Luna's Point of View
Sa buong maghapon, apat na beses kong nakasama si Sky sa mga groupings. May mga ilang subjects ang hindi ko siya classmate. Sa lahat ng naging activities namin sa groupings, hindi ako nakarinig ng kahit anong salita mula sa kanya. Kapag groupings na, hinihila lang niya ako papunta sa pwesto ng aming grupo. Tahimik lang siya.
Masasabi kong gwapo ang Sky na ito. Maputi, matangkad, matangos ilong, at may magagandang mata. Naibalik ko na ang pick na naiwan niya kahapon sa park. May pagka suplado rin 'tong si Sky. Binalik na nga sa kanya, siya pa 'tong nagsungit sa'kin. Marami rin ang mukhang may interes sa kanya. Marami kasi lumalapit para mag tanong kung ano gagawin kahit kakadiscuss lang ng mga instructions.
Bago ako lumipat ng classroom, binilinan niya akong bumalik sa classroom nila kapag uwian na.
Natapos na ang last subject namin. Masyadong masusungit mga teachers dito. Mga classmates ko naman hindi ko maintindihan mga ugali—mga mayayabang masyado. Wala silang ginawa kung 'di mag paligsahan sa recitation. Kapag natalo ang mga sumali, magbabayad agad ng 100 pesos. Patalinuhan na nga ampeg, paramihan pa ng pera. Parang akala nila sila ang nagpapa-aral sa mga sarili nila kung mag sayang ng pera.
Tumingin ako sa relo ko at napakaripas ako ng takbo nang makita kong alas-sais na ng hapon. Ang usapan namin 5:30 sa tapat ng room nila. Ang layo pa naman ng building nila.
Malayo pa lang tanaw ko na ang nakasimangot niyang mukha. Nakahalukipkip siyang nakatitig sa'kin habang papalapit ako.
"Ano tingin mo sa akin? Yaya mo? Tutor mo ako. At kung pwede ko lang dagdagan ang ibabayad sa'kin ng parents mo ginawa ko na. Malayo pa bahay ko at may gawain pa ako." Malamig na wika niya.
"Sorry. Sa susunod hindi na ako male-late." Yumuko na lamang ako. Nilabas niya ang chord book na dala niya at binuksan ang bag ng gitara.
"Dito tayo mag l-lesson?" Sinilip ko ang classroom nila kung may tao. Nakabukas lang kasi at nasa I.D niya ang susi.
"Oo. May problema ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Eh, 'di ba ang usapan daw sabi ni mama sa bahay namin magaganap lahat ng session?" Ang alam ko nabanggit na ni mama 'yon sa kanya. Dapat alam na niya 'yon. Unless...
"Ayoko." Mariing sagot niya. Pumasok siya sa loob ng classroom at umupo sa mesa.
"Baka ano pang gawin mo sakin." Dugtong pa niya.
Ano ako, MANYAK?
"Teka lang ha. Kanina ka pa ganyan sa'kin. 'Di ba dapat mabait ka sa'kin dahil babayaran ka ng mga magulang ko?" I frowned at him. Kainis. Tila diring-diri sa tao, eh!
"Fine!" Tumalikod ako at nag walk-out. Wala na akong pake kung hindi ako matututo ng gitara. Nakakainis siya. Unang araw pa lang ganyan na agad siya. Parang kasalanan ko pa kung bakit siya naging tutor ko.
Lumingon ako nang maramdaman kong sinusundan niya ako.
"Ayoko ng madaldal." Wika niya habang nakatingin sa malayo.
Ngumiti ako agad at sinabayan siya sa paglalakad.
"Sabay tayo sa service ko, Sky ha." Tumingin ako agad sa phone ko para malaman kung parating na si Kuya Leo para sunduin ako.
"Parating na si kuya Leo. Sabay ka na lang para mas mabilis," dugtong ko.
Tinignan ko si Sky kung nakikinig ba siya sa'kin. Naka earphones pa ang kumag! Bahala siya. Kainis siya.
Huminto sa harap namin ang sasakyan ni Kuya Leo sa paglabas namin ng gate ng campus. Binuksan ko ang pinto at hinihintay na sumakay si Sky.
"Sky! Sakay na." Hindi ako pinansin ng mokong. Hinila ko ang earphones na suot niya kanina pa.
