Tasha
Araw ng Sabado. Nasa mansyon ang magkakapatid na Villamar.
At tulad ng araw-araw na naming nakasanayan ay maagang umaalis ng mansyon ang Governor.
Ngunit madalas naman na naiiwan ang may bahay nito.
Lalo na tuwing Sabado at Linggo.
Likas na mabait ang may bahay ni Governor. Magiliw ito sa mga anak.
Kahit pa kapansin-pansin ang malamig na pakikitungo sa kan'ya ng panganay na Villamar.
Ang naririnig kong bulong-bulungan noon ay hindi naman kasi nito totoong Ina ang Ginang.
Matagal na raw namayapa ang unang Ginang ng butihing Governador, na siyang tunay na Ina ng panganay na Villamar.
Pero ang hindi ko makuha-kuha ay kung bakit kailangan pang pakitunguhan ni Beast ng hindi maganda ang naging pangalawang Ina.
Gayong kitang-kita naman kung gaano sinusubukan ng Ginang na mapalapit sa kaniya.
Inumpishan kong ligpitin at nilinis ang kuwarto ni Señorito Zyron. Sinunod ko naman linisin pagkatapos ay ang silid ni Señorito Zackie.
Lagi kong hinuhuli ang silid ni Señorito Beast at sinisiguro ko munang wala na ito sa kaniyang silid bago ko iyon linisan.
Madalas kasi ay late na itong nagigising. Once in a blue moon lamang yata ito magising ng maaga.
Ang napapansin ko rin sa ilang Linggo ko nang pamamalagi sa mansyon ay ang madalas na sagutan ni Governor at ang panganay nitong anak.
Hindi na ako magtataka kung lagi silang nag-aaway. Ibang-iba naman kasi talaga ang ugali ng panganay kung ikukumpara sa ibang Villamar sa mansyon.
Malayong-malayo ang karakter nito, mukha talaga itong kriminal!
Nakakatakot!
Kasalukuyang nag-aalmusal ang mag-anak. Samantalang ako, ay inumpisahan ko na ang mga gawaing nakaatangan sa akin sa araw na iyon.
Nabugaw ang pag-iisip kong iyon nang dumapo sa ulo ko ang isang unan. Kasunod ng nakakalokong hagikhik ni Zackie!
Masama ang tingin ko itong binalingan. Natatawa naman itong lumapit sa akin.
"Oops sorry!" ang kunwari nitong sabi at napatakip ng bibig.
"Sorry ka d'yan!" ang nakairap kong sabi. Sapol ako sa ulo. Hindi naman masakit dahil malambot at magaan lamang ang unan nito. Pero nainis pa rin ako dahil sa ngisi nito ngayon!
Alam kong nang-aasar na naman ito sa akin.
"Sino 'yong kasama mo noong nakaraang Linggo sa Simbahan huh?" ang may panunuksong tanong nito sa akin.
Tinignan ko siya. Napaisip ako saglit. Paano nito nalaman na nagsimba nga ako?
"Nagsimba ako kasama ang isang kaibigan , nakita kita." Ang agad na sansala nitong sagot sa tila pag-iisip ko.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa.
Hindi ko sinagot agad ang tanong niya. Kasama kong nagsimba si Reynald, kababata ko at matalik na kaibigan.
"Jowa mo 'yon no?" ang pangungulit nito sa akin. Natawa ako ng mahina at napailing.
"Oy... Ayaw sumagot, confirmed 'yan!" anitong sinisiko kunwari ang tagiliran ko kaya tuluyan na akong natawa sa kaniya at lumayo.
"Kababata at kaibigan ko 'yon. Wala pa sa isip ko 'yang boyfriend, boyfriend na 'yan.
Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral." Ang seryoso ko nang sabi at bahagya lamang siyang nilingon at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.
Ang magligpit at maglinis sa kuwarto nitong hindi naman gaano magulo at marumi dahil sa araw-araw kong nililinisan ito. Kahit nga alikabok ay hindi ka makakakita.
Nagtungo na ako sa banyo nito at kinuha ang mga labahan nito sa basket.
"Hindi mo siguro napapansin pero sigurado akong may gusto 'yon sa'yo. Iba ang tingin sa'yo e," ang dinig kong anito na siyang kinahinto ko saglit.
Tama naman kasi ito. Nagtapat na sa akin ng damdamin noon si Reyanald.
Ngunit wala pa talaga sa pagno-nobyo ang isip ko.
