Chapter 5 - CHAPTER 4

TASHA

Dala ang tray ng pagkain, tubig at gamot ay pinuntahan ko si Senyorito Zyron sa may library.

Nasa library ito at nag-aaral kahit masama ang pakiramdam. 'Ni hindi ito bumaba kanina para makasabay sa pananghalian.

Gamot lamang ang hinihingi nito sa akin ngunit pinagdala ko na, rin ito ng pagkain. 

Masama ang uminom ng gamot nang walang laman ang tiyan.

Kaya dapat lang siyang kumain kahit konte lamang. Parang kinurot ang puso ko sa nabungaran.

I   pity him. When I saw him bent over with his forehead covered. Kung masama ang pakiramdam niya, bakit hindi na lang siya magpahinga?

Marahan akong lumapit dito at inilapag sa may bandang gilid ng mesa ang tray ng pagkain, tubig at gamot.

Napaangat ito ng mukha. Ngumiti ako ng tipid.

"Bakit may dala kang pagkain? Sabi ko gamot lang e." Matamlay na anito. Napahinga ako ng malalim.

Naaawa ako sa kan'ya, medyo namumutla siya. Halatang may dinaramdam.    

"Masama ang pakiramdam mo. Hindi ka kumain kanina. Masama ang uminom ng gamot nang walang laman ang tiyan maski konte. " Ang malumanay kong sabi. Napapikit siya at napahilot sa sintido.

"Bini-baby mo ako, mamimihasa ako n'yan." Ang natatawang biro nito. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Kahit paano ay umaliwalas ang mukha niya.

"Gusto mo subuan pa kita!" ang ganti kong biro. Natawa na ito ng tuluyan. Madalas ay seryoso ito pero nagagawa ko pa rin biruin.

Hindi ako natatakot, hindi ako naiilangan. Ganito rin ang nararamdaman ko kapag si Zackie ang kausap ko. Magaan lang ang pakiramdam.

Biglang napatingin ito sa pinto. Napakunot ang noo. Kaya napatingin na rin ako roon.

"Bakit?" ang nagtataka kong tanong nang makita kong doon pa rin nakapako ang kan'yang mga mata.

Wala namang tao roon pero may kakaiba akong nakita sa kan'yang reaksyon. O, baka may inaabangan itong bisita? Minsan kase ay pumupunta ang mga kaibigan nito.

Umiling siya..

"Wala.." Ang nangingiti niyang sagot.

"Ano susubuhan ba kita?" ang untag ko sa kan'ya. Natawa siyang muli.

"Ako na, salamat." Kinuha na nito ang kutsara. Napangiti ako. Sa wakas kumain rin.

"Ang swerte ng mapapangasawa mo." Ang nakangiti nitong sabi na sa pagkain nakatingin. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mga pisngi, dahil sa sinabi niyang iyon.

"Asawa agad? Ang bata-bata ko pa e," ang nakanguso kong sabi. Kahit tila may kung ano sa dibdib ko ang biglang pumintig.

Ang gwapo rin talaga nito ni Zyron. At mas bagay sa kan'ya ang laging nakangiti.

"May balak ka pa bang mag-aral?" maya-maya'y tanong nito sa akin. Tinapik nito ang isang upuan malapit sa kan'ya. Napangiti ako at walang pag-alinlangan na umupo ako roon.

"Hmmm.. Meron. Pero saka na ako mag-aaral ulit kapag med'yo okay na 'yong sitwasyon namin." Tumango-tango lamang ito. Habang ngumunguya. Alam naman kase nila na kapos na kapos talaga ang pamilya namin financially. Kaya nga napahinto ako sa pag-aaral.

"Sasabihin ko kay Daddy na isama ka sa mga sa schorlarship program ng kompanya. Or sa scholarship program ng bayan natin. Sayang ang taon, Tash" Ang seryosong anito. Napaawang ang labi ko. 

He called me Tash. Malalapit lang sa akin ang tumatawag sa akin n'un.

Natigilan ako saglit upang magapuhap ng sasabihin.

"Naku, saka na lang ho siguro, Senyorito. Marami pa kasi akong problema sa ngayon e. Kailangan ko talaga munang magtrabaho. Naisangla kase nila Tatay at Nanay kay Don. Manulo yong lupa namin. Gusto ko munang pag-ipunan para tubusin. At 'pag natubos ko na po, saka ako mag-aaral." Napatigil ito sa pagsubo at napatingin sa akin. Tipid ang ngiting sumilay sa labi ko.

"Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong kay Dad? Matutulungan ka niya." Ang suhesyon nito. Agad akong napailing.

"Naku, huwag na ho. Nakakahiya. Isa pa malaking tulong na ho 'yong tinanggap niyo ako rito para makapagtrabaho." Ang kako na may ngiti pa rin sa labi.

Inurong nito ang tray. Dinampot nito ang gamot at isinubo saka uminom ng tubig.

Nagpunas ng bibig gamit ang table tessue. Tapos na itong kumain.

