Chereads / My Wife's Tears / Chapter 4 - First Night

Chapter 4 - First Night

Chapter 3:First night

TAHIMIK na nakaupo lang ako rito sa sofa, ang asawa ko at ang kabit niya ay baka nag-ho-honeymoon na naman ngayon sa loob ng kuwarto nila!

Napabuntong-hininga na lamang ako at pinipilit sa sarili na kalimutan ang mga nakikita ko kanina lang. Pero sadyang ayaw akong tulungan ng isip ko at paulit-ulit na nagre-replay ito sa utak ko. Pinilig ko ang ulo ko at mariin na pumikit, pero hayon pa rin ang imahe nilang dalawa. They are both naked, and my husband is on the top of that girl.

I can even hear this moaned, repeatedly. Nagmulat ulit ako ng mga mata at huminga nang malalim.

Maya-maya ay lumabas na sila sa loob ng kuwarto at napaangat ako nang tingin sa kanila.

"I'm sorry, baby. I can't sleep with you, tonight. Umuwi kasi si daddy sa bahay, bukas na lang, huh?" malambing na pagpapaalam nito sa asawa ko, napaiwas ako nang tingin nang makita kong tumingkayad siya para halikan si Dervon sa labi nito.

"It's okay, baby. Tomorrow na lang." He's so sweet to her. Ibang-iba siya kung kaharap ang babae niya.

"Okay, bye, I love you."

"I love you, too."

Damn this heart! Bakit g-ganito na lang kung tumibok ang puso ko? At grabe 'yong sakit, ah.

Alam niyo ba kung ano'ng oras na?

It's 7pm in the evening, kanina pa nga sila sa loob ng kuwarto at kanina pa akong nakaupo rito. Pagod na pagod na ako at isama mo pa ang kaninang events na nangyari.

"Masyado ka yatang nasiyahan sa wedding dress mo, hindi ka man lang nagpalit."

Bobo ba siya o sadyang tanga lang? Paano ako makakapagpalit kung wala man lang akong damit sa condo niya? At isa pa, hindi ko rin alam kung may extra banyo pa siya!

Masyado akong napagod ngayong araw, hinilig ko na lang ang sarili ko sa likod ng sofa at pumikit. Damn it! I'm tired! Parang naubusan ako ng energy ngayon!

"Hey!" dinig kong sambit niya and I took a deep breath.

"I sleep here, just go to your room," walang buhay na sambit ko at nakapikit pa rin ako.

"You didn't change your dress," aniya sa malamig na boses.

Nakaka-panindig balahibo ang boses niya. Sobrang malamig.

"Wala akong damit," sagot ko sa mahinang boses na sapat na para marinig niya iyon.

I heard his footsteps away from me. Kumulo ang dugo ko, walang kuwentang asawa!

Napamulat ako and I picked my phone on the table and I dialed his phone number.

"Yes, madam?" mabilis na sagot ng secretary ko mula sa kabilang linya.

"Can you please bring me some clothes here, Bud? Nasa condo unit ako ng asawa ko and bring my medicine, too. Make it faster," sambit ko.

"Yes, madam, give me a minutes,"

aniya and he turn off the call.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang minasahe ang kaliwang braso ko.

"Change your dress now."

Nagulat ako nang may biglang bagay ang tumilapon sa mukha ko.

Tinanggal ko ito at tinaas, isang malaking white shirt and short boxer.

"Thanks for this," mahinang saad ko at dahan-dahan akong tumayo.

Napapitlag naman ako nang may nag-door bell at ang magaling kong asawa ay dali-daling lumapit sa pintuan at binuksan ito. Bumalik siguro ang babae niya kaya atat na atat siyang pagbuksan ito.

"Who are you?" dinig kong tanong ni Dervon at malamig din ang boses niya.

Hindi bumalik ang babae niya kaya malamig ang pakikitungo niya sa kung sino man ang bisita niya.

Napailing ako as I walked towards the door and I saw my secretary.

"Oh, Bud..."

I take a looked at my phone and he's so fast, as usual.

"Good evening, madam, good evening, sir," magalang na pagbati ni Bud and no emotions written on his face too.

Nararamdaman ko ang palipat-lipat na titig ng asawa ko sa amin.

"Here's your clothes, madam, bumili na rin po ako ng medicine niyo and your foods," tinaas niya ang paper bag para makita ko 'to.

"Thanks Bud," saad ko at kinuha na sa kanya ang pinabili ko.

