Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 68 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 67 - Almost

Chapter 68 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 67 - Almost

Shannon Pretini Point Of View

Lumipas ang isang Linggo...mas lumala ang turing sa akin sa school ng mga toxic na students. Nagumpisa ito ng pigilan ni Rum ang isang miyembro ng Crimson Orange Gang sa isang nadaanan niyang kalsada. Isang bata kasi ang nakasagi sa miyembro na acting vice president ng gang noon na si Bry Salar na hindi nito nagustuhan kaya sinapak nito ang bata. To think that ganoon ka-abnormal ang mga kinikilala na mabait na gang sa Palkia City. Ikinalat pa ng president nila na si Andrew Crimson na nagpapasikat ang Havoc Gang para tumapat sa level ng gang nila kahit hindi naman namin kaya. Maging yung Zaikel na humamon ng labanan sa akin noon, ang kuya ni Unger na muntik ko nang mapatay nung isang araw ay nagkalat din ng fake news na ako ay sumisipsip sa headmaster para maging top student at mairekomenda sa Guild.

Ang sayang mag-aral sa Academy na ito na puno ng mga isip batang walang magawa sa mga buhay.

Kakapasok ko palang sa Academy, naka-abang na agad ang Crimson Orange Gang sa akin, mabuti na lang. Bry Salar is annoying me, he's challenging my gang into a war.

Andrew Crimson was not present, pero confident silang humarap sa akin.

"Shannon Pretini! The 7 Echelons of Crimson Orange Gang are here alongside our 400 members." Anunsyo ng malapad ang ngise sa akin na si Bry.

"Are you really gonna do this?" Tanong ko na hindi ginaganahan sa nais nilang mangyari.

"Of course I'll do it." Sabi naman ni Bry sa akin. "Echelon Mikee Sustra, Number 11 Mythical Glory Class Student, attack her now." Utos niya sa isa sa mga sinasabi niyang 7 Echelons ng Gang nila.

Sumugod ang inutusan ni Bry na Echelon sa akin. She have a black curly hair. Her eyes, eyebrows and eyelashes are black. Shes's wearing their gangster uniform of course. Her fist suddenly shines. She was aiming to punch my face but she was stopped by Devorah who surprisingly surprised kick her.

Sinipa siya si Devorah sa sikmura nito at lumipad ito pabalik sa kaniyang mga kasamahan. "Hoy mga hunghang. Ang kapal ng mukha niyong atakihin ang aking President." Sabi niya sa mga Crimson Orange Gang. Mukhang kapapasok lang nito sa academy at nakita agad ang sitwasyon.

Umabante din sina Senju at South na mga game face este fighting face na. Nauna akong umalis sa kanila sa bahay namin, and it looks like they were able to catch up with me. "What the hell are these clowns pulling out?" Takang tanong ni South.

"It doesn't matter. If they want war, then let's do it. It's prohibited to kill inside the campus as we will be directed on jail? Like hell I will get caught by Imperial Knights..." Sabi naman ni Senju na wala ng pake sa kahihinatnan niya kapag siya ay nakipaglaban sa Crimson Orange Gang dito sa loob ng campus.

"Don't think that you'll get away with simple pain, bastards." Sabi naman ni South na napatawa sa mga kalaban.

"We don't give a damn." Sabi naman ng mga Crimson Orange Gang members. Wow ah?

"Don't get ahead of yourselves." Sigaw naman ng sinipa kanina ni Devorah na babae. Sumugod muli ito sa aming kinaroroonan. Pero nang makalapit ito kay Senju ay sinipa niya lang ito sa may sintido nito at tumilapon pakaliwa ang babae.

"Senju! Don't steal my prey!" Angal naman agad kay Senju ni Devorah na hindi nagustuhan ang ginawa ni Senju.

"Calm down Devorah, there are 400 enemies to go." Sabi naman sa kaniya ni South.

"TSK fine." Napilitan na sabi naman ni Devorah.

"Senju Fanah!!" Nakatayo na naman yung babae. Senju held back on that kick he did.

Sumugod ito kay Senju. Kung kanina makintab ang kamao niya, ngayon ay kumikinang na ito.

"Hell's Talon." Inactivate agad ni Senju ang isang spell ng kaniyang Fire Magic or should I say 'Elasticity Molding Level Flame' na sabi ni South sa akin noon na tunay na pangalan ng kapangyarihan ni Senju, na hindi isang Magic kundi Chaos Magic.

Senju made a flame talon to his right foot at mabilis na sumipa sa babae.

Nagtama ang kamao at paa ng dalawa na siyang nagbigay ng malakas na tensyon at pwersa ng hangin sa paligid. Matapos ang ilang saglit na sabayan ay parehong napabalibag ang dalawa palayo sa isat-isa. Sinalo ko si naman Senju habang mag-isang binawi ni girl ang kaniyang balanse.

"Ayos ka lang Senju?" Tanong ko kay Senju.

"Ayos lang naman ako, boss. I can actually maintain my balance for myself." Tugon naman niya sa akin.

"You're holding back against that woman even though you said earlier you will them?" He didn't reacted to what I asked him.

"TSK! Crimson Orange Gang! Kill the 4 of them!" Utos naman bigla ni Bry na mukhang nainis dahil walang magawa ang kasamahan niya sa amin kaya buong gang nalang silang aatake.

