Chereads / Asakura Possession / Chapter 3 - Chapter two

Chapter 3 - Chapter two

Umupo kami ni Aika dito sa school canteen kahit hindi pa rin kami nakaka-order ng may biglang tumikhim sa tabi namin dahilan para sabay kaming mapalingon ni Aika.

"Aika Kasumi! Anong ginagawa mo dito?"

Biglang tanong ng lalaki kay Aika pero napairap lang siya pabalik at hindi ito pinansin.

Salubong ang kilay nito na nakatingin sa kaibigan ko, nang mapatingin siya sa gawi ko ay bigla akong napayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nang lalaki na pamilyar sa akin.

"Dito na kami nag-aaral, bakit kuya?"

Nakataas ang kilay na sagot ni Aika sa kanya.

"Oo nga pala salamat kasi niligtas mo si Seirin sa mga mukhang hipon kanina."

Nakaismid pa na turan ni Aika sa lalake magkakilala pala sila ni Aika.

Baka ito yong kinuwento ni Aika sa akin na pinsan niya na dito rin nag-aaral sa eskwelahan na pinapasukan rin namin.

"Kailan ka pa dito? Aika alam ba ito ng kuya mo?" Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Aika sa sinabi ng lalake kaya kinabahan ako, kilala ko yong kuya niya minsan ko na siyang nakita nong pinuntahan niya si Aika sa Italy kita ko na istrikto ito na kuya at walang pinagkaiba sa mga kapatid ko.

"Please don't tell him Kuya Keita alam mo naman na labag sa loob niya na pumasok ako dito." Bumaling sa akin si Aika at kiming ngumiti at saka ako hinawakan ng mahigpit sa kamay ko.

"Oo nga pala kuya, kaibigan ko si Seirin."

Pagpapakilala niya sa akin doon sa lalake na kuya niya pala.

Tumingin siya sa akin at saka naglahad siya ng kamay sa harap ko.

"Ako si Keita." Sa maikli niyang pagpapakilala.

Napilitan akong tumayo at abutin ang kamay niya at tumungo bulang paggalang pero bigla na lang parang may kuryente na dumaloy sa kamay ko papunta sa braso ko kaya bigla akong napabitaw pero hinabol naman niya kamay ko at hindi niya ako binitawan at pinisil niya pa ito na ikinabigla ko.

At pati ang puso ko ay ang lakas rin ng tibok.

"Bitiwan mo na kuya ano kaba natatakot na si Seirin sayo kumain na lang muna tayo." Saka lang niya binitiwan ang kamay ko dahil sa sinabi ni Aika, nailagay ko tuloy ang kamay ko sa ilalim likod ko.

Bigla akong hinila ni Aika paupo at inutusan niya ang kuya n'yang umorder ng pagkain para sa amin.

"Kung hindi lang kita pinsan hindi ko to gagawin para sayo!" Napakamot na lang nang ulo si Kieta dahil sa pagdila sa kanya ni Aika.

"Alam mo bihira yang maging mabait si Kuya Keita 'monster' ang tawag sa kanya ng lahat ng nakakakilala sa kanya kase saksakan ng suplado niya at misteryoso pero kung tignan ka niya kanina grabe ang lalim." Mahabang lintaya ni Aika habang ako pulang-pula ang mukha ko habang nakayuko wala naman akong masabe dahil parang na-blanko ang utak ko.

"Basta wag ka lang maging masyadong mahiyain may mga ipapakilala pa akong mga kaibigan namin ni Kuya Kieta."

Tumango na lang ako sa kanya pinsan pala niya ang lalake.

Mayamaya pa ay dumating na si Kieta at may dalang tray kung saan nakalagay ang mga inorder niyang pagkain.

Salubong ang kilay niyang tumingin kay Aika.

Wala kaming imik habang kumakain minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin na ikinapupula ng pisngi ko.

Si Aika busy sa cellphone niya base sa itsura niya ay mukhang galit siya habang nagte-text panay rin ang mahina niyang mura minsan sinasaway ko siya pero ngumingiti lang siya pabalik.

Narinig ko na may tumunog na cellphone nakapa ko ang bulsa ng palda ko pero hindi naman sa akin kaya napatingin ako kay Keita, sa kanya pala nanggaling yong tunog ng cellphone magkapareho pa kami ng ringtone.

Sinagot niya ang tawag at medyo napataas ang boses niya na ikinagulat naming pareho ni Aika.

"Aika kailangan ko nang umalis."

Sabi niya bigla na ikinaangat ko ng ulo ko at napatingin dito, ang tangkad pala niya halos kasingtangkad lang siya ni Kuya Ryuuki.

"Okay kuya masaya ako kase nagkita ulit tayo." Sabi ni Aika na nakangiti pero sinamaan niya lang ng tingin si Aika.

"I'll be going now." Turan nito at saka tumingin siya sa akin mayroong konting ngiti o ngisi ang sumilay sa mga labi niya.

"Nice to meet you again, Sweetheart."

Pagkasabi niya non ay lumakad na siya palabas ng cafeteria matagal pa akong nakatingin sa linabasan ni Keita dahil sa itinawag niya sa akin pamilyar sa akin ang tawag na iyon.

Isang tao lang ang tumawag sa akin non at yon si Kazami kaya napahawak ako bigla sa kwintas ko, siya ba si Kazami ko?

