Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 87 - (Havoc Gangsters Arc End) Chapter 86 - Done

Chapter 87 - (Havoc Gangsters Arc End) Chapter 86 - Done

Third-person Point Of View

"Let's start, True Spirit." Anunsyo ni Franz kay Ifherno na napataas ng kilay sa narinig nito.

"Sigurado ka bang mag-isa ka lang na kakalaban sa akin?" Naninigurado na tanong naman ni Ifherno pagkatapos ay tumawa.

Pinalabas ni Franz bigla ang kaniyang malakas na aura.

"I hope this is enough?" Tanong naman ni Franz sa natigilan sa pagtawa na si Ifherno.

"What a aura...who the hell is this Franz Fin?" Hindi makapaniwala na reaksyon ni Misha sa aurang pinalabas ni Franz.

"Fin? There's no such Clan name that belonged to the 9 Great Clans. Is he hiding his real Clan name? Then base on the Clan name he's using, Fin...he may he an Finnes Clan member." Pag-obserba naman ni Arsah kay Franz Fin.

Si Shannon naman ay tahimik lang, na manonood sa laban na magaganap.

Nagpalabas ng maraming magic circles si Ifherno sa ere, sa paligid nang pasugod sa kaniya na si Franz. "Die bastard, Infernal Darts." Sabi ni Ifherno sa natutuwa na si Franz. Lumabas ang maraming bilang ng mga apoy na Darts mula sa mga magic circle.

"Killing me instantly is not going to be easy you idiot." Umilag si Franz sa mga apoy na Darts na sumugod sa kaniya. Tinamaan si Franz ng isang Dart sa bintin nito ngunit nagulat si Ifherno na walang naging epekto kay Franz ang atake.

"W-what the?" Nakita ni Ifherno na mayroong nakabalot na malakas na pwersa ng visualized mana sa binti ni Franz.

"Muntik na akong masugatan 'don! Gago ka ahh, wala akong magic na pandepensa sa katawan ko!! I'm not a caster damn it." Reklamo ni Franz, umusok pa nga ang ilong nito matapos magsalita.

"Be reasonable bastard..." Sabi naman ni Ifherno na pinawalang bisa ang mga magic circle na nasa ere. (This guy's Mana Visualization is advanced, no wonder because he said he is not a caster magus, then he must be a disciplinary magus.)

"Hey super white creature."

Nagulat si Ifherno sa mabilis na paglapit sa kaniyang harapan ni Franz na ginawa. Balot ng mana ang kamao nito at sinuntok si Ifherno sa mukha. Tumilapon si Ifherno palayo, pero nabawi din agad nito ang kaniyang balanse at lumipad sa himpapawid.

(He's also fast.) Nakahawak sa ilong nito na sabi ni Ifherno sa kaniyang sarile. "Isa kang malaking panganib!!"

"Thank you bitch. Nihihi..."

Sumeryoso ang mukha ni Ifherno at napagitgit ito sa kaniyang mga ngipin. Sa ibabaw mismo ng nililipad ngayon ni Ifherno, nagkaroon ng mga malalaking magic circles. Lumabas mula rito ang mga malalaking bola ng apoy na lumipad papunta sa mas mataas pang bahagi ng himpapawid kung saan nawala ito sa paningin ni Franz at ng tatlong nanonood sa laban.

"Anong ginawa mo?"

Tanong ni Franz na napa-sundot gamit ang hintuturo nito sa kaniyang kanang butas ng ilong.

"Let me guess...I don't know." Sa paglabas ng hintuturo ni Franz sa loob ng ilong nito ay mayroong nakadikit na maliit na piraso ng kulangot sa dulo nito. "Here have some booger." Pinitik ni Franz ang kulangot na natanggal sa dulo ng kaniyang hintuturo. "Just kidding."

Sa inasal ni Franz, naasar lalo si Ifherno sa kaniya.

Samantala, ang mga bolang apoy naman na ang paglipad ng mga ito ay umabot sa Thermosphere, dahil dito, mas uminit at lumaki ang mga bolang apoy at mas malakas na lumalagablab.

Mistulang mga bulalakaw ang mga ito na galing sa kalawakan.

Napanganga sina Arsah at Misha sa nakita nila dahil ang kalangitan at ang bahagi ng lugar na malapit sa kanila ay naging kulay pula dahil mga pababa sa lupang mga higanteng bolang apoy.

