Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 83 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 82 - Senju And South Versus Andrew Crimson

Chapter 83 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 82 - Senju And South Versus Andrew Crimson

Third-person Point Of View

Natuwa si Senju sa kaniyang napansin na pagkapanalo ng mga high ranking officers ng Havoc Gang, habang si Andrew Crimson naman ay labis na nainis dahil hindi siya makapaniwala na natalo ang mga Echelons nito, pati na si Mefisto.

Marami ng pasa sa mukha nito at katawan si Senju na natamo sa pakikipaglaban kay Andrew pero, kaya parin nitong lumaban.

"Damn you pest...I can't believe your friends really did beat my Echelons." Sabi ni Andrew na nanlitaw ang mga ugat sa noo at sintido nito.

Ngumite naman si Senju at tinanggal ang kaniyang gangster coat na suot. Wala itong doble na damit kaya nakita ni Andrew ang kondisyon ng katawan ni Senju.

"You're pretty build fine for someone who looks like a woman and his body looks feminine when wearing a clothes but is really manly when not wearing one." Reaksyon ni Andrew Crimson.

"Kaya mag-seryoso kana, Andrew Crimson, dahil ibibigay ko na ang lahat ng makakaya ko." Anunsyo ni Senju na nagpakawala ng malakas na aura kasunod ang malakas na pwersa ng apoy na bumalot at naglagablab sa kaniyang mga paa.

"Ang dami ko ng mga atake na napatama sayo, kahit hindi kita seryosohin, matatalo kita." Mayabang na sabi naman ni Andrew kay Senju.

"I'm not doing this alone actually." Bigla namang sabi ni Senju na ginamit ang hintuturo nito at tumuro sa likuran ni Andrew.

Lumingon naman si Andrew Crimson, sa kaniyang eksaktong paglingon sa likuran nito ay nakita niya si South. Suntok sa pisnge ang ginawa ni South sa kaniya. Tumilapon si Andrew pero nabawi nito ang kaniyang balanse. Dalawang metro na lamang ngayon ang layo ni Andrew Crimson kay Senju.

"We're doing this together." Sabi ni Senju na tumalon papunta sa kinaroroonan ni South. "Where the hell did you go? Kanina kapa dapat bumack-up sa akin." Angal ni Senju kay South na nairita agad sa sinabi ni Senju sa kaniya.

"Bakit? Natatakot ka na bang mabugbog?" Katwiran ni South na hindi naman nagustuhan ni Senju na marinig.

"Gago!"

"Teasing aside, I suddenly needed to poop...pumasok ako sa kagubatan para magba-" Paliwanag ni South pero hindi siya pinatapos ni Senju.

"Yuck! Kadire ka naman. Sa kagubatan? Kung ganon hindi ko hinugasan ang pw-"

"Hoy hinugasan ko. May halaman akong kayang mag-produce ng tubig 'noh."

Nainis naman si Andrew sa ginawang pag-uusap nina Senju at South, na parang binawela ng dalawa ang kaniyang presensya.

"You fucking maggots...how dare you have a chitchat in my presence...I'll fucking kill you two." Sabi nito sa dalawa na tumigil naman agad sa kanilang pag-uusap at humarap kay Andrew Crimson.

"Napaka-madamdamin mo naman. Pero sige, tama ka naman, hindi dalat kami mawala sa pokus namin na pataubin ka." Sabi ni South na nagsimulang magliwanag ang katawan at magbago ng anyo. "Plant Gear: Bathala's Favorite Flower." Binigkas ni South ang kaniyang Plant Gear na ginamit laban kay Terminator 9 kamakailan lamang sa Sarimanok Labyrinth.

Nagningning naman na parang mga bitwin ang mata ni Senju sa nakita niyang bagong Plant Gear Spell ni South. "Cool." Reaksyon nito na natutuwa, pero agad ding sumeryoso ang mukha at ibinalik ang tingin kay Andrew Crimson.

