Chereads / The Two blades of Shadow / Chapter 3 - The Suffer Begins

Chapter 3 - The Suffer Begins

"Anong nangyari?"

Nasaksihan ang baryo namin na, unti-unting nasisira ang mga bahay.

"Anong nayayari bakit nag karoon neto?!,

Agad ako tumakbo para hanapin ang bahay namin ngunit nang matagpuan ko ito ay tuluyan itong nawasak, walang bubong at puno ng apoy. Habang pinagmamasdan ko ang aming bahay, hindi ko napigilan lumuha dahil inakala ko na iniwan na ako ng aking pamilya. Habang ako ay patuloy na umiiyak ay meron abo na dumapo sa aking pisngi at hindi inaaasahan na ito pala ay isang baga ng apoy na naging abo.

"Aray...!, nag momoment ako dito!"

Nasaktan ako sa mainit na abo na tumama sa aking pisngi, at pagkatapos nun ay may narinig akong parang boses na hindi ko man lang na kung saan

"Saan galing ang boses?"

Napatanong ako kaya't napapikit ako kasabay nang pag kalma ng aking isip para marinig ang boses na iyon. hanggang sa may narinig ko ulit boses at sinabing

"Z- Zo----Zoh.....!!!..."

Narinig ko sa huli ang aking pangalan ( pamilyar ang boses na yon, at... galing sa loob ng bahay ng aming bahay ang boses !)

Kaya naman buong tapang na sinubukang pasukin ang bahay at pinuntahan ko ang pinto kaso sira ito.

(Hindi ako makapasok sa bahay dahil puno ng apoy, paano ako makakapasok nito?!)

Kaya nag-isip akong ng ilang segundo ay nag-isip agad ako ng paraan at ito ay... tagtalon, kaya napaatras ako

(Sana gumana to!)

Tumigil saglit ako sa pag atras at bigla akong tumakbo habang tumatakbo ako patungo sa pinto ng bahay. Nang malapit na ako ay napa sigaw sya na

"Aaaaaaaaahhhhhhhh"

Habang sumisigaw ako at habang din tumatakbo ako na parang baliw ay bigla akong tumalon sa tuktok ng apoy at lagpasan ito at para din makapasok sa loob. Pagpasok ko ay bumagsak ako sa sa sahig namin, medyo nasaktan yung pwet ko pero hindi ko na lang pinansin. Nang sinubukan kong tumayo ay nauntog ako sa mesa.

( aray ko naman... )

Kaya nilagay ko yung kamay ko sa aking ulo at ito ay aking kinamot pero bigla kong napansin na nagkakaroon na nang sunog yung buhok, kaya nanlaki ang aking mga mata kaya't tinaas ko yung kamay ko at sinimulan kong pinag hahampasin yung ulo ko hanggang sa mawala yung apoy. kanyang buhok.

"*sigh* Nakaka bwuset yung apoy, nanakit tuloy yung ulo ko sa kaka hampas ko"

Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla na lang akong umubo ng maraming beses dahil sa kapal ng usok, habang ang titiis ako sa kakaubo ay inaalala ko ang lahat ng pagsasanay na itinuro ni papa patungkol s kung paano makaligtas sa usok.

(Anak...., Tubig, dapat magkasama kayo ng tubig....)

" Nakuha ko na ang ibig mong sabihin tay"

biglang napatakbo ako papuntang kusina, kaso ang daanan ay puno ito ng apoy pero may naka isip ako agad ng plano, kaya't naghubad ako ng damit kahit mainit, ilang kong beses sinubukang pinag hahampas gamit yung hinubad kong damit sa pintuan na umaapoy hanggang sa ilang minuto ay naapula na din ang apoy, pagkatapos tuming ako sa aking damit at napansin kong nasunog ang kalahati nito. Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko lang ang isang basket na may tubig kaya pumunta ako doon at sinawsaw ko ang sunog ko damit sa tubig at pagkatapos ay humawak ako hawakan ng basket na may tubig at pinanaligo ito nang papunta na ako.

"Eh may naramdaman lang ako sa paa ko. , ano ito?"

Naramdaman ko na may maliit na pinto sa ibaba ng kusina. at may narinig akong boses sa loob nito

"Saan nanggaling ang boses na yun!"

Hinawakan ko ang hawakan ng pinto at buong lakas kong hinila at binuksan ang pinto, para tingnan kung sino iyon.

"Na...Nay...."

Nakita ko ang buhay kong pinaka mamahal kong nanay loob nito. Pero hindi ko inasaahan na dire-diretsong tumakbo si Mama sa aking direksyon dahil tatamaan ako ng sunog na kahoy. Kaya mabilis tumakbo si Mama at hinawakan niya ang hawakan ng pinto, at buong lakas niyang isinara ang pinto, at ganawa niya ito. Napahanga ako kay mama ng matapos makita ko iyon. Nahulog si Mama dahil sa pagod, at nakita niya ako na naka tulala sa kanya, at bigla niya akong niyakap

"Anak! Salamat sa Diyos at ligtas ka !"

Nang yakapin ako ni mama ito ay mahigpit na hindi sobra at syempre... napaiyak din ako dahil sa pag-iisip ko tungkol sa iniwan niya ako pero buhay at niyayakap ako ." Mama, akala ko iniwan mo na ako..."'

"Huwag kang mag-alala, poprotektahan ka ni Mommy"

Ang Mama ko na si Nina ay nag Casts siya ng Healing Magic patungo sa noo ko [Healing Spell Magic]. Pinagaling ni Mama ang mga sugatang nasunog ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, pagkatapos nun. May plano si Mama na makalabas kami sa ilalim ng lupa, kaya naghanap siya ng butas para makalabas patungo sa kagubatan. Pero biglang may pumasok sa isip ko, kaya nag tanong ako kay mama "Nay, Nasaan si Tatay?"

Tumingin si Mama sa kanyang anak at ngumiti ito sabay sabing "Wag kang mag alala anak, babalik ang papa mo"

----To be countinued