Hiding Son Of Atlas Gilmore Chapter 4
Nang papaupo na si Atlas ay tinanong ako nito. " Why?? Any problem?" Takang tanong nito, siguro napansin nito na nakatitig ako sa kanya.
" A-ah wala kukunin ko na sana yung mga damit ko." Nahihiyang saad ko. Pero tinignan lang ako ng lalaki.
Umupo ito ng maayos, at hindi ako pinansin sa sinabi. Parang ako pa tuloy ang nahiya sa sinabi ko? Dagdag kahihiyan naman this.
"Tapusin mo yang pagkain mo, bago ka umalis bawal mag sayang dito." Saad nito sakin. Napakurap naman ang mata ko sa sinabi niya. E sa kesyo ayoko na busog nakoo..
"P-pero I'm full na, di ko na kaya ubusin yan." Pag usog ko ng mahina sa aking Plato. " Tsaka ano naman kung diko maubos to? Ang kuripot mo naman, Isa ka pa naman sa mayaman." Maikling saad ko.
Ang mukha kanina ng lalaki ay mas lalong nag double ang inis sakin. " You know, itahimik mo yang bibeg mo." Masungit na saway niya sakin. Pero dahil sa matigas nga ang ulo ko di ako nakinig.
" Pag di mo inubos yan di ka makaalis dito." Banta nito sakin.
" Wala ka magagawa if aalis ako magisa." Laban ko sa lalaki. He just smirk at me. Dahil doon ay na inis ako, aba sira ulo to pinag tritripan ata ako nito.
" Okay.. try me." Saad niya sakin. Nag matigas ako at palabas na sana ako ng harangin ako ng mga guard niya sa bahay.
"Ano ba?? Padaanin niyo nga ako!!" Galit na sigaw ko sa mga nakaharang. Pero ang mga ito ay hindi nakikinig sakin.
At biglang nagsalita ang lalaki sa aking likod. " See? I told you.." pag mamalaki nito.
Napapadyak ako sa inis at bumalik sa upuan para ubusin ang pagkain ko. Gusto ko magwala na parang bata dahil sa pilit pinapaubos ang pagkain.
Hindi kasi ako mahilig sa mga gulay na pagkain. Ang aga aga gulay ang mya nasa hapag. Pano ko uubusin yan. Pinilit ko ubusin ang gulay na nasa aking pinggan. Pero naduduwal nako, at naluluha.
" I'm so done for this.." tumakbo nako sa sink para iluwa ang pagkain sa bibig ko.
" Siguro hindi ka kumakain ng gulay, sabagay ang payat mo din." Pinunasan ko muna ang aking bibig at humarap dito.
" Body shaming ka ah!! Sexy ko kaya." Ganti ko sa lalaki.
"Ibigay mo na Ang damit ko kasi, kung ayaw mo masira agad ang araw mo." Inis na saad ko sa lalaki.
Sumenyas ito sa kanyang maid na ibigay na sakin. " Tignan mo bibigay mo din pala tagal tagal pa." Galit na bulyaw ko sa lalaki.
Umalis ako inis na inis don. Sumakay ako sa aking sasakyan. Mabuti nalang at nadala din nila dito ang sasakyan ko. Naka ilang missed calls pala ang mom ko.
" Ano? Nasan ka nanaman?"
" Ano bang gagawin ko sayo, para magtino ka?"
Ilan la!ang yan sa message ni mom. Palagi nalang ganyan ang message niya sakin. She always mad at me. Lagi niya nakikita ang mga negative sakin. Pero ang mga sakripisyo ko ay di niya man lang napansin kailan man.
Hindi nalang ako sumagot at sa office ko nalang ako dumiretso. Nag padala nalang ako ng some clothes kay Layla.
" Hi, pakidalhan naman ako ng clothes ko Layla." Naka ngiting saad ko sa babae. Ngumiti naman ang secretary ko. Mabuti nalang at minsan napagkakatiwalaan ko ang babae.
Dahil sa tuwing tumatakas ako at di nakauwi, ay diretso agad ako sa office. Kunwari nag ot ako. Dahil sa tulong nadin ng secretary ko ay nakalusot naman ako.