"Interesting, give your best shot at trying to beat me, maggots." Mayabang na hamon naman ni Andrew Crimson sa dalawa.

"Okay, here we go." Hindi naman nag-atubili si Senju at sumugod agad. "Exploding Kick!" Bigkas ni Senju sa spell na kaniyang ginamit.

Sa paglapit ni Senju ay sumabay si Andrew Crimson sa kaniya ng suntok, balot ng apoy ang kamao nito. Nailagan ni Senju ang suntok ni Andrew at dumiretso sa gilid ng leeg ni Andrew ang paa ni Senju na sa pagtama sa leeg ni Andrew Crimson ay sumabog.

Tumilapon pakaliwa si Andrew na bumangga pa sa isang tipak ng bato. Sinundan siya ni South at inatake.

Kuminang ang kaliwang kamay ni South. "Sun Ray Punch!" Sinuntok nito sa dibdib si Andrew Crimson upang ibaon ito sa lupa. Kumawala ang enerhiya na makinang na kulay dilaw mula sa kamao ni South at nagkaroon ng pagsabog. Gumawa ng malalim na hukay ang pagsuntok na ginawa ni South kung saan sila napuntang dalawa ni Andrew Crimson.

Napa-distansya agad si South at umalis sa hukay ng mag-activate si Andrew Crimson ng spell nito.

"Ang tigas naman ng katawan niya, mas matigas pa sa bakal na katawan ni Terminator 9." Reaksyon ni South. Lumapit naman sa kaniya si Senju.

"That's probably what others called Stage Rank difference. It looks like the bastard we're facing this time is Stage 0." Sabi ni Senju na siyang ikinataas ng kilay ni South.

"Bakit ka nga pala naghubag ng coat? Bold star kana?" Wala sa topic na sabi ni South kay Senju.

"Gago ka talaga..." Reaksyon naman ni Senju.

Ilang sandali lang ang lumipas ay umalis na sa hukay si Andrew at nakangite nagpunta malapit kina Senju at South.

Mayroon itong dugo na umagos sa kaniyang mukha mula sa ibabaw ng kaniyang ulo. Maging ang bibig nito ay nagdugo. "May ibubuga naman pala kayo..." Sabi nito bilang kaniyang obserbasyon sa kayang gawin nina Senju at South. Umapaw ang kaniyang aura na taglay at lumagablab ang malakas na apoy na lumabas mula sa kaniyang buong katawan. "Then allow me to show what I can do...can you survive it? Let us see." Lumabas ang isang dragon na gawa sa apoy at lumipad ito sa likuran ni Andrew Crimson. Narindi sina Senju at South sa ginawang pag-roar ng apoy na dragon.

Maging ang mga gangsters na naglalaban ay napahawak sa kanilang mga tenga dahil sa lakas ng boses mayroon ang apoy na dragon.

"That's not a spell..." Reaksyon naman nina Senju at South sa nakita nila. Sa saglit na pagkawala ng tingin nila kay Andrew Crimson ay bigla na lang itong napunta sa gitna, sa pagitan nilang dalawa.

Malakas silang parehong sinapa ni Andrew. Tinamaan sa ibabaw ng ulo nito ang mababa ang height na si Senju habang si South naman ay sa mukha nasuntok.

Parehong nabalibag ang dalawa, hindi pa sila bumabagsak sa lupa ay mabilis na nakahabol sa kinaroroonan nila si Andrew Crimson pareho sila nitong pinasabugan. Malakas na pwersa ng apoy ang sumabog at lumagablab sa kinaroroonan pareho nina Senju at South.

Samantalang si Andrew naman ay mabilis na bumalik kung saan niya iniwan na lumilipad ang Great Spirit Salamander, ang apoy na dragon na kaniyang pinalabas.

Nagulat naman at nangamba ang mga high ranking officers ng Havoc Gang sa kanilang nakitang ginawa ni Andrew sa kanilang dalawang pinakamalakas na miyembro na sina Senju at South.

