Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 84 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 83 - True Spirit

Chapter 84 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 83 - True Spirit

Johnbhel Santiago Point Of View

Nagsimula ng lumakas ang pinapalabas na aura ni Gemmalyn. Hindi ito maganda, dahil mawawala si Gemmalyn sa kaniyang sarile kapag nangyari ito. This started when I said something that I wasn't supposed to say to her because it kept on reminding her about the past she's trying her best not to remember. Just a simple word can make Gemmalyn go berserk.

Nandito parin kami sa rooftop.

"Calm your aura with your very best try." Malumanay na sabi ko sa kaniya.

"I'm trying." Seryoso na sabi naman niya. Tinapik-tapik ko naman siya ng mahina sa kaniyang likuran para kahit papaano ay mapakalma niya ang kaniyang aura.

Kahit pa nakakabahala na humina ang aura ng mga high ranking officers na nakipaglaban sa Crimson Orange Gangsters, mas kailangan kong pagtuonan ng pansin si Gemmalyn, dahil mas delikado pa siya sa Stage 0 na leader ng Crimson Orange Gangsters.

(Sana bumalik kana, boss Shannon.) Sabi ko sa sarile na umaasa. Dahil nagiging komplikado at hindi na makontrol ang sitwasyon, na para bang, magulo at hindi naayos ang lahat kung wala ang presensya ng isang Shannon Petrini.

"Paki-kuha ako ng tubig, Bhel." Pakiusap sa akin ni Gemmalyn.

"Sure. Wait here..." Sabi ko naman at agad na umalis sa rooftop para kumuha ng baso ng tubig na iinumin ni Gemmalyn

Calm yourself down please, Gemmalyn.

*****

Senju Fanah Point Of View

After that strong explosion, I almost lost consciousness...he's on another level compared to Terminator 10 who I faced at the labyrinth.

Sinubukan kong i-upo ang aking katawan. That flame almost drained my mana, it is so hot and strong to the point that it can evaporate the mana I have. I can't afford to use the Sarimanok mana against Andrew Crimson, because I still don't get the hang of it, and I may only end up losing myself.

Damn it! Nabali ang mga buto sa ribcage ko, nabasag ang eardrum ko sa kaliwang tenga, nabali ang buto sa kanang braso ko, nalapnos nang husto ang kaliwang kamay ko, ang kalahati naman ng ibabaw ng aking bungo at nabasag, nasunog din ang artificial na paa na ginawa ni Rum para sa akin at natupok ng apoy. Kapag hindi ako nagtungo sa pagamutan kaagad, patay ako!!

Sobrang sakit at namamanhid ang katawan ko, pero tinignan ko parin ang malapit lang sa aking tabi na si South. Masama ang kondisyon ng kaniyang katawan, at wala na siyang malay. Pero mukhang hindi kagaya sa akin, hindi naman delikado ang lagay niya dahil parang kahit papaano ay napagaling niya mag-isa ang katawan niya kaya nabawasan ang epekto ng pagsabog sa kaniya. Ayos ang kayang gawin ng Plant Gear Spell niyang ginamit kanina.

Bigla akong napaubo at napasuka ng dugo...kaya naman, pinili ko na lamang na humiga sa lupa at titiisin hanggang sa kaya ko ang sakit at madala ako ng mga kasamahan ko sa pagamutan.

Sino kayang lalaban sa kanila, kay Andrew Crimson?

*****

Third-person Point Of View

Sa lugar ng labanan...natigil ang mga naglalaban sa kanilang ginagawa nang kanilang marinig ang malakas na pagsigaw ni Andrew Crimson. Nakita niya kung paano ito sinaksak sa dibdib ng apoy na dragon. Sa pagtanggal ng apoy na dragon sa matulis nitong kamay na isinaksak kay Andrew Crimson ay bumagsak sa lupa si Andrew Crimson, hindi naman nakuntento sa pagsaksak lang kay Andrew ang apoy na dragon, tinapak-tapakan pa nito ang mga binti ni Andrew Crimson dahilan para madurog ang mga ito.

"W-what the hell are you doing, Salamander!!" Galit na nahihirapang sabi ni Andrew sa apoy na dragon na tumatawa lamang.

"Boss!"

"President's Andrew!!"

"What's going on?"

"Is he going to get killed?"

"By that thing?" Reaksyon ng mga nagulat at naguluhan na mga Crimson Orange Gangsters.

Nagsawa ang dragon sa ginawang pagdurog nito sa mga binti ni Andrew, kaya ang ulo naman nito ngayon ang kaniyang nais tapakan.

Akmang tatapakan na ng apoy na dragon ang ulo ni Andrew nang biglang nawala si Andrew Crimson. Napunta siya sa kung saan naroon si Mikey, ilang metro ang layo sa apoy na dragon.

Galit na galit ang ekspresyon ng batang si Mikey sa apoy na dragon na tumigil sa pagtawa.

