Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 67 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 66 - Crimson Orange Gang Scheming

Chapter 67 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 66 - Crimson Orange Gang Scheming

Shannon Petrini Point Of View

Zayn and I have an good conversation last night. Medyo napuyat nga ako sa pakikinig sa mga ulat niya na mga bagong business projects niyang naiisip na pag-iisipan ko pa kung papayagan ko siyang gawin niya ang mga ito. Magiging mahirap sa schedule namin kung dadami masyado ang negosyo dahil kailangan mas magpokus kami sa pagpapalakas para sa pagharap sa mga Dons.

Everything is set. I have my main forces. All I need to do now is explain to them what they need to know about the Havoc Gangsters's purpose, I will even explain to them about Giftia and the Compass Pieces and of course, me having 10 magic abilities. I needed to alter the reality just like what I said to Don Nervoz when he almost found out about my real identity. I am lucky to not tell him about my real identity because even after he dies, he still can live again, that was a lucky break for me.

*****

Maaga akong gumising, gaya ng aking nakasanayan na gawin, I'm doing my morning rituals before going to school. Sabay kaming naglakad papasok nina Senju at South sa Asteromagus Academy.

Sa aming paglakad, sa isang kanto ay mayroong trouble na naghihintay para sa amin. Ang dami paring mga gangsters na pasaway sa Palkia City na hindi kilala ang Havoc Gang kaya hindi sila takot sa amin.

"Hoy!" Tinawag kami ng isang miyembro ng grupo ng mga lasing.

Nilingon namin sila at nakita ng maayos ang Gangster uniform nilang suot. "Miss beautiful. Sumama ka sa amin sa bar. Let's have fun." Lumapit ang isang lalaking mahaba ang buhok sa akin. Akmang aakbayan niya ako pero sinipa siya ni Senju. Tumilapon siya at bumangga sa isang pader.

"Sinong nagsabi sayo na pwede mong hawakan ang reyna namin?" Galit na sabi ni Senju.

"Gago ka. Sa ginawa mong 'yan, hinamon mo sa isang labanan ang Metryl Gang." Sigaw ng pandak na may hawak na bote ng alak sa kaniyang dalawang kamay.

"Never heard of that shitty gang before." Reaksyon ko naman.

"Mga kasama. Lumabas kayo. Mayroong mga tangang humamon sa atin dito sa teritoryo natin sa Snazu Street." Sigaw naman ng isa na nagtawag pa ng kaniyang mga kasama.

Nagsilabasan naman ang mga miyembro nila mula sa ibat-ibang magkakatabing mga gusali.

Humikab ako bigla, maybe because of some sleepiness left inside of me. "Senju do the honor." Utos ko kay Senju. Nagtungo naman ako sa likuran ni South at nagpapasan. "Let me sleep for 5 minutes." Bulong ko sa kaniya.

"O-Okay President." Nautal na sabi niya naman sa akin.

"Senju, it's all yours." Anunsyo ko ulit naman kay Senju na parang naiinis ang ekspresyon kay South dahil nagpapasan ako dito. What's up with this shrimp?

"Okay boss." Sabi naman niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at umidlip.

*****

Senju Fanah Point Of View

"You heard my president. It's me against you all." Anunsyo ko sa mga Gangsters na kalaban. Ang dami nila, siguro nasa isang daan ang bilang nila.

"Anong magagawa ng isang maliit ang katawan na tulad mo?" Pagmamaliit ng isa sa akin na agad kong sinugod at sinipa sa sikmura. Napaluhod siya sa sahig at nahimatay.

"Sugod na. Ang dami niyo pang dada!" Nainip na sabi ko naman sa kanila.

Sumugod naman lahat sila sa akin. Kaniya-kaniyang hawak ng mga sandata nila. Batuta, golf club, steel pipe, dos por dos at kung ano-ano pa.

"What's this? You guys are not using any Magic?" Reaksyon ko sa kanila. "Then this will be easy. Fire Feet." Pinaliyab ko ang dalawang paa ko.

Pinagsisipa ko ang lahat nang lumalapit. Ang iba, sa mukha tinatamaan, ang iba naman sa leeg, ang iba sa dibdib ang iba sa maselan na bahagi ng katawan nila.

Napa-atras pa nga ang iba dahil kalahati na ng pwersa nila ang bumagsak sa sahig.

"This bastard."

"That's unfair. Don't use Magic you dumbass."

"Cheater bastard. You're not fitted to be a Gangster."

Sigaw nila sa akin.

Napatawa naman ako sa narinig ko. "Don't be ridiculous. There's no such law prohibiting use of Magic in the world of Gangsters. It's your fault for being gangsters with no magic to use. You guys really are going to fall sooner or later." Paliwanag ko naman sa kanila.

"Damn it!" Sigaw nila at nagsimula nang tumakbo ang mga gago.

"Walang makakatakas." Itinaas ko ang dalawang kamay ko at nag-ipon ng apoy. "Fireflies!" Nagpakawala ako ng maraming maliliit na bolang apoy na tumama sa mga tumakbo at sinunog sila. Lapnos ang mga balat nila pero hindi naman sila patay.

"I'm done here, South." Anunsyo ko naman kay South sa aking pagharap sa kaniya.

"Silent. Boss is still sleeping." Saway naman niya sa akin nang mayroong nangaasar na tingin sa akin.

"Didn't she told you to wake her up after 5 minutes?" Tanong ko naman sa kaniya. I'm starting to feel irritated.

"No! She's asleep so I won't wake her up." Katwiran naman niya sa akin.

"TSK." Asik ko.

