Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 85 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 84 - Against Ifherno

Chapter 85 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 84 - Against Ifherno

Ifherno Point Of View

*Mini Flashback*

5 years ago...

With the help of one of our kingdom's higher ups, I was able to manifest my presence in the physical world of Elementacia.

"Our mission together in this place is to take the 'Great Grandspirit' who disappeared in 'Espiri World', almost 60 years ago." Sabi nito sa akin sa araw na mismong ako ay mapunta sa Elementacia.

Para lamang akong isang naglalagablab na bolang apoy na lumilipad sa ere sa aking pag-dating sa mundong ito.

"Sir Cascade, tutulungan mo ba akong mabuo ang aking porma at pisikal na katawan sa mundo na ito?"

"Malamang. Bakit kita dadalhin dito kung hindi ko iyon gagawin? Kailangan ko ang lakas mo para mahanap ko ang Great Grandspirit na napunta dito sa mundong ito...or else, the balance will forever be broken in Espiri World." Seryoso na sabi niya. Higit sampung taon na sa Elementacia si Sir Cascade, he can use 95 percent of his power in this world.

Sa loob ng ilang mga taon, unti-unti kong nabuo ang aking porma, kulang na lamang ay magkaroon ako ng pisikal na katawan.

*****

Few days before Andrew Crimson came to Minwell City.

"I finally have my Astral Form, but I cannot touch anything. I really need to have my physical body soon for me to be able to use my power." Sabi ko kay Sir Cascade na nag-infiltrate kasama ko sa Minwell City, sa palasyo ng mga Crimson na kilalang mga 'Spirit Contactors'.

Nagpunta kami sa lugar, nagbakasakali na makakuha kami ng clue patungkol sa Great Grandspirit pero wala kaming nakuha. It turns out Crimson Clan are only contracting Normal and Great Spirits, beings that are called spirit but have no life, they are very different from us, the real, True Spirits.

"Kailangan mo na ngang magkaroon ng pisikal na katawan, upang tayo ay makapag-hiwalay sa pangangalap ng impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng Great Grand Spirit."

"Really?" Nasabik na sabi ko naman. Tumango si Sir Cascade sa akin.

"But don't overdo things when you got your physical body, you don't want those disgusting species to notice us and come after us, after all they are the one's corrupting our world."

"Those damn 'Real Demons'!"

*End Of Mini Flashback*

*****

Third-person Point Of View

"Having a physical body is great. I may be aborting my mission because of this sensation I'm feeling...the sensation of using my power to burn anything I want!" Natutuwa na anunsyo ni Ifherno kay Mikey. Patuloy parin sila sa paglalaban nila. "Infernal Fountain!" Gumawa ng isang malawak na magic circle si Ifherno, kalaunan ay nagsilabasan ang mga tower ng apoy na animo'y mga fountain. Hindi sabay-sabay kung lumabas sa lupa ang mga tower ng apoy kaya si Mikey ay maingat na umiilag.

"You bastard, just how advanced are you in using mana?" Inis na tanong ni Mikey kay Ifherno na tumawa ng malakas.

"Partner, calm down...don't get intimidated now, do you want to die now?" Pagkausap naman kay Mikey ng True Spirit na nasa espada nito.

"I am calm, slight..." Angal naman ni Mikey. Winasiwas ni Mikey ng maraming beses ang kaniyang espada at kumawala ang maraming white energy slashes. Subalit hindi pa man nakakalayo ang mga energy slashes ay mayroong lumalabas na mga tower ng apoy na siyang natatamaan ng mga ito at sumasabog. "Arg!! Damn it, I'm losing my cool." Sabi naman ni Mikey. Biglang mayroong doble ang laki sa normal na mga tower ng apoy ang lumabas sa kinatatayuan ni Mikey, nakailag siya rito subalit nadaplisan parin siya sa kaniyang tagiliran. (Just how long can he maintain such a wide magic circle?) Tanong ni Mikey sa kaniyang sarile. (He's just playing around with me damn it!! If this Archspirit gets his real power, he can destroy a lot of cities effortlessly, like what the Dons can do!!)

"I admit that you have skill for a brat. Let's see how will you face this... Infernal Darts!" Sabi ni Ifherno kay Mikey. Dinis-able na nito ang magic circle na nasa lupa, ngunit sa pagkakataon naman na ito ay nagkaroon ng maraming magic circles na may sukat na 2 meters in diameter sa ere.

"What the..." Reaksyon ni Mikey.

"Teleport brat, run away if I were you."

"Like hell, I'm not a coward. I'm the son of two great people who are heroes of this land. It will be disgrace in their names if I will run away from death!!"

"Oh, malakas ang paninindigan mo para sa isang bata. Let me guess, you're around 11-14 years old."

"I'm 12!!"

"Too bad you're going to die young and I will eat your body and soul." Sabi ni Ifherno kay Mikey na kampante itong gagana ayon sa kaniyang gusto ang mga bagay.

"Let's see..." Sabi naman ni Mikey na hindi aatrasan si Ifherno.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagsilabasan ang mga Darts na gawa sa apoy mula sa mga magic circles at sumugod ang mga ito kay Mikey.

Sinalag ni Mikey ang mga kaya niyang salagin habang iniilagan naman niya ang hindi niya magawang salagin dahil sa bilis at dami ng mga Darts.

"Teleportation." Sinubukan ni Mikey na i-teleport ang mga apoy na Darts ngunit hindi ito gumana dahil sa lakas ng mana na nasa mga ito. Sa isang maling pag-ilag ni Mikey ay tinamaan siya at nasaksak ng isang apoy na Dart sa dibdib.

Napasuka ng dugo si Mikey at agad na napaluhod sa lupa. Itinigil naman ni Ifherno ang pag-atake kay Mikey at tumawa ito ng mas malakas pa keysa sa kanina.

