Behind Shelves |Night Drive
I immediately search for something to wear. Not too short, not too long. Grabe naman yon pati pagsuot ko pinangungunahan tssk!
Pero unti-unti nalang sumilay ang ngiti sa labi ko at nang mapagtanto ko yon ay mabilis naman akong tumawa.
Nahihibang na siguro ako, bakit ba ako ngumingiti dahil sa ideyang magiging date ako ni Steven mamaya sa party?
Please don't tell me, I am liking him.
I took a deep breathe and sat on the bed. Ang dami namang hanesh sa buhay ko. Nakakalito na ah, eh halos wala na nga akong maisulat sa novel ko.
I thought this is my dream, this is my passion but why I am starting to feel nothing. The spark is fading and I don't know why.
Kahit anong isipin ko, pakiramdam ko hindi maganda ang kakalabasan. Paano nalang kung hindj bumenta ang nobela ko? Panigurado mag-sisisi ang Miraculus dahil tinanggap nila ako.
I suddenly saw my reflection on the mirror and realize how tired my eyes is. I slowly touch it and realize that I am being harsh and hard for myself.
I always push myself to the limit and not giving it a rest. Kaya siguro wala ng madigest yung utak ko for a good plot and words.
Nalaman ko naman na 6:30 na and I still haven't plan what I am going to wear. Hindi naman ako mahilig pumorma o mamili ng susuotin.
Dress ba? Pantalon at shirt? Maggagown ba? Of course hindi maggagown, eh party yon eh.
That's why I called my ate Sherlyn. She is not home, almost two days narin dahil may sideline siya at natuto narin kasi si ate na magRent ng sarili niyang condo. She is so independent and always do hardships, I don't know why dad always pressure her to do more.
Speaking of dad, the day I met him in the Miraculus building, parang kakaiba ang kilos niya. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na hindi naman pang-manager yung suot niyang uniporme. Sabi niya pa naman mataas ang posisyon niya sa trabaho niya. Kaya nga lagi niya kaming nipepressure ni ate para maging katulad kami sa kanya o mas mataas pa. Sana lang talaga hindi siya nagsisinungaling.
Sinimulan kona mag-ayos ng sarili ko. Dinikwat ko narin ang dress na itim ni ate sa closet niya. Nagpaalam ako don't worry.
Inayos ko ang buhok ko at nagsuot ng kaunting palamuti. Hindi nako nagkoloretes dahil hindi ko alam kung paano. Nakakatakot dahil imbis na maging maganda ay baka maging shokoy ako.
Narinig ko naman na ang sigaw ni mama galing baba. Sumilip ako sa orasan at nakita ko na 6:55 na. Ang aga naman niya ng 5mins.
"For the last...." I said bago nag-spray sa buong katawan ko ng pabango. I went out of my room and walk down the stairs just to see my mom with a bright smile.
Luh? Ngayon lang ata nakakita ng maganda toh si mama.
"Napakaganda naman talaga, hindi maitatanggi kung kanino nagmana." Napakagat naman ako ng labi sa sinabi ni mama. Tumango ako at niyakap ito ng mahigpit.
"Ma, grabe ka pinagkatiwala nyo agad ako sa lalakeng yon." Tila ba nagtatampong sabi ko. Humalakhak naman ito at hinawi ang buhok kong nagulo.
"Ano kaba anak, gusto ko palagi kang ligtas. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka lalo na ang ipamigay ka, syempre tiwala ako sa batang iyon. Mabait iyan, ilang beses ko nang napatunayan, nakakabigla lang dahil napaliit nga naman ng mundo." Napakurap-kurap nalang ako sa sinabi ni mama.
Saan kaya sila nagkakakita? Paanong naipakaita ni Steven ang bait niya kay mama? Eh mukha siyang selfish. Ay oo nanlalait ako minsan.
Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang may tumikhim mulasalikuran kaya napatingin naman ako roon. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang nakita ko.
Napakagat ako ng labi at nag-init ang mga pisngi. Nakita ko naman kung paano ako bigyan ng nanunuyang ngiti ni mama kaya napanguso ako.
"Osiya sige na. Steven, tandaan mo ang sinabi ko ha. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mananagot ka akin." Hinimas ni mama ang pisngi ko bago marahang itinulak paharap kay Steven.
Ma naman!!
Pilit kong iniwas ang tingin ko at nauna na sa paglabas ng bahay. Mabilis akong nagtungo sa harap ng kotse at kinawayan si mama. May sinabi pa si Steven kay mama pero hindi kona narinig iyon.
"Makakaasa po kayo, tita. Mauna na po kami." Sabi ni Steven bago naglakad papalapit saken. Luh?!
Yumuko naman ako at kunwaring may hinahanap. Bakit ang gwapo niya? Nagiinit ang pisngi ko.
Malandi naba ako?
Eh dba si David ang gusto ko?
Ahaha ang loka hindi na sigurado kung sino ang gugustuhin.
"Uy, ano hinahanap mo?" Napatalon naman ako sa gulat nang magsalita ito. Nasa likuran kona pala.
"Ha? Pake mo." Hindi talaga maiwasan na magtaray kapag andiyan siya.
"Sumakay kana nga, bukas yan." Ang sabi niya at pumunta na sa driver's seat. Napatulala naman ako for 5 seconds.
Oo clichè na pero hindi ba dapat ipagbubukas niya ako ng pinto sa kotse?
Ang ungentleman naman nito. Pasalamat siya gwapo siya.
Pumasok nako sa kotse at dahil sa katangahan ko ay nauntog pako.
"Arayy, haishhh..." reklamo ko habang sinusuot ang seatbelt ko. Ano ba naman pati ata kotse nahawa na sa may-ari nito.
Mapanakit masiyado.
Kumunot ang noo ko dahil sa inis na nadarama. Bigla namang tumingin sa gawi ko si Steven at parang kusang gumalaw ang system ko at tinignan din siya.
Nagtama ang mga mata namin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Wala kaming ginawa for the past 5 minutes kundi ang titigan ang isa't isang mukha.
Kaya binasag kona ang katahimikan sa aming dalawa. Kumurap ako at hindi parin iniwas ang tingin sa kanya. "B-bakit?"
Unti-unti namang tumaas ang labi nito at saka umiling. Pinaandar na ang kotse. Hindi naman mabilis ang takbo niya, sakto lang. Ibinaba naman nito ang bintana ng sasakyan dahilan para pumasok ang malamig na simoy ng hangin sa gabi.
Bahagya kong inilabas ang aking kamay at ngumiti. Grabe napakalamig at ang ganda rin ng tanawin ng mga gusali sa gabi. Iba't ibang mga palamuti ang nakikitasa buildings, restaurants at sasakyan.
"Selene." Agad naman akong lumingon nang tawagin ako ni Steven.
"Yes?" Inayos ko ang nagulong buhok ko at huminga ng malalim bago tinignan ito muli.
"You look wonderful tonight." He said that makes me speechless. He then make a turn kaya medyo tumagilid ang ulo ko habang nakatulala parin.
Bakit ba ganito ako kiligin?