"Sino ka? Hindi ka isang Great Spirit, you're not a mana lifeform... you're a real living being." Pag-kompronta ni Mikey sa apoy na dragon. Tinignan ni Mikey ang kondisyon ni Andrew, na sobrang lubha. "Teleportation, Into Sheina Barsley." Nagactivate si Mikey ng kaniyang spell at tineleport si Andrew sa lugar kung saan naroon si Sheina upang ito'y magamot agad.

"What the hell did you just do to my potential flesh-body?" Nagsalita at nagtanong ang apoy na dragon kay Mikey.

Hinugot ni Mikey sa kaluban nito ang kaniyang espada at hinanda ang sarile sa maaaring gawing pag-atake ng apoy na dragon.

"Partner, what do you think about this being?" Kinausap ni Mikey ang kaniyang espada na nagliwanag, kalaunan ay nagsalita.

"There's no doubt about it, it is a True Spirit species same as me." Tugon ng espada kay Mikey.

"What? If he's the same species as you, this vibe it is giving is different." Katwiran naman ni Mikey.

"It's because it's a high ranking True Spirit, probably a Archspirit."

"What? You're only a Genspirit right? Lower than a Archspirit."

"Yeah... but don't worry, we have a chance against it. It hasn't manifested a body yet and it's mana is still stuck in the Espiri World."

"Okay, let's do it. But first, let's get rid of the nuisances." Sabi ni Mikey na humarap sa mga Crimson Orange Gangsters at Havoc Gangsters. "This battle is over. Starting from now on, no more dispute between your respective gang is going to happen. As of today, you are all friends so help the wounded to get treated. If some of you won't follow what I just said, hide the very best you can for I will personally kill you all and slice you into pieces, including your family and friends." Malakas na sigaw ni Mikey sa mga gangsters. "Teleportation Zone, Palkia City Hospital." Tineleport ni Mikey ang lahat ng mga buhay na gangsters na nasa lugar papunta sa malapit na pagamutan sa Palkia City.

Wala ng sagabal...

"Ang lakas ng loob mong kaharapin ako ng mag-isa, bata." Sabi ng apoy na dragon. Hindi nagtagal, umapaw lalo ang aura nito at unti-unting nagbago ng anyo.

Naging pareho sa isang tao ang anyo ng katawan nito. Mayroon itong kulay dilaw na buhok na naningas, na ang ilang hibla ay kulay pula. Mayroon siyang almond na mata, ang mga irises niya ay ginto ang kulay at ang mga pupils niya ay kulay puti, hindi bilog ang hugis ng kaniyang mga iris, hugis upside-down na mga spade ito. Mayroon siyang makapal na curly eyebrows na kulay ginto, na halos magkadikit na sa isat-isa. Nubian ang kaniyang ilong at makapal ang kaniyang labi. Mayroon siyang hugis trayanggulo na ulo.

Ang balat nito ay makinang na kulay puti. Mayroong usok na nakapalibot sa mga balikat nito. Mayroon din itong pakpak na pareho sa isang paro-paro sa kaniyang likuran. Wala itong suot na damit pang-itaas subalit mayroon itong suot na magarang harem na pantalon na mayroong kakaibang mga disenyo. Masikip na sapatos na kulay berde, na walang sintas naman ang sapin sa paa nito.

Ang dibdib nito ay mayroong markang nakalagay, ito ay pareho sa simbolo ng apoy.

"That was some great feast." Sabi ng kanina ay apoy na dragon ang anyo na nilalang.

"Partner, it manifested its astral form from eating souls. This True Spirit was been eating a lot of souls before, not only in this battle. Quick, destroy the dead bodies that are here!-" Sabi ng nilalang naman na nasa espada ni Mikey ngunit huli na ang lahat bago paman makapag-react si Mikey.

Nagkaroon ng mga magic circles sa lupa kung saan nakahilata ang mga bangkay. Ilang saglit pa ang lumipas ay lumubog sa magic circle ang mga katawan, at naglaho ang magic circle kasabay ng mga lumubog rito.

Isang malakas na pagtibok ang narinig ng dalawa at naramdaman nila ang mas lumakas pang aura ng kalaban.

Tuluyan na itong nagkaroon ng pisikal na katawan.

"I'm fucking late." Inis na sabi naman ni Mikey.

"TSK!! With the addition of the corpses in this battlefield, I finally completed the requirement for acquiring a physical body, devouring 1,000 dead bodies and eating 1,000 souls to manifest my real form. This is what I get? It's only 25 percentage of my power!!" Reklamo ng hindi nasiyahan na True Spirit sa nangyari. "Guess I'll just have to devour more bodies and souls to acquire also my real power."

"Hindi ka aalis kahit saan, dito kana mamamatay, mister True Spirit." Sabi naman ni Mikey sa True Spirit.

"My name is Ifherno, don't call me True Spirit for I have a physical body now. I'm a hybrid Spirit Human now." Paliwanag naman ng True Spirit na ipinakilala na din ang sarile nito.

