NAGULAT ang lahat sa nangyari ngayon kay Aries hindi ito makatayo dahil sa pananakit ng sikmura nito. Dinala ng mga guro sa clinic si Aries para matingnan ng mga nurse at sumama na din ang ilang guro ng magica elite academy para tingnan ang kalagayan ni Aries Jay.
Sa ngayon ay nakatingin ang lahat kay Shawn Hindi sila makapaniwala na magagawa ng isang sampung taong gulang ang ganun kabilis at kalakas na atake.
Si Edrian naman ay nakahinga nang maluwag nang Makita niy ang ginawang atake ni Shawn. Ang pwersang ginamit nito ay hindi ganun kalakas tulad nang pwersa na ginagamit nito nitong siya ay nag sasanay.
Nitong lumipas na tatlong araw siya at si Shawn ay malayang nagsanay kasama ang kaniyang kapatid at nang alaga nitong si grey at doon nga ay nalaman niya ang element nitong taglay at ito ay ang yelo.
Ang element na pinag sanayan niya nang ilang taon ay tinaglay nang isang bagong sibol na god's children! At alam niya na may kapabilidad ang kaniyang kapatid na sanayin ang batang ito sapagkat alam niya ang ugali nito.
Hindi ito mag sasanay nang isang bata kung wala siyang nakikitang potensyal dito.
Lumipas ang ilang minuto ay nakapag handa na ang mga natirang magpapakitang gilas nang kanilang kapangyarihan. Si grey ay lumapit kay shawn at pumila sa tabi nito.
Samantala ang dalawa namang batang babae ay mag kasunod na pumila at humanay sa dalawang lalake.
Ang batang babae na may pulang buhok ay napakuyom nang kaniyang mga kamay! Ito ang unang beses niya na mapansin nang karamihan siya ay mahiyain na simula palang at kahit nagkaroon siya nang kapangyarihan ito ay hindi parin naalis sa kaniya ang kabahan. Napatingin siya sa batang babae na katabi niya.
Ang alam niya ang batang ito ay anak nang isang militar at base sa kaniyang napansin dito ay may sinusunod itong mga kilos na madalas makikita sa isang sundalo.
Siya naman ay nag mula sa ampunan at pinag aral siya nang director nang bahay ampunan. Ang kaniyang apilyidong gremory ay hindi niya alam kung bakit iyunang kaniyang apilyido ang alam niya lang ay may simbolo sa kaniyang likod at may mababasa na Gremory sa simbolong iyun.
Samantala habang nasa battle arena ang apat na bata ay may isang lalake mula sa Magica Elite Academy ang lumapag sa gitna ng arena.
Ang lalakeng ito ay nababalutan ng dilaw na aura. Ang lalakeng ito ay si Sebastian Rodgers Seberaño.
Ang dilaw nitong aura ay ramdam na ramdam sa buong paligid. Ang kalidad ng aura nito ay napakalakas at hindi basta basta matutumbasan nang aura ng apat na bata.
Si Sebastian ay may matinding kalidad nang aura at kung susumain ang kalidad nito ay maihahalintulad sa isang S rank.
Nang Makita ng apat ang napakaliwanag na dilaw na aura nang lalake ay namangha sila rito.
Lalong lalo na si grey na makikita sa mukha nito ang kasiyahan habang nakatingin sa aura ng lalake.
Ako si Sebastian mula sa Magica Elite Academy! Pag papakilala nito sa apat na bata at makikita sa labi nito ngiti.
Nais kong sabihin na ako ang mag sisilbi ninyong referee sa magaganap na munting tagisan. Sabi ni Sebastian sa mga bata.
Si shawn naman ay napa-isip ng sabihin ng lalakeng nag pakilala bilang si Sebastian na magiging referee nilang apat.
At napansin niya ang mataas nakalidad ng aura ng lalakeng ito. Hindi ito maihahalintulad sa aura nang kaniyang kuya na si edrian.
Sa tingin niya ay Malaki ang agwat nang kapangyarihan ng kaniyang kuya at ng lalakeng ito.
"Ngayon mga bata ipapaliwanag ko ang patakaran ng magaganap na tagisan, kayong apat ay may bubunot ng stick na may mga nakasulat na mag kaparehong numero" Sabi ni Sebastian at sa pag lahad niya nang kaniyang kaliwang palad ay may apat na mag kakaparehong kulay nang stick ang lumabas.
Sandaling lumutang sa ere si Sebastian! At lumipad sa kanilang apat. Inilahad ni Sebastian ang kaniyang kamay at itinapat iyun kay shawn. Agad kinuha ni shawn isa sa apat at pasimpleng sinilip ang numero na nakasulat sa stick.
Lumipat naman sa harap ni grey si Sebastian at gaya nang ginawa ni shawn ay kumuha siya ng isa stick na nasa kamay ni Sebastian. Ganun din ang ginawa nina lucy at akari.
Ngumiti si Sebastian ng kuhanin ng apat na bata ang stick na ibinigay niya sa mga ito.
"Ngayon ay sasabihin ko na ang mga patakaran sa tagisan na ito, Maaari kayong gumamit ng inyong buong lakas., Ngunit hindi kayo pwedeng pumatay ng inyong kalaban, Ang siyang unang mawawalan ng malay o maaalis sa arena ang siyang talo at ang labanang ito ay mag kakaroon ng tatlong laban" Sabi ni Sebastian.
Nang marinig naman ito ng mga nasa itaas ay nagbulungbulangan ang mga ito.
Ang patakarang ito ay madalas nilang naririnig sa mga tagisan sa loob ng akademya. Si edrian naman ay nagkaroon ng ediya sa mga sinabi ni Sebastian.