"Bakit ka mahihiya pa kay Daddy e, magiging manugang ka rin naman niya balang araw?" ang makahulugang sabi nito habang may naglalarong pilyong ngisi.

Biglang napaatras ang leeg ko at napakunot ang noo.

Napausli rin ang labi ko.

Natawa siya!

"Grabe iyang reaksyon mo, nawawala ang sakit ng ulo ko sayo.Napapatawa mo ako lagi." Naging mas malakas ang tawa nito. 

"P-parang tanga to!" ang nakanguso ko paring sambit.

"Ano bang preference mo sa isang lalake?" natigilan ako bigla sa kan'yang tanong. Bakit biglang-bigla ganito ang mag tanong ng mokong na to, sa akin?

E, noon naman. Kahit anong biruan namin hindi kami naliligaw sa mga ganitong topic.

Nagtataka man, ay sumagot na rin ako. Ngayon pa lamang kami nagkakausap nito ng matagal-tagal. At masasabi kong masarap din pala itong kausap 'pag patungkol sa ibang bagay.

Akala ko puro politics lang ang alam nito.

"Wala, ang bata ko pa no! Hindi ko pa iniisip yan!" ang protesta ko.

"Sige na. Tell me.." Panghihikayat niya.

Nakangiti pa rin siya. Napaisip ako. Ano nga ba? 

"Mas gusto mo ba 'yong charming? 'Yong seryosong matalino, kaya? O, badboy? 'Yong nakaka-intimidate? May tattoo kaya at naninigarilyo--"

"Yucks ka! Parang tanga talaga to! ayaw ko ng may tattoo no! Naninigarilyo pa? Ang baho kaya n'un, yucks!" ang hindi ko na mapigilang bulaslas sa harapan niya. 

Natutop ko ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko. Pumasok kase bigla sa isip ko si Beast pagkabanggit niya ng tattoo at sigarilyo. 

Shit!! Biglang-bigla napa-yucks ako!

Napahalakhak naman ito ng malakas. Kanina parang basang sisiw ito dahil masama ang pakiramdam. Ngayon naman parang tangang tawa ng tawa.

"So ayaw mo sa Kuya ko?" Natameme ako sa tanong niya. Bakit biglang napasama ang Beast na 'yon sa usapan? Hindi ko alam ang isasagot so, nanahimik ako.

Pero ayaw ko nga talaga sa kan'ya! 

Pero parang hindi ko kayang sabihin na "Oo, ayaw ko sa kan'ya!" 

"Natatakot ka ba sa kan'ya?" ang pasegunda nitong  tanong. Napalunok ako. Bakit niya tinatanong yang mga bagay na 'yan? Parang tanga talaga tong si Zyron!

"Natatakot ka ba sa kan'ya?" ang untag nito sa akin. Nakakunot ang noo pero nakangiti. 

Matiim ang naging titig nito sa akin ng hindi pa rin ako makasagot.

Ngunit kita ko ang naglalarong ngisi sa sulok ng kan'yang labi.

"Hindi no! Naiinis lang ako sa kan'ya! Lagi kase siyang nakasigaw, natataranta ako! Pero hindi ako takot sa kan'ya!" ang matapang kong sagot. Sa totoo lang ay nabawasan ang takot ko rito nang makita ko kung paano niya pakitunguhan si Nana Rosa.

Isa lamang ang pinakakahulugan niyon.

May parte pa rin sa pagkatao nito ang hindi masama.

May bait pa rin  itong naitatago kung baga!

Namagitan ang ilang sandaling katahimikan sa namin! 

Pero gano'n na lang ang gulat ko, nang biglang inilapit ni Senyorito Zyron ang mukha nito.

Namimilog ang mga mata ko sa kabiglaan. Bigla rin nagsirko ang puso ko!

Dumikit ang labi nito sa pisngi ko.

"Don't move Tash, just stay like that." Ang anas nito sa aking tainga.

Bigla akong naguluhan.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit biglang-bigla  ganito  ang kilos niya. But I stayed still, anyway.

Sinunod ko siya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang may kumalabog sa likod ng pintuan na bahagya lamang nakasiwang.

Hinawakan ako ni Senyorito Zyron sa braso. Medyo mahigpit. Pinigilan ako sa pagtayo.

"Stay still, Tash. Just a little bit more longer.." Ang anas nito sa gilid ng aking mukha.

Ewan ko pero parang naramdaman kong napangisi siya.

Nawe-weirdo-han na ako.

"Ano yon?" ang natataranta at may takot kong tanong kay Zyron.

Hindi lamang iyon basta aksideteng kalabog.

Pakiramdam ko nga parang may sumuntok ng malakas sa pintuan.

Ilang sandali pa'y nilayo na rin niya ang mukha niya sa akin.

Ngumiti siya na parang walang nangyari.

Nagtatanong ang mga mata ko itong tiningnan.

'Ni hindi ko ito nakikitaan ng gulat man lang, sa nangyari kanina.

