Sa labing-walong taon kong namuhay sa mundong ito, ngayon lang ako nandirito sa prisinto. Wala naman talaga akong ginawa eh, pero heto ako ngayon, nakaupo kasama ang mga lalaking kinaiinisan ko.
" So, ano ba talaga ang nangyari? Ipaliwanag ninyo nang maayos para magkaintindihan tayo, " sabi ng pulis na mukhang seryoso.
"Yan po kasing babaeng 'yan, bigla-bigla na lang nanunugod," ang sabi nung isang gwapong lalaki habang tinuturo ako.
' Wow. Ako pa talaga tinuturo neto ha?'
"Miss, totoo po ba 'yun?" tanong sa akin ng pulis.
"Hindi po ah! Sinugod ko po siya dahil binasa po niya yung damit ko! Tignan niyo po!!!" sigaw ko tapos tumayo para ipakitang basang-basa ng putik ang damit ko.
"Huminahon ka Miss," mahinahong sabi ng pulis.
Umupo ako. Pinipilit na hindi magalit. Ito kasing mga lalaki na 'to. Kahit alam nilang kasalanan na nga nila, di-ne-deny pa! #Mapride.
Humarap ang pulis sa mga mokong. "Sir,totoo po ba 'yun?" Tumawa ng bahagya ang naka-putting polong mokong. "Yes. That's true."
'Wow. Prangka niya.'
Tumingin muna siya sa pulis pagkatapos sa akin naman, "May angal ka?" Tapos umirap siya sa akin.
' Wow. Siya na nga may sala, siya pa nagbabanta.'
"Ano po ba talaga ang nangyari?" nagpipigil sa galit ang pulis.
Itinaas ng lalaking mukhang anghel pero demonyo naman ang kaniyang kamay. " Me! I'll explain everything," confident niyang sagot.
Nakita kong pina-ikot ng tatlong kasama nitong mala-anghel na demonyo ang kanilang mga mata.
"Ahem," paninimula nito, " my brother and I were going to the mall. Umuulan noon that's why we couldn't see clearly the road. Until we arrived at the mall. My brother parked his car,then, paglabas ko, this girl approached me. I thought nga na magpapa-picture siya sa akin eh. But I was wrong dahil she looked at me, frowning. " Huminto siya tapos tumawa.
' English-English pa, di ko naman maintindihan dahil ang bilis niya magsalita. Edi wow.'
"At ya' know what she looked like while frowning?" natatawang tanong niya.
Di naman kami interesado kaya wala siyang natanggap na sagot mula sa amin.
"Edi wow," sambit niya tapos umirap sa amin.
"Ipagpatuloy mo na yung sinasabi mo," mala-awtoridad na utos ng pulis.
"Heto na nga. Yung mukha niya, para siyang angry bird na umiri dahil nahihirapang ipalabas ang dumi." Tapos humagalapak siya sa tawa.
Namula ako dahil sa sinabi niya. Nahihiya ako para sa sarili ko. Totoo ba 'yung sinabi niya? Mukha raw akong ano?
"Tignan niyo siya ngayon. Namumula siya. Para tuloy siyang galing sa banyo. Umiri pa kasi," dagdag pa niya habang hinahawakan ang tiyan.
Yung mga kasama niyang mga lalaki, pinipigilang tumawa. Yung isa, napakagat sa labi. Yung mukhang Chinese, seryoso ang tingin ngunit taas baba ang balikat. Tapos yung isa, hinigpitan ang kamao.
'Patay na ako.'
Tumigil na sa pagtawa 'yung lalaking mukhang anghel, sumeryoso siya ng tingin. Mukhang galit siya. "Then she suddenly shouted at us na para bang galit na aso at she kicked my brother's car." Tumingin siya sa akin nang galit na galit. Kung bala yung mga tingin niya sa akin, patay na siguro ako.
Ang mala-anghel na mukha niya ay napalitan ng pang-demonyo. Naka-smirk siya tapos tinuloy ang pagsasalita, "Di pa nakuntento yang gag* na yan. Muntikan pa niyang masampal ang gwapo kung mukha. "
Huminga nang malalim ang pulis. "Okay. Dahil narinig ko ang pangyayari, may balik ba kayong makipag-areglo?"