Tinapat ko siya at sinabing tanging kaibigan lamang ang nararamdaman ko para rito.
At sinabing ko ritong, pagtulong sa pamilya at pagtatapos sa kolehiyo ko lamang gustong e-focus ang isip at puso ko.
Masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay na iyan.
Ni hindi nga sumasagi sa pakikipagnobyo ang utak ko.
"Kung gano'n pala, kung manligaw man ako, hindi mo rin ako sasagutin?" natawa ako ng mahina sa hirit niya.
Lagi talaga akong tini-trip nito. Natatawa ko siyang binalingan.
Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko ang kaseryusohan ng mukha niya.
Napalunok ako. Seryoso ba talaga siya? Biglang naumid ang dila ko.
Hindi ako makapagsalita o, makapag-react.
Bubuka na lamang ang labi ko nang--
"Matagal ka pa ba d'yan?" sabay kaming napatingin sa bukana ng pintuan.
Napalunok ako nang makita roon ang lalaking kina-iinisan ko sa lahat.
Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin.
Masama na naman yata ang gising ng isang ito. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakahukipkip. Nakakrus rin ang dalawang binti nito.
Agad ko nang tinapos ang nalalabi kong gawain roon at mabilis na binitbit ang basket na may lamang labahan.
Palabas na ako ng pintuan ng kuwarto ni Zackie pero hindi nag-abala man lang tumabi si Beast! Kahit pa nga nag-excuse na ako rito.
Nilampasan ko na lamang siya.
Nasagi at nagkadaiti pa ang mga balat namin nang lampasan ko ito.
Ramdam ko pa nang tignan niya ako ng matiim.
Kainis talaga itong Beast na to! Mas'yado akong kinakabahan sa tuwing nakikita ko ito!
Torture nga para sa akin ang paglilinis ng kuwarto nito.
Napapansin ko kasi kapag naglilinis ako, saka naman niya sinasadyang manatili sa kan'yang silid.
Sinasadya niya talaga, ramdam ko. Panay tikhim pa niya na akala mo'y nagpapansin.
Lalo niya akong tinatakot sa mga tikhim niya e.
Naiinis talaga ako! Hindi ako makakilos ng maayos.
Ano ba 'yong umalis muna siya habang naglilinis ako? Pero wala talaga siyang balak!
Hindi ko naman siya maitaboy at baka biglang magalit sa akin at masakal pa niya ako.
"Kapag sinagot talaga ako ng mahal ko, magpapakatino ako." Maya-maya'y narinig ko na lang na sambit niya.
Nasa bandang gilid ko s'ya at nakahiga sa mahabang sofa. Kita ko siya sa sulok ng aking mata.
Nakatingin siya sa cellphone niya, nakangising aso!
Parang tanga!
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa na parang walang narinig.
Napangiwi ako nang pagtalikod ko.
Magtitino pa kaya iyan? Diskumpyado ako!
Gusto kong mapailing. Kawawa ang babaeng nagugustuhan ng Beast na 'to!
Sana hindi siya sagutin! Parang nakakatakot maging jowa 'to e!
Kinahapunan ay may dumating na matandang babae sa mansyon.
Puti na lahat ng buhok nito. Binati siya ng isa kong kasamahan at tinawag, bilang Nana Rosa.
May malawak itong ngiti habang hinahanap si Señorito Zaturnino.
Maya-maya pa'y sumalubong na rin sa may sala sila Nanay Gloria at Manang Sol.
Ang mga nakakatandang taga pagsilbi ng mga Villamar.
"Nana Rosa, napadalaw kayo?" ang agad na salubong ni Nanay Gloria.
Natawa ng mahina ang matandang babae.
"Alam mo naman kung anong sad'ya ko kapag ako'y naparito. Ilang Linggo na siyang hindi dumadalaw sa kabilang mansyon. Tinatanong siya ng Lolo niya. Nag-aalala na kaya napunta na ako rito. 'Yong batang 'yon ni hindi man lang tumawag." Ang anang Matanda.
Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Inusan ako ni Manang Sol na tulungan siyang gumawa ng meryenda. Samantalang, inutusan naman nito si Joyce na tawagin ang Señorito Zaturnino.
"O, sige na. Dalhin mo na 'yan do'n. Pagkatapos mo ay bumalik ka rito para matulungan akong maghanda ng mga lulutuin sa hapunan." Ang malumanay na ani Manang Sol.
