Sa tunog ng napakagandang trumpeta, dahan-dahang umakyat ang isang lalaki sa entablado. dahan-dahang lumuhod ang lalaki sa harap ng hari.
"Lahat ng tao sa kaharian ay maaalala ang iyong paglalakbay sa ating lugar matapang na kabalyero, makinig ka sa akin ngayon! Ang taong ito ang bayani ng bansang ito!"
Sa lakas ng utos at paninindigan ng hari, naghiyawan ang mga tao sa sobrang tuwa. Mula sa araw na iyon. ipinangarap ko ang magiging isa din akong marangal na kabalyero.
Kinaumagahan, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit biglang nasilaw sa araw
, kaya hinarang ko yung kanang kamay ko.
(* humikab* Umaga na pala, Parang inaantok pa ako, parang ang sarap matulog ulit)
Ang pangalan ko ay Zoh Koruz, ang edad ko ay apat na taong gulang, kaninang umaga ay bigla akong nagising dahil hindi kasi ako makatulog sa gabi dahil sa kati ng likod ko kaka kagat na bwuset na lamok !.
Biglang bumukas ang pinto, ng kwarto ko at ito ay aking napansin.
(* biglang ako tumigil*Teka, sinong pumasok?)
Dahan-dahan akong lumingon para tignan ito.
Anak~, bumangon ka na, umaga na! "
At... ito ay ang aking ina. Ang kanyang pangalan ay Nina koruz, ang kanyang buhok ay dilaw at ang kanyang mga mata ay itim.
"Inaantok pa ako Nay, maya na ako kakain"
Lumapit sa akin si mama na may nakakatakot na ngiti, hindi ko masabi basta nakakatakot pa sa aswang.
"Bumangon ka na baka gusto mong magalit ako sayo?"
Nakita ko naman agad yun kaya bumangon agad ako sa kama ko.
"sige sundan mo ako anak papaliguan kita"
"Ma ~, kaya kong maligo mag-isa, hindi mo na kailangang gawin iyon"
"Wag kanang makulit Zoh, hindi ka man lang makapag-scrub ng sarili mong katawan, kaya ako nalang muna mag papaligo sayo, makinig ka lang sa Nanay mo Okay!"
"* Sigh* Sige na nga "
30 minutes Later, Natapos nadin akong maligo, sakit ng katawan ko sa kaka brush ni mama sa katawan ko, dumeretso agad ako pumunta sa kwarto. Makalipas ang ilang minuto nung natapos akong naligo bumaba ako sa hagdanan at nakita ko si mama na nag hahanda ng pagkain.
"Oh nakabihis kanapala ih oh sige kumain kana dito, samahas nmo kami dito ng papa mo."
Nakita kong naghihintay si Tatay doon.
(Ah, nandito na si Tatay)
"Good morning Tatay"
"Oh, magandang umaga anak!"
Pagkatapos ay sabay kaming pamilya kumain ng mapayapa.
Pagkatapos,Iniligpit ni nanay ang mga plato. Babalik na sana ako sa kwarto ko, pero bigla kong nakita si Tatay na may dalang espada papunta sa likod-bahay.
(Ano kayang gagawin ni Tatay sa espadang dala niya baka mag train na parang kabalyero *ngumiti ako nung ibinanggit ang sinabi ko * subukan ko ngang sundan ko sya para malaman ko.)
Kaya sinundan ko si Tatay, Habang naglalakad si Dad ay bigla niyang naramdaman na may sumusunod sa kanya kaya napalingon siya. Wala siyang nakitang tao sa likod niya dahil agad akong nagtago sa barrel. pagkaraan ng ilang segundo. (*hinihingal ako* Muntik na akong mahuli ni dad, sisilipin ko lang kung andyan pa si dad) sumilip ako ng saglit pero biglang-.
"Anak, anong ginagawa mo?"
Napatalon ako sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Dad sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Tatay na seryosong nakatingin sa akin.
" Hel...lo Tay"
"Sinusundan mo ba ako, Anak? "
(Paano nalaman ni tatay na sinusundan ko siya !?)
"ah! hindi, hindi, tay....."
Biglang inilapit ni itay ang mukha niya sa akin at tinanong ulit kung ano ang sinabi niya kanina "Uulitin ko anak
Sinusundan mo ba ako??"
Kinakabahan ako at pinagpawisan pero sa huli, nasabi ko rin.
"Aahh gusto mo panoorin akong magpraktis ng espada?"
"Opo, Tatay"
Ngumiti lang si Tay at sinabing.