"HINDI!/NO WAY!!!"
Sabay naming sabing lima. Kahit mamatay pa ako, di ako makipag-areglo sa kanilang apat.
"Kung ganon, anong kaso ang i-fa-file ninyo?"
K-kaso?! HINDI!!!
"A-ah S-sir. Huwag na l-lang pong humantong sa pagfile ng kaso," nagmamakaawa kong sambit.
"Hindi ako ang magdedesisiyon diyan Miss. Sila ang dapat mong tanungin," sabi nung pulis sabay turo sa apat na mga lalaki.
Tumingin ako sa apat na gunggung. Alam kong hindi maganda ang simula namin pero sana maawa sila sa akin. Nagmamakaawa ako sa kanila gamit ang puppy eyes ko.
'Sana gumana'
"Pffffffft~" ang tawa nilang apat.
Tao ba ang mga 'to? Parang di sila normal. Parang galing sila sa mental. Tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Tss~
Umayos sila ng upo bago narehistro sa kanilang mga mukha ang ngising pang demonyo. 'May naaamoy akong panganib.'
"Sige. Hindi ka namin kakasuhan, but for one condition." Tignan niyo na? Sinasabi ko na nga ba eh. " Magmakaawa ka muna."
Eh? Yun lang? Easy.
"Tapos, bayaran mo ang kotse ko," sabi nung morenong matangkad na gwapong lalaki.
Ano?! Babayaran?!
"Wala akong pera! Tsaka di kita babayaran!" pagtanggi ko.
"Sige. We've changed our minds," tumingin yung Chinese na lalaki sa pulis. "Sir, kayo na ho ang bahala sa b*tch na 'to. She's just a waste of time,"ang sabi niya bago umalis.
Umalis na rin ang tatlo pang lalaki. So, iiwan nila ako rito? Pa'no na 'to?
"Suwerte ka Miss dahil wala silang balak na mag-file ng kaso sayo. Sige. Pwede ka nang umuwi," sambit ng pulis. "Tsaka, huwag kang sumugod nang pabigla-bigla next time, baka mapahamak ka pa."
Mabuti naman. Pero na-insulto ako sa huling sinabi ng pulis. Sakit magsalita ah. Purket naka-uniporme ka na? Hmp.
Pero, nagpapasalamat pa rin ako na di na tinuloy ang pag-file sa akin ng kaso. Pag nagkataon, patay talaga ako kina lolo.
Ningitian ko ang pulis at tumayo. Yumuko ako at nagpaalam. Pero narinig ko si manong pulis na may binulong sa sarili,"Tss. Mga kabataan talaga ngayon."
Lumabas na ako sa prisinto. Pero nadagdagan yung inis ko nang makitang nandirito pa pala yung apat.
'Tss. Ano pang ginagawa nila rito?'
Lumapit sa akin yung lalaking cold kung makatitig. Yung mga mata niya ay parang mga mata ng fox. Maliit ang ilong niya pero matangos. Manipis yung upper lip niya, pero makapal ang lower lip. Sumatotal, gwapo siya. Pero wala akong pake. Ang pangit naman kasi ng ugali.
"You…" sabi niya sabay turo sa akin,"you really can't escape from us. NEVER," pagbabanta niya.
Napalunok na lang ako dahil sa sinabi niya. Napaatras naman ako nang humakbang papalapit sa akin yung morenong matangkad. Naka-smirk pa siya. Napapikit na lang ako. At nang idilat kong muli ang aking mga mata, pinalilibutan na nila ako.
'Naamoy ko ang panganib'
Tulad ng isang insektong nabiktima sa trap ng gagamba, di ako makatakas sa kanilang apat. Nararamdaman ko ang init ng nagbabagang galit nila sa akin. Patay ako.
"Nagkamali ka ng pagpili ng kalaban," nakangising sabi nung Chinese. "And you'll regret the day you met us."
At tama nga sila, pagsisisihan ko talaga na nakaaway sila.