Chereads / Legends Of God's Children / Chapter 10 - Frozen Battle

Chapter 10 - Frozen Battle

UMAKYAK sa Battle Arena sina Akari at Grey at mararamdaman ang matinding pressure mula sa mga manonood. Dahil sa nagdaang magandang laban ay nagkakaroon ng ekspektasyon ang mga guro na mayroong kapana panabik rin na pangyayari ang magaganap sa labanang ito.

Si Akari naman ay taas noo na tumingin sa mga guro na mula sa Magica Academy. Ito ang pagkakataon niya na ipakita ang kaniyang abilidad. Si Akari ay mayroong kapatid na nag aaral ngayon sa Magica Academy, ito ang naging inspirasyon niya upang maging malakas.

Kahit wala pa siyang kapangyarihan ay mayroon siyang husay sa larangan ng isipan, tinuruan siya ng kaniyang kuya ng mga paraan upang manalo sa bawat laban. At nito ngang lumipas na ilang linggo ay nakamit niya ang basbas mula sa langit. Ang magkaroon ng kapangyarihan, at bigyan ng nag-iisang layunin. At iyun ay puksain ang mga diyablo na nanakop sa sanlibutan.

Si Sebastian naman ay pinagmamasdan ang kapatid ng kaniyang estudyante, ang impormasyon na binigay sa kaniya ng kapatid nito ay tugma sa ikinikilos ng nakababata nitong kapatid. Puno ito ng kumpyansa sa sarili, at sa pagkakataon na ito ay makikita niya rito ang laban na katulad sa kapatid nitong si Tetsuya.

Ang Talentadong Wind User ng Magica Elite Academy.

Samantala si Grey naman ay nakakaramdam ng kakaibang kaba sa loob ng arena, nararamdaman niya ang bigat ng aura sa kaniyang paligid. Ang tensyon na binibigay nito sa kaniyang sistema, ang kakaibang kaba na mayroon siya ay nagbibigay din sa kaniya ng kakaibang sensasyon.

Ang kaniya ngang katawan ay nabalutan ng puting enerhiya, nagulat ang mga guro sa kanilang nasasaksihan. Ang estudyanteng si Grey ay naglalabas ng White Aura o may katumbas na lakas ng isang D Class.

Ang kalidad ng aura nito ay hindi nalalayo sa batang lalake na may Asul na Apoy, maayos ang daloy ng enerhiya nito at matatag ang sisidlan ng enerhiya nito. Ang White Aura nga ni Grey ay bigla nalang nabalutan ng malamig na enerhiya, ang kaniya ngang tinatapakan ay biglaang nag-yelo.

Dahil sa paglalabas nito ng enerhiya. Ay inilabas na rin ng Kaniyang kaharap ang Aura nito. Nasisilaw sa berdeng liwanag ang mga manonood, dahil sa liwanag na inilalabas nito. Si Akari ay agarang lumutang mula ng ilabas niya ang kaniyang aura, dahil ito sa pagtaas ng wind pressure sa paligid.

At lahat ng ito ay naiipon sa palibot ni akari, ang mga manonood nga ay napanganga ng humupa na ang kanilang pagkasilaw sa liwanag kanina. At napanganga sila dahil sa lakas ng hangin na dala dala ng enerhiya ni akari. Ang pwesto nga kung saan nakalutang si akari ay mabilis na nagkakaroon ng biyak dahil sa tindi ng wind pressure sa paligid ni akari.

At ang mga natanggang na parte nito ay sumama sa hangin na pumapalibot ngayon kay akari. Dahil sa nakikita ng mga manonood ay may ilan sa mga ito ang agad tumayo at lumipad patungo sa labas ng arena. Ang mga guro na ito ay lumapag sa apat na parte ng arena. Ang mga ito ay naglabas ng aura at itinapat ang mga palad ng mga ito sa palibot ng arena.

Lumipas ang ilang sigundo ay nagkaroon ng kakaibang harang ang pumalibot sa arena. Ang harang nga na ito ang nag silbing kulungan ng dalawa na ngayon ay maglalaban sa arena. Ang mga ingay na dala ng hangin na dala dala ni Akari ay naging tahimik ng mabuo ang harang.

At ang matinding bugso nito kanina na tila ba matatangay ng hangin ang iba pang kagamitan sa stadium na kanilang lokasyon. Nang makita nga ito ng dalawang bata, ay makikitaan ng ngiti sa labi ang mga ito, na tila'y nasisiyahan sa magaganap na laban.