Tumango lamang ako ng marahan at tsaka binuhat na ang tray na may lamang pagkaing pang meryenda.
Kaano-ano kaya siya ni Beast?
Lola kaya niya? Pero ang balita ay pawang galing sa mayayaman pamilya ang Ama at Ina nito.
Simple lamang ang gayak ng matanda. Hindi mo mababakasan ng kahit anong karangyaan tulad ng iba.
Para lamang siyang si Nanay, kapag manamit.
Pero kanina nang tanungin nito ang Señorito Zaturnino, ay kita sa mga mata nito ang pag-aalala at pananabik.
At nang utusan naman ni Manang Sol si Joyce na tawagin nito ang Señorito, ay bumukas ang matinding saya sa mukha nito.
Sa palagay ko ay napakaespesyal ni Señorito sa kaniya.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad papuntang sala nang makita ko naman ang pagbaba ng masungit na Señorito.
Mukhang hindi nga ito umalis maghapon dahil simpling puting t-shirt lang ang suot nito at loose pants na kulay gray.
Medyo magulo rin ang buhok na akala mo'y galing sa mahabang pagkakatulog.
Pero dahil sa suot nito, kahit paano ay naging malinis siya sa paningin ko!
Napahinto ako nang makita kong malawak ang ngiti nitong niyakap ang matanda.
"Anong ginagawa n'yo dito Nay?" anitong tanong habang yakap pa rin ang matanda. Nang bumitaw ay marahan siyang hinampas sa braso.
"Nagtatanong ka pa? 'Ni hindi mo man lang naisipang dumalaw sa loob ng ilang Linggo?
Ni hindi ka tumatawag! Ni hindi mo rin daw sinasagot ang mga tawag ng Lolo mo!
Nag-aalala na siya ng husto Zat! " ang paninermon ng matanda. Natawa lang ng mahina ang Señorito.
Pero parang biglang-bigla ay nag-iba ang aura nito. Marunong rin palang ngumiti ang Beast na 'to!
Napaangat ang mukha nito sa akin. Napatigil ito sa pagtawa. Saglit itong napatitig sa aking mga mata.
Una akong nag-iwas. Hindi ko matagalan ang titig niya. Parang nanlalambot ang tuhod ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ipapatong ko na sana ang tray ng pagkain sa center table pero nagsalita siya.
"Sa garden mo na 'yan dalhin. Doon kami magmemeryenda ni Nana Rosa." Mahinahon naman ang boses niya.
Nakahinga ako nang maluwag. Marahan akong tumango. At nagtungo na sa may hardin.
Napailing na lang ako nang marinig ko pa ang boses nito mula sa aking kinaroroonan.
"Walang pupunta roon? 'Pag may nagkamali lagot kayo sa akin!" ang dinig kong pagbabanta nito.
Kasunod ng pagsaway sa kaniya ng matanda.
"Ano ka bang bata ka! Ayusin mo nga 'yang pakikipag-usap mo!
Wala ka na talagang galang!" ang muli sermon nito.
Hindi ko na narinig pa ang naging sagot nito pero parang yamot, nayayamot itong sumagot sa matanda!
Kakaiba talaga siya! Walang sinasanto! Kahit na kay Nanay Gloria na sa pagkakaalam ko'y yaya pa Señorito Zyron mula ng ipanganak ito.
Pagkatapos kong ilapag sa mesang naroon ang tray ay binuksan ko na rin ang parasol.
Masyado nang masakit sa balat ang tama ng araw sa bahaging iyon ng hardin.
Patapos na ako nang siya namang dating ng dalawa.
Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ni Beast sa akin.
Pero wala akong balak pagtuunan pa iyon ng pansin. May tipid na ngiti akong nagpaalam sa kanila.
"Salamat, hija." Ang magiliw na sabi ng matanda.
"Wala pong ano man. maiwan ko na po kayo." Ang magalang kong sabi, at humakbang na papasok sa mansyon.
"Napakagandang bata." Ang dinig ko pang anang matanda. Napangiti ako. Ako ba ang tinutukoy ni Nana Rosa?
"Naman! Ako pa? Hindi ako pumipili ng pangit!" ang sagot naman ni Beast. Napangiwi ako.
Hindi pala ako ang pinatungkulan ng matanda. Mas'yado ata akong assuming na ako 'yong tinutukoy niya!
Siguro 'yong babaeng kausap nito sa cellphone kanina ang pinag-uusapan nilang dalawa.