Chapter 1:Future husband
@A.P.C. MALL
NAKA-SANDAL lang ako sa pader ng A.P.C Mall at tahimik na nanonood sa isang saleslady at sa isang customer na nag-uusap.
"Miss! Puwede bang ayusin mo ulit ang shoes na 'yan? Kanina lang ako nag-ayos niyan, eh! Tapos gagalawin mo lang lahat? Umalis ka na lang dito sa A.P.C mall, kung hindi ka naman bibili!" pasigaw na sambit ng sales lady sa customer niya, the sales lady doesn't have a right to shouted her customer that way.
"Eh, Miss, kaya nga sinusuot ko para naman makasigurado ako na kasya ba sa akin o hindi," the customer replied.
"Ano ba ang silbi ng size mo?! Titingnan mo lang naman ang size!" malakas ang boses na sabi ng saleslady, may point siya pero mali naman ang sigawan ang customer niya.
Saka isa pa, responsibilidad ng isang saleslady ang e-entertain nang maayos ang customer niya at responsibilidad din niya ang ayusin ang nagulong shoes. She have the right to shouted her customer.
"Alam mo, ikaw! Ang tabas ng dila mo! Saleslady ka lang naman dito, ah!" pagalit na saad ng customer at napa-maywang na ito. Hindi na naka-pagtimpi pa ang customer at nasagad na ang pasensya nito.
"Paki mo ba, huh?!" pasigaw na tanong naman niya habang naka pamaywang din.
"Where's your manager?!" pagalit na tanong ng customer at kitang-kita sa hitsura nito ang galit.
Lumapit na ako sa dalawa, tumingin pa ako sa paligid. Maraming customers at saleslady ang nanonood. Naabala ang karamihan dahil sa sigawan nila.
"What's happening here?" malamig na tanong ko at binalingan ako ng saleslady, she raised her eyebrows at me.
"None of your business!" sigaw niya sa akin at may narinig pa ako na napamura. Hindi niya ako kilala pero may mga iilan ding nakikilala ako.
I took a deep breath and I looked at the girl with my bored eyes.
"It's my business Ms sales lady, what's your name?" chill na tanong ko at seryoso ko siyang tiningnan. Walang emosyon.
"Why are you asking my name?" supladang pabalik na tanong niya sa akin at napailing ako sa mga inaakto niya.
"I think...you are the new employee here," sambit ko at pinindot ang phone ko. Wala pang limang segundo ay nasagot na ito mula sa kabilang linya.
"Yes, madam? M-may I help you?" nauutal na tanong ng secretary ko over the phone.
"Can you please give me the biodata copies of the new employee of the A.P.C Mall? Saleslady, perhaps. I need it now and this is important. I'll give you five minutes," seryosong sambit ko at hindi ko inalis ang tingin ko sa babae.
"Who are you?" tanong niya sa akin, kalmado na ang boses niya.
"You know what Ms sales lady, anytime puwede kang tanggalin sa trabaho mo," sabi ko at napa-cross arm ako.
"So, what?"
Napahawak ako sa sentido ko, tsk! Pinapainit niya talaga ang ulo ko!
"Madam, here's the copies," napalingon ako sa nagsalita and I looked at my wrist watch.
"Three minutes and thirty two seconds, not bad." sambit ko at kinuha ang copies.
"Hmm... What's your name again, Ms sales lady?" seryosong tanong ko at inabala ang sarili sa paghahanap ng biodata niya.
"A-Andrea Crabo po," mahinang sagot niya.
Siguro natakot na siya sa akin kaya sinabi na niya ang kanyang pangalan. Ganyan nga, matakot ka sa akin. Walang kahit sino man ang lumalaban sa akin. Partida takot sa akin lahat ang mga tauhan ko. Ikaw pa kaya? Na kay bago-bago mo lang?
"Andrea Crabo, here it is. According to your biodata. You are not yet finishing your college education also high school. Grade 10 lang ang naabot mo. 21 years old, whoa! This is your first day of work!" manghang sambit ko at napapailing. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Binalik ko ang copies sa katabi ko at mataman kong tiningnan ang saleslady.
"I see, you are the new sales lady at unang araw mo lang sa trabaho mo. You didn't read the rules, don't you? Ms Crabo, ang trabaho ng isang saleslady na kagaya mo ay responsibilidad niya ang mag-entertain nang maayos sa customer niya at responsibilidad din niya ang mag-aayos ng stocks, products and etcera. Hindi 'yong mang-aaway ka ng customer natin dahil sa init ng ulo mo. Ano ang silbi ng trabaho mo bilang saleslady kung wala ka namang galang?" malamig at seryosong sambit ko sa kanya.
