Chereads / Behind Shelves / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

Behind Shelves |Holding You

I kennattt!! Bakit ba ganon silang magkapatid? Ang lakas makapakilig, akala mo naman madadale ako.

Ehehehe.

"Malayo paba? Asan naba tayo?"

"Pang sampu mo nang tanong yan, Selene."

"Eh baka kasi saan moko dalhin, mahirap na. Wala akong tiwala sayo noh." Napangisi ako sa sinabi dahil nakita ko kung paano nagtangis ang bagang nito.

"Malapit na tayo." Tumango naman ako at nanahimik na. Maya-maya ay tumigil ang kotse sa harap ng malaking bahay.

"Halaaa, ito naba ang bahay nila Marie malandi?" Mabilis ko namang tinakpan ang bibig ko. Bakit ko naman nasabi pa ang malandi. Baka isumbong niya ako, bully padin pa naman yong Marie nayon, insecure malala.

"Yes." Sagot niya at gulat ako ng lumapit ito sa akin habang nakatingin ulit sa aking mga mata.

Hoy ito naba ang first kiss ko??

No way.

Dahan-dahan namang lumapit ang mukha nito sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako na natatakot kaya ipinikit ko na lamang ang mata ko, hinihintay na magtama ang labi namin.

Pero kung niloloko ka nga naman oh, nakarinig ako ng click at napagtanto kong tinanggal lang pala ni Steven ang seatbelt ko.

"Gotcha." Ngumisi ito at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse pero kinurot ko siya sa balikat niya. Nakakainis eh.

"Kaya kong i-unseatbelt sarili ko, wag kang malapit saken. Tama kana noh, namumuro kana." Ngumuso ako sa inis at inikot ang mata ko bago lumabas ng sasakyan at kung mamalasin ka nga naman ulit, nalimot kong nakatakong pala ako kaya nang pagkababa ko ay natiklop ang paa ko.

"A-aray!" Reklamo ko ay napaupo muli at hinimas ang paa ko.

"Selene, what happened??" Nag-aalalang tanong ni Steven sa akin at tinignan ang mukha ko sa kaliwa at kanan habang hinihimas ang pisngi ko. Sobra naman kung magreact ito, akala mo nabaril ako.

Hindi nako nakapagsalita sa ginawa niya, hanggang sa mapagtanto niyang wala sa mukha ko ang may akit kundo sa paa ko.

Kahit nakawhite slacks ito ay walang dalawang isip na lumuhod bahagya at hinilot hilot ang paa ko upang mabawasan ang kirot dala ng pagkakatapilok.

"Hindi kasi nag-iingat eh." Sermon nito sa akin at napangiti naman ako sa kung paano niya ikutin ang paa ko at marahang hilutin.

Ano toh? Ano tong pinapakita niya sa akin?? Ayoko na maghinala pa o mag-assume ng mga bagay-bagay pero masisisisi moba ako kung ganito ang ginagawa niya o sadyang feeler lang talaga ako.

"Ayus na, salamat, Steven." Saad ko at sinubukang tumayo.

"Let me carry you. Hop in." Lumaki naman ang mata ko sa suhestyon niya. Agad kong iginalaw ang ulo ko.

"Ha? Ayaw ko, wag na ahaha mabigat ako. Saka kaya ko naman na maglakad." Sabi ko at ngumiti ng may kaba.

"Hop in." He said again. Natakot nako kaya agad na akong tumalon at yumakap sa leeg niya mula sa likuran.

Ipinulupot ko naman ang hita ko sa kanyang bewang para hindi ako mahulog kapag tumayo siya. Napakagat nalang din ako ng labi nang hawakan niya ako at pakiramdam ko ay hindi talaga ako mahuhulog.

"Let's go." He said after he close the door of the car. Okay binabawi kona, gentleman pala siya talaga.

Kumapit ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa likuran niya. Amoy na amoy ko ang matapang na panglalaking pabango nito. Hindi ko alam pero bakit na naman ako nakakaramdam ng ganitong pakiramdam?

Ang saya ko. Kinikilig ako. Gusto kong mamalagi sa posisyon na ganito kasama siya. Pero ganon rin ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko si David. Bakit ang gulo??

Nakapasok kami sa loob ng mansion matapos kausapin ni Steven ang guard. Mula sa kinaroroonan namin ay rinig na ang magarang tugtugan. Halatang pangmayaman ang party ah.

"Ibaba mo nako, kaya kona." Ang sabi ko. Ayoko rin kasi na may makakita pa sa amin na ako ay pasan pasan niya.

"You sure?" Tumango ako at dahan-dahan naman niya ako ibinaba. Tumayo ako at ngumiti sa kanya pero agad ko ring iniwas. Phew delikado na.

"Always stick to my side, wag kang lalayo. Okay?" He said and I nod slowly befpre following him. To my surprise in the middle of his walking ay tumigil siya, parang naghehesitate sa gustong gawin o sabihin.

Anyare dito?

"Luh?" Natatawang sambit ko kaya tumingin ito sa akin. Parang napipilitan na ewan pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad muli.

Hoy ano ba ito?

"And why you're holding my hand?" I ask and he just shrugged.

"Baka mawala ka eh, mahirap na. I don't trust people here." Lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ngumiti ako ng palihim at hindi ko nasadyang napisil ang kanyang kamay.

Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa mismong entrance. Napanganga ako sa ganda ng mga suot ng ibang bisita. Grabee hindi naman kamj ganon kahirap pero hindi rin kami ganto kagastos, their so pretty.

"Ohh, glad you came here, Steven. Sabi na eh hindi moko matitii— who's this?" Napakurap naman ako nang salubungin kami ni Marie.

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito ng makita akong kasama ni Steven. Bumaba naman ang tingin nito sa kamay namin na magkahawak. Bumuntong hininga ito na halatang nagseselos at naiinis na.

"Why?" She asked while looking at the unbothered Steven.

"Where we can sit?" Instead of confronting Marie,he ask where we can sit. Sa loob loob ko natatawa ako dahil nakakaawa ang itsura at reaksyon ni Marie. Parang nareject ng multiple guys at the moment.

"I hate you, Steven." She said and walk out. Sinundan ko naman ng tingin ito saka humalakhak.

"Ahahahaha kawawa." I said and Steven pull me somewhere to sit.

Okay, aaminin ko ang gwapo ni Steven and not mentioning how gentleman he is. Pero kasi he's still a red flag for me, he gives mixed signals, he's known for being a playboy and who know's na trip niya lang ako asarin at paiyakin?

Andiyan naman si David, he's a walking green flag. Sobrang bait and sobrang sweet although sometimes naiilang nako sa kanya, pero siya ang kababata ko, I've known him since child. Did I really know him?

Napabuntong hininga ako habang nakaupo at hinihintay na magumpisa ang party. May nagabot naman ng tubigsa akin at nginitian ko na lamang ito, pero ang sinukli niya sa akin ay walang emosyon.

Isinandal nito ang likuran sa likod at tila ba bored na bored sa buhay. Habang nakatingin ako sa kanya ay nakatingin naman siya sa kung saan, nililibot ang tingin.

Now I wonder who's that girl he's referring on he's poems in library. She must be lucky or miserable.