Kahit hindi ko sinabi sa kanya ang address ay malalaman niya kaagad. He's the best secretary, after all.

"You can come in, Bud," pag-aaya ko at tinaasan ako ng kilay ni Dervon.

"Ah...hindi na, madam. Maybe next time," saad niya at nagpaalam na sa amin, tumango na lamang ako bilang tugon.

Dervon closed the door and he turned to me with his curious looks.

"Who is he?" tanong niya sa akin.

"My secretary," simpleng sagot ko sa tanong niya.

"A boy?" nakataas na kilay na tanong na naman niya.

"Got the problem with that? Yes, he's a boy."

"And what is Bud?" Ang kulit!

"I used to call him, 'Bud'," sambit ko.

"An endearment, I see."

Nanatili ang mukha niya na walang expression, at malamig pa rin ang kanyang mga mata. He's hard to read.

"Where's your bathroom?"

"In my room," walang emosyon na sagot niya saka ako tinalikuran. Suplado!

Naiiling na pumasok na lang ako sa kuwarto niya.

Nang makapasok ako sa loob ng kuwarto niya. Puro black ito lahat, the wall and his things. Damn! Mahilig siya sa color black.

May nakita akong isang pintuan at pumasok na roon pero mali ang napasukan ko, closet niya pala.

Curious ako kung anu-ano ba ang mga kagamitan niya rito kaya naman, imbis na lumabas na ako ay mas pumasok pa ako sa loob.

Nakita ko ang maraming coat and his white long sleeve, black slack. May naka-hunger na limang doctor's coat. Binuksan ko ang isang cabinet at nakita ko ang marami niyang boxer dito. Oh my...

Binuksan ko pa ang pangalawang cabinet, at mga belt naman niya ang nasa loob.

"Whoa..."

Lumabas na lang ako at tinungo ang pangalawang pintuan.

Bathroom...

Nilapag ko muna sa sasabitan ang damit na binigay sa akin ng asawa ko, saka ako lumapit sa may sink at tumalikod sa half-mirror.

Hinawakan ko ang zipper ko sa likod, mahirap ibaba 'yon lalo na kung isang kamay lang ang gamit ko.

Dahan-dahan ko lang ito binaba. Napaigtad ako nang may humawak no'n sa zipper ng wedding dress ko at ibinaba iyon.

Ramdam ko pa ang mainit na kamay niya na pasimpleng dumadampi sa balat ko sa likuran.

Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa likuran ko. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib.

Pagkatapos niyang ibaba ang zipper nito ay naramdaman kong dumistansya siya sa akin.

"T-thank you," mahinang sambit ko at hindi siya sumagot. Tahimik na naglakad lang siya palabas.

Parang doon ko lang naalala na huminga, sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko.

Humakbang ako palapit sa shower at naligo na ako.

Hindi ko alam kung umabot ba ako ng isa o dalawang oras sa bathroom. Nahirapan pa kasi ako sa magsuot ng damit, lalo pa na shirt ito.

I only wear blouse, sleeveless and coat. Miniskirt and not pans. Doon ako komportable at mas madali sa akin ang magsuot ng ganoon. Paminsan-minsan din akong nagsusuot ng jeans.

"Why do you have this?" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak niya ang pain reliever ko. Naninimbang na tiningnan niya ako at naghihintay talaga sa isasagot ko.

"Nothing," simpleng sagot ko at kinuha ang gamot ko mula sa kamay niya.

Lumabas na ako mula sa kuwarto niya at tinungo ang mini kitchen niya. Hinalungkat ko ang dala ni Bud. He's my private secretary. Bonney Uzen Del mundo, in short Bud. He's my trusted person I ever had at parang best friend ko na siya kung ituring. Kasal na rin siya.

Guwapo? Yes, literal na guwapo siya at aakalain mong isa siyang model na maganda ang pangangatawan.

Well, guwapo rin naman ang asawa ko. Matangkad at meztiso. Makapal ang kilay, at para kang hihigupin ng mga mata siya sa paraan ng pagtitig niya. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Guwapo nga pero gago naman.

Lumapit ako sa ref at binuksan ito, kinuha ko ang pitcher at nagsalin sa baso. Isang sandwich lang ang kinain ko, at uminum na ako ng gamot ko.

Pagkatapos ko ay hinugasan ko na ang basong nagamit ko at lumabas na sa mini kitchen.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto ng asawa ko at naabutan ko siyang nakasandal sa headboard ng kama.