Napangisi ako nang makita ko siyang nanginginig na sa takot at para na siyang nabuhusan ng maraming suka sa mukha dahil sa pagkaputla niya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa labi. Nasisiyahan ako sa nakikita ko ngayon.
"Wala ka na ngang pinag-aralan, wala ka pang respeto. Tinanggap ka nang maayos, binigyan ng magandang trabaho kahit na grade 10 lang ang naabot mo," malamig na sambit ko at pati ako ay nasagad na ang pasensya ko sa babaeng walang pinag-aralan na ito.
"S-sino po ba kayo, ma'am?" Tsk!
"I am Aurora Pearls Crizanto and Ms Crabo...you're fired!" sigaw ko sa kanya, halos mapugto ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng boses ko.
Tumalikod ako at akmang hahakbang na sana nang napatigil ako ng may humawak sa magkabilang binti ko.
"Madam! Please, please! Huwag ninyo po akong tanggalin sa trabaho! Parang awa niyo na po, Madam!" naiiyak na pagmamakaawa niya sa akin.
Isa sa mga employees ko ang hindi ko gusto, iyong walang respeto at hindi sumusunod sa rules. Kung minsan ka lang palpak, tanggal ka na agad sa trabaho mo.
Isa ring advantage ng A.P.C Mall, na nag ha-hired kami ng unfinishing studies. College level, high school level or maski grade 1 ka pa lang basta may respeto ka at marunong makisama sa mga customers. Hindi kami magdadalawang isip na tanggapin ka sa trabaho. Pero kung ang ugali mo ay kasing ugali ng babaeng ito, disqualified ka na kaagad.
"M-madam parang awa ninyo na p-po. Hindi ko na po uulitin, 'wag ninyo na po akong tanggalin. M-may sakit po ang tatay ko. K-kailangan ko po ang trabaho na 'to madam..." Tsk!
"My decision is final," mariin at maawtoridad na sambit ko.
Sana sa una pa lang ay alam na niya ang consequences na mangyayari sa kanya if she broke the rules.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa paa ko at taas noong naglakad palayo ro'n. Naramdaman ko naman na sumunod na sa akin ang secretary ko.
Napahinto lang ako ng may biglang humarang sa dinaraanan namin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa humarang sa dinaraanan ko.
"Move," mariin at malamig na utos ko.
Pero ni hindi siya sumunod sa utos ko. Iniangat ko ang tingin ko at nagulat pa ako.
Damn! What an handsome guy he is?
Sumikdo naman ang tibok ng puso ko at parang lalabas ito dahil sa bilis ng pintig nito. What the hell was that?
"Problem?" malamig na tanong ko sa lalaking humarang sa akin at pinakitaan ko talaga siya ng nagagalit na emosyon. Maski siya ay madilim din ang mukha. Mahirap basahin.
"You know what, you don't have a right to judge your employee like that. Mababa man ang pinag-aralan niya ay hindi mo siya dapat pagsasabihan ng mga ganoon. Nagkamali man siya sa trabaho niya ay dapat sana bigyan mo na lang siya ng babala. Hindi iyong tatanggalin mo siya agad sa trabaho niya. Ikaw ang may ari at ikaw ang boss, kaya dapat ikaw ang makakaintindi sa mga nakakababa sa 'yo. You know what, educated ka man wala ka ring respeto. Mas masahol ka pa sa walang pinag-aralan. Pathetic woman, daeg
mo pa ang ignorant. You are heartless and ruthless," mahabang litanya niya at tinalikuran ako bigla.
I'm speechless..
"What the hell was that?!" gulat na tanong ko na may kasama pang pagmumura at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at tainga ko dahil sa galit.
"Eh, madam, na MU yata," ani secretary ko. Pumihit ako paharap sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"What MU?" takang tanong ko sa kanya.
"Misunderstanding po, madam," magalang na sagot naman niya sa akin.
"How dare him for judging me, too like that?!" galit na sigaw ko at napa-poker face lang ang secretary ko.
"DID YOU KNOW THAT FVCKING IDIOT?!" pagalit na tanong ko pero sa mahinang boses lang.
Nagsimula na kaming maglakad at naiinis pa rin ako sa lalaking iyon.
"Yes, madam, he's your future husband."
Napatigil ako at humarap ulit sa kanya.
"You mean... Dervon Veins Avelino?" hindi makapaniwalang tanong ko at namimilog ang mga mata ko.
"Sad to say, yes madam."
Oh my God! Sira na 'ata ang reputasyon ko sa future husband ko! What did I do?!
#MyWifesTears