Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 69 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 68 - Mikey Bajirou Appears

Chapter 69 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 68 - Mikey Bajirou Appears

Shannon Pretini Point Of View

"Okay class. Touch your golem converter book." Utos ng teacher sa amin. Nandito kami ngayon sa plaza para sa Golem-convertion lesson.

Tirik ang araw pero wapakels si sir. Grabe na ang tagaktak na pawis ni Rialyn na medyo malayo sa akin. Lahat kasi kami ay pinaditansya ng 10 meters sa isat-isa.

We were given books that can convert our mana into a golem based on our magic abilities. I Don't need this book to create my own golem.

"Now Activate the spell written in the book, row one." Utos muli ni sir sa limang nasa unahan namin. Binuksan nila ang mga golem converter book na hawak nila.

"The humanoid magical androids. Give thy strength to craft a perfect soldier of doll. Convert, Magic Golem." Sabay-sabay na bigkas nila at nagliwanag ang kanilang paligid. Kalaunan ay nagsilabasan ang mga Magic Golems nilang nasa kanilang harapan.

Isang 8 feet na Fire Golem base sa attribute ni Senju ang lumitaw na golem niya. "Senju Fanah, Grade AB." Pagbigay ng Grade ni sir kay Senju.

10 feet na Plant Golem naman ang nagawa ni South. "South Avalo, Grabe A." Mas mataas ang Grade nakuha ni South keysa kay Senju. "Magaling ang imagination at concentration mo South. Ipag-patuloy mo lang 'yan." Dagdag pa ng teacher kay South. Agad namang inangasan ng loko si Senju na talagang nainis kay South.

Malaki na ang improvement nina Senju at South. Both of them are Stage 1 now, just like that they are near on the level of some Don Commanders.

Si Tinzel naman ay nakagawa ng 4 feet na Iron Golem. "Tinzel Zacha, Grade C." Pagbigay ng Grade ni sir sa kaniya. Kita naman ang depression na naramdaman ni Tinzel sa grade niyang nakuha.

Si Que naman ay gumawa ng 6 feet na Golem na gawa sa blue na enerhiya. He's a Blue Energy Manipulation Magus. "Que Zickayn, Grade B." Pagbigay ng Grade ni sir. Nakaluwag naman sa pag-hinga niya si Que.

Si Rum naman ay gumawa ng 5 feet na bola na gawa sa isang medyo transparent na enerhiya na kulay violet. I don't know if that's even a golem. "Rum Costco, Grade Bc." Pagbigay ng grade ni sir sa kaniya. Umasim ang mukha ni Rum sa kaniyang grade na nakuha.

"Okay next row. Do the same thing like the others." Utos ni Sir aming walong nasa second row.

All 7 of them casted the spell and they created their excellent golems.

Beautiful Wind Golem for Rialyn. Ice Golem for Devorah. String Golem for Meryl. Water Golem for Moon. Rock Golem for Alena. Wood Golem for Zayn Erwan. Snow Golem for Frosh.

Sir graded them all and it was my turn to be graded. Salubong ang kilay ni sir na lumapit sa akin. "Shannon Pretini. Where is your Golem?" He asked.

"Sir. Baka pwedeng padistansyahin muna ang mga kaklase ko." I requested.

"Bakit naman?"

"Baka masaktan sila. Pati ikaw sir." Sabi ko.

"Jusmiyo. I'm 32 years old para utusan mo." Angal niya.

(I'm 38 you dumbass.) Sabi ko naman sa sarile ko. "Seriously just listen if you don't want to get hurt." Madiin na sabi ko naman.

"I'll stay here. Just do it now. Show me your Golem!" Madiin na pag-tanggi niya sa sinabi ko.

"Devorah, Senju, South. Get him away from here." Utos ko sa tatlo na mabilis lumapit at hinila palayo si sir. Ang mga kaklase ko ay nagsilayo din.

"You wanted to see this, then I'll let you. I don't need this book." Hinagis ko ang libro patungo sa direksyon ni Rialyn na kaniyang sinalo. "Fire Golem!" Gumawa ako ng naglalagablab na Fire Golem. May taas itong 30 feet.

*****

Matapos kong gumawa ng Fire Golem at binigyan ng grade ni sir na SS ay nagtungo kaming magkakaklase sa Cafeteria para sabay-sabay ng mag lunch. Dahil may mga Royalties na kasama, inorder na lang namin ang food namin hindi na ako pumila.

"Ang galing mo talaga Shannon. Gaano katinding training ba ang ginagawa mo noong hindi kapa nag-aaral?" Manghang tanong ni Tinzel sa akin.

"Kaloka ka girl. Aatakihin na sa puso kanina si sir." Reaksyon naman ni Alena.

