Chereads / Kathang-Isip / Chapter 2 - I - Cherry and Mike

Chapter 2 - I - Cherry and Mike

Cherry and Mike

May isang dalaga na nagngangalang Cherry Lin Verde, mas kilala sa tawag na Cherry, ang naninirahan sa SK street. Dito, mag-isa niyang tinatahak ang hamon ng buhay sa araw-araw. Nagtratrabaho siya bilang isang Junior Officer sa Manila, habang part-time online instructor naman siya sa gabi.

Kilala bilang "approachable" ngunit mailap na tao si Cherry. Nakakausap at nakakabiruan ng lahat, minsan ay nahihingian pa ng payo ng mga kaklase niya noong nasa ikalawa at mataas na antas siya ng edukasyon, subalit ni isa sa kanyang mga kaklase, o kasamahan sa trabaho ay walang nakaaalam masyado sa personal na buhay ng dalaga. Ang alam lang ng mga ito ay nakapagtapos ito sa kursong Office Administration at MBA sa isang State University sa Manila. Nag-iisa lang din itong anak, at ulila nang lubos. Maliban doon, wala nang alam ang mga katrabaho niya sa kanyang personal na buhay.

Kasalukuyang naglalakad ang dalaga nang may magtanong sa kanya na isang binata patungkol sa direksyon ng lugar. Nagkataon naman na yung lugar na hinahanap ng binata ay yung lugar mismo kung saan siya pumapasok. Sa building mismo nila. Kahit na nag-aalangan kung sasamahan niya, pinili pa rin niya na maging "accomodating" sa estranghero.

"Ginoo, nandito na po tayo." wika ni Cherry sa binata.

"Ginoo talaga? Masyado ka namang makaluma." Biro pa nito sa kanya. Kiming ngiti lamang ang itinugon ng dalaga sa kanya.

"Paano, mauna na ako. Sinamahan lang kita dito sa building na ito. Magtanong ka na lang sa receptionist kung sino ang hinahanap mo, at kung saang palapag yung opisinang hinahanap mo." At umalis na ang dalaga.

***

Sa kabilang banda, narating na rin ng binata ang pakay nitong puntahan, ang opisina ng kanyang ama.

"It's been a while, son." bungad nito sa kanya pagpasok niya sa opisina nito.

"Dad, how's your health?"

"I'm good, but I also want to savor my remaining years wandering around the country. Kaya nga kita pinauwi dito sa Pilipinas para ikaw na ang humawak ng negosyo natin." Pagsisimula nito.

"Dad, bata ka pa naman, bakit naman ipapasa mo yan sa akin? You know I'm also into business, pero hindi ko pa nagagamay yung branch natin sa Cebu. Bakit mo ipapasa sa akin yung branch dito?"

"Anak, mas gusto ng kapatid mo na i-handle yung negosyo natin sa Cebu. Siya na din daw ang bahala sa branch natin maski sa Naga at Bohol."

"Kamo, taga-roon lang kasi yung nagugustuhan niya kaya mas gusto niyang i-manage yung site natin dun sa Cebu." Ang tinutukoy ng binata ay ang nakatatanda nitong kapatid. Dalawa lamang silang magkapatid, at ang kuya niya ang humawak ng halos ng lahat ng negosyo nila, nang sa gayon ay mapagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral sa ibang bansa.

"It's okay, son. At least, after years of being broken over someone who didn't deserve him, he's finally able to love again. I thought magpapakamatay pa yung kuya mo para sa babaeng niloko lang siya. And matino naman yung napupusuan niya. Not from well-off family but still decent."

"Did you do a background check on Jessica, dad?"

"Yup. Huwag ka na lang maingay sa kuya mo. He'll get pissed kapag nalaman niyang bago ko sinuportahan yung panunuyo niya ay pinaimbestigahan ko muna yung babae at pamilya nito."

"Ano pa nga bang magagawa ko, Dad?"

"Thanks, son. Naiintindihan mo naman ako, right?"

"Yeah, yeah."

***

Papalabas na si Cherry ng building kung saan siya pumapasok nang nakasabay niya sa elevator ang binata na kanyang tinulungan.

"Hey." Bati nito sa kanya

"Oh, it's you."

"We meet again."

"Yeah."

"By the way, hindi kita napasalamatan nang maayos kanina. Nagmamadali ka kasi."

"It's okay, ayoko lang kasing ma-late." Depensa niya sa sarili.

"Mukha namang maaga ka kaninang dumating." Ani nito sa kanya

"Late na sa akin yun." hindi na niya naiwasang pagtaasan ito ng kilay. "Sino ba 'to sa inaakala niya?" Tanong niya sa sarili. "Di porque tinulungan ko siya na mahanap 'tong location ng building namin mula sa may sakayan, ay aakto na siyang magkakilala kami."

"Chill. I just want to thank my savior properly."

"No need."

"Please? It's inappropriate on my part naman if di kita mapasalamatan."

"Kahit hindi na. Okay na yung thank you."

"Sige na." Pangungulit pa nito.

"Okay, fine. What do you want?"

"Kain tayo sa bakeshop sa tapat nitong building. Wala kasi akong kakilala dito, kaya gusto talaga kitang pasalamatan kanina. Kung saan-saan na kasi ako nakarating."

"Sige, basta libre mo."

"Sure!"

"Mukha namang mabait at harmless si kuya. Samahan ko na nga. Saka glass wall naman yung bakeshop. May guard din dun at CCTV. Hindi naman siguro ako gagawan nun ng masama." Wika nito sa sarili. "Isa pa, malabo naman akong magayuma nito, sa gwapo ba naman niya, di na niya kailangang manggayuma."

***

"By the way, I'm Michael Angelo Lee. You can call me Mike. And you?"

"Cherry."

"Cherry what?"

"Ay, kailangan ba buong pangalan ko?" Pasimpleng pang-ookray nito sa kausap.

"Depends. I just want to know your name. After all, ikaw lang ang kakilala ko dito, and you helped me."

"Sana pala, hindi na lang kita tinulungan." Bulong ng dalaga sa sarili.

"What?"

"Wala. I'm Cherry Lin Verde. Lin is my middle name."

"Nice name."

"Nice? Anong nice sa Cherry?"

"It's your name. Shouldn't you be proud of it?"

"Not really. Sounds common."

"It depends on the person. It's not the name that makes you special, it's you yourself. Perhaps, there's a special meaning to your parents kaya binigay nila yang name na iyan sa iyo."

"Wala na akong magulang."

"Oh, I'm sorry."

"No, it's okay."

"Wait, naka-flash na yung order number. Kunin ko muna yung food natin."

"Sige."

***

"Salamat sa food." Wika ng dalaga pagkahatid sa kanya ng binata sa may harapan ng building ng opisinang kanyang pinapasukan.

"No problem. Thank you din." Ani ng binata. "It's nice to meet you. At least may kakilala na ako." Dagdag pa nito.

"Sige na, alis ka na. Baka mahuli ka pa. "

"Okay, sa uulitin. I have to go."

"Bye." Ang tanging tugon na lang ng dalaga.

Ngumiti na lang ang dalaga bago pumasok sa building para bumalik sa trabaho.

"Sa uulitin? As if naman magkikita pa kami. Unless, pumunta yun dito para mag-apply, tapos hired siya." turan ng dalaga sa sarili.

"Teka, kung nagpunta siya dito para mag-apply, tapos ma-hired siya, saang office naman kaya?" Dagdag pa nito.

"Aish! Wag mo na ngang isipin yun, ang dami mo pang pending sa table mo!"

***

Makalipas ang ilang buwan, muling nagkrus ang landas ng dalawa. Papasok na ng elevator si Cherry nang makita sa loob ang isang pamilyar na mukha.

"Hi, Cherry." Bati ng taong nakasabay sa elevator.

"Michaelangelo?"

"Yes, it's me. I thought you've forgotten my name."

"No, no. Nagulat lang ako na makita ka ulit dito."

"Why naman?" Tanong ng binata sa kanya.

"Kasi ilang buwan kitang hindi nakita dito sa building. Naisip ko nga na baka hindi ka natanggap sa pinasahan mo.

"Why do you think of that?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Kasi nga hindi na kita nakita ulit. You asked me before about the location of the building. Sinamahan pa kita. Nakapustura ka pa, may dala kang messenger style na bag. Kaya naisip ko na applicant ka na na-declined.

"Hmm... pwede na, kaso hindi pa rin eh."

"Eh ano?"

"Tama na mali ang sagot mo."

