sa kanya.

"Huwag ka mangarap diyan, bachelor yun dami nag kagusto don." Dagdag pa ni Natalia. Walang Idea si Vanessa na CEO pala ang naka sama niya kagabi.

" I know naman, tsaka one night stand lang naman kami non." Panglalaban ni Vanessa sa kaibigan.

" Pero, infairness haba ng hair Rapunzel yanr??" Nagtawanan naman ang dalawa sa kanilang biruan.

Nasa labas sila ng Isang shop at nag kakape. Ng biglang may lalaking naglakad sa kanilang harap. Diretso lamang ang tingin nito papunta sa loob ng shop.

Habang si Vanessa ay halos hindi na makagalaw sa kanyang inuupuan. Dahil sa hiya na din ay yumuko ito, na parang uumiyak.

"Hoy!! Anong ginagawa mo??" Tanong ni Natalia sa kanya.

"Ano ba!! Nag tatago ako andiyan paba?" Tanong muli ni Vanessa sa kaibigan.

" Feelingera mo akala mo mapapansin ka non. Malamang nakalimutan kana non!" Pang aasar nito kay Vanessa.

" Tsaka kung naalala ka niya, di sana nilapitan ka. Hello nilagpasan ka lang gurl!" Panenermon nito sa kanya.

Sa kalagitnaan ng pag lakad ni Atlas ay nahulog ang kanyang hawak na susi. Saktong sa gilid naman si Vanessa.

Dahil doon ay tinakpan ni Vanessa ang kanyang mukha. Pero ang lalaki ay dinampot lang ang susi at nag lakad na paalis.

"See napansin kaba? I told you na dika naalala non."

Pero si Vanessa ay kabado padin sa presensiya ng lalaki.  Nakahinga din ng maayos si Vanessa ng makaalis na ang lalaki.

Enjoy reading mga loves...

Please rate naman kayoo..

Baddie_Cutie8