Si akari ay napangisi dahil sa pag-gawa ng harang ng mga guro, ang kaniyang abilidad ay masyadong mapang-wasak para matagalan ng ganitong uri ng pasilidad. Si Grey naman ay medyo nabahala sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon.

Dahil sa pag-gawa ng harang mga guro, ay liliit ang espasyo na kaniyang magagamit sa laban na ito. Inihanda niya ang kaniyang sarili dahil ngayon ay haharap siya sa laban na siya ang dehado.

Samantala si Shawn naman ay pinag-mamasdan ang kasalukuyang ekspresyon ni Grey, nakikita niya rito ang kaunting kaba, at pangamba. Batid niya ang sitwasyon nito. Dahil sa maliit na espasyo ng paglalaban ng mga ito.

Hindi katulad ng laban niya kanina, na kaya niyang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan sa tamang level ng Aura na kaniyang ginamit sa laban. Samantala si Lucy naman ay seryoso na pinanonood ang galaw ng dalawang nasa entablado.

Natalo man siya sa laban niya kanina, ay nakakuha naman siya rito ng sapat na karanasan sa pakikipag-laban. Ang laban na yun ay mag-sisilbi sa kaniyang aral. Upang sa susunod ay hindi na siya matalo pa ng kaniyang kalaban.

Ang dalawang bata ay seryoso ng nakatingin sa isat-isa, si grey ay mas binalutan ang kaniyang sarili ng kaniyang aura, at ang kaniyang mga kamay ay nagiging malamig na at handa ng mag-pakawala ng mga pag-atake.

Si Akari naman ay itinutok ang kaliwa niyang kamay kay Grey na animo'y inaa-sinta nito ang batang lalake. Si Grey naman ay hinanda ang sarili sa paparating na atake ni Akari. Nakita niya ang pag-ngsi nito.

At isang malakas na bugso ng hangin ang tumama sa kinaroroonan ni Grey. Napatayo naman ang mga guro na nakakita ng atake na ginawa ni Akari. Nag-mistulang Air Bullet ang atakeng iyun ni Akari na direktang tumama sa kinaroroonan ni grey.

Napa-atras ng atakeng iyun si Grey. At mabuti nalang dahil nasuportahan niya ang kaniyang sarili ng mag-palabas siya ng bloke ng yelo sa kaniyang likuran upang hindi siya mahulog sa entablado.

Namangha naman ang ibang mga guro sa paraan ng pag-gamit ng grey sa bloke ng yelo upang hindi siya matangay ng hangin pabagsak sa labas ng arena. Isang maayos na estratihiya para mapanatiling nasa loob ng arena.

Samantala sa loob ng arena ay makikita ang hinihingal na si Akari habang nakatingin sa batang lalake na nag-palabas ng bloke ng yelo sa likuran nito. Inasahan na niya na gagawa ito ng hakbang upang hindi matangay ng malakas na hangin.

Subalit ang ganun na uri ng hakbang ay hindi niya inasahan sa kalaban niya na ito. Mayroon itong maayos na kontrol sa aura at pambihirang kakayahan na gumawa ng yelo. Inihanda niya ang kanyang sarili. Dahil ang kaniyang kalaban ay natitiyak niya na may binabalak upang siya ay pabagsakin.

Lumipad si Akari at ang kaniyang mga braso ay kaniyang inihawi sa hangin. Dahil sa aksyon na ginagawa ni Akari ay nabatid ng mga guro na nandoon na mag-papakawala ito ng mga atake.

Dahil sa aksyon na iyun ni Akari ang mga bitak bitak na bahagi ng arena ay uma-angat sa ere at umi-ikot sa kaniyang mga braso na tila ba nag-mistulang ipo-ipo. Si Grey naman ay napa-simangot habang nakatingin kay Akari na makikitaan ng naka-ngiti na ekspresyon.

"H'wag kang mag-madali" nasabi nalang ni grey at ang kaniyang aura ay kumalat sa paligid. At sa isang iglap. Ang buong arena ay nabalutan ng makakapal na yelo. At ang mga ito ay nag-mumula kay Grey.

Natulala ang mga manonood dahil sa biglaang pag-kalat ng naglalakihang yelo sa loob ng arena. Dahil sa isang iglap ang battle Arena ay nag-mistula na isang parte ng antartica….