"Ay ewan ko sa iyo. O siya malapit na ako sa floor. Bye." Wika nito sa binata bago lumabas nang tuluyan mula sa elevator. Kinawayan pa siya ng binata subalit tinaasan lang niya ito ng kilay.

"See you around."

***

Pagsapit ng 12:00 ng tanghali, siya namang pagtayo ni Cherry sa upuan para mananghalian.

"Uyy Reina, tara lunch na tayo." Aya niya sa kaopisina.

"Thanks, Che. Una ka na. Baka dito na lang ako sa table ko mag-lunch. May rush kasi ako today eh. Sensya na." Hinging paumanhin nito sa kanya. Si Reina ang madalas niyang makasabay during breaktime sa opisina. Subalit, simula nang napromote ito bilang kanilang Manager ay madalang na lang niya itong makasabay sa pagkain.

"Ayos lang. Kain-kain ka din ha?"

"Oo naman. Salamat. Kundi lang kasi kailangan to sa presentation bukas ng umaga, hindi ko to tututukan. Strict daw kasi yung bago nating VP. Ang usap-usapan sa taas ay perfectionist pa. Umalis na kasi si Sir Markus."

"Ganun ba? O siya, baba na ako. Good luck sa presentation. Kaya mo yan!"

"Salamat, Che. Eatwell."

***

Kumakain nang mag-isa habang nanonood mula sa kanyang cellphone si Cherry nang may isang tao ang umupo sa bakanteng upuan sa kanyang harapan.

"Hello, Cherry. Can I sit here?" Wika nito sa kanya sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan.

"Kung kailan ka na nakaupo at nakalapag yung pagkain mo, saka ka pa magsasabi." Tugon nito sa kausap.

"There's no vacant tables and chairs na kasi dito sa cafeteria, that's why I approached you.

"Ano pa nga bang magagawa ko. Sige na, kumain ka na diyan."

"Salamat, ikaw din. Tutok na tutok ka sa pinanunod mo. Baka mamaya di mo na matapos yung pagkain mo. Finish your meal first."

"Oo na, Sir." Pagbibigay-diin nito sa salitang "Sir" sabay bitaw sa hawak na cellphone at bumalik na sa pagkain.

***

Pagkatapos kumain ng dalawa, sabay din silang bumalik sa kanya-kanya nilang opisina. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Cherry na tanungin ang nakasabay sa mesa.

"Michael, saang floor ka ba designated? Start ka na ba sa work mo?"

"Yup, sa 23rd floor ako."

"Ah. Medyo hassle pala sa pag-akyat at pagbaba dito sa 4th floor. Diba, may kainan naman dun sa 13th na naging 14th floor?" Tanong nito sa kanya.

"Yup, but the food is quite pricey. Nagtitipid ako."

"Ganun ba? Kung sabagay. Kasi naman, magmula sa 21st floor, executive offices na yun. Mahal talaga mga pagkain dun. Balita ko nga, high-end restaurant daw ang mga nandoon unlike dito sa 4th floor na para ka lang nasa canteen or food court sa mall, medyo sosyal at malinis nga lang tignan."

"You think so?" Tanong nito sa kanya.

"Yup. Sabi yun ng friend ko sa work. Nagpupunta siya sa Executive Offices kapagka may monthly deliberation eh. Baka mas mapadalas pa yun doon."

"May I know kung who is that friend of yours? A Manager? Or perhaps, a Director?

"Manager namin. Na-promote eh. Hindi ko na nga halos makasabay yun sa breaktime. Marami daw kasing pinagagawa ngayon, lalo na at may bago kaming VP sa Executive Office."

"A guy?"

"Babae. Bakit? Pag Manager ba or Director lalaki lang ang pwede?" May himig sarkasmo na sa tono ng pananalita ng dalaga.

"No, it's not like that. My fault."

"Sensya na din. Na-carried away lang. Kasi alam mo na, kahit na modern day na ngayon, there's still stigma sa mga women attaining higher position in the workplace."

"It's okay, apology accepted." Sabay ngiti ng binata. Ngumiti din pabalik si Cherry dito

"Anyway, where did you hear the news about the new VP?" Balik na tanong nito.

"Sa kaopisina ko nga. Di nakikinig."

"Kidding." Tinawanan lang siya nito. "Anyway, have you guys met the new officer na sinasabi mo?"

"No. Not yet pa. Sana lang, mabait din siya gaya nung dati naming VP."

"Bakit? May gusto ka ba sa dating VP?"

"Of course not! Hindi ko nga kilala yun personally. Hello? VP yun, Michael! VP!"

"You can call me Mike, Cherry. Michael sounds too formal on you."

"We're not colleagues nor friends, so why should I call you by your nickname?"

"Basta. Call me Mike, then I'll call you Che from now on. Is that okay with you?"

"Alright, it's just a name."

"Great." Nakangiting turan nito sa kanya. "Back to the topic, gusto mo ba ng mabait?" Tanong ulit nito.

"Not really. I want a true, transparent, and an honest person."

"Whoa. It's quite hard sa panahon ngayon."

"Yeah."

"Don't worry, if the intention is pure, that person will be true, transparent, and honest with you. It's easy."

"Easier said than done, Mister."

"Mister? I like that. I'll call you misis na ba? Not Che and Mike?"

"Ewan ko sa iyo! O siya, dito na ako. See you." Sabay tapik nito sa braso ng binata bago lumabas ng elevator.

"See you around, Che-che." Nginitian pa siya nito habang papasara ang elevator.

***

Pagbalik ni Cherry sa mesa nito, may nakita siyang sobreng puti na nakapangalan sa kanya. Dahil oras ng trabaho, nilagay lamang niya iyon sa cabinet, sa pag-aakalang notice of recognition lamang ito sa kanya. Buwan-buwan kasi siyang nakatatanggap ng commendation letter sa pagiging maagap at walang liban sa trabaho.

Sa paglipas ng mga araw, nagiging malapit na ang dalawa, nang di namamalayan ng dalaga. Nakakagaanan na nila ng loob ang isa't-isa, at sabay din sila kung managhalian at kung minsa'y, magmeryenda sa cafeteria.

Isang araw, naisipan ni Cherry na bumisita sa 23rd floor para ayain si Mike na mananghalian. Tinawagan niya sa cellphone ang binata dahil hindi niya nahingi ang local number nito sa opisina.

"Hello, Sungit. Napatawag ka?" Bungad ng binata pagkasagot nito ng phone.

"Sungit ka diyan! Labas ka dito. Nandito ako sa floor ninyo. Lunch na tayo. Past 12 noon na."

"Oh, shoot! I didn't know it's already lunchtime! On-going pa yung meeting namin. Can you wait for about 5 minutes? Libre ko kahit saan mo gusto. Sorry!" Hinging paumanhin nito sa dalaga.

"Hala, sensya na! Ako na lang ang kakain, sorry, I didn't know, tumawag pa ako." Balik-paumanhin nito sa binata.

"No worries, I'll wrap this up lang. Magla-lunch din naman kami. Will you wait for me, Sungit? Saglit lang 'to, I promise."

"Okay, hintayin kita. Dito lang me sa receiving area."

"Ayaw mo mag-wait sa office?" I'll tell the receptionist na papasukin ka, since dito ka naman talaga nagwowork."

"Hindi na. Dito na lang ako. Bilisan mo diyan ha?"

"Alright."

***

"Thank you sa libre! Nabusog ako!" Wika ni Cherry pagkatapos nilang kumain.

"Did you like the food?" Tanong ni Mike sa dalaga.

"Yup! Kaso ang mahal! Yung meal ko lang alone, isang araw ko nang sahod yata yun."

"It's nothing compared sa paghihintay mo. Thank you, because you waited for me."

"Yeah. Ang lamig sa inyo! Grabe, naka-turbo ba ang HVAC sa floor ninyo?"

"I don't know, why didn't you tell me?" Sabay patong ng coat nito sa kanya.

"Anyway, gusto mo sa 14th floor na tayo kumain starting today?"

"Sige, basta libre mo."

"Sure."

"Joke lang! Kahit libre mo ayoko. Masyado naman akong abusado 'pag araw-araw. Mga every other day or once a week siguro, hahaha! "

"It's okay."

"Lakas mo gumastos ha?"

"Ayos lang."

"Ayos lang ka diyan? Ikaw ba nagse-save? Baka namumulubi ka na, madalas mo akong ilibre. Tinatablan din ako ng hiya, Mikey."

"It's okay. It's nothing, actually."

"Yabang neto, hmp."

"Honest lang sa iyo."

"Sus!"