"Sa tricycle ako sasakay. Ayoko jan." Walang gana niyang sabi.
"Nako, hijo. Sumabay ka na. Malayo-layo ang bahay ni Luna mula rito. Mag dodoble pamasahe ka pag nag tricycle ka." Pagmamadali ni Kuya Leo. May pasok pa kasi siya pag tapos niya kaming ihatid.
"Sky! Sakay na. Wag na ma-arte." Inis na hinila ko ang gitara niya papasok ng sasakyan. Nakita ko sa mukha niya ang gulat at inis.
"Pag sisisihan mo 'to, Luna." Banta niya sa'kin at sumakay.
Hindi pa kami nakalalayo ng campus, narinig kong biglang naduwal si Sky.
"WHAT THE—SKY?! ANO BA?!" tinakpan ko agad ang bibig niya. Akto na kasi siyang susuka.
"N-Nahihilo a-ako sa mga sasakyan..." Bulong niya.
Inabutan siya ni Kuya Leo ng snow bear para maibsan kahit papaano ang pagkahilo niya. Kinain niya agad ang candy at sinandal ang ulo sa upuan.
"Malapit na rin tayo." Inayos ko na agad ang upo ko at tinanggal ang seatbelt. Hinawakan ko na rin para sa kanya ang bitbit niyang mga chord books kanina.
Nang makababa kami ng sasakyan, nagpa gewang-gewang si Sky.
"Hilo ka? Di mo kasi agad sinabi sa akin." I smirked. Sinamaan lang niya ako ng tingin at umayos ng tayo. Bakas pa rin sa itsura niya na sukang-suka pa rin siya.
"Pasok na sa loob." Iginaya ko siya sa sala namin. Pinaupo ko siya at pinainom ng tubig.
Umakyat ako ng kwarto para magpalit ng damit. Nag oversized shirt ako at nag jogging pants.
Pagbaba ko, nakita ko siyang maayos na ina-arrange ang mga gamit na gagamitin namin.
"Parents mo nasa'n?" Tanong niya habang nagpalinga-linga sa paligid.
"Ah. Nasa work sila pareho. Weekends lang sila nandito."
Naubo siya nang marinig ang sinabi ko.
"Really? Ok. Let's start." Hinanda niya ang gitara at chord book.
"Ayusin mo paghawak mo sa gitara. Simple chords lang muna ituturo ko sa'yo." Panimula niya. Tinuro niya sa'kin kung saan ilalagay ang mga daliri at kung ano ang tawag sa mga lines na nakalagay sa gitara ko.
"G Chord. Ang middle finger ay dapat nasa third fret ng E string." Inaayos niya ang daliri ko habang dinidiscuss kung saang part ng strings at frets ko ilalagay ang mga darili ko.
Ang sakit naman nito sa kamay.
"Now strum." Seryosong nakatingin siya sa mga daliri ko. Sinubukan kong mag strum, ngunit wala akong naririnig na tono. Tanging kaskas lang ng guitar pick sa strings ang naririnig ko.
"Ayos lang 'yan. Pakita mo sa'kin ang mga basic chords na pinagawa ko sa'yo. The Em, G, D, C, at A." Tumayo siya at pumwesto sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa daliri ko na tila ba gusto na niyang putulin ang mga ito sa sobrang seryoso ng tingin niya.
*Shows middle finger*
"Not funny." Malamig na wika niya at tumingin sa'kin nang masama.
"Sorry. Masyado kayang mahirap. Ang sakit na ng darili ko," reklamo ko. Masakit na talaga mga darili ko. Ang tigas naman kasi pindutin nitong mga strings.
"No pain, no gain, Luna. Pakita mo na lang sakin mga position ng chords. Mamaya lagyan natin ng band aid ang mga daliri mo." Seryoso siyang tumingin sa'kin. Napatitig ako sa mukha niyang naka poker face.
"Pasalamat ka, hindi kita type." Kinindatan ko siya at sinimulang ipakita sa kanya ang mga chords na tinuro niya sa'kin. Hindi ko pa rin ma-strum ang mga chord na 'yon. Ang sakit talaga sa daliri.
"Ayoko rin sa babaeng tulad mo. Focus!" Pinaningkitan niya ako ng mata at inirapan.
Malaglag sana 'yang mga mata mo. Suplado!