Dahil siya ay laging nabibilang sa mga kalahok sa taunang paligsahan sa kanilang akademya.
Napatingin na nga lang siya kay Shawn alam niya ang kasalukuyan nitong kakayahan! At sa palagay niya ito ang lalaban sa ikatlong laban.
Ngunit hindi siya dapat ang mag dikta ng mga magaganap dahil wala siyang ediya sa abilidad ng dalawang batang babae.
"Ngayon ipakita ninyo ang numero na nakasulat sa Stick na nasa kamay ninyo!" Sabi ni Sebastian at sabay sabay ipinakita ng apat ang numero ng bawat ito.
Ang numero ni Shawn ay Uno at ang kapareho Niya ng numero ay Walang iba kundi si Lucy Gremory.
Napatingin naman ang katabi ni Lucy na si akari sa numero na hawak nito. Nakaramdam siya nang pang hihinayang sapagkat nais pa naman niyang makalaban si Shawn na pinabagsak ang isa nilang kasama sa isang suntok lang.
Samantala nataranta si Lucy nang malaman niya na ang makakalaban niya ay walang iba kundi si Shawn! Nangamba siya dahil nasaksihan niya ang taglay nitong lakas kanina.
Si grey naman ay medyo nakahinga ng maluwag nang malaman na hindi si shawn ang kaniyang makakalaban sa unang round.
Mas pinag hahandaan niya ito sa ikatlong laban. Hindi niya balak patagalin ang laban niya sa babaeng nasa kaniyang tabi.
"Kayong dalawa na lalaban sa susunod na round maaari muna kayong bumaba upang panoorin ang unang laban" Sabi ni Sebastian at agad namang kumilos ang dalawa.
Tumalon ang dalawa palabas ng arena at lumapag sa mag kabilang dulo nang battle arena. Naiwan sa loob ng arena sila Shawn, Sebastian at Lucy.
"simulan na natin ang unang laban?, ready! Get set! Go!" Sabi ni Sebastian at agad itong tumalon papunta sa gilid ng battle arena.
Naiwan ang dalawa sa gitnang bahagi ng arena. Si shawn ay nakatingin lamang kay Lucy.
Samantala si Lucy naman ay hindi magawang tumingin ng diretso sa mga mata ni Shawn.
Tahimik Naman ang mga Guro Mula sa Toril at Magica elite Academy.
Sapagkat mag sisimula na ang unang tagisan na magaganap. At sa uang round ang laban ay sa pagitan nina.
Shawn Aliston Monteverde at Lucy Gremory.
Si shawn ay nag simula nang pomorma! Ayaw niyang mag hantay na sumugod ang kaniyang kalaban, sapagkat ramdam niya na wala itong balak na umatake sa kaniya.
Samantala kasalukuyang napapalibutan ng itim na usok ang kaniyang katawan. At ang kaniyang blue flame ay agaran niyang pinalabas.
Nang Makita naman iyun ng mga guro mula sa magica elite academy ay napatayo ang karamihan sa mga ito.
Ang apoy na pinalabas ni Shawn ay ang pinaka malakas na kalidad ng apoy na kanilang alam. Karamihan sa mga na eencounter nilang mga flame user ay mga oranger at red flame lang ang tinataglay. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makasaksi sila ng blue flame user.
Nang palabasin ni Shawn ang asul na apoy ay nagliwanag ang kaniyang asul na aura na pumalibot sa kaniyang katawan.
Nang palibutan nga nang asul na aura si shawn ay napanganga sila sapagkat akala nilang lahat ay ang itim na usok na ang mismong aura nito.
Subalit nagkamali sila ng inakala sapagkat asul ang taglay na aura ni shawn at sa kaniyang edad na sampu ay mayroon siyang magandang kalidad na aura.
Maihahambing ang kasalukuyang Aura ni Shawn sa isang C class rank.
Napatingin ang mga guro mula sa Magica Elite Academy kay edrian. May gusto silang itanong dito kung papaanong ang isang sampung taong gulang ay may taglay na aura na maihahambing sa isang C class rank. Ito ay isang kahanga hangang pangyayari na kanilang nasilayan.
Nagulat naman si Lucy nang magsimula na ang kaniyang kaharap! Nakita niya kung papaano pinalabas nito ang taglay nitong Aura.
Ang natatandaan niya lamang noong unang beses niya nagamit ang kaniyang aura noong siya ay may makaharap na diyablo.
Nang may makaharap siya noon na diyablo ang kaniyang kaba ay biglaang nawala. Huminga siya ng malalim at kinalaban noon ang diyablo na nakaharap niya at tandang tanda niya ang pakiramdam noong dumaloy sa kaniyang katawan ang kaniyang aura.
Napaka gaan niyon sa pakiramdam na pakiwari niya ay inaalis ang lahat ng takot niya. Kasalukuyang pumikit si Lucy at pinakiramdaman ang kaniyang kapangyarihan.
May lumitaw na itim na liwanag sa kaniyang katawan, at kasabay nun ay ang pulang liwanag na humalo sa itim na liwanag na unang lumitaw ang dalawang liwanag ay nagsanib at mabilis na pinalibutan ang katawan ni Lucy.
Nang Makita nang mga guro ang inilabas na liwanag ni Lucy ay nagulat sila at ang gulat na ito ay naging isang sigaw. Ang Crimson Aura na pinaniniwalaan ng lahat na mula sa angkan ni Lucifer.
Walang iba kundi ang demon God. Ngunit hindi sila makapaniwala. Papaanong ang isang tao ay nagtataglay ng aura mula sa angkan ni Lucifer. Ang kinatatakutang angkan ng Grimoriel Clan....
Vote and Comment