***

Pagbalik ni Cherry sa table niya, may nakita na naman siyang white envelope. Binuksan na niya ito at binasa. Tama rin ang kutob niya, isa itong tula na isang taludtod lamang at may limang saknong, na may personal na mensahe. Sa hindi malamang dahilan, imbes na kilabutan dahil sa estranghero na nagpapadala ng envelope na may lamang "card" sa loob, natutuwa at kinikilig pa siya sa mensahe nito. Sa katunayan, inipon pa niya ang mga natatangap na card mula sa estranghero, bagay na hindi pa niya ginawa sa mga naunang manligaw sa kanya, na kung saan lahat ng ibinibigay ng mga iyon ay ipinamimigay niya lang din sa mga kakilala niya.

"Maaari bang manligaw, binibini?" Basa ni Cherry sa mensaheng nakasulat sa card.

"Manliligaw?" Teka, sino kaya ang estranghero na 'to? Bakit parang kinikilig ako?"

"This is not you, Cherry. Kalma ka nang konti." Habang tinatapik ang magkabilang pisngi.

"Aba, magpakilala muna siya! Hindi ako madadaan sa sulat at tula lang!" Turan pa niya sa sarili.

"Hmm... matanong nga mamaya 'tong mga kasama ko dito, kung sinong nagpapatong ng envelope sa table ko." Dagdag pa niya. Itinabi niya lang ulit sa cabinet ang natanggap na envelope.

"In fairness kay Mikey, mukhang malinis sa gamit. Bango ng coat oh!" Habang inaamoy-amoy pa ang coat na hawak.

"Makapagpa-laundry nga mamaya at nang maisauli 'to kaagad. Ugat ng isyu' tong coat na ito eh. Palibhasa, halatang mamahalin!" Ang tinutukoy ng dalaga na issue ay yung nangyari pagpasok niya sa opisina nila. Pinutakte agad siya ng tanong sa kung sinong nagmamay-ari ng coat na suot niya. Pati tuloy ang taong nakakasabay niya sa 4th floor sa cafeteria ay inusisa na ng mga kasamahan niya sa trabaho.

"Che, sabay tayo maglunch next week." Aya ng katrabaho at kaibigan na si Reina.

"Sige ba. Sabihan ko na si Mikey na tatlo tayo. Teka, okay lang ba sa iyo na may isasama ako?"

"Yun ba yung pinagpalit mo sa akin?"

"Sira! Loka ka. Iyon yung naikuwento ko sa iyo na nagtanong ng direction. Yung nanlibre at nagbigay ng isang cake sa akin as reward. Madalas kong kasabay 'pag breaktime."

"Ayos lang. Ipakilala mo sa akin yan, nang makaliskisan natin. May naaamoy kasi ako eh."

"Pati ba naman ikaw, issue din?" Biro nito sa kausap.

"Hindi naman, pero iba talaga pakiramdam ko sa inyo. Feeling ko, may something. Baka nga maging third wheel lang ako sa inyo. Kayo na lang kaya mag-lunch?"

"Hmp! Walang something sa amin. Mabait lang talaga si Mikey, alaskador nga lang. Hindi halatang nasa executive office siya nagtratrabaho sa ugali niya. I wonder nga kung anong position niya. Pinakamababa doon sa executuve offices ay Executive Assistant, diba?"

"Yup, pero hindi biro ang credentials dun."

"Matanong nga si Mikey kung anong position niya dun."

"What?! Higit sa kalahating taon na yata kayong magkakilala, may tawagan na, ni hindi mo pa alam yung position niya dito sa pinapasukan natin, gayong nasa iisang kumpanya lang kayo?! Nakakaloka ka!" Tanong nito sa kanya

"Eh sa hindi ko naitatanong eh. Nawawala sa isip ko. Importante ba yun? Ang napag-uusapan lang namin is mga trabaho namin, stress, goals, about life, saka kung anong nangyari so far sa mga daily lives namin. That's what friends are for."

"Nag-uusap na kayo tungkol sa personal lives ninyo, pero position niya sa work di mo alam? Saka friends? May friends bang ganun? Siya ba, alam niya job position mo dito?"

"Hindi. Hindi naman niya tinatanong eh."

"Nakakaloka kayong dalawa! Hay naku, sasabay na lang ako kina Rex next week. Labas tayo this weekend ha? Huwag kang tatanggi!"

"Sige."

***

"Mike, okay lang ba sa iyo na sumabay minsan sa mga kaopisina ko pag kakain tayo? Para makilala mo din sila. Kasi kahit papaano, nakakasabay ko nang kumain mga kaopisina mo. Saka kilala ko na sila by name." Tanong ng dalaga habang kumakain sila ng tanghalian. Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang huli silang magsabay kumain dahil sa out-of-town conference na dinaluhan ng binata.

"Sure, it's okay. Kailan ba?" Nakangiting tugon ng binata dito.

"Sabihan na lang kita. Para maipakilala naman kita. Ginagawan na nila tayo ng issue eh."

"What issue?" Tanong nito sa kanya.

"May something daw sa atin. More than friends daw tayo. Sabi ko nga hindi naman. Malisyoso lang talaga sila mag-isip. Pasensya ka na."

"What if, tama sila? Anong gagawin mo?"

"Tama ang alin?"

"Tama na may something sa atin?"

"Hay naku! Ayan ka na naman sa joke mo! Huwag mo nga akong bibiruin nang ganyan. Hindi magandang joke yan."

"Pwede naman nating totohanin, pabor na pabor iyon sa akin."

"Hmp! Lakas ng trip nito! Isa ka pa!"

"Hindi naman kasi biro yun, Cherry." Sabay titig ng seryoso sa dalaga.

Sa unang pagkakataon, kumabog nang malakas ang dibdib ng dalaga sa paraan ng pagtitig ng binata sa kanya. "Michael, hindi na ako nagbibiro."

"Miss Cherry Lin Verde, I'm not joking as well. I thought my subtle signs and action towards you, showing how serious I am to pursue you, will give you hint that I'm into you. You thought I'm joking, right? But I'm not. The letters, poems, cards? The lunch, snacktime, and dinner time we spent together? Me being myself only to you, it's no longer a joke. I'm me whenever I'm with you. Gusto kita, sunget." Mahabang litanya nito sa kanya.

"What..." Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman.

"I'm not sorry for the way I convey my intentions. My intention is clear, it's just that you're always make fun of me every time sasabihin ko yung nararamdaman ko sa iyo. Sasabihin mo joke. Tapos magagalit ka. Kaya dinadaan ko na lang sa biro. Natotorpe ako sa iyo, akala mo ba?" Dagdag pa nito.

"Wait, so you, la-like me? Me? As in me?!"

"Yes, crystal clear."

"Aren't we friends?"

"For Me? Nope. Ikaw?"

"Bakit parang doubtful ka?"

"Because I never treated you like one."

"What?!"

"I don't know if I should be thankful that you're really dense, but it makes my head ache sometimes. Ang hirap mong paliwanagan, mabuti na lang at gusto talaga kita."

"Are you implying that I'm stupid?"

"Of course not. Hindi stupid ang Cherry ko. Hindi ka makakapasok dito in the first place kung stupid ka. At lalong hindi ka magkakaroon ng commendation for your performance kung tanga ka."

"Cherry ko ka diyan? Am I your possession?"

"Nope. Hindi ka bagay, but you'll be mine, someday. Bagay naman tayo, don't worry."

"Grabe, taas ng confidence ha? Akala ko ba, natotorpe ka?"

"You think it's easy for me to confess? You're pretty mistaken, my lady."

"So, hindi talaga tayo friends? Hindi mo ako itinuring na kaibigan? Habang ako, parang best friend na ang turing ko sa iyo?"

"I told you several times before, we're not just friends. I never treated you as a friend, love."

"I thought kasi we're best friends, kaya mo sinasabi yun before."

"That's why I'm being clear with my intention towards you this time. I want us to me more than best friends, if iyon ang tingin mo sa akin. I don't want to be ambiguous anymore. Ayoko ng friends, at lalo ng best friends. Liligawan kita. Anong gusto mong way?"

"Ligaw agad? Pinayagan na ba kita? Saka hindi pa tayo, may pa-my lady and love ka na! Bolero!

"Bakit? Hindi ka ba papayag na manligaw ako? Saka I'm not bolero. I'm just expressing what's on my mind." Tanong muli ng binata, mahihimigan pa rin dito ang pang-aalaska sa kabila ng kaba na mababakas sa mga mata nito.