"Pinalipad niya sa Thermosphere ang mga bola ng apoy niya para madagdagan pa ang heat mana na taglay ng mga ito at mas lumaki at mas maging malakas ang maidudulot nitong pinsala." Sabi naman ni Shannon na inobserbahan ang ginawa ni Ifherno na mga higanteng bolang apoy. Hindi siya nakitaan ng pangamba. (How will you handle those gigantic fire balls, Franz Fin. You seem pretty relax yourself.)

"Let's do something about those fire balls! The impact will surely reach Palkia City, Shannon!" Sigaw ni Misha kay Shannon pero hindi ito kumibo sa kaniya. "Shannon!"

Samantala sa kinaroroonan naman ni Franz...

"Nihihihihihi..." Labis na tumawa si Franz sa kaniyang nasilayan na mga higanteng bolang apoy.

"Burn into nothing, I don't need to devour a body of a unpleasant person like you." Sabi naman ni Ifherno na ang tingin ay diretso sa kinaroroonan ni Franz.

"Why? You lost appetite?" Pilosopo na tanong ni Franz kay Ifherno.

Ito ang naging dahilan para mas pabilisin ni Ifherno ang pagbagsak ng mga higanteng bolang apoy.

"Wow!" Manghang sabi naman ni Franz na hindi antala ang panganib. "It's been so long since the last time I will let loose my power...feel honored. Nihihi..."

"Wala akong pake." Madiin na sabi naman ni Ifherno.

Nag-arm sideward si Franz. Lumabas ang mana sa mga kamay niya, kalaunan ay ang mga kamay ni Franz ay humawak sa hangin na namuo din sa mga ito.

Natuon ang atensyon nina Arsah at Misha ngayon kay Franz, sa ginawa nito.

"Wind Magus din ba siya?" Reaksyon ni Misha.

"Wind attribute is not a disciplinary magic or chaos magic..." Reaksyon naman ni Arsah.

Si Shannon naman ay naramdaman ang mana ni Franz na humalo sa hangin. (Disciplinary Chaos Magic, what name of Chaos Magic is it, damn it hurry and show your power?) Tanong naman ni Shannon sa kaniyang sarile.

Lumakas ang pwersa ng hangin na nasa mga kamay ni Franz. Hindi siya nag-atubili na ginawa ang kaniyang atake para pigilan ang mga higanteng bolang apoy.

"Saluhin mo, True Spirit." Hinawakan ni Franz ang hangin at para lamang isang malaking kung anong bagay na kaniyang ibinato paitaas. Nabulabog ang malakas na pwersa ng hangin na nagtungo sa ibabaw ng himpapawid, sinalubong ng mga ito ang mga higanteng bolang apoy na pababa sa lupa. "Power Grabbing Chaos Magic, Demolition Wind!" Bigkas ni Franz sa spell na kaniyang Inactivate. "Nihihi..."

Sa sobrang lakas ng hangin na sumalubong sa mga higanteng bolang apoy, naapula ang mga ito. Samantalang si Ifherno naman ay napilitan na gumawa ng fire barrier upang hindi siya malipad palayo ng malakas na hangin.

Sa pagkalma ng hangin makalipas lamang ang ilang sandali, napilitan na bumaba sa lupa si Ifherno.

"Full Magic Potency, Infernal Lord." Nagliyab ang buong katawan ni Ifherno, dumoble din ang laki ng kaniyang katawan. Hindi nag-aksaya si Ifherno ng oras at sumugod kay Franz.

Sumuntok siya ng malakas nang siya ay nakalapit kay Franz. Nagkaroon ng malakas na pagsabog dahil sa suntok lamang ni Ifherno.

Umilag si Franz sa suntok na ginawa sa kaniya ni Ifherno, nagpunta, tumalon siya sa likuran nito at mas dumistansya pa.

"Don't escape me!!" Sumunod naman agad si Ifherno kay Franz.

Nagpakawala ito ng maraming suntok na sumasabog kay Franz pero lahat ay nailagan ni Franz. Habang umiilag si Franz ay nagpalabas ulit siya ng mana sa kaniyang kamay. Dinakma niya ang kaniyang dibdib, kalaunan ay mayroong lumabas mula rito na enerhiya, enerhiya na transparent pero may outline na asul at itim.

Ito ay portion ng kaluluwa ni Franz. Hinulma ito na Franz na maging isang espada.