" Eto po mam." Abot nito sakin ng pang office attire. Sinuot ko agad ang damit. At nag simula na sa mga papers na aking tatapusin. Sa tuwing nakikita ako ng mga emplayado namin ay natatakot sila sakin.
May mga iba babati pero nakatingin lang ito sa baba, yung iba naman umiiwas sakin. Tinanong ko once noon si Layla bakit sila ganon sakin.
Pero ang sabi ng aking secretary ay natatakot sila sakin. Dahil Mukha daw akong masungit. Pinanindigan ko ang ganong attitude. Dahil sa yun naman ang pag kilala nila sakin.
Although totoo naman, minsan ay masungit talaga ako sa ibang tao. Lalo na kung bwiset ako sayo.
Naging busy ako sa mga gagawin ko sa aking office. Natambakan na ako ng ma paper na irereview ko. Biglang kumatok at pumasok si Layla.
"Excuse me po mam, you have meeting po later." Pag paalala nito sakin. Nawala sa aking isipan na may meeting nga pala ako today. But I forgot kung sino ang makaka meeting ko.
" Sino ang ka meeting ko later?" Tanong ko sa aking secretary. Ngumiti naman ito sakin. Dahil doon ay nagtaka ako bakit nakangiti to? May dumi ba sa mukha ko? May nasabi ba akong nakakatawa?
" Ahm.. si Mr. Atlas Gilmore po, for final contract na pipirmahan niyo."
Ano bang kamalasan ang dumikit sakin nitong mga araw at lagi na nag landas kami dalawa???
" Okay, sige pwede kana bumalik sa pwesto mo, thanks." Napayuko nalang ako sa aking mesa. Kung masipag lang ako mag ligpit baka nahagis ko na ang mga gamit ko sa table ko.
Inisip ko na mamaya nalang ako mag breakdown. Tinuon ko ang atensiyon ko sa mga papers na nasa mesa ko. Ilang beses nag paalala sakin si Layla na malapit na ang meeting with Mr. Gilmore.
Sinabihan ko si Layla na ako ng bahala. Pero nakalimutan ko pa din, ang meeting nataranta ako, what if di siya pumirma? May mga maririnig nanaman ako sa mom ko.
Biglang bumakas ang pinto. N hindi man kumatok bago pumasok.
Sasawayin ko sana si Layla, pero hindi pala si Layla ang pumasok. " Did I tell you na bago pumasok kumatok muna?" Tanong ko sa secretary ko. Pero di sumasagot si Layla.
Inangat ko ang tingin ko pero ang nakita ko lang ay si Atlas Gilmore. Naka tayo ito sa aking harap at tila inip na ito sakin. Dahil don ay napa tayo ako ng wala sa oras.
Muntik pako matumba dahil sa biglang pag tayo. "A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan kong tanong kay Atlas.
Sumagot naman ito sa aking tanong, huli ko na realize na dapat siya ang nag tatanong non sakin.
" I think you forgot something important." Saad nito sakin. Patay na akala ko pa naman malulusutan ko ito. "A-ah.. sorry naging busy lang." Sagot ko kay Atlas.
"Inuna pa kasi ang pag gimik, may mga tatapusin pala dapat." Bulong nito, sapat ang lakas ng boses niya para marinig ko ang sinabi niya.
"Hoy! Narinig ko yun ah?" Pikon kong saad. "Baka nakakalimutan mo na mahalaga akong tao para sa company niyo?" Pagbabalik nito sakin.
"F*ck.. are threatening me?" Balik Kong sagot. " Look Atlas, kahit ngayon lang makipag sundo ka naman sakin. I know di mo ako gusto, sana dun man lang pumayag ka." Maiksing saad ko sa lalaki.
"Is this how you talk with your business partner?" Masungit nitong sabi. Napapikit nalang ako ng mata sa inis ko kay Atlas.
"Okay, I admit i was wrong okay??" Pag suko ko at humingi ng paumanhin.
" Good, next time be on time sa napag usapan. Nasasayang ang oras ko." Umalis nalang ito sa aking harap.
Ang mga kamay ko ay parang gustong habulin si Atlas at sabunutan dahil sa inis ko dito.
Enjoy reading mga lovess... :))))
Baddie_Cutie8