"Give me some time, okay? Hindi ko ma-process lahat eh. Pakiramdam ko, tinraydor mo ako. I thought we're close friends. For the first time, I found someone that I can trust from the opposite gender. I don't know. Hindi ko na alam mararamdaman ko. Excuse me, Mike." Sabay tayo ng dalaga mula sa kinauupuan nito.

"Sungit, wait!" Habol ng binata sa dalaga.

"Huwag mo akong susundan! Kundi, friendship over na tayo!"

"We're not friends nga, Cherry! I don't want us to be just friends!"

"Di, relationship over na!"

"Hindi pa tayo nagsisimula, kaya walang matatapos! Hindi rin ako papayag na matapos tayo!"

"Heh!"

***

"Cherry, may envelope na naman na addressed sa iyo. Pinatong ni Jenny diyan sa table mo." Bungad ng katrabaho niya pagpasok sa opisina.

"Ang taray ha? May pa-SB na this time as breakfast sa iyo. Yung totoo, manliligaw mo yan ano? Sino dito? Kilala ba namin? Tagal nang may nagpapadala sa iyo ng cards and letters ha? This time, may pakain na."

"Kaya nga eh, ang tiyaga ng suitor mo ha? Kailan mo planong sagutin? Ipakilala mo naman sa amin yan. I'm sure dito din nagwowork yan. Saang division?" Tanong ng isa pa niyang kasamahan sa division.

"Sa inyo na itong cake. Paghatian na ninyo." Sabay abot ng isang buong cake sa mga kasamahan niya. Tanging ang card at kape lamang ang kinuha niya.

Magda-dalawang buwan na simula nang huling makita at makausap ni Cherry ang binata. Simula din noon ay hindi na nagpakita, ni ang tawagan siya ay hindi nito ginawa, subalit walang palya ang pagpapadala nito ng cards at envelope na halatang may liham sa loob. Gaya din ng sinabi ng mga katrabaho niya, nadagdagan pa ito ng pagkain. Subalit tinatabi niya lamang ang mga sobreng natatanggap mula sa binata, at hindi niya binubuksan para basahin ang mga laman niyon, habang ang lahat ng pagkain naman na natatanggap niya ay ibinibigay niya sa mga katrabaho niya.

"Kailan kaya magpapakita yung Mikey na iyon? Hindi sumasagot sa text ko, palaging out of coverage area kapagka tinatawagan ko. Akala ko ba manliligaw siya? Bakit walang paramdam? Asan na ang panliligaw? Yung letters? Cards? Poems? Foods? Nakakainis!" Wika ni Cherry sa sarili habang nakaharap sa monitor.

"Ayaw mo sumagot? Hindi ka nagpapakita? Fine! Manghosting ka na! Diyan naman kayo magaling! Bwiset!" Sabay pabagsak na ipinatong ang hawak na cellphone sa mesa.

"Aish! Focus sa work. Focus!"

****

"Che, pupunta ka ba sa Anniversary Celebration ng Company natin?" Tanong ng kaibigan na si Reina habang kumakain sila sa cafeteria.

"Baka hindi ulit, tinatamad ako eh. Gastos lang yan." Tugon nito sa kausap.

"Ano ka ba? Sa ilang taon mo na dito na nagtratrabaho, ni isang beses hindi ka pa nakadalo sa Annual Celebration. Sayang naman, yearly pa naman may award ka." Nakakapagod kayang umakyat ng stage bilang sub mo ha?"

"Nakukuha ko naman yung certificate ko sa iyo, at nacre-credit naman sa payroll account ko yung monetary incentives ko, so ayos lang."

"Sayang naman girl! Black and Nude ang motif this year. Punta ka na. Less gastos compared last year na victorian style ang motif. Akong bahala sa itsura mo. Magagawan natin ng paraan yung height and figure mo."

"Na walang curve and dibdib?"

"Yup! Magagawan natin ng way yan!"

"Kainis ka! Masyadong direct to the point ha?!"

"That's what friends are for." Nakangising turan ng kausap.

"Bwiset!"

***

"Che, bagay sa iyo! Gumanda ka ngayon! Halos hindi kita nakilala!" Ani ng kaibigan matapos siyang maayusan sa salon.

"Parang sinabi mong pangit ako ha?" Sagot nito sa kausap

"Hindi naman. Hindi ka lang pansinin. Pero ngayon, ang ganda mo!"

"Tigilan mo ako sa ang ganda mo ngayon ha?"

"Oo na! Sunget netong bruhang 'to! Palibhasa ngayon lang gumanda!"

"Kaibigan nga kita. Ang lakas mong mang-okray matapos mo akong tulungan eh!"

"Ganun talaga, girl. Buti na lang, mas maganda ako sa iyo."

"Tch. Anyway, salamat pala sa pagsama sa akin sa Mall para makapagpaayos at makapamili ng mga kakailanganin. Jusko, kung ako lang, wala na. Nagsayang na ako ng pera!" Wika nito sa kaibigan.

"Oo nga eh. Medyo conservative ka kasi manamit."

"Pero hindi ba medyo revealing yung damit ko? Hindi ako sanay."

"Hindi yan! Gusto ko nga yung neckline at collarbone mo eh, kahit wala kang dibdib at kurba. Kung matangkad at may kurba ka lang sana, pang-rampa ka na." Buti na lang at madadaan sa heels ang height."

Ang tinutukoy nitong damit ay isang Bateau neckline dress na kulay nude. Bumagay sa kanya ang nabili nilang dress sa isang department store. Pencil-cut style na may slit pero disente pa ring tignan. Bumili din siya ng contact lens na may grado kapalit ng salaming isinusuot niya sa trabaho. Pinarisan niya ito ng apricot ponted heels na nakadagdag sa height niya.

"Tama na Rein, huwag mo nang dagdagan yung sasabihin mo. Ayos na ako"

"Ang sexy mo tignan ngayon, kahit hindi ka curvy. Buti na lang maputi ka!" Pang-aalaska ulit nito sa kanya.

"Isa!"

"Heto na nga madam, mananahimik na." Ani nito habang inaayos ang kanyang buhok.

***

"Rein, sure ka ba na okay lang ang itsura ko?" Tanong kaagad ni Cherry sa kasama pagkarating na pagkarating nila sa venue.

"Oo nga. Nakailang tanong ka na. Chill ka lang! Relax!" Sabay tapik pa nito sa magkabila niyang balikat.

Habang naglalakad papasok, hindi maiwasan ni Cherry na kabahan - kaba na hindi niya alam kung saan nagmumula, kung sa suot at itsura ba niya na hindi niya nakasanayan, o sa iba pang dahilan. Pakiwari niya'y may hindi magandang mangyayari sa araw na iyon.

***

Kasalukuyang umiinom si Cherry ng cocktail drinks nang may lumapit sa kanya at inabot ang isang puting sobre na halatang may card sa loob. Napagpasyahan niyang uminom mag-isa, nang ang kanyang kaibigan ay kinailangang umalis upang makipag-usap sa mga opisyal ng kanilang kumpanya. Matapos magpasalamat, tinanggap niya ang puting sobre at inilagay lang ito sa bitbit na black pouch.

"Pati ba naman dito, may pasulat pa rin? Bakit kasi hindi na lang magpakita ang ungas na yun?! Hindi sulat at tula niya ang kailangan ko!" Asik nito sa sarili, habang dire-diretsong nilagok ang drinks mula sa baso. Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang mag-vibrate ang cellphone nito.

"You're not drinking water, love. Drink in moderation." Iyan ang message na rumehistro sa natanggap niyang SMS.

Biglang nabuhayan ng loob ang dalaga, dali-dali siyang luminga para hanapin ang binata, subalit hindi niya ito makita. Kinuha niya ang cellphone at di-nial ang numero ng binata, subalit nagri-ring lang ito sa kabilang linya.

"Aish! Fine! Kung ayaw mong sagutin, bahala ka na nga sa buhay mo!"

Ilang minuto ang makalipas, nag-vibrate muli ang cellphone niya. "Sorry love, I wasn't able to answer your call. Have to talk to the investors and VIPs. It's quite noisy here as well. Will talk to you in person later. I'll take you home too. Take care while I'm gone." Ito ang mababasa sa mensaheng kanyang natanggap.

"Sorry, sorry! Talk to you later? Hmp! As if naman! Talk to my hand ka mamaya!" Sabay inom muli ng cocktail drinks na hiningi niya sa bartender.

***

"Before we start our main events, let me introduce you to our newly appointed Vice-President for Corporate Affairs, Atty. Michael Angelo Lee. Give him a round of applause!"