*****

Rialyn Madzua Point Of View

"Why is President not here yet?" Takang tanong sa akin ni Devorah.

2 minutes na lang kasi ay magsisimula na ang klase wala pa din si Shannon. Hindi lang siya actually, pati na sina South, Senju at Rum. Ano na namang ginagawa ng mga 'yon.

"Maging sina South at Senju wala pa." Sabi Que naman. That's obvious.

"Baka may nangyari na sa kanila?" Saad naman ni Moon.

"Imposible 'yun. Walang mangyayari kay Shannon 'noh." Madiin na sabi ko naman.

"Oo nga. Ang lakas kaya ng President natin." Pag-suporta naman ni Devorah sa sinabi ko.

"Baka may inasikaso?" Patanong na sabi naman ni Que.

"Siguro." Sabi ko naman. Again? Maybe she's doing something only she knows.

"What's the matter guys?" Tanong naman sa amin ni Rum na kapapasok lang sa classroom. Great.

"Namomroblema sila na wala si Shannon." Tugon ni Tinzel sa tanong ni Rum. Sa harapan ko kasi naka-upo si Tinzel.

"Ganon? Baka naman may importanteng ginawa kaya hindi papasok ngayon?" Ani Rum saka umupo sa kaniyang seat na tatlong bakanteng seat ang distansya sa akin.

Talagang inispecify niyang hindi papasok si Shannon.

"Tama si Rum. Baka may importanteng ginawa." Sabi naman ni Devorah na sumang-ayon sa sinabi ni Rum.

"Sana nga ganon ang ginawa niya." Sabi naman ni Moon. "Kung nakikipag-bakbakan silang tatlo ngayon, unfair 'yun kasi hindi tayo kasali." Dagdag pa niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. I didn't think about that but it's possible.

"Mas posible!" Sabay na sabi namin ni Devorah.

*****

Andrew Crimson Point Of View

"What the hell!?" Sigaw ko matapos marinig ang ulat ni Bry sa akin. Isang tauhan ko sa aking gang at siya din ang number 8 Mythical Glory Class student ng Asteromagus Academy.

Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko dito sa hideout namin. "You started a war but didn't finish it? Anong kalokohan 'yan Bry? Hindi maaaring umaatras sa laban ang Crimson Orange Gang." Kararating ko lang sa Palkia galing sa aming bahay tapos ito ang ulat na maririnig ko galing sa kaniya.

"Pero boss, hindi ko akalain na ang mister nobody na Rum Costco na iyon ay ganon kalakas..."

"Punyeta. Kasama mo ang mga Echelon. Kasama mo din ang 700 members dito sa gang, hindi ka nakipaglaban? Bakit ka natakot?"

"Pasensya na po, Boss."

"Tsk. Buysit. 'Di na bale. Tapos na din naman ang trabaho mo bilang acting vice president. Makakabalik kana sa pagiging Echelon mo. Tapos na ang 2 years suspension ni kuya Andrei. Sa susunod, dudurugin natin ang kinabibilangan na gang ng Rum Costco na iyan, ang Havoc Gang. I'm still irritated by those idiots from that Gang from what they pulled off during the incident." Anunsyo ko.

"Your brother? The second generation president?" Tanong naman ni Bry sa akin.

"Bry, you've joined my gang without knowing my big brother was the vice president of this current generation of Crimson Orange Gang? It was only supposed to be second generation Crimson Orange Gang but my brother wanted me to gain experience in leading and to maximize my magic to it's greatest potential, that's why third generation Crimson Orange Gang exist today. Your lack of knowledge about the gang you're in was horrible, Bry." After saying this, I quickly approach him and punch his gut.

Napahawak siya agad dito at napaluhod sa sakit na kaniyang naramdaman.

"P-pasensya n-na p-po b-boss." Nahihirapan na magsalita na paghingi niya ng tawad sa akin.

*****

Iniwan ko sa kaniyang kinaroroonan na nahihirapan si Bry. Pumasok ako sa aking kwarto at sumakay sa duyan kong nandoon.

Hindi ko matatanggap na wala akong nagawa sa nangyari na insidente. Magiging isang kahihiyan ako at ang angkan ng aking ina dahil sa nangyari na iyon na kung saan, ang humarap sa tauhan ng mga Don na sumalakay sa bayan na ito ay isang hindi kilalang wirdong studyante.

Itinatago ni Shannon Petrini ang kaniyang tunay na lakas. Kung tama ang hula ko, malapit ng maging Stage 0 ang babaeng iyon. Mga Stage 1 malamang ang mga alagad ng Don na sumalakay dito sa bayan ng Palkia.

Hindi ko hahayaan na mapahiya ang pangalan ng aking pinsan na bayani naming lahat. Hindi ko hahayaan na mabansagan akong mahina at walang magawang tao lalo pa't dumadaloy sa aking dugo ang kalahating dugo ng Crimson at isang Mchavoc.

Kahit na minsan sa buhay ko ay hindi kopa nakita si Mary Mchavoc, nabasa ko lahat ng mga artikulo patungkol sa kaniya. Siya ang idolo ko, ang idolo ko na minsan lamang sa buhay niya natalo, iyon ang araw na siya ay napaslang.

Kaya, hanggat mahihina pa lamang ang Havoc Gangsters, sisirain ko na ang kanilang lakas ng loob para lumaban. I need to prove to them that Crimson Orange Gang holds the ultimate supremacy as the first generation Crimson Orange Gang once rivaled the Xebec Petrini School Gang in terms of strength back in the days my father was the leader of this gang I inherited.

Itutuloy.