"Sige, papayagan kitang manood pero hindi ka pa makakapagpraktis dahil bata ka pa para dito
, kailangan mong maging 15 taon bago ka makasali sa ganitong uri ng pagsasanay. Naiintindihan mo ba?"
"naiintindihan ko tay"
Siya nga pala, ang pangalan ng tatay ko ay Matt, magkamukha kami pero medyo mas gwapo siya sakin at lagi nalang nag lalandian sila ni Mama kaya medyo nainis ako dun. Araw-araw kong pinapanood ang aking Tatay na si Matt na hanggang 8 na taon nang nagsasanay.
Isang araw sa umaga, Agad akong bumangon sa aking kama, at pagkatapos ay nag-ehersisyo ako ng sampung minuto. 10 push up at 10 sit up, natutunan ko ito dahil sa mga araw na napanood ko ang tatay ko sa training. Pagkatapos kong mag-ehersisyo, pumunta ako sa balon at naligo.
"Bakit ang lamig ng tubig dito!?, pero kanina ang init! *Sigh*"
habang naliligo ako tumingin ako sa tubig at tumingin sa katawan ko na may abs. "Heh !, gwapo ko, at hindi pa rin ako makapaniwala sa paningin ko na may abs na ko! Haha-haha"
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako sa kusina at nakita kong walang tao.
"Nasaan si Tatay?, May sasabihin ako sa kanya teka"
kaya pumunta ako at sumilip sa bintana at nakita ko rin ang aking ama na nagsasanay at nagsasanay muli ng kanyang espada, kaya pumunta ako sa likod bahay at lumapit ako kay Tatay at nagtanong.
"Tatay, pwede mo ba akong turuan ngayon kung paano gumamit ng espada?"
Biglang tumigil si Tatay sa kanyang pagsasanay at sinabing.
"ilang beses ko bang sinasabi sayo to, masyado ka pang bata para dito, bawal gumamit ng espada, 15 years old ka muna"
"Eh ?, Tay, lutang ka po ba ?, 15 na gulang na ako !."
"*nag isip ng matagal si Matt hanggang sa ma realized nya* Ay nakalimutan ko! Sorry, Medyo matanda na kasi ako eh pagpasensya mo na ako anak kaya, Anak bakit gusto mong matutong gumamit ng espada?"
"Gusto ko po kasi maging katulad mo Tay! Pero hindi pa ako malakas, pero gusto kong turuan mo ako Dad, kapag lumakas na ako agad agad kong poprotektahan ko ng baryo natin at ang bahay natin at si Mama at ikaw, Tay!"
Napabuntong-hininga si Matt at sinabing. "Tulungan mo muna maglinis ng bahay ang nanay mo. Bukas na tayo mag sasanay na tayo"
"Sige po Tatay!, at saka Huwag po kayong mag-alala Tay, kapag matanda ka gagawin kitang tungkod para hindi ka mahirapan sa paglalakad dahil matanda ka na ~"
" Gusto mo pa akong asarin. Bilisan mo!"
"KEKEKEKE Sige Tay!"
Pumasok ako sa bahay at nakita kong nagluluto si mama sa kusina kaya pumunta ako doon at sinabing
"Mama, tulungan napo kitang maglinis ng bahay."
Nagulat si nanay "May nangyari bang maganda, naging masigla ka ngayon, Anak?"
"Tuturuan kasi ako ni papa bukas na kung paano gumamit ng espada dahil malaki na ako ngayon"
Napangiti si mama, gusto niyang lumapit kaya naman lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.
"Naku, anak sige pagpatuloy mo yan pero~ pagkatapos mo mag linis tawagan mo na ang papa mo dahil kakain na tayo "
"Sige po mama!"
Kaya nagsimula akong maglinis ng bahay, pagkatapos ng isang oras na paglilinis, napagod akong umupo sa sahig
"* pagod * buti natapos din ako, sobrang nakakapagod...~"
Nagpahinga ako saglit, dumaan si Mama Nina at inobserbahan ang buong parte ng bahay kung malinis iyon.
" Grabe ang linis netoh nak ah *ngumiti* sige tawagan mo na ang tatay mo kasi nakahanda na ang hapag kainan"
"sige po mama"
Tumayo ako at tinawagan si Dad saka pumasok si Matt sa bahay at sabay kaming kumain ng hapunan. Habang kumakain kami, may sinabi si Mom kay Dad "Honey, sabi ng anak natin tuturuan mo siya ng espada, totoo ba yun?"
"Oo nasa tamang edad na siya para magtraining, wag kanang mag-alala ako na ang bahala bukas"
Pagkatapos noon, natulog kami ng matiwasay noong gabing iyon.
...Kinaumagahan, nagsimula ang pagsasanay....
-----To be Continued