Pagkarinig na pagkarinig ng pangalan ng binata, wari'y nablangko na ang buong paligid ni Cherry. Wala na siyang naririnig. Para na ring nag-slow motion ang lahat. Ang atensyon niya lang ay nasa binata habang naglalakad ito paakyat sa stage, nang magsimula itong magsalita, hanggang sa matapos ito. Kahit nung tawagin siya para gawaran ng parangal bilang ulirang kawani ng kanilang dibisyon, ay hindi na niya ito napagtuunan pa ng pansin. Natauhan lamang siya nang makita ito na papalapit sa kanya at gawaran siya ng halik sa pisngi.

"Congratulations, Love." Pasimpleng bulong nito sa kanya.

Sa inis, pasimple niya rin itong inapakan sa paa. Bumalatay ang sakit na naramdaman ng binata sa mukha nito, habang pigil naman ang inis at bigat na nararamdaman ng dalaga sa kaharap.

"Piss off." Turan nito sa binata, sabay alis sa harapan nito.

***

Matapos ang formal event, napagpasyahan ng dalaga na umuwi na lamang kaysa sa tapusin pa ang pagdiriwang.

"Rein, mauuna na ako sa iyo, hanggang anong oras ka pa dito?"

"Ano ka ba, Che? Ngayon pa lang kaya ang simula ng party! Maya-maya lang, may banda nang tutugtog!"

"Una na ako, magta-taxi na lang ako."

"Seryoso ka, taxi? Hintayin mo na lang ako. Kung bored ka na, inom ka lang dun sa mini bar. Ako naman magdra-drive eh."

"Gusto ko na kasi talagang umuwi friend."

"Wait, give me-

"Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi." Ani ng isang taong kanina pa niya iniiwasan, sabay hawak sa likuran niya.

"Hi, Sir! Finally, nakilala din kita! Ikaw yung kasa-kasama ni Cherry during break, right? I'm Reina, her friend na madalang na lang niyang makasabay sa break since I got promoted. Inagawan mo ako ng kasabay kumain sa opisina, Sir."

"I'm Michael. I'll take good care of Cherry. You can continue what you're doing. Enjoy the night."

"Aye-aye, Sir! Alagaan mo yung friend ko ha?"

"Sure."

***

"Michael, bitiwan mo ako. Ano ba!" Sabay haltak ng braso nito mula sa binata.

Papalabas na ng venue ang dalawa nang magsalita ang dalaga. Pigil pa ang emosyon niya dahil sa samu't-saring nararamdaman. Idagdag pa na nasa kanya ang atensyon ng halos lahat ng taong nasa venue simula nang lumapit sa kanya si Michael.

"Where's the Mikey, Love?"

"Leche! Mikey ka diyan? Pagkatapos ng mga nangyari at ng mga nalaman ko, may lakas ka pa ng loob na humarap sa akin?!"

"What did I do this time, Cherry?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala yung bago naming VP, ha? Kailangan talaga malaman ko pa sa mismong event? Paano kung hindi ako pumunta? Di hindi ko alam! At hindi rin kita makikita nang personal kasi wala kang paramdam!"

"Sabi mo manliligaw ka! Pero pagkatapos mong umamin, hindi ka na nagpakita pa! Dinaan mo na lang lahat sa sulat, tula, at pagkain! Ni wala kang reply sa mga text at missed calls ko!"

"Sabi mo rin gusto mo ako, pero bakit hindi ka nagparamdam ng higit dalawang buwan? May gusto bang natitiis mo yung taong hindi mo makita, makusap, o makasama man lang?! Puro salita at tula ka lang ba?!

Habang galit na nagsasalita ang dalaga, siya namang tahimik ng binata, habang titig na titig sa kanya.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Tama ako no? Paasa ka lang. Hanggang salita ka lang! Sagot!"

"Love, nakikinig ako. I don't want to interrupt you while you were talking." Paunang salita nito.

"First, I'm sorry for all the wrongdoings that I've done. I sincerely do."

"I didn't hide anything from you. I never hide anything from you as soon as we met. That's the real me. Kung ano yung pinakita ko sa iyo, iyon ako. Lahat ng ibinahagi ko sa iyo from childhood to college life, even my journey sa ibang bansa? It's all true. My position as VP? I told you that in my letter. Yung buod ng mga pinagkakaabalahan ko this past two months, sinasabi ko sa iyo via letter. Natatanggap mo naman yung mga liham ko, diba? I'm sorry if I was not able to tell that in person, sa letter ko na lang idinaan. Pero Cherry, believe me, wala akong itinago sa iyo."

"Yeah." Bored na tugon ng dalaga. Halatang inis pa rin ito sa kausap.

"I was in States these past two months as well. May dinaluhan akong conference saka business meetings. I also grab that opportunity not only to expand the business, but to give you some time as well. Kasi sabi mo bigyan kita ng time. That's the reason why I also resist the urge to call you back nor reply to your messages kahit sobrang hirap. Dinaan ko na lang sa sulat yung pagka-miss ko sa iyo. In fact, kauuwi ko lang kaninang hapon, kaso nang nalaman ko na dadalo ka, dumiretso na ako dito. Akala ko naman may matatanggap akong warm hug, iyon pala aapakan mo pa ako. Ni hindi mo pa ako nginitian."

"Wait, what? Wala ka pang pahinga?! Eh bakit pumunta ka pa dito?!" Hindi na naiwasan na magtaas ng boses ng dalaga. Bakas na din ang pag-aalala dito.

"Kasi nga, gusto kitang makita."

"Pwede naman bukas sa opisina, di'ba? Hello!"

"Not possible, may flight ako mamayang 5:45 am papuntang Cebu. I have to talk to my older brother there regarding sa business."

"What?! So hindi ka mananatili dito sa Manila?!"

"No, love. I'll stay there for a week. Then I'll visit the other branches for the same reason. Saka pa lang ako babalik pagkatapos nun. Don't worry, I'll call you daily."

"So paano ka makakapagpaliwanag sa akin nang lahat-lahat? Paano ka manliligaw?!"

"Sa phone ako magpapaliwanag kung hindi tayo matatapos ngayon? Or pagdating ko?"

"Gusto ko in person!"

"Ibig sabihin ba niyan, payag ka nang ligawan kita?"

"Hindi noh! Curious lang ako kung anong gagawin mo if ever. Saka yung pagpapaliwanag mo ang concern ko." Pataray na sagot nito.

"Ano bang gusto mong panliligaw? I'll do your choice of courtship. Kakain daily sa cafeteria? Harana sa opisina? Flowers daily?"

"Don't you dare do the harana sa opisina, naku!"

"My father told me to be a gentleman kasi doon daw niya napasagot ang mom namin," Panimula nito habang hinahaplos ang ulo niya. "habang ang kuya ko naman was advised me to be quite bold in pursuing you kasi doon niya naman nakuha ang sister-in-law ko. Parang mas gusto ko tuloy sundin yung sinabi ng kuya ko. Pinamimigay mo lang yung mga pinadadala kong pagkain para sa iyo eh."

"Sobrang dami naman kasi! Kape lang okay na ako! Saka, how did you know all of that?! Are you spying on me?!"

"Hindi naman. Pinababantayan lang kita."

"Same lang yun!"

"Hindi mo rin yata binabasa yung mga pinadadala kong letter at cards sa iyo, kasi hindi mo alam na ako na ang bagong VP ninyo, samantalang nandun iyon sa unang card na ipinadala ko sa iyo pagkaalis ko ng bansa. Tapos aawayin mo ako na hindi ka updated sa akin." Dagdag pa nito.

"Binabaligtad mo na ba ako ngayon, Michael?"

"Hindi, love. Never." Nakangiting turan nito sa kanya, sabay hawak sa palapulsuhan niya.

"Marami kang ikukuwento sa akin!"

"Okay, Ma'am!"

***

"So ibig sabihin, alam na ng father mo na may nagugustuhan ka na, at gusto niya akong makilala in person?"

"Yup!"

Kasalukuyang nag-uusap ang dalawa habang nasa sasakyan. Napagpasyahan ng binata na ikuwento sa dalaga ang lahat ng nais nitong malaman mula sa kanya.

"Bakit daw gusto niya akong makilala nang personal? Hindi ba masungit yun? Baka kagaya yan sa mga napapanood ko sa TV na hindi tanggap ng mga mayayamang magulang yung nagugustuhan ng anak nila, lalo na at galing pa sa hirap ha?"

