Third-person Point Of View
Sumugod si Arsah kay Ifherno. Balot ng whirlwind ang kamay nito. Sa paglapit ni Arsah, nakahanda si Ifherno na magpakawala ng Infernal Blast nito subalit biglang naglaho si Arsah at napunta sa kaniyang likuran. Sinuntok siya sa likuran ni Arsah at tumilapon siya papunta sa kinaroroonan nina Mikey at Misha.
(The brat teleported him into my back.) Sabi ni Ifherno sa kaniyang sarile.
Sa lakas ng suntok na ibinigay ni Arsah sa kaniya, nawala sa balanse nito si Ifherno.
"Spirit Combination Magic, Zephyr." Bigkas naman ni Misha sa kaniyang ginawang spell, kung saan lumabas ang isang hulmang hangin na agila. Si Misha ay contractor ng Great Spirit Zephyr, isang Wind Great Spirit. Sumanib sa magic ni Misha ang Zephyr. Namuo sa ere ang isang higanteng kamao na gawa sa hangin. "Terror Windy Fist!" Bigkas ulit ni Misha sa isa pang spell niyang inactivate. Sa paglapit ni Ifherno ay sinuntok niya ito.
Tinamaan ng direkta si Ifherno sa ginawa na atake ni Misha sa kaniya at lumipad siyang muli papunta sa kinaroroonan ni Arsah.
Lumipad sa ere si Arsah at nag-ipon ng malakas na pwersa ng hangin, kalaunan ay nagpakawala siya ng isang malakas na buhawi nang nakalapit na sa kinaroroonan niya si Ifherno.
Matapos gawin ang atake nito, itineleport siya pabalik malapit sa kinaroroonan nito ni Mikey.
"Nice assist there." Sabi ni Arsah kay Mikey na ngumite naman.
"Talentadong bata, I would like to ask details about him later, Arsah." Sabi naman ni Misha.
Napalunok si Mikey at pinagpawisan nang husto, sa kaniyang narinig kay Misha.
"He's the son of Sheina Barsley, Xebec's half younger sister." Sabi naman ni Arsah kay Misha.
"Sheina Barsley, that idiot who's madly in love with Shannon?" Reaksyon naman ni Misha. "Mabuti't gumaling ng ganito ang batang ito, kilala ko si Sheina bilang isang masamang guro pagdating sa pagtuturo sa mga magus na hindi niya kapareho ng magic na ginagamit."
"It's a miracle, iba si Mikey sa mga naging studyante ni Sheina."
Natigil sa pag-uusap ang mag-tita nang naglaho na ang buhawi. Nakita nilang mayroong galos sa pisnge nitong natamo si Ifherno.
"TSK. I was hurt." Reaksyon ni Ifherno sa mga ginawang atake nina Arsah at Misha sa kaniya.
"Wind Magic Magi, you two, are you perhaps Mchavoc Clan members?" Tanong ni Ifherno sa mag-tita.
"Kilala mo pala ang angkan naming sikat." Sabi ni Misha.
"Kung hindi ako nagkakamali, 2 to 3 years ago, in a city I forgotten the name. There is a Noble Mchavoc Family living in there. They are evil and are doing a lot of killings to their victims. I was able to eat a lot of bodies because of them without them realizing I am eating those physical bodies, helping them hide their crimes. Because I possessed their pet dog and acted as one. You are the same with those people right? I've never seen such sinister family before. Tell me, where is your Mchavoc Family residing? I'm going to reside in your home so that I can eat more bodies."
"Hoy Archspirit, that Mchavoc Family you're talking about, I was the one who killed them for what they are doing in the society. No, someone was there before me." Paliwanag naman ni Arsah sa kaniya.
"Sinister? I'll take that as an insult." Inis na sabi naman ni Misha.
"I'll take you guys seriously now." Anunsyo ni Ifherno. Naglaho ito bigla, nagulat na lamang si Misha nang ito'y napunta sa likuran ni Mikey. Tinanggal ni Ifherno ang mana na nakalagay sa dibdib ni Mikey at nagsimula muling magdugo ang butas na sugat nito rito.
"Mikey!!" Sigaw ni Arsah na sa kaniyang paglapit kay Mikey ay naglaho muli si Ifherno, sa pagkakataon na ito ay nasa himpapawid ito. "Sugatan ka?" Tanong ni Arsah kay Mikey na patuloy sa pag-ubo at pag-suka ng dugo.
"This is bad. Kailangan niyang magamot agad, Arsah."