"Power Grabbing, Soul Sword." Bigkas ni Franz sa spell na ginamit niya.

Sa pagkakataon na ito, umatake na din siya kay Ifherno. Winasiwas niya ang kaniyang espada na iniilagan ni Ifherno.

Dumistansya si Ifherno kay Franz at nagpakawala ng mga fire blast. Hiniwa naman ang mga ito ni Franz. Nahati sa dalawa at napunta sa ibang direksyon at doon sumabog ang mga ito.

Nabalot ng usok at alikabok ang paligid. Itinago ni Franz ang kaniyang aura at kumilos palapit kay Ifherno na dahil nawala ang aura ni Franz, nagpakawala na lamang ito ng fire blast kahit saan.

Nasorpresa siya ni Franz na sumulpot mula sa itaas ni Ifherno. Hiniwa siya ni Franz mula sa ulo papuntang ibabang katawan nito. Vertically, nahati sa dalawa ang katawan ni Ifherno.

Eksaktong sa pagkawala ng usok, naglaho din ang soul sword ni Franz. Nakita nina Arsah at Misha ang sumirit na dugo mula sa nahati sa dalawang si Ifherno.

"He, finished it, quick." Sabi ni Misha.

(A sword made of soul? He imitated the Inflicter Magic, which is the founder of Soul Magic. Though it is a weak version of Inflicter Magic, it still is effective when it comes to destroying both physical body and the of course, the soul. Kakaiba at napaka-delikado ng Chaos Magic na napunta kay Franz Fin. Mukhang tama ang desisyon kong siya ay gawing kakampi at hindi ko siya pinabayaan sa Dryaland. Sayang ang potensyal niya kung nagkataon.) Pag-obserba ni Shannon sa soul sword na ginawa ni Franz.

Malapad ang ngite naman na lumapit si Franz sa kanilang tatlo. Lumuhod siya sa harapan ni Shannon. "Boss, it's done. Did it took me too long?"

"Nah, it was actually pretty quick." Tugon ni Shannon kay Franz. Humarap si Shannon kay Misha. "Now that the mess is over. Please take care of your son's issue on my gang, I'm counting on you." Sabi ni Shannon kay Misha na napayuko naman dahil nahihiya ito kay Shannon, sa ginawa ng kaniyang anak na si Andrew.

"Shannon...are you still into fighting the Don?" Tanong naman ni Arsah kay Shannon.

"Hah? Why'd you ask? Isn't it obvious? I won't let those Dons live their lives much longer..." Seryoso na sabi ni Shannon sa kaniyang nakababatang kapatid na napalunok dahil sa narinig mula sa kaniya. "Well then, if you'll excuse us. Let's go Franz. I'll introduce you to the Havoc Gangsters." Pag-aya ni Shannon kay Franz.

"Opo boss." Sabi naman ni Franz. "Nihihi..."

Malakas na tumalon si Shannon at napunta sa kagubatan. Sumugod si Franz sa kaniya. Nagpunta ang dalawa sa Palkia, pupuntahan nila ang mga Havoc Gangsters na nasa pagamutan kung saan itineleport ni Mikey ang mga miyembro na nakaligtas sa naging labanan.

Ang mag-tita naman na naiwan ay speechless sa sinabi ni Shannon.

Binasag lang ni Misha ang katahimikan ng siya ay nagsalita sa wakas. "That's Mary right? That self-centered Mary is saying things like introducing her gang members? She said it with no expression at all but, it sounds to me that she's proud, she's proud of them by her side?" Hindi makapaniwala na sabi ni Misha.

"If she's not okay having someone with her, in the first place, she shouldn't have allowed that Franz Fin to be with her...she's no longer the self centered Mary Mchavoc we know. The people she met in Palkia City change her, I don't know if I will be glad for that or what?" Sabi naman ni Arsah. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Lumapit naman si Misha at hinawakan sa ulo nito ang kaniyang pamangkin. Hindi nagtagal, umiyak si Arsah at yumakap sa kaniyang tita.

Naiyak si Arsah dahil nakikita niya ang unti-unting pagbabago ng kaniyang kapatid at napapalayo na ang damdamin nito sa mapait nitong nakaraan.

Subalit, pumasok din sa isip ni Arsah ang mga Havoc Gangsters. Paano nila kakayanin si Shannon Petrini kung ito'y biglaang mapuno at mawalan ng kontrol sa sarile nito?

Itutuloy.