"You really are strong, Shannon." Sabi naman ni Meryl sa akin.

"You guys. Stop saying obvious things about our boss." Saway naman agad sa kanila ni Senju.

"Sus. Selos ka lang." Panunukso naman kay Senju ni Zayn.

"Hindi 'to marunong magselos, aromantic kaya 'to." Sabi naman ni South kay Senju na napanguso.

"Atleast totoo, hindi tulad mo na feeling asexual." Banat naman ni Senju kay South.

"Putangina mo, totoo kaya 'yun."

"Kita mo napamura ka?"

"Hoy tama na 'yan." Saway ko naman sa kanilang dalawa para hindi na humaba pa ang bangayan at baka magpatayan sila. Hayst.

"Shannon, matanong ko lang. Sure kaba na wala kang gagawing ano mang hakbang para tigilan na tayo ng Crimson Orange Gang? Bulong naman ni Rialyn sa akin.

"Don't worry. They are not worth our time." Sabi ko sa kaniya.

"You're saying that without smiling makes me feel worried." Sabi niya.

Ngumite naman ako. "Plastic ka talaga. Bahala ka, ikaw naman ang boss, alam mo ang ginagawa mo." Naasar na sabi niya.

Ilang sandali lang ang lumipas at dumating na ang pagkain namain at kumain kami ng lunch. Pagkatapos naming kumain ay lahat kami'y nagsipunta na sa building namin kung saan naroon ang classroom namin.

Sa harapan ng building, TSK, trouble is awaiting. The Crimson Orange Gang. Ngayon kasama na nila ang kanilang boss at pati si Zaikel.

Kaninang umaga pati ba naman ngayon guguluhin nila kami?

"Omg."

"It's fafa Andrew."

"Meged. Ang cool at ang pogi niya kapag nakasuot siya ng Gang Uniform."

Tilian agad ng mga girls na malapit sa aming magkakaklase na kini-kilig na nakatingin kay Andrew Crimson.

"Shannon Pretini! I believe my Gang has some score to settle with you. Rum Costco must be punished and of course, you too for being a negligent leader. Don't you agree?" He smirked after talking.

"Kakakain ko lang ano ba naman." Inis na sabi ni Rialyn. Nagtinginan ang mga kasama ko sa kaniya.

"Sa likuran ko lang kayong lahat." Anunsyo ko naman sa kanila. Umabante ako sa mga kaklase ko. If Andrew will get involved, they will definitely gonna get hurt if they faced him.

"Boss. We're not afraid at all." Sabi naman ni Senju sa akin binalak pumunta sa harapan pero inawat siya ni Rialyn.

They may be Stage 1 too but Andrew still is out of their league. Their training is not enough to beat this scum yet.

"Stop it Senju. Boss is protecting us right now. Can't you see? Andrew is dangerous for us." Sabi naman ni Devorah kay Senju na napa-kagat sa kaniyang ibabang labi.

"Senju, this is not a Don, there's no way that I will lose. Just stay in there with the others." Utos ko kay Senju na hindi nag-react sa sinabi ko.

I know he's itching to try he's strength right now but he can't do it to a nobody like this Andrew Crimson.

"Seriously? If they pissed off fafa Andrew they just need to say their apologies."

"There's no way they can win with that number of them."

"Perfect timing na rin. Para maturuan ng leksyon iyang misfit na yan."

"Muntik na kaninang masaktan ang teacher nila sa Magic Golem Convertion nila alam niyo ba 'yun?"

"Salot talaga sa Academy."

"Oo nga."

"Go fafa Andrew. Teach them a lesson." Usapan muli ng mga estudyanteng babae sa amin na nanonood.

Mga chismosa.

"It's the perfect time to see how strong I am compared to you." Nagliyab ang buong katawan ni Andrew at sumugod sa akin. Sumuntok siya habang malayo pa siya sa akin at kumawala ang nahulmang malaking kamaong apoy na sumugod sa akin.

Sinuntok ko lang papunta sa itaas ang kamaong apoy na sumugod sa akin at doon ito sumabog. "You're really trying to kill me are you?" Tanong ko then he smirked.

"Twin Fire Dragons!" Gumawa siya ng dalawang serpent Dragons na gawa sa apoy at sumugod muli ang mga ito sa akin.

"Blast Fire." Binalutan ko ng apoy ang kamao ko at sumuntok sa ere. Kumawala ang malakas na pwersa ng apoy na nakipaggitgitan sa mga serpent dragon na apoy niyang pinasugod at nagkaroon ng pag-sabog.

"Fafa Andrew ang ganda. Ang lakas mo talaga."