"No, my father isn't like that. He's strict and everything but pagdating sa amin ng kuya ko, he's making sure na para sa amin yung ginagawa niya. Besides, pina-background investigation ka na niya beforehand. Mas madali ka nga daw imbestigahan kasi dito ka na nagtratrabaho sa company namin, unlike kay Ate Jessica na sa kabundukan pa nakarating yung mga investigator para masiguro na sa mabubuting pamilya nagmula si Ate, kasi taga-roon yung family niya."

"Ano?! Background check?! Ano 'to? Applicant ako?" Halata ang pagkagulat sa mukha ng dalaga.

"No, Cherry. I apologize on behalf of my father, if it offends you in any way. No harm intended naman si Dad towards you. Naikuwento ko naman na sa iyo yung nangyari before sa kuya ko, right? Gusto lang daw ni dad na makasigurong walang masamang plano yung magiging daughter-in-law niya." Sinserong paghingi ng paumanhin naman ng isa.

"Daughter-in-law ka diyan? Bakit? Sinagot na ba kita? Hindi ka pa nga nanliligaw diyan!" Pataray na turan nito.

"Hindi pa ba? Akala ko pinayagan mo na akong ligawan ka." Sabay ngising ani ng binata.

"Assuming!"

"Pero seryoso, Dad wants to meet you. Kailan ka available?"

"Bakit ako? Eh ikaw itong maraming ginagawa diyan? May out-of-town schedule ka pa, di'ba?"

"Mami-miss mo ba ako while I'm gone?"

"Asa!"

"Would you like to come with me sa Cebu as well? Para ma-meet mo naman yung brother ko and family niya."

"No thanks, saka na. Work ang ipinunta mo dun. Focus on your work, hindi ako mawawala."

"I think isa yan sa nagustuhan ko sa iyo."

"Ang alin?"

"Nothing. Sabay ngiti nito sa kanya. "So payag ka nang makilala yung Dad at Kuya ko?"

"May choice ba ako? Baka mawalan naman ako ng trabaho."

"Silly! Ang cute mo talaga." wika nito sabay kurot sa pisngi nito.

"Hindi ako aso, Mike."

"Yeah, you're mine."

"Sige, mag-assume ka pa."

"No, Cherry. I'll make sure that you'll be mine wholeheartedly."

"Try harder, Mikey. Try harder."

"Okay, love. Para mas sigurado na wala ka nang kawala."

"Medyo creepy ka na, Mike."

"Nah, I'm not. In-love lang."

"Tch!" Naiiling na turan ni Cherry sa kasama. Nginitian na lang din niya ito. "Focus ka sa pagmamaneho." Paalala pa nito sa binata.

"Yes, Ma'am!"

***

"Thanks for driving me home, Mike. Kahit na halos wala ka pang tulog." Wika ni Cherry kay Mike pagkababa na pagkakababa nito sa sasakyan.

"It's nothing, basta para sa iyo." Nakangiting tugon naman nito sa kanya.

"Tch! Basta, mag-iingat ka sa flight mo mamaya."

"Yes, Ma'am!"

"Huwag mo akong ma-yes ma'am diyan. Magpahinga ka pag mag oras ka."

"Okay, love."

"Tigilan mo ako sa kaka-love mo. Alis na! May flight ka pa mamayang medaling-araw. Wala ka nang maitutulog niyan."

"Sige, Misis na lang, kung ayaw mo ng love."

"Umayos ka nga!"

"Maayos naman ako, love. Ikaw lang ang masungit."

"Isa, Michael!"

"Heto na nga, aalis na. Sungit mo talaga, My Cherry."

"Gabi na kasi. Magpahinga ka kaagad. Text ka 'pag nakauwi ka na, okay?"

"Yes, love."

"Update mo ako pag may oras ka ha?"

"Sure thing."

"Huwag kang makakalimot ha? Pasalubong ko!"

"Of course, love. Ikaw pa ba? Liligawan pa kita in person pagbalik ko."

"Heh! Puro ka salita diyan, kulang naman sa gawa. Uwi ka na!"

"Love, baka kapag nagsimula na akong kumilos, bumigay ka kaagad. Pabor na pabor sa akin yun. Wala ka nang kawala pa." wika nito sa kanya habang nakangisi.

"Ewan ko sa iyo! Alis ka na nga!" Aniya habang itinutulak palabas ng gate ang kausap.

"Ang sungit mo talaga, love. Halika nga dito." Hindi na nakapalag pa ang dalaga nang hatakin siya nito at yakapin. Animo'y naestatwa ito sa ginawa ng binata sa kanya.

"Mami-miss kita, Cherry." Wika pa nito sabay halik sa ulunan nito, habang ang mismong niyakap ay pigil na halos ang hininga.

"Take good care of yourself while I'm gone, okay?" Dagdag pa nito. Tanging tango lang ang naisagot ng dalaga sa kanya.

"Huwag kang magpapaligaw sa iba habang wala ako."

"Psh!" Sabay iwas ng paningin nito sa binata.

Ginulo pa nito ang buhok niya at kinurot ang pisngi bago sumakay sa sasakyan. Hinintay din ni Cherry na tuluyang makaalis ang sasakyan ng binata bago ito tuluyang pumasok sa gate.

***

"Cherry, may nasagap kaming chismis patugnkol sa iyo mula sa katabi nating division?" bungad sa kanya ng isang katrabaho pagkarating niya sa opisina. Dalawang linggo na mahigit ang nakakaraan simula nang magtungo ang binata sa Cebu. Hindi naman ito pumalya sa pagtawag at pagpapadala ng SMS sa kanya kapagka may oras ito. Tuwing tanghali din ay may nagdedeliver ng pagkain sa kanilang opisina na naka-addressed sa kanya. Lalo tuloy siyang naging tampulan ng tukso ng mga kasama.

"Ano naman yun?" Balik tanong ng dalaga, kahit na may kutob na siya kung tungkol saan iyon.

"Tungkol sa bago nating VP. May something daw sa inyo?"

"Bakit naman ninyo nasabi yan?"

"Kasi may nakakita sa mga kasamahan natin na sumakay ka daw sa sasakyan ni Sir Michael Angelo nung Annual Celebration."

"So? Ano naman ngayon kung sumakay ako sa sasakyan niya? Anong masama doon?"

"Wala naman, Cherry. Concern lang ako sa iyo. Baka kasi makaapekto yun sa promotion mo as Senior Associate kung sakali man. Baka mabahiran na ng politika yung performance mo kahit nga magaling ka naman talaga.

"Paano? Hindi naman siya ang nagre-rate sa atin? Hindi rin siya ang pumipirma ng increase at monetary benefits natin, maski ng promotion. Sa mga head natin at HR yun. So paano makakaapekto?"

"Kasi nga, mali-link na lahat ng kilos mo dito sa bago nating VP. Kaya ganun. Sa ayaw mo man o hindi, madidikit ar madidikit ka na sa VP natin, kesehodang kayo na o hindi pa, regardless din kung totoo man o hindi yung isyu na kumakalat ngayon sa floor."

"Salamat sa concern, pero okay lang ako. Sige na, salamat sa pagsasabi. Breakfast lang ako."

"Sige."

Pagkaalis ng katrabaho ni Cherry, napabuntong-hininga na lang ang dalaga. "Ang hirap naman kapagka VP ng pinapasukan mo ang manliligaw sa iyo, ang dami nang isyu kahit wala pa man. Bakit kasi VP ka pa, Mikey! Kainis naman! Hindi ba pwedeng ordinaryong tao ka na lang din gaya ko?!" Nawika na lamang ni Cherry sa sarili. "Hindi ko na alam kung totoong concern ba sila sa akin, gusto lang nilang sumagap ng information mula sa akin, o bina-backstab na ako ng mga ito kasi pakiramdam nila ay mapro-promote ako kaagad nang dahil kay Mikey. Nakakainis ka, Michael Angelo!"

***

Sa kabilang banda, biglang nabahing nang ilang ulit ang binata. Makailang sandali lang din, nakagat niya nang madiin ang dila nito.

"Man, what happened? Kanina ka pa." Tanong ng nakatatandang kapatid nito sa kanya. Kasalukuyan silang nasa conference room. Katatapos lang ng meeting at napagpasyahan ng magkapatid na pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa negosyo nila.

"It's nothing, kuya. Baka na-miss lang ako ni Cherry."

"The girl you're talking about in Manila?"

"Yup."

"I like your confidence, Man."

"Same with you."

"Can't wait to meet the woman who makes your heart flutter."

"Soon kuya. Soon."

"I'll give you some tips later kung paano mo maitatali yan sa iyo."

"I'd love to hear that!"

