Ah, yes. Kapayapaan.
Narito ako ngayon sa park nagpapahinga. Dami ko kasing ginawa kahapon. Puro na lang papel kaharap ko at sa tingin ko kape na dumadaloy sa mga ugat-ugat ko.
Tumayo ako para makapag lakad-lakad sandali. Napakaganda ng panahon ngayon at ang sariwa ng hangin. Sa pag lingon ko, nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatingin sa langit habang tumutugtog ng gitara.
Sino naman kinakantahan nito?
We only live once. I need someone to talk. Tabihan ko kaya siya?
Naglakad ako patungo sa direksyon ng nakita kong lalaki. Napalingon agad ito nang maramdaman niyang papalapit na ako. Tumabi ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Bakit ka naka-mask?" Tanong niya.
"Mabaho hininga ko. Baka maamoy mo," Ani ko. Mahina siyang tumawa at tyaka umayos ng upo.
"Buti 'di ka namatay?" Natatawang wika niya. Tumingin siya sa langit at ngumiti.
"Sino nginingitian mo d'yan?"
Tanong ko. Tumingin siya sa'kin nang nakangiti.
"Kamag-anak kong alien sa outer space," Aniya at saka tumayo. Naglakad agad ito nang mabilis bitbit ang kanyang gitara.
Weird.
Umayos na lamang ako ng upo. Sa pagtingin ko sa kina-uupuan ko, napansin ko ang isang pick pendant na nakalapag. May nakasulat na Victoria at kulay itim ito.
Naiwan ata niya 'to.
Welp. Finders, keepers.
Tumayo na ako at binulsa ang pick na nakuha ko. Remembrance mo sa'kin 'to poging kuya. Kapag nagkita tayong muli, ibabalik ko sa'yo 'to.
Hindi naman ata niya ako nakilala. Naka mask ako, eh.
Tinignan ko ang pick na hawak ko. Mukhang ito ay may sentimental value. Mukhang hand made. Ang ganda. Tila gusto kong matutong mag gitara.
------