"Sige talunin mo yang si misfit."

"Go fafa Andrew. One big fight."

"Crimson is the best here in Asteromagus Academy."

Malalanding tilian ng mga babaeng estudyante again. Kapag ako ang napikon, susuntukin ko lahat ang mga ito. Nakita na nilang may pagsabog na naganap, hindi man lang sila umalis. Kapag may nadamay sa kanila, ako ang sisihin hayst.

Matapos ang pagsabog at mawala ang usok, nakita kong nakatayo 10 meters na lamang ang layo sa akin si Andrew. Nagsimula na ding pumalibot ang 400 members niya sa amin ng mga kasama ko.

"Don't be afraid guys. Wala silang magagawa laban sa atin." Anunsyo ko naman sa mga kasama ko na game face naman. I'm glad na hindi sila natakot.

"What? We are Havoc Gangsters for nothing boss. We're not going down without a fight." Sabi ni Senju na tumawa pa.

"Don't think you can easily kill me Crimson Orange Gang! Don't underestimate me just because I'm a woman!" Madiin na sigaw naman ni Moon sa mga Crimson Orange Gangsters. What a word.

"Good besh. Then I can focus on the enemies without worrying about you." Sabi naman ng nagalak na si Que kay Moon.

"The fuck? Sinong nagsabi mag-alala ka sakin bakla?" Angal naman sa kaniya ni Moon.

"You have quarrels to spare even in this situation?" Tanong naman sa dalawa ni Devorah.

"I'll blast you all away." Sabi naman ni Rialyn.

Napangite ako sa pinagsasabi ng mga kaklase ko.

"Mayabang ang mga members mo, Shannon Pretini. Isang senyas ko lang, aatakihin na sila at papatayin." Sabi naman ni Andrew Crimson sa akin. Papansin.

"Hindi mo sila mapapatay. Kapag ginawa mo naman, hindi na kayo sisikatan ng sikat ng araw kinabukasan ng mga Gang members mo." Babala ko sa kaniya.

Tumawa siya, at kalaunan ay nag-smirked. "Ikaw ang hindi sisikatan ng araw." He was about to attack me again but suddenly, a ray of white energy hits Andrew which made him fly into the right side, bumangga siya sa isang building na muntik pang mawasak ang pader sa pagbangga ni Andrew Crimson.

"Boss!" Sigaw ng mga tauhan niya sa nangyari sa kaniya.

"What the fuck happened?" Hindi makapaniwala na sabi naman ni Zaikel.

"Fafa Andrew!"

"Anong ginawa mo misfit."

"Walang hiya ka talaga."

"Mamatay kana sana."

"Sira-ulo! Walang kwentang tao."

"Kapag may nangyari sa perfect body ng aming fafa, lagot sa girl power namin."

Usapan ng mga nag-react na girls sa nangyari kay Andrew na wala naman akong kinalaman.

"Shut up mga malalanding mga higad!!" Nagulat kaming lahat sa boses na malakas na sinigawan ang mga babae.

I saw him near on where Andrew was standing earlier. May nakatutok na speaker gem sa bibig nito na siyang nagbigay sa kaniya ng malakas na boses.

"Hah? Sino ka para sigawan kami bansot?"

"Wirdo!"

"Papansin." Of course, bumwelta ang mga girls sa kaniya.

Naglakad siya palapit sa akin at ngumite nang nasa harapan ko na siya.

"Long time no see. Ate Shannon." Bati niya.

"Hah?"

"Ate?"

"Kapatid niya?"

"No wonder abnormal gaya ni misfit."

Reaksyon agad ng mga babaeng estudyante.

"Boss. Is this your brother?" Tanong naman ni Senju na lumapit sa akin.

Umiling-iling ako. "Mikey. Anong ginagawa mo dito sa Asteromagus Academy?" Tanong ko naman sa batang lumapit sa akin. Siya si Mikey Bajirou. Ang adoptive son ni Sheina. He has a yellow hair, yellow droopy eyes, yellow eyelashes, yellow short eyebrows, grecian nose, full lips, heart shaped head, porcelain skin tone and a height of 4'8 feet.

"Hehehe. Bumisita po kay mama at sayo." Masayang tugon ni Mikey sa akin. "Tsaka, para narin bugbugin yung lalaki na sinubukan kang saktan ate Shannon." Sumeryoso ang mukha niya at bumaling sa direksyon ni Andrew na katatayo lang. Nasugatan ito sa may ulo nito at talagang kita ang dugo na umagos papuntang kaniyang mukha.

"Oh my. Fafa Andrew."

"Hoy bubwit! Lagot ka ngayon."

"Sana patayin ka ni fafa Andrew. Salbahe mo."