***

Kasalukuyang tutok sa trabaho si Cherry nang may bumungad na isang may kalakihang kahon sa harap niya, na naging dahilan para tuksuhin siya ng mga kasama niya sa opisina.

"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo." Ani ng naghatid na janitress. "Inabot lang po sa akin ng guard on duty sa may concierge. Paki-sign na lang daw po dito."

"Okay po. Salamat." Tinanggap din naman ng dalaga ang inabot nito,

"Kanino kaya galling 'to? Wala man lang card or kahit ano?" Tanong nito sa sarili, nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya.

"Wear it later, love. I will fetch you at exact 5pm. Can't wait to see you. I miss you." – Love, Mike

Dali-dali niyang nireply-an ang natanggap na mensahe:

"You're here na? Why didn't you tell me para nasundo kita? I thought isang buwan ka diyan?" na siyang nireply-an agad nito.

"It's a surprise, love! Tinapos ko na lahat ng kailangan kong gawin, para makapag-focus naman ako sa iyo."

"Tch, bolero talaga kahit kailan." Nawika ng dalaga sa sarili.

"Walang nakasulat kung kanino galing?" Usisa ng isa sa kanyang katrabaho pagkakita sa hawak niyang kahon.

"Wala eh. Ni card, wala."

"Sus! alam na natin kung kanino galing yan! Kay Sir Michael Angelo galing yan! Lunch niya nga, walang palya sa pagpapadeliver daily eh. Yan pa kaya?" Sabat naman ng isang katrabaho nila.

"Yeah. Ang ganda ng ngiti ng muse natin eh. Halata oh? In love na in love. Nabuhay ang katawang-lupa!"

"Sira! In love ka diyan? Hindi noh!" Sagot ng dalaga.

"Ay wow, hindi ka pa in love sa lagay na yan? Paano pa kaya pag in love ka na? Baka all-out ka na!"

"Back to work na tayo, guys. Trabaho na." Tanging sagot na lang ng dalaga.

"Cherry, paano mo pala nabihag ang puso ni Sir Michael Angelo? Matagal na ba kayong magkakilala? Bago pa lang yung VP natin eh." Tanong ng isang kasamahan nila na malapit lang ang workstation sa kanya.

"Bali-balita pa na medyo mailap at strict daw yun doon sa floor nila. Sabi din ni Reina perfectionist din yun during monthly deliberation. Paano mo nasasakyan yung ugali niya?" Dagdag ng isa pa nilang katrabaho.

"Loko, naniniwala naman kayo sa sabi-sabi." Sagot ng dalaga.

"Dali na. Share mo naman sa amin kung paano mo nakilala si Sir!" Pangungulit pa ng isa nilang kasama.

Ngiti na lang habang iiling-iling ang sagot niya sa samu't saring reaksiyon ng mga kaopisina niya. Nagpatuloy na lang din siya sa pagtratrabaho habang ang natanggap na regalo ay inilapag niya sa isang tabi.

***

Pagbabang-pagbaba ni Cherry sa Lobby ng building ng kanilang pinapasukan, nakita niya ang binata na matamang nakatitig sa kanya.

"Kanina ka pa diyan? Sensya na at natagalan, saktong 5pm kasi ako nag-out, saka pa lang ako nagpalit sa ibang floor ng damit para hindi ako maging tampulan ng tukso ng mga kasama ko." Bungad niya sa binata.

"It's okay. You're worth the wait. Bagay din sa iyo yung damit."

"Thanks for this, Mike."

"My pleasure. Shall we go now, love?"

"Tara na, may pa-love love ka pa diyan."

***

"Saan pala tayo ngayon, Mikey? May pa-dress and shoes ka pa para sa akin."

"You'll see later, love."

"Alright, may tiwala naman ako sa iyo."

"Glad to hear that, love. Don't worry, I'll never let you put in danger."

"I know, Mikey. I know."

***

"Taray! May pa-picnic ka pa dito sa bundok ha?"

"For a change. Madalas tayo kumain either sa bakeshop, fastfood, & resto."

"Salamat. Appreciated the effort." Nakangiting wika ng dalaga.

"How about the message? Appreciated ba?"

"What message?" Tanong ng dalaga dito.

"Kung pwede ba akong manligaw?"

"Ayan na naman siya. Kain muna tayo ha? Sayang yung ambiance eh. Ang peaceful. Kain muna tayo ha? Gutom na ako eh." Wika ng dalaga na halatang nais ibahin ang paksa.

*******

"Wow! That's too sudden, Mikey. Can't we just take it slow?" Tugon ng dalaga sa tanong ng binata kung payag ba ito na manligaw sa kanya. Katatapos lamang nilang kumain sa may damuhan, at kasalukuyan silang nasa trunk ng sasakyan at nag-uusap.

"How slow do you want, Cherry? Like this?" Ani ng binata habang unti-unting inilapit ang mukha dito, hinawakan ang braso at baywang saka inihiga.

"Uyy ikaw-" ani ng dalaga na sinubukang magpumiglas, subalit dinantayan siya nito ng hita. Sa huli, tinignan na lamang niya ito ng masama.

"Tell me love, how slow should we get along with?" Nakahiga man, subalit nakatagilid ito paharap sa dalaga.

"Hmm... like kilalanin muna natin ang isa't-isa? Our likes and dislikes? Hobbies, personal & family background, love language, preferences, and everything." Hindi man ganun ka-komportable, tumugon pa rin ang dalawa.

"We can do that while I'm courting you. Or mas maganda kung tayo na. Ayaw mo nun?" Ani ng binata habang niluluwagan ang pagkakadantay ng hita nito sa dalaga, subalit ang kamay naman nito ay nasa baywang ng dalaga. Siniguro rin nito na maayos ang postura at pagkakahiga ng dalaga.

"Tayo agad?! Bilis mo ha? Impatient?"

"No, it's not like that. Para kasing ayaw mo. Basted na ba ako? Ayaw mo ba sa akin?"

"Hindi naman. I want an assurance lang kasi. Ayokong sumugal tapos sa huli, ako lang din pala ang iiyak. Ako lang ang iiwanan."

"You know what Cherry, nothing is certain. Sabi nga nila, nothing is constant in this world except change." Paliwanag nito. "Isa pa, hindi ko naman pipilitin na sagutin mo kaagad ako, pero syempre mas maganda if you'll say yes the soonest possible. So that I can propose as early as possible too." Nakangising dagdag pa nito

"Sira! Isa yan sa dahilan kung bakit nakakatakot din maniwala sa mga pinagsasabi mo. Parang lahat dinaraan mo sa joke. Akala ko tuloy nung una, nagbibiro ka lang"

"I'm sorry if you misinterpreted my actions. Nakaka-torpe din naman kasi. You think it's easy for me to confess? Hindi kaya! Hindi ko rin matanggap nung una na nagkagusto ako sa iyo."

"Ano?!-" Pagbabanta ng dalaga dito.

"Don't get me wrong. Hindi ko lang kasi matanggap nung una na nagkainteres ako sa isang taong isang beses ko pa lang nakita. Lalo na at sa kumpanya pa namin nagtratrabaho. Hindi ka rin naman kagandahan-"

"Uy, anong di kagandaha-"

"Wait lang, love. Patapusin mo muna ako." Pagpapakalma ni Michael sa binata

"Okay."

"Hindi ka man kagandahan, pero nakuha mo talaga atensyon ko. Saka naisip ko kaagad na baka maapektuhan yung trabaho ko, and that's what I hated most back then. Ayoko ng distractions. Alam mo naman na siguro yung reputation ko sa opisina."

"Yeah."

"Iyon nga lang, habang tumatagal talaga, hindi ko maiwasan na hindi ka maisip. Lalo na nung nakilala kita on the personal basis. Hindi ka mapagpanggap gaya ng iba. Hindi ka rin mapangmata sa mga mas mababa sa iyo like sa guwardiya, janitor, or waitress unlike ng iba sa opisina. Hindi mo rin ako nilapitan at kinaibigan dahil sa anak ako ng head." Dagdag pa nito.

"Hay naku, kung alam ko lang na anak ka ng head, lalayuan kita! Ayoko ng isyu hangga't maaari! Tignan mo tuloy ganap sa opisina, madalas akong usisain lalo na 'pag may dumarating na pagkain o sobre galing sa iyo, tch."

"Kaya nga. Hindi ko man alam yung eksaktong dahilan kaya ako nagkagusto at nagkainteres sa iyo, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Kaya nga kita pinu-pursue kahit na makailang-ulit mo na akong tinataboy."

"Puro biro kasi sa iyo ang lahat eh."