Natapos na ang 3 oras na session namin. Niyaya ko siyang dito na lang mag dinner, pero ayaw niya. Kahit anong pilit ko, ayaw talaga niya. Nagmamadali na rin daw siya. Hiningi ko ang Facebook account niya at nagpalitan kami ng mga numero. Binilinan na niya ako ng mga assignment. Ang assignment ko raw mapatunog yung mga chords gamit ang kantang alam ko na may gano'ng chords.
Sky's Point of View
Nakakaubos ng dugo kasama si Luna. Una, napakadaldal. Ang daming tanong at napakareklamador. Pangalawa, ang likot niya. Hindi siya nakikinig sa'kin at panay ang lipat niya ng pwesto.
—Earlier—
"Sky, nagka-girlfriend ka na ba?" Bigla siyang humarap sa akin.
"Hindi pa." Walang gana kong tugon. Really? Out of nowhere?
"Focus ka muna. Mamaya na 'yang irrelevant tsismis mo." Lumayo ako sa kanya at umupo sa malayong sofa.
"Strum. Parinig ako. Kailangan naririnig ko hanggang dito," wika ko. Bakas sa mukha niya ang gulat sa inutos ko sa kanya.
"T-teka. Sabi mo kahit pakita ko lang yung mga chords?" Aniya.
"Parinig. Ako." Nilakihan ko siya ng mata at umupo nang maayos sa sofa.
Daldal mo ah. Kanina ka pa.
Nag-strum siya ng mga random pattern. Wala akong maintindihan sa pinagagagawa niya. Hindi ko marinig ang chords na tinuro ko sa kanya at mukhang hindi niya magawang diinan ang pag-pindot sa mga strings.
Tumayo ako at inayos ang mga unan sa sofa.
"That's it. I think enough na 'yan for your first day. Next session, dapat naririnig ko na ang mga basic tunes na 'yan." Lumapit ako sa kanya at inabot ang capo na dala ko.
"Humanap ka ng kantang may basic chords at capo. Gamitin mo 'yan para mabawasan kahit konti ang tigas ng pagpindot sa strings. Develop some callouses. Gaya nito." Pinakita ko sa kanya ang mga dulo ng daliri ko na may makakapal na kalyo.
"Woah!" Sabay kuha sa kamay ko.
"Eww." Dugtong pa niya.
"Ano'ng 'eww'? Arte mo. Sige na. Uwi na ako." Inayos ko lahat ng gamit ko at saka lumabas ng bahay nila.
Inalok pa ako ng dinner, pero tinanggihan ko. Hindi kasi ako nag d-dinner.
Kinuha ko ang fb account at phone number niya para sa communication purposes.
"Luna" Ani ko habang tinatype ang pangalan niya sa phonebook ko.
---
Sa'n na ako?
Hindi ko na matandaan kung saan ang mga dinaanan namin kanina rito papasok. Masyadong malawak ang subdivision at maraming pasikot-sikot.
"Dapat nagpasama pala ako pauwi." Bulong ko habang dina-dial si Luna para magpaturo ng daan.
—on call—
"Hello, Lun—"
"Oh? Naliligaw ka 'no? Nasa likod mo lang ako"
Lumingon ako agad at binaba ang call. Nasa likod ko nga lang siya. Naka bike pa. Paanong hindi ko napansin 'yon?
"Sakay. Hahatid kita palabas." Lumapit siya sa'kin at ngumisi.
"Sasakay ako? Sa liit ng bike mo na 'yan?" Sinamaan lang niya ako ng tingin. Sumakay na lang ako para mas mabilis ang paguwi ko. Naka-angkas ako sa likod ng bike niya.
"Ang b-bigat mo," hingal na sabi niya. Pinababa niya ako at nagpasya kaming ako na lang ang mag mamaneho habang tinuturi niya ang daan.
"Salamat sa paghatid. Una na ako." Tumalikod na ako at naglakad palayo.
Nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Tinignan ko agad kung sino ang nag message sa akin.
"Luna: ingat. See you tomorrow"
I felt strange after kong mabasa ang message na 'yon mula kay Luna.
She's different. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ang hindi nagpakita ng affection or some shit attraction sa'kin. Kinikilabutan na kasi ako sa mga kababaihan sa eskwelahan namin. They all scare the living shit out of me.