"May oras kayong mag-usap ah?" Sabi naman ni Ifherno sa kanila. "Infernal Ball." Nagpakawala ng maraming bolang apoy si Ifherno papunta sa kinaroroonan ng tatlo.
Inilagan nina Misha at Arsah ang mga habang karga-karga ni Arsah si Mikey na tuluyang nanghina.
"Mikey, hindi mo kayang lumaban, mag-teleport kana paalis dito." Bilin ni Arsah kay Mikey na hindi sumagot.
"Windy Clap!" Gumawa ng dalawang higanteng kamay si Misha at pumalakpak ang mga ito sa himpapawid, nabulabog ang hangin dahilan para maapula ang ilan sa mga bolang apoy, ang ilan naman ay nalipad papunta sa ibang direksyon, kaya nagdulot ng apoy sa kagubatan ang ginawa ni Misha. (Oops.) Sabi nito sa sarile nito.
"Excellent!! You're helping me burn things down!!" Natutuwa na reaksyon naman ni Ifherno sa nangyari.
"Idiot! Hindi kita tinutulungan, kapal mo!!" Galit na sigaw naman ni Misha. "Arsah, wala kabang dalang pills?"
"Pinagsasabi mo tita, ibinibigay lang sa amin ang mga pills na iyon kapag may importanteng misyon."
"Ang kuripot ng Guild, letse." Reklamo ni Misha sa sinabi ni Arsah.
Nawala ang higanteng mga kamay na pumapalakpak na ginawa ni Misha. Tumigil din sa paggawa ng mga bolang apoy si Ifherno at nakatingin ito sa hindi kalayuan, hindi siya nakatingin kina Arsah at Misha.
Bumaba sa lupa si Ifherno at tumawa ng tumawa. "More visitors arrived." Masaya na sabi nito.
Lumingon naman sina Arsah at Misha sa lugar kung saan nakatingin si Ifherno. Hindi nila naramdaman ang aura ng mga taong dumating sa lugar, dahil abala sila sa pakikipaglaban. Mas advance ang aura perception ni Mikey keysa sa kanilang dalawa.
"I understand what's going on." Sabi ni Shannon na siyang dumating sa lugar kasama si Franz Fin. Lumapit sila kina Arsah at Misha. "Long time no see." Bati ni Shannon kay Misha. Hinawakan niya ang sugat ni Mikey. "Transformation Magic, Reverse." Trinansform ni Shannon ang sugat ni Mikey sa wala, bumalik sa dating ayos na lagay mayroon ang dibdib nito. "That will only last for 1 or 2 hours, better get treated Mikey." Sabi ni Shannon kay Mikey na muling sumigla ang kondisyon ng katawan.
"Ate-Shannon, who's this?" Tanong naman ni Arsah patungkol kay Franz Fin na kasama ni Shannon.
"Ah, this guy? He's a former Don's subordinate, but now, he's my subordinate. He's Franz Fin, wether you believe it or not, he's a Chaos Magus." Pagpakilala naman ni Shannon kina Arsah at Misha kay Franz.
"Chaos Magus? H-he's a Ace?" Tanong naman ni Misha.
"No beautiful lady, I'm a former Ace." Sagot naman ni Franz sa kaniya. "Boss, can I face that cute shining thing? What's that guy anyway? A Monster Blood Drinker or something else?"
"You dumb ass, alam mo ang patungkol sa Giftia at Aces pero hindi mo alam ang patungkol sa kalaban na mayroon ngayon?" Katwiran ni Shannon kay Franz na napakamot sa kaniyang ulo.
"Nihihi..." Pagtawa nito.
"Stop with that laugh." Saway ni Shannon kay Franz na hindi tumigil sa pagtawa nito.
"M-more importantly, Shannon. Where have you been? Ang daming namatay dahil sa nangyari na gulo." Sabi naman ni Misha kay Shannon.
"Gulo na sinimulan ng anak mo, lumaban lang ang mga Havoc Gangsters na pinunterya niya. I can't believe I forgot that your husband's surname is Crimson and you have a son named Andrew Crimson." Sabi naman ni Shannon na napatapik sa kaniyang noo.
"A-ate Shannon...alam niyo po ang nangyari?" Tanong naman ni Mikey.
"Oo Mikey, napunta ako sa ibang dimension at doon ko nakilala itong si Franz. Pagkabalik ko sa Palkia City, dumiretso ako sa headquarters namin dahil may mga aura akong naramdaman na naglalaban. Tinanong ko sa mga miyembro na nandoon kung anong nangyayari at ipinaliwanag naman nila sa akin." Tugon ni Shannon sa tanong ni Mikey sa kaniya.