Senju at South laban kay Andrew Crimson, ang panalo ay si Andrew Crimson...

"In this fight, I alone will win." Kampante na sabi ni Andrew Crimson. Nagsimula na siyang sumugod sa mga high ranking officers ng Havoc Gang. Una niyang sinugod si Tinzel na kasama ang kapatid nitong si Zaikel. "What's this, you betrayed me Zaikel?" Tanong ni Andrew kay Zaikel na matalim lang tumingin sa kaniya.

"You bastard..." Nanggigigil na sabi naman ni Tinzel. Binalutan niya ng bakal ang buo niyang katawan at sumugod kay Andrew Crimson. Wala naman naging epekto kay Andrew ang suntok ni Tinzel sa pisnge nito. Dinakma ni Andrew ang ulo ni Tinzel at ipinukpok sa lupa.

"Kuya!!" Sigaw naman ni Zaikel. Hindi naman siya pinalagpas ni Andrew. Sinuntok siya nito sa sikmura at agad na bumagsak sa lupa si Zaikel at nawalan ng malay.

Isinunod ni Andrew na sugurin si Devorah, pagod na ito pero hindi ito umtras at nilabanan si Andrew. Gumawa ng mga tipak ng yelo si Devorah na pinasugod lahat kay Andrew subalit sinunog at tinunaw lamang ito lahat ni Andrew. Gumawa siya ng isang Fire Blade at sinaksak si Devorah, nagawang umilag ni Devorah sa atake sa kaniya, imbis na sa dibdib siya masasaksak ay sa tagiliran siya tinamaan.

Bumagsak si Devorah sa lupa.

Kaagad namang nagpunta si Andrew sa kinaroroonan nina Rialyn at Meryl, na handa ng harapin si Andrew.

"Bring it on, Andrew Crimson." Paghamon pa ni Meryl kay Andrew.

"Okay fine." Simpleng tugon naman ni Andrew at nagpakawala ng Fire Blast sa dalawa. Nagkaroon ng pagsabog kung saan direktang tinamaan sina Rialyn at Meryl, kaya natalo at nanganib agad ang buhay ng mga ito.

Napabagsak na lahat ni Andrew ang high ranking officers ng Havoc Gang, panalo na sa laban ang Crimson Orange Gangsters.

Nagdiwang ang mga Crimson Orange Gangsters sa kanilang panalo, habang ang mga Havoc Gangsters naman ay pinili parin na lumaban hanggang sa kamatayan. Hindi naman kasi sumuko ang mga high ranking officers nila kaya walang dahilan para sila ay mabahag ang mga buntot. Kanilang haharapin si kamatayan ng buong tapang at lakas ng loob.

*****

Lumapit naman si Andrew Crimson muli sa Great Spirit Salamander na sobrang lakas na ng pagtawa ngayon.

"Victory celebration? Great Spirit?" Tanong ni Andrew sa apoy na dragon pero hindi siya nito pinansin. "What a weird being you are." Reaksyon naman ni Andrew.

Tumalikod si Andrew sa apoy na dragon at pinanood kung paano kalabanin ng ngayo'y lumakas ang loob na mga Crimson Orange Gangsters ang mga Havoc Gangsters na hindi parin natitinag ang mga fighting spirit.

*****

Mikey Bajirou Point Of View

The result was determined... Havoc Gangsters lost, but it doesn't mean they are ineligible for fighting the Don's organization members. They have a lot of room for improvement.

"It's time to wrap things up." Sabi ko sa hangin. Umunat ako at bumaba sa puno na kinaroroonan ko.

Tapos na ang laban, kaya kailangan ko ng i-teleport ang lahat ng Havoc Gangsters palayo sa Crimson Orange Gangsters, at talagang malaking amount ng mana ko ang magagamit para sa pag-teleport sa maraming tao.

Itutuloy.