Naging mabilis ang mga araw na nagdaan sa amin ni Aika dito sa university, dalawang linggo na rin kami dito so far walang naging kahit anong problema pwera nga lang sa grupo nina Vanessa na laging masama ang tingin sa amin ni Aika, pero si Aika laging nandyan kaya hanggang tingin lang sila.

Takot sila kay Aika.

At simula rin nong nakilala ko si Keita pagkatapos niyang sumabay kumain sa amin ni Aika, bigla na lang siyang nag-paalam kay Aika na may mahalagang gagawin at mula noon ay hindi ko na ulit siya nakita pa.

Graduating na daw kase iyon at hindi na masyadong pumapasok.

Ngayong araw mag-isa lang akong papasok kasi may lagnat si Aika nakatuwaan niya kasing magpaulan kahapon kaya yon napala niya lagnat.

Naalala ko pa yong katakot-takot niyang bilin bago ako umalis kanina.

'Basta mag-iingat ka ha wag mong pansinin yong mukhang hipon kung wala lang akong sakit makakakasama ako sayo o kaya wag kana lang rin kayang pumasok'. Pakiusap niya habang nakahiga sa kama.

'Aika okay lang ako ano kaba basta magpagaling ka dito ayokong mag-absent please magpahinga ka dito maaga akong uuwi mamaya tapos i tetext kita' Sabi ko sa kanya ayaw niya pang pumayag pero napilitan rin.

Kaya heto papasok akong mag-isa may mga estyudante nang naglalakad papasok ang iba ay magalang na bumabati sa akin na tinutugunan ko rin ng pagbati, habang naglalakad ako papuntang room ko ay nakasalubong ko ang grupo nina Vanessa.

Bigla akong napaatras 'hala ano gagawin ko?' Naibulong ko sa sarili ko.

"Nandito pala siya bakit mag-isa ka lang?" Mataray niyang tanong sa akin sa sobra kong kabado kaya hindi ako nakakilos.

"Siguro hindi pumasok." Bulong nong isa niyang kasama.

"So? wala yong amazona mong kaibigan girls ano sa tingin niyo ang gagawin natin?" Bigla niyang tanong sa mga kaibigan niya na ikinakaba ko kaya muli akong napaatras.

Pero bago pa ako makakilos ay bigla akong pinagitnaan ng dalawa niyang kasama.

"Sama ka sa amin may pag-uusapan tayo girl's bilis habang wala pang masyadong tao bilis." Utos niya doon sa dalawang babaeng kasama niya.

Bigla na lang nila akong hinawakan sa magkabila kong braso at hinila papunta sa likod ng eskwelahan pinilit kong pumalag pero ang higpit ng hawak nila.

Bigla nila akong itinulak pagkarating namin sa likod ng university kaya napaupo ako sa damuhan ang sakit ng pagkakabagsak ko kaya napangiwi ako.

"Ano bang kailangan niyo sa akin wala akong kasalanan please." Pakiusap ko malapit na akong umiyak dahil natatakot na ako.

"Bitch! may kasalanan ka akala mo kung sino ka makakaganti na kami sayo kase wala dito yong kaibigan mo!" Galit na sigaw ni Vanessa.

May bigla siyang kinuha kung saan at may kahoy siyang hawak namanhid ang buo kong katawan dahil alam ko na sasaktan niya ako.

"Uy! Vannesa wala sa usapan to ha na mananakit ka sabi mo tatakutin lang natin." Biglang sabi nong isa niyang kasama na namumutla.

"Tumahimik ka! Malaki ang kasalanan nito dahil sa kanya at sa kaibigan niya kaya hindi na ako pinansin ni Keita!"

Galit niyang turan sa dalawa niyang kasama napalunok sila kaya hindi na sila nagsalita pa.

Hindi ako nakagalaw nanginginig ako at takot na takot napapikit na lang ako habang hinihintay yong pagpalo niya.

Naalala ko si mama bakit ako nandito sa ganitong sitwasyon parang mauubusan ako ng hininga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko hinintay ko na lang tumama sa akin yong ipapalo niya.

Pero biglang may tumili kaya napamulat ako ng mga mata ko.

Nakita kong napaupo si Vanessa sa damuhan at nanginginig sa takot.

"Keita bakit nandito ka?" Namumutla niyang tanong sa bagong dating nagulat ako na si Keita pala, nandito siya at kita sa mukha niya ang galit at nakatingin siya kay Vanessa.

"Sinong may sabi sa inyo na saktan s'ya umalis na kayo dito bago ko pa makalimutan na babae kayo dahil i swear mapapatay ko kayo!" Dumagundong ang malakas niyang boses galit na galit siya, mabilis na umalis sina Vanessa na takot na takot.

Bigla siyang tumingin sa akin at bigla siyang lumuhod sa harap ko, pakiramdam ko ay ligtas na ako.

Napahikbi ako habang nanginginig akala ko masasaktan na ako ng mga babaeng yon.

Bigla niya akong niyakap at inalo ang higpit ng yakap niya habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Tama na nandito na ako wag kanang umiyak sweetheart." Narinig ko pa siyang nagmura habang ang higpit ng yakap niya hindi ko maintindihan pero nawala ang takot ko sa pamamagitan ng yakap niya dahil naging kalamado na rin ang pakiramdam ko.