Ngumite si Mikey sa kaniyang narinig. "Kung ganon, aalis na po ako para magpagamot." Pagkatapos magsalita ay nag-teleport paalis sa lugar si Mikey.
"Boss, please answer my question now." Naghihintay ng sagot na sabi naman bigla ni Franz Fin patungkol sa pagkakakilanlan ng nilalang na kaniyang nakikita ngayon.
"What an idio..." Sabi ni Shannon pero bumuntonghininga din siya agad. "Isang True Spirit ang nilalang na nakikita mo ngayon, Franz. It's not a Monster, but a different Species of living being, what's more is, it's not from this world."
"Aww...medyo gets ko." Sabi naman ni Franz na napahawak sa kaniyang ulo.
(Seryoso ba 'to?) Reaksyon naman ni Misha kay Franz.
"Just like us humans or any other objects, if there are more than one light that hits us, we are having two or more shadows. Ganoon din ang Elementacia, ang mundong ating ginagalawan. The 'Shadow Worlds', yun ang tawag sa mga mundong matatagpuan at mapupuntahan kung kaya mong maglakbay sa mga dimension. Maraming bilang ng mga Shadow Worlds, dalawa sa pinaka-kilala ay ang 'Underworld' at 'Espiri World'. Ang Underworld ay ang mundo ng mga Real Demon Species at ang Espiri World naman ay mundo ng mga True Spirit Species." Pagpatuloy ni Shannon sa pagpapaliwanag kay Franz.
"Teka-teka...hindi ba't kabilang sa Monster Race ang mga Demon?" Takang tanong ni Franz.
"Ang mga Demons na naninirahan sa Elementacia ay kabilang sa Monster Races, pero ang mga nasa Underworld ay iba, Real Demons ang tawag sa kanila." Paliwanag ni Arsah.
"At tsaka, bakit tinawag na Shadow Worlds ang mga iyon?"
"Dahil ang mundong ginagalawan nila ay walang pisikal na katangian. Oo kaya nilang hawakan at saktan ang isat-isa sa mundong ginagalawan nila pero wala silang pisikal na katawan, they will always crave for living beings that have real flesh." Paliwanag naman ni Misha.
"One more thing, True Spirits seek gloomy places while Real Demons seek beautiful places which are perfectly present in this world." Sabi naman ni Shannon.
"So you are saying, maganda ang Espiri World at pangit ang Underworld?" Tanong ni Franz.
"Oo." Tugon naman ni Arsah.
"Nakapunta kana 'don?" Tanong ulit ni Franz sa kaniya.
"Hindi." Tugon naman ulit ni Arsah.
"Well, enough talking...humihikab na ang mayabang na True Spirit sa pag-uusap natin." Sabi naman ni Shannon.
"Oo nga 'noh? Hinayaan niya tayong mag-usap ng ganon na lang? Kampante masyado sa kakayahan niya, inferness." Reaksyon naman ni Franz. "Then, can I kill it?" Malapad ang ngise na pagkatapos magtanong ni Franz.
"Hmmm...it looks like it's not beneficial for us. Wala siyang kinalaman sa mga Don, kaya wala siyang kinalaman sa Giftia. I'm not interested on fighting it, since you're available, show me what you've got, Franz Fin." Binigyan ni Shannon ng pahintulot si Franz na lumaban kay Ifherno.
"Tutulong kami." Anunsyo naman ng sabay nina Arsah at Misha.
"No. You'll get in my way." Saway naman ni Franz sa dalawa.
"Anong..." Reaksyon ni Arsah.
"Mayabang ka din katulad ng Archspirit na 'yon." Sabi naman ni Misha.
"Calm down you two. What's wrong with your aura perception, Franz Fin is Arcane Stage. He's fitted to match up the True Spirit than you two who are Stage 0." Pangaasar ni Shannon sa dalawa.
"Shannon?" Parehong inis na pagbanggit naman nina Arsah at Misha sa pangalan ni Shannon.
"Say something like that with expression atleast." Pahayag ni Arsah.
"Creepy!" Sabi naman ni Misha.
"What's your problem?" Tanong naman ni Shannon sa dalawa.
"You are the problem." Sabay na sabi nina Arsah at Misha naman sa kaniya.
Tumawa naman ulit si Franz. "I'm going now boss." Pagpaalam naman ni Franz.
Itutuloy.