Chereads / Kathang-Isip / Chapter 3 - II - Jessica and Markus, Unang Bahagi

Chapter 3 - II - Jessica and Markus, Unang Bahagi

Maikling Kuwento - Jessica & Markus

"Bye-bye, Teacher."

"Bye. Ingat kayo sa pag-uwi."

"Opo, teacher."

"Maghintay sa playground kapag wala pa ang mga sundo ninyo ha?"

"Opo."

Ganito ang araw-araw na senaryo sa paaralang pinapasukan ni Jessica, isang grade school teacher sa pribadong paaralan. Pinalad ito na makahanap ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor in Elementary Education. Nais talaga niyang maging Arkitekto subalit hindi niya kayang tustusan ang mga gastusin sa kursong ito. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, kinailangan niyang alalayan ang kanyang mga magulang at kapatid sa aspetong pinansyal. Bagama't maganda ang pasahid sa pinapasukang paaralan, hindi ito sapat para supportahan ang kanyang mga kapatid sa kolehiyo, kaya nagpa-part time din ito bilang online tutor & private tutor sa ilang mag-aaral sa kanyang pinapasukan. Paminsan-minsan din ay ginagamit niya ang angking talento sa pagguhit bilang sideline.

"Ica, may pa-lunchout si Mr. Dave sa atin. Pinasusundo ka na sa akin." Wika ng isa sa kanyang kapwa guro.

"Pass ako. Tututor-an ko ngayon si Tetsu eh."

"Sayang naman. Sige, sabihin ko sa kanila. Next time, sama ka na ha? Ang dami mo nang napapalampas na lunchout dahil sa part-time mo."

"Sensya na talaga. Alam mo naman na kailangan ko din kumayod." Hinging-paumanhin ng dalaga sa kausap.

"Don't worry, maiintindihan naman nila yun basta sumama ka na sa susunod ha?"

"Sige."

*******

"Nay, natanggap na ba ninyo yung pinadala kong pera?" Kausap ni Jessica sa Telepono ang ina. Kapapadala lamang nito ng pera sa kanila. Tubong Manlapay ang dalaga, subalit sa Maynila siya nagtuturo.

"Oo, anak. Salamat ha? Sabihin ko sa papa mo, para maidagdag sa pagpapatayo ng babuyan at manukan. Mag-ingat ka diyan."

"Okay po. Subukan ko po makauwi this year, kaso hindi po ako makakapangako."

"Ayos lang, anak. Pasensya ka na ha? Kung hindi dahil sa amin, mae-enjoy mo sana yung trabaho at buhay mo."

"Wala po yun. Malapit na rin naman pong magtapos sina Jared at Jetro. Konting tiis na lang."

"Salamat talaga, anak. O siya, ibaba ko na 'to. Akyat na ulit ako sa atin. Subukan kong bumaba ulit dito sa Montalongon sa susunod na linggo. Hindi ako makapag-text sa iyo kasi wala ang mga kapatid mo dito ngayon."

"Ayos lang po. Subukan ko silang tawagan, nay."

"Sige anak. Salamat."

"Bye, nay."

*******

Kauuwi lamang ni Jessica mula sa bahay ng isa sa kanyang tinuturuan nang may makitang itim na sasakyan na naka-park sa harap ng tinutuluyang apartment. Dumiretso agad ito sa loob subalit papasok na ito ng kanyang apartment nang makitang may lalaking naghihintay sa harap ng apartment ng kanyang katabing kwarto na si Shery. Papasok na sa loob ang dalaga nang nagsalita ito.

"Hi, Miss. I'd like to ask kung nasaan yung tenant sa apartment na 'to." Tanong nito sa kanya.

"Sino sila?"

"I'm Markus. I'm acquainted sa nakatira sa apartment na ito. I'd like to ask if you know her whereabouts."

"I don't know kung nasaan yung tenant diyan."

"I see."

Nakatingin lamang ang dalaga sa binata.

"Ah Miss, Kindly tell her that I went here. Okay lang ba?" Nag-aalangan na tanong nito sa dalaga.

"Okay."

"Alright. Here's my number. Kindly tell me once she comes back." Sabay abot ng calling card sa dalaga.

"Okay."

Papasok na sanang muli ang dalaga sa pintuan nang hawakan ng binata ang kanyang braso para pigilan mula sa pagpasok nito sa apartment. Sa gulat, napapitlag ang dalaga sa inasta nito.

"Ano ba?!" Angil ni Jessica. Tinabig din nito ang kamay ng binata out of reflexes.

"I'm sorry, Miss! Itatanong ko lang sana yung name mo, bago ako umalis."

"Jessica." Pagak na wika nito sabay pabagsak na sinara ang pinto.

*******

"Ang sungit naman nun." Ani ng binata sa sarili. Kinuha muli nito ang cellphone sa bulsa at idi-nial ang numero ng kasintahan.

"Damn. She's not answering her phone again!" Sinubukan muling i-dial ng binata ang numero, subalit wala pa ring sumasagot mula sa kabilang linya. Napagpasyahan na nitong lisanin ang apartment na tinutuluyan ng kasintahan.

*******

"I'm sorry, hon. I was with my friends lang kaya hindi ko nasagot yung call mo." Bungad ng kasintahan ni Markus na si Sheryl pagdating nito sa condo ng binata. Niyakap nito ang kasintahan subalit hindi nito tinugon ang yakap na kanyang iginawad. Tahimik lang din ito, halata sa aura ng binata na hindi nito nagustuhan ang mga pangyayari.