"It's our pleasure!" Sigaw naman ng mga tauhan na sumugod sa amin agad.

"They really started attacking." Singhal ko. Lumakad ako palapit sa mga pasugod sa amin.

Isang yelong pader naman ang siyang pumagitna sa amin bigla.

Tumingin ako sa left side kung saan nanggagaling ang nagpakawala ng spell na ito.

They are wearing violet gangster uniform. May mga bandana sila sa mga ulo nilang may tatak ng violet na bungo.

"Crimson! Stop this farce." Nagsalita si mister violet hair. Great he's a Gangster too. "You're attacking Shannon Pretini without your 2 Leaders. You should've have known that she faced a Don Commander and survived."

"Mefisto! Back off. Wala kang kinalaman dito." Angal naman kay mister violet hair ni Bry.

"Bry. You're not the acting Vice President anymore, you are back from being a Echelon. You have no right to start a war that can destroy your gang's image. Andrew will torture you if you lose her, don't forget how terrible your boss is." Paalala ni mister violet hair kay Bry na namutla sa narinig.

"Tsk. Damn you Mefisto. Hindi ko kakalimutan 'to." Asar na sabi ni Bry na nagsimula nang pagpawisan. "Crimson!! You're all dismissed." Anunsyo niya sa mga miyembro ng gang nila na nagsi-alisan at pumasok sa kani-kanilang building na pinagaaralan. Wow, their members are all students.

Lumapit naman sa amin ang gang nina Mefisto. Tantsa ko nasa 30 lang ang bilang nila. Siguro ay hindi mga studyante ang ibang mga members.

"You can't do that, Shannon." Sabi ni mister violet hair sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Don't get involved with that bastard Andrew. He's a merciless killer, he won't spare your little gang. You may be okay but your members are weaker than him."

"Hoy Mr. Mefisto. Hindi kami natatakot sa Crimson Orange Gang. Haharapin namin sila kanina kung hindi ka nakialam." Angal kay mister violet hair ni Devorah.

"This girl is full of spirit." Reaksyon ni Mefisto kay Devorah. "It's just a warning, Shannon. I'm not really interested in what's going on between you and Crimson Orange Gang. Ayoko lang na sirain nila ang magandang umaga ngayon dito sa Asteromagus Academy." Paliwanag niya. "Let's go back to our different classes guys." Anunsyo niya sa kaniyang mga tauhan.

Kami namang apat ay pumasok na din sa classroom namin.

*****

"Tarantado talagang mga Crimson 'yun." Galit na sabi ni Devorah pag-upo niya sa kaniyang seat. Pinukpok niya pa ang desk niya.

"Mabuti na rin siguro na walang nangyari talaga kanina." Sabi naman ni South na nakalagay sa likurang ulo niya ang kaniyang mga kamay. "It's a waste of time killing 400 assholes."

"I was really gonna beat the crap out of that hubris girl." Sabi naman ulit ni Devorah. "Sumabat kasi itong si Senju."

"Hindi mo siya kakayanin Devorah." Madiin na sabi naman ni Senju.

"Hah? Minamaliit mo ba ako?" Hindi nagustuhan ni Devorah ang sinabi ni Senju. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit kay Senju.

"Hindi. But she's Stage 3, she's ready to rank up, soon." Paliwanag naman ni Senju kay Devorah.

Ilang segundo na nagtitigan sina Senju at Devorah, natapos lang ito nang lapitan ni Alena si Devorah at hinila palayo kay Senju. Lumapit ang dalawa kay Meryl na nagaaral, nagbabasa ng libro sa kaniyang desk. Kaming anim pa lang naman ang tao sa classroom.

*****

Third Person Point Of View

Samantala, sa classroom ng Mythical Glory Class Section 1...inulat ni Zaikel kay Crimson na kakapasok lang ang muntikan nang digmaan na naganap sa Asteromagus Academy.

Hindi nagustuhan ni Andrew ang pangingialam na ginawa ni Mefisto kaya niya ito kinompronta.

"What's the big idea of intervening my gangs operation?" Pabagsak na inilagay ni Andrew ang kaniyang kanang kamay sa desk ni Mefisto na tumingin ng masama sa kaniya.

Napansin ng mga kaklase nila ang ginawa ni Andrew kaya napunta sa dalawa ang atensyon ng mga ito.

"Answer Mefisto...are you brave enough to challenge the man you can't defeat after 100 fights we've done?" Sa sinabi na ito ni Andrew ay napatayo si Mefisto at kinwelyuhan si Andrew.

"Your idiocy is higher than the highest mountain in this empire. I did that to save you, don't think Shannon Petrini is a normal magus Andrew...I'm just worried as your childhood best friend."

"We're not friends anymore, because you are weak and you didn't follow my ideals."

"Because they are wrong. Mary Mchavoc won't agree from the things you are doing if she is to witness them-" Sa inis ni Andrew ay sinapak niya si Mefisto sa mukha. Nabalibag ito.

"Don't mention my cousin's name like you are familiar with her, you fucking bastard." Inis na saway ni Andrew kay Mefisto. Hinarap niya kalaunan si Zaikel. "Zaikel, say to all the members, after lunch, we will face those bastard Mythical Glory Class Section 5 students."

Itutuloy.