"Wala lang 'yon. Huwag mo nang pansinin."

Ang nakangiti pa rin nitong sabi.

Hanggang sa umalis ako sa library ay naging palaisipan sa akin ang lahat ng nangyaring iyon!

Nakatungo ako at marahang  binabagtas ang hall way patungong hagdanan.

Dala ang tray na may lamang pinagkainan ni Senyorito Zyron.

Naglalakbay ang utak ko. Wala pa rin ako sa wisyo.

Napatigil ako sa paglalakad. At mula sa pagkakatingin sa sahig ay napaangat ang mukha ko nang makita  ang pares ng sapatos na nakaharang sa dadaanan ko.

Wala sa loob akong napalunok. Nang matunghayan ko ang madilim na mukha ni Senyorito Zaturnino !

Napasin ko ang kakaibang galit sa mga mata niya. Nag aapoy iyon.

Ano na naman kaya ang problema ng isang to? 

''Senyorito, may kailangan po ba kayo?" ang alanganin kong tanong. Nag-umpisa na akong kilabutan sa klase ng tigtig nito sa akin.

Bigla niyang hinawakan ako nang mahigpit sa braso at hinila. Nataranta ako, lalo na't may dala akong tray baka magkanda hulog ang laman  at mabasag.

Ipinasok niya ako sa kwarto niya. Naguguluhan ako sa dahilang, hindi ko na naman alam ang kinagagalit niya!

Agad niyang kinuha ang tray sa mga kamay ko, at basta na lamang ipinatong sa ibabaw ng shelf. Mabilis ang mga kilos niya.

Sa isang kisap mata ay hawak na niya ako sa magkabilang balikat at isinalya sa pader.

Napangiwi ako. 

Agad na nilukob ng takot ang dibdib ko. Sa higpit ng hawak niya sa akin. At sa nag-aapoy niyang mga mata ay alam kong galit siya ! Galit na galit !

Pero hindi ko naman alam kung anong kinagagalit niya!

"Ano pang ginawa niyo ni Zyron?" ang paanas ngunit puno ng galit nitong sabi. Kitang-kita ang pangangalit ng kan'yang mga panga. Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

His breath was fanning my face. Ramdam na ramdam ko rin ang tensyong nanggagaling sa buo niyang sistema.

"W-wala.. H-hindi kita m-maintindihan, h-hindi ko a-alam ang k-kinakagalit mo." Ang naiiyak kong sabi.

"Anong ginawa niyo?" ang matigas nito muling tanong, sabay suntok sa pader sa gilid ng ulo ko. Napapikit ako't, napaiyak na.

Umiigting ang mga panga niya sa galit, na di ko alam kung saan nagmumula.

"W-wala nga… Wala kaming g-ginagawang m-masama A-ano ba kasing p-problema mo?" at mula rôon ay napahikbi na ako ng tuluyan. 

"W-wala k-kaming g-ginagawang masama dinalhan ko lang siya ng p-pagkain at g-gamot.." Ang nanginginig ang labi kong sabi. Habang masaganang lumalandas ang luha ko sa magkabila kong pisngi.

Bahagyang lumambot ang mukha niya... May kung anong emosyon din akong naaninag sa kan'yang mga mata. Ngunit agad rin nawala.

Dinikit niya ang noo niya, sa noo ko. Hindi ako nakagalaw at para akong naestatwa.

"Huwag ka ng umiyak…" Ang pagtatahan nito sa akin. Pero lalo lamang akong napaiyak ! Hinawi niya ang luha sa pisngi ko.

"Hussh.." pagtatahan nito.  

''Paano hindi ako iiyak, e tinatakot mo ako!'' Ang sabi ko sa pagitan ng tangis ko. Magkadikit pa rin ang noo namin.

Nakayuko na nga ito ng husto dahil sa tangkad niya, at may kaliitan naman ako.

Sa tingin ko'y mahigit 6 na talampakan ang taas nito. Kumpara sa Limang  talampakan at dalawang pulgada kong taas. Hanggang ibabang dibdib niya nga lang ako e. Kaya para akong papel nang isalya niya ako kanina sa pader.

Sa pagkakadikit ng noo namin sa isa't -isa ay nagkakadaiti rin  ang tungki ng aming ilong.

Titig na titig siya sa mga mata ko. Humihingal rin siya nang bahagya dahil sa galit, kanina.

Napapikit siya at hinaplos ang mukha ko. Parang kinakabisa, dinadama ng husto.

Mainit ang kanyang palad.

Nanginginig ang tuhod ko, nanlalamig rin ang mga kamay ko.

"Lumabas ka na." Ang maya-maya'y anas nito sa akin. Inangat nito ang noo at bahagyang inilayo ang sarili. Nanginginig man ay agad kong kinuha ang pagkakataon. Agad kong inihakbang ang nanginginig kong tuhod at lumabas. 'Ni hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang kinuha ang tray. Agad kong tinungo ang pinto at nagmamadaling bumaba.