Angal ng mga girls kay Mikey na nanlitaw ang mga ugat sa noo sa inis.

"Hah? Sinong pinagbabantaan niyo mga malandi? Ako?" Pang-aasar niya sa mga girls na mas lalong nag-ingay. Lumapit naman sa amin si Andrew na galit na galit ang ekspresyon ng mukha kay Mikey.

"Tarantado kang bata ka. Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Tanong niya kay Mikey na nagtaas ng kilay sa kaniya. "Gang! Tapusin silang lahat." Utos niya sa mga Gangsters niya na sumugod sa mga members ko.

"Fire Barrier!" Gumawa ako ng barrier at pinasok doon ang mga members ko. Maging si Senju na kaninang nasa tabi ko.

"Sirain niyo ang barrier!" Utos muli ni Andrew sa kaniyang mga tauhan na ginawa naman ng mga tanga. "Bubwit, hindi kita mapapatawad." Muli niyang binalingan si Mikey na mas sumama ang timpla ng mukha kay Andrew.

Nagsipunta naman sa harapan ni Andrew ang mga Echelon nito.

Isang Echelon ang sumugod kay Mikey. "I'm not fond of beating a child but at this situation, Andrew will kill you so I'll deal with you before it happens." Sabi nito habang pasugod kay Mikey. Binalutan nito ng kidlat ang kaniyang mga kamao. He was about to punch Mikey but Mikey quickly reacted and was the first to guy who attacked.

Hindi tinanggal ni Mikey ang kaniyang kamao hanggant hindi dumidikit sa lupa ang ulo nito. Sa pag-bagsak ng ulo ni lalaki sa lupa ay siyang pagkatalo nito. Mikey just used pure physical strength in that punch.

"Mikey, are you Stage 0 now?" Tanong ko kay Mikey na umiling.

"Opo ate Shannon." Tugon niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Echelon Sai Afrir got defeated!" Sigaw naman ng mga Gang members. Pati nga ang mga Echelon ay napasigaw sa nangyari sa kanilang kasamahan.

Well, it is to he expected. Mikey was born a talented Magus. He stared developing his Magic during my stay on their home 5 years ago.

"Tsk. You brat! I won't really gonna make you live!" Mas dumoble ang galit ni Andrew Crimson. Sumugod siya kay Mikey na handa namang makipagsabayan kay Andrew.

"I'm not afraid. Kapag nag-aral na ako dito sa Academy na ito at nakita kita, papataubin kita." Anunsyo kay Andrew ni Mikey. Nakita ko ang pamumuo ng puting enerhiya sa espada na hawak ni Mikey.

Bago paman makalapit si Andrew sa kaniya ay biglang dumating sina Rodeo at Sheina na siyang pumigil sa kanila. Pumagitna ang dalawa sa kanila.

"Mikey? What the hell are you doing!?" Sinuntok ni Sheina na binalutan ng malakas na pwersa ng hangin si Mikey sa ulo na agad nawalan ng malay sa pagbagsak nito sa lupa.

"Andrew. Power off your Ability." Utos naman ni Rodeo na kay Andrew humarap.

"Sheina! What the hell do you think you're doing too! You can't just hit him like that after all it's your fault for not guiding him well. Besides he save us from those bunch of Gangsters or should I say, he saved those Gangsters. I'm almost at my afterall. My bloodlust is starting to kick off." Lumapad ang ngise na sabi ko kay Sheina na nagtaas ng kilay sa akin.

"Hoy tumigil ka Mar-Shannon. Huwag mong patulan ang students ng Asteromagus Academy to the point na papatayin mo sila. 'The future lies on their hands' sabi mo yan 'diba?" Pangaral niya sa akin.

"TSK!" Sabi ko saka nagtaray sa kaniya. Humarap naman ako kay Andrew. "Let's stop facing one another. My Gang is not interested with you. We don't want to get involved with any other Gangs in this Academy. So back off. If you won't listen, then when you try to ambush us again like this, I'm not gonna hesitate to kill you." I released my aura then my strong force of Fire in the area to scare Andrew and his gang. I hope that it will work though.

Itutuloy.

Author's Note;

Hi to everyone. I just want to share some spoilers to you because, I'm feeling so much excitement that I can't calm down. Now that the powers of Havoc Gangsters are revealed, there are still two more members that are not introduce yet. They would be both males, that I named; Jo Depp and Franz Fin and both would have ridiculous magic abilities, somehow can be related to idiocy? Because they are both inspired by my favorite fiction characters. Jo Depp was inspired by Captain Jack Sparrow of the Pirates Of The Caribbean and Franz Fin was inspired by Strawhat Luffy Of One Piece.