"Tapos kana bata." Sabi nito kay Mikey.

"K-kainis..." Sabi naman ni Mikey na hinawakan ang kaniyang nabutas na dibdib, naglaho na ang apoy na dart na sumaksak dito.

"Partner, that's a grave wound. Just retreat, you're going to die." Alalang sabi naman ng True Spirit na nasa loon ng espada ni Mikey.

Napabitaw si Mikey sa pagkakahawak sa kaniyang espada.

"Haha...this is nothing compared to all the loneliness I felt from longing for the caress of my parents they couldn't give to me. This is nothing compared to their sacrifices and the pain my parents suffered...mama Sheina is there for me, but it is still sad to be with not my parents side."

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo bata, pero mukhang kinikimkim mo lang 'yan. Huwag kang mag-alala, tatapusin na kita talaga ngayon nang ikaw ay mamayapa na at lumaya mula sa kalungkutan na sinasabi mo." Pahayag ni Ifherno na muling nagpalabas ng mga apoy na Darts mula sa mga magic circles na nasa ere.

"Considerate, but still evil." Sabi ni Mikey naman patungkol kay Ifherno. "Mana Visualization, Wound Taping." Mabilis nag-channel si Mikey ng kaniyang mana at idinikit ito sa kaniyang dibdib na may butas. Tumigil ang pagdurugo dahil sa ginawa ni Mikey, pinulot niya agad ang kaniyang espada at sinalag ang mga apoy na darts na sumugod sa kaniya.

"Bakit lumaban kapa?" Tanong naman ni Ifherno. "Using your mana as a temporary wound stopper, to temporarily stop the effect of the wound you have is brilliant but, how long can you maintain such a mana with the Stage Rank you have?"

"Until I ran out of breath." Tugon ni Mikey. "Partner, full mana release tayo." Pahayag ni Mikey na siyang sinangayunan ng True Spirit na nasa kaniyang espada dahil kaagad itong nagliwanag ng husto.

"What a strong condense mana." Reaksyon naman ni Ifherno.

"Blast Of White Sword!" Itinusok ni Mikey sa ere, na nakaturo ang talim ng kaniyang espada sa direksyon ni Ifherno. Kumawala ang isang malaki at malakas na white energy ray pasugod kay Ifherno.

Nagkaroon ng malakas pagsabog sa lugar, gumawa pa nga ng linyang hukay sa dinaanan nito ang atake ni Mikey. Dahil sa atake na ginawa ni Mikey, bumalik sa normal nitong anyo ang espada.

"That's all my mana..." Sabi ng partner ni Mikey sa kaniya.

"I hope that atleast, it could sting him." Sabi naman ni Mikey na umaasa. "Good job partner." Pinuri niya ang kaniyang True Spirit. (This feeling...I see, I understand what's going on earlier about the unknown aura that I felt alongside Arsah Mchavoc's aura.) Naunawaan naman ang ganap sa Palkia na sabi ni Mikey sa kaniyang sarile.

Sa paglaho ng usok at alikabok, nakita ni Mikey na gumawa si Ifherno ng Fire Barrier, wala itong natamo na pinsala sa ginawang atake ni Mikey.

"You're a dangerous brat." Sabi ni Ifherno, imbis na mainis ay tumatawa ito dahil sa ginawa ni Mikey.

"Hey, you are really advance in using your mana, but why didn't you noticed it? You can't perceive aura unless the people who are having or releasing it are on your sight don't you? That's a shame, among all mana techniques, aura perception is the thing you can't do. Haha... Ilan sa mga Gangsters na nandito kaya kayang gawin 'yun."

"Dapat na ba akong mainis bata?"

"Hindi naman." Sabi ni Mikey. Ibinalik ni Mikey sa loob ng kaluban nito ang kaniyang espada. "Summon Teleportation, Nearby People." Itineleport ni Mikey papunta sa kinaroroonan niya sina Arsah Mchavoc at Misha Mchavoc Crimson.

"I knew it was you." Reaksyon ni Arsah nang kaniyang makita si Mikey.

"Teleportation?" Reaksyon naman ni Misha.

"Kamusta po kayong dalawa." Bati naman ni Mikey sa dalawa with matching ngite na malapad.

"Pa-inosente...but you did great teleporting the hindrances." Sabi ni Arsah kay Mikey.

"Saan mo tineleport ang anak ko, bata?" Tanong naman ni Misha kay Mikey.

"Sa kinaroroonan po ni mama Sheina. Magagamot po siya agad nun kaya doon ko siya tineleport."

"Mabuti naman..." Nagalak na sabi ni Misha. "Ramdam ko kung paano manghina ang aura niya kani-kanina lang tapos biglang nalipat ng pwesto ang aura na iyon." Nakaluwag sa paghinga na sabi ni Misha.

"Kung ganon, mas mapagtutuonan natin ng pansin ang True Spirit na nasa harapan nating tatlo. Tama ka nga tita Misha, hindi nga ang 'Great Spirit Salamander' ang nilalang na ito." Sabi naman ni Arsah kay Misha habang nakatingin ito kay Ifherno na hinahayaan lang silang magsalita at mag-usap.

"How dare you deceive my son and make him do this mess...just to completely get yourself a physical body, you wage a war to have dead bodies and souls you can devour while disguising as a Great Spirit." Inis na sabi naman ni Misha kay Ifherno.

"Ano man ang dahilan mo o gusto mong makamit sa pagpunta sa Elementacia, humanda ka dahil hindi mo iyon mapagtatagumpayan na gawin." Babala ni Arsah kay Ifherno.

Mikey Bajirou, Arsah Mchavoc at Misha Mchavoc Crimson laban kay Ifherno.

Itutuloy.