"Heto nga, di na biro 'to." Pag-alo pa nito "Isa pa, naisip ko noon na baka maging distraction ka pa sa goal ko to manage the site efficiently. Pero kapagka naiisip kita, mas ginaganahan pa akong magtrabaho. Kapagka nakikita kita, kahit ang sama ng simula ng araw ko, gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya nga daily kita kung ayain na maglunch. Minsan may snack at dinner pa. Manhid ka lang."

Napakamot na lang sa noo ang dalaga sa narinig.

"Heto lang ang masisiguro ko sa iyo, Cherry." Sabay hawak sa kamay ng dalaga na nasa tiyan niyo. "Sa panliligaw ko, maaaring hindi ako maging consistent dahil sa nature ng trabaho ko, but I'll send letters, poems, and meals pa rin kapalit ng date natin dapat together. May mga araw na hindi kita matatawagan, pero susubukan kong magsabi sa iyo on a daily basis how my day went. I will be honest with you, even at moments na pwede kitang masaktan. Hindi ako magiging kagaya ng ibang kasintahan na palaging nandiyan physically sa mga partner nila, pero gagawin ko naman ang lahat ng makakaha ko to be with you emotionally and morally especially when you needed me, lalo na on special occassions like birthdays, holidays, or important days for both of us. I'll do my best as well to fetch you after work lalo na kapagka nandito ako sa site. If wala, susubukan ko pa rin. I'll be consistent sa mga actions ko to show how sincerely I am to win your heart. I'll be your greatest support and cheerleader. I can be your best friend as well. Hindi ako mangangakong magiging ideal man mo ako, but I'll do my best to be worthy of your love and trust."

"Maaaring magkasakitan tayo, masaktan kita, or masaktan mo ako in the future, but I would like to tell you in advance na it's not intentional. I'm not perfect, but I'll do my best May challenges, pero hindi ako basta-basta susuko.* Pahabol pa nito.

"Ang dami mo namang sinabi." Tanging nasabi ng dalaga.

"Marami pa akong gustong sabihin, kaso hindi ko na alam kung paano isasatinig, pero pwede kong gawin." Wika nito sa dalaga, na medyo may malamlam nang mga mata, bagay na hindi napansin ng dalaga.

"Wow! isasatinig." Medyo malalim ha? Pagbibiro ng dalaga dito.

"Mas may lalalim pa ba sa 'ginoo' mo nung una tayong nagkita?"

"Wow! Natandaan mo pa yun ha?"

"Of course. It's apparent on your facial expression kasi na nagsisi kang tinulungan mo ako, that's why tanda ko pa."

"Sorry, feeling close ka kasi." Hinging-paumanhin ng dalaga dito.

"No, it's okay. You're right din naman. Unconsciously, I want to get your attention na as soon as we met. Saka ko na napagtanto nung nakakasama na kita."

"Sa totoo lang, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga sinabi mo. Nasanay kasi ako na puro pahaging ka, o di kaya biro."

Nginitian lang siya ng binata, habang hawak pa rin ang kanyang kamay."

"Nakakainis ka! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko! Feeling ko, ang sama ko kung babasted-in kita kaagad-agad!" Natatawang turan ng dalaga.

"Basted na ako?!"

"Tingin mo?" Tanong ng dalaga habang nakangisi ito.

"Cherry, just tell me if you don't like me. I will accept it wholeheartedly. You'll not be terminated as well simple because you dumped me."  Ani nito. Pabiro man, batid ng dalaga na may kaseryosohan na ang tugon nito sa kanya. Nagsimula na din itong bumangon mula sa pagkakahiga sa trunk.

"Mike, I'm so thankful kasi you're kind kahit na maloko ka." Ani nito at bumangon na din. "Ayokong sagutin ka kaagad kasi ayokong madaliin ang lahat. Syempre, kahit gustong-gusto kita, kailangan mo-"

"Wait, gusto mo ako?!" Pagputol nito sa pagsasalita ng dalaga.

"Wala akong sina-"

"I heard it clearly, love. Wala nang bawian!"

"Aish! Wait lang! Di pa ako tapos magsalita." Wika ng dalaga sabay palo sa braso nito.

"Gaya nga ng sinabi ko, ayokong madaliin. Gusto kita, kaso baka kapag naging tayo na, at hindi magwork, magiging strangers tayo ulit. I don't want us to ended up being strangers, Mike."

"Let's try, love. Please?" Ani ng binata. "Gusto mo ako, gusto kita. We'll make it work. We will work together."

"What if kung hindi magwork?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, love."

"Paano kung magsawa ka sa akin?"

"Mukha ba akong nagsasawa sa iyo? Wala pa nga."

"Mikey..." may halo nang pagsusumamo nito sa binata.

"Fine, if ayaw mo. I'll respect that. It's okay, love." Kiming ngiti ng binata dito.

"Mike, hindi sa ayaw ko. Kasi ano eh."

"It's okay, Cherry. I can wait until you're ready."

"No, Mike. Hindi ako okay kasi hindi ka okay."

"I'm okay, love." Pangungumbinsi pa nito.

"Hindi ka okay. I know it."

"I'll be okay, Cherry. You like me naman. For now, it's enough."

"Hindi." Sabay hawak sa mukha ng binata. "You're not okay. I'm sorry if I'm not that confident. I'm afraid kasi na baka hindi magwork ang lahat. I don't want to lose a person who's important to me."

"I don't want to force you, love. I'll give you more time."

"Would this be enough answer for you?" Wika ng dalaga sabay halik sa labi nito nang mabilis. Natulala naman ang binata. Ilang segundo rin bago ito nakabawi mula sa pagkakagulat.

"Wait. What happened? Did you just kissed me?" Ani ng binata sabay turo sa labi nito.

"No."

"Is that a yes, love? Tayo na ba?" Nakangising turan nito.

"Uy! Ang bilis ha? Ituloy mo panliligaw mo!" Sabay tulak palayo sa binata.

"Liligawan pa rin naman kita kahit tayo na."

"Heh! Manligaw ka muna!" Pang-ookray nito.

"Sarap naman, may kiss na kaagad ako. Paano pa kaya 'pag tayo na kung sakali?" Pang-aasar nito.

"Hoy Michael, baka gusto mong ma-basted ngayon din?!" Angil nito sa binata.

"Biro lang! Heto naman! Naniniguro lang. Gagawin din naman natin yung naiisip mo, di nga lang ngayon." Nakangising tugon nito.

"Yan! Diyan ka magaling eh! Maloko ka talaga!" Sabay kurot sa ilong nito.

"At least, honest ako sa iyo at sa nararamdaman ko. Saka, sa iyo lang ako maloko. You can ask my office colleagues, I never made a joke nor showed a friendly gestures sa office. Strict ang lover mo. Sa iyo lang ako pilyo."

"Maniwala!"

"Totoo, love. I find it weird din." Hinapit ulit siya nito para yakapin. "Of all the people and woman out there, sa iyo pa ako nagkagusto. Marami diyan mas maganda, sexy, matalino, at iba pa, pero sa iyo ako nahulog. Yung iba, binabalandra pa mga katawan nila kasi alam nilang may pera ang angkan ko, pero ikaw ang appealing sa mga mata ko. I find you sexy too kahit hindi ka si Megan Fox." May kaseryosohan nang wika nito.

"Tse! Mapanlait!" Ani ng dalaga. Hinalikan lang siya sa ulo ng binata at tinawanan.

"Kidding aside, I'd like to thank you, love. For giving me a chance to pursue you. You won't regret allowing me to be part of your life." Dagdag pa nito, habang nakatitig sa kanya.

"Oo naman, imagine? Mayaman ang manliligaw at future boyfriend ko. Hindi man gwapo, pero hindi na rin ako lugi." Nakangising turan nito.

"Silly, you're really cute." Natatawang tugon nito, sabay kurot sa pisngi nito.

"Tch. Di nga ako cute." Tinulak man ng dalaga, subalit hinatak pa rin siya pabalik ng binata upang yakapin at iunan ang ulo nito sa kanyang braso. Hinahaplos din nito ang ulo niya habang nagsasalita at nagkukiwento ito sa kanya.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap ng mga bagay patungkol sa kanila, habang hindi nawawala sa mga ito ang asaran at lambingan. Mababanaag din na parehas ang nararamdaman nila sa isa't-isa, sa kabila ng katotohanan na nanliligaw pa lamang ang binata sa dalaga. Saksi ang kalangitan at mga puno sa paligid sa maayos na pag-uusap ng dalawa patungkol sa relasyon at plano nila para sa hinaharap.

Wakas