"I don't care." Madiin na sabi naman ni Mikey. "Let's go partner." Pag-aya ni Mikey sa kaniyang partner na isa ding True Spirit na nasa kaniyang hawak na espada.

"Let's do this." Sabi naman ng True Spirit na nasa espada ni Mikey.

"I'm going to start killing with you, you dared to interfere with still such great amount of bodies for me to have." Anunsyo naman ni Ifherno kay Mikey. "I'll burn you flamboyantly."

"Try if you can." Hamon naman ni Mikey. "True Spirit Union, White Sword!!" Nagliwanag ng husto ang espada ni Mikey. Nakita ni Ifherno ang astral projection ng True Spirit na nakapaloob dito. Sa pagkawala ng liwanag ay nagbago ang anyo ng espada ni Mikey. Lumapad at humaba ito ng kaunti. Ang sword guard nito ay mayroong disenyo ng mga ulo ng dragon, ang sword handle naman ay naging makintab pero makaliskis na puting hawakan. "True Spirit Slash!" Winasiwas ni Mikey ang kaniyang espada at kumawala ang malakas na ray ng kulay puting enerhiya na sumugod sa kinaroroonan ni Ifherno.

"Infernal Blast!" Nagpakawala din ng malakas na pwersa ng apoy si Ifherno at nakipagsabayan ito sa energy slash ni Mikey.

Sa pagtama ng dalawang atake, nagkaroon ng pagsabog at paglindol sa lugar.

Nagkaroon ng malawak na hukay sa lugar ng labanan at napuno ng usok at alikabok dito. Si Mikey ay pumulot ng isang tipak ng bato at binigyan ito ng kaniyang mana... lumabas ang isang kulay silver na enerhiya mula sa kamay ni Mikey at napunta ito sa bato, ito ay ang Visualization ng mana. Matapos balutan ng mana ang bato ay malakas na binato ni Mikey ang bato sa ere.

"Switch Teleport, Stocked Meteorite!" Bumigkas ng spell si Mikey at naglaho ang hawak niyang bato, kalaunan ay nagdilim ang paligid dahil sa paglitaw ng isang bulalakaw sa ere na pababa sa kinaroroonan nila.

"You fucking brat, what a annoying magic, no, this kind of power is not supposed to be magic..." Reaksyon naman ni Ifherno sa ginawa ni Mikey.

Nagawang pagpalitin ni Mikey ng pwesto ang hawak niyang bato kanina at ang bulalakaw. Dahil mayroong isang dimension na kayang puntahan ni Mikey gamit ang kaniyang kapangyarihan, nag-imbak siya dito ng kung ano-ano mang bagay na kaniyang nagagamit kapag kailangan, isa na dito ang bulalakaw na ngayon ay kaniyang pababagsakin sa kinaroroonan niya.

"I'm an Archspirit brat, this is nothing to me specially with not that impressive size of a meteorite you teleported here." Kampante na sabi naman ni Ifherno. "Fire Magic, Super Infernal Blast." Itinaas nito ang kaniyang kanang kamay, namuo rito at lumabas ang mas malakas pang Fire Blast na lumipad patungo sa bulalakaw. Sa pagtama ng Fire Blast sa bulalakaw ay nawasak ito at mas mabilis na bumagsak ang mga debris.

"TSK!" Reaksyon ni Mikey na gumamit muli ng teleportation at tineleport papunta sa dimension na kaniyang tambakan ang mga debris.

"Partner, don't waste your mana on attacks that will not work." Paalala naman ng True Spirit na nasa espada ni Mikey sa kaniya.

"Oo, alam ko." Sabi naman ni Mikey. "Let's focus on utilizing your magic, I'll send my mana to you to boost it."

*****

Sa hospital na kinaroroonan ng mga tineleport ni Mikey, nagulat man ang mga staff ng pagamutan sa biglaang paglitaw ng mga sugatan na mga gangsters, ginamot parin nila ang mga ito agad.

Sa mga miyembro ng Havoc na nagamot, mabilis na gumaling sa kanilang lahat si Meryl dahil tinulungan ni Meryl ang sarile niyang isarado ang kaniyang mga pasa at sugat na natamo gamit ang kaniyang String Magic.

Hindi nag-atubili si Meryl na tulungan ang mga Havoc Gangsters na malala ang kondisyon, kasama sa mga sinubukan niyang operahan sina South at Senju. Pinaka-nahirapan si Meryl na gamutin sa lahat kay Senju dahil sa mga bali at nabasag nitong mga buto. Kayang tahiin ni Meryl ang kahit na anong bagay sa katawan ng isang tao lalo na kung ito'y nanghihina at hindi nakakasagabal ang mana nito na maaaring maging resulta ng isang hindi inaasahan na aksidente.

(TSK!! That fucking Andrew Crimson, he brought that being with him without having control on it?) Inis na reaksyon ni Meryl sa nangyari matapos ang pagkapanalo ng Crimson Orange Gangsters laban sa kanila, na pagsaksak at pagtapak, pagdurog sa mga binti ni Andrew ng apoy na dragon nito.

Itutuloy.