"What are you doing here?" tanong niya nang makita ako.

"Matutulog."

"I only have one room and you can sleep in the living room instead," Seryosong saad niya at kumunot ang aking noo.

"W-what? Why? H-hindi ba tayo magtatabi sa pagtulog?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Seriously? Patutulugin niya ako sa living room niya? May kama ba roon? Eh, puro mga sofa lang 'yon! My goodness!

"Who told you that? Sinu-suwerte ka naman yata, sa living room ka matutulo," mariin na sambit niya at binato ako ng unan.

Hindi ko ito nasalo dahil sa gulat kaya tumama pa sa mukha ko. Dahil sa lakas nang impact nito ay napaatras pa ako. Tahimik na pinulot ko na lang ito at lumabas na sa loob ng kuwarto niya.

Nanubig ang mga mata ko at hindi ko namalayan na lumandas na pala ito sa pisngi ko. Bakit ba ako nasasaktan nang ganito? B-bakit?

I walked towards the sofa and I placed the pillow on it. Maingat na humiga ako at nilagay ko ang kaliwang braso ko sa may tiyan ko.

I placed my left hand on my forehead at mariin na pumikit.

I took a very long deep breath.

This is our first night bilang bagong mag-asawa pero matutulog pa yata ako sa living room niya.

One thing I found with my husband attitude...

My husband is a fucking heartless...

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako nang kaantukan ko...

***

"What the fuck, Dervon Veins Avelino?! Pinatulog mo ang asawa mo sa living room?!" Nagising ako kinaumagahan dahil sa malakas na boses ng isang babae.

Nakahiga pa ako sa sofa at nakapikit pa. Gustong-gusto ko nang bumangon pero masyado pang mabigat ang talukap ng mga mata ko at mabigat din ang katawan ko.

"Ate! Don't shout!" dinig kong saad naman ni Dervon. Ate? Ate niya?

"Then explain this! Bakit dito sa living room natulog ang asawa mo?!" sigaw pa rin ng babae at ramdam ko na nasa malapit lang sila.

"Because I want to," balewalang sagot ng asawa ko.

"Dervon, she's your Wife--"

"Sa papel, sa papel lang, ate. Yes, kinasal nga kami in real pero sa papel lang kami kasal."

"Kahit na! She deserve respect from you! Kapatid, galangin mo naman ang asawa mo! I know that our parents forced you to marry her. Little bro, she's your wife kahit na sabi mo kasal kayo sa papel. Hindi ganyan ang pagpapalaki sayo ng mga magulang natin. Every women deserve a respect!" Kahit hindi ko nakikita ang kausap niya ay alam ko na namumula na siya ngayon sa galit.

"I don't like her," walang buhay na sabi niya lang at parang pinipiga ang puso ko.

"Damn it! Asawa mo pa rin siya! Kung malalaman ito nina dad, tiyak na magagalit sila sa 'yo. Hindi ganyan ang mag-asawa. Keep that in mind, she's the part of our family now. She's now important to us. Tratuhin mo nang maayos ang asawa mo, hindi na siya ibang tao para sa 'yo. Pareho kayong na force marriage, Dervon but you are lucky to have her. Isipin mo ako kapatid, kung ako ang nasa sitwasyon ng asawa mo. Ano ba ang mararamdaman mo ngayon? Magagalit at masasaktan ka rin, 'di ba? You make me disappointed, lil bro. Don't you know, na maraming nanghihinanyang? That knowing the lady star isn't single and she was now married with a surgeon doctor?" mahabang saad ng babae. At ano raw ang sinabi niya?

"She's heartless and ruthless, ate," W-what? Am I heartless and ruthless?

"You're wrong little brother, she's kind and amazing woman. I hate you!"

Sa tagal na pagsasalita niya ay napatunayan ko na siya pala si Diana Helen Avelino, ang eldest daughter ng mga in-laws ko at ang ate ng asawa ko.

"Oh...my poor, Aurora, her husband suck a jerk and asshole! I really hate him!" aniya at hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko.

Nagawa ko nang magmulat ng mga mata at sumalubong sa akin ang mga mata ni ate D. Disappointed and sadness.

"Ate D..." tawag ko sa pangalan niya sa mahinang boses ko.

"Yes, I am, my dear, Aurora...." Napangiti ako.

#MyWife'sTears