"Hon, promise I hanged out with my friends lang." You know me when I had fun, right?" Paglalambing pa nito, na nasa batok na ng binata ang kamay, subalit dahan-dahan itong tinanggal ng binata.

"I know, but please tell me your whereabouts. Hindi kita hinahadlangan sa mga ginagawa mo but at least tell me. Hindi yung maghihintay ako sa harap ng apartment mo nang pagkatagal-tagal!"

"I'm really sorry, hon. I didn't know na dumating ka na from Cebu. Di sana, binakante ko yung araw ko today." Muling yumapos ang dalaga sa kasintahan. Alam nito kung gaano siya kamahal ng lalaki, at hindi siya nito matitiis.

"I would like to surprise you, that's why I didn't informed you beforehand. Kaso naghintay naman ako nang pagkatagal-tagal sa harap ng apartment mo. Sana nagsasabi ka kung saan ka pumunta." Ani nito, hindi pinapansin ang paglalambing ng dalaga sa kanya.

"Wait, as far as I know, you're not my parents nor bodyguard. I don't think I have to report you all my whereabouts." Wika ng dalaga kay Markus, na halata na ring nagpipigil ng inis sa binata. Bumitaw na rin ito mula sa pagkakayakap sa binata.

"Babe, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? I waited for you in front of your apartment for hours! For hours! I tried to call you several times, pero ni isa wala kang sinagot! Ni reply wala! Kanina pa tapos yung office hours pero wala man lang akong natanggap na tawag or text sa iyo today! Hindi kita hinahadlangan to hang out with your friends pero sana magsabi ka naman ng mga plans mo! Napag-usapan na natin 'to, di'ba?" Irita man, subalit mababanaag sa tono ng binata na nakikiusap ito sa dalaga na maunaawaan ang punto nito.

"That's why I'm so sorry, hon! Pumunta na nga ako dito just to personally apologize kahit alanganing oras oh? Aawayin mo pa ba ako?" Ani ni Sheryl kay Markus. Yumakap ulit ito sa binata. Ramdam na nito na unti-unti nang lumalambot ang binata sa kanya.

"Nakakainis lang kasi! Minsan na nga lang tayo magkita since I took over our family's business, and I have to monitor the branches, tapos ganito pa tayo."

"Sorry na, Markus. Huwag ka nang magalit sa akin. Please?"

Hindi naman ito sumagot sa pagsusumamo ng dalaga. Halatang matindi ang sama ng loob nito sa kasintahan.

"Sabi mo nga hon, minsan na lang tayo magkita, tapos magtatampo ka pa sa akin. Sorry na. Bati na tayo, hon." Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga na lamang ang binata, saka niyakap ang kasintahan. "I'm sorry too, babe. Hindi ko lang kasi maiwasang sumama ang loob ko sa ginawa mo. Almost daily ka na kung lumabas with your friends after your work, tapos minsan na lang tayo magkita, hindi pa kita natiyempuhan sa apartment mo. Ang sungit pa ng tenant sa katabi mong room." Dagdag pa ng binata, sabay yakap nang mahigpit sa kasintahan.

"Sino? Si Jessica?"

"Yeah, that's her name."

"Don't mind her. Ganun lang talaga yun, pero mabait yun. Wala pa naman akong nagiging problema sa kanya, ni naririnig na hindi maganda patungkol sa kanya mula sa mga tenants dito. Grade School Teacher siya dun sa pinapasukan ng mga pamangkin mo." Ang tinutukoy ng dalaga ay ang mga pamangkin ng binata sa mga pinsan nito, na siyang mga kaibigan din ng kasintahan.

"Really? What a small world. Hindi rin halata na grade school teacher siya. Binagsakan ako ng pinto eh. Mukhang maigsi ang pasensya nun. Hindi halata na guro pala yun. As far as I know, mahahaba dapat ang pasensya ng mga guro."

"Yup. She's quite aloof kasi di ka naman nun kilala, pero harmless naman yun. Namimigay pa minsan ng lutong ulam niya, siguro 'pag sumusobra siya ng luto." Dagdag pa nito na may bahid ng lambing ang pagkakasabi.

"Not interested, babe. Let's talk about ourselves." Ani ng binata, habang pinipisil nito ang braso ng dalaga. Iba na rin ang mga titig nito sa kanya.

"I like that, hon." Wika naman ni Sheryl sa kasintahan, habang unti-unti nitong tinatanggal ang pagkakabutones ng suot nitong polo shirt.

*******

Hatinggabi na nang maalimpungatan ang binata mula sa pagkakatulog dahil sa pagba-vibrate ng cellphone ng kasintahan. In-off lamang nito ang ilaw sa screen ng cellphone at saka muling bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya rin ang dalaga, di alintana ang hubad nitong katawan.

Hindi maiwasan ng binata na matitigan ang natutulog na dalaga, habang iniisip kung gaano siya kapalad na maging kasintahan ito. Independent, maganda, at higit sa lahat, matalino ito. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa dalaga habang iniisip nito ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanila.

"Damn, man. You're one hell of a lucky guy to have Shery Lynne Furcia." Wika nito at hinaplos ang mukha ng kasintahan. Matutulog na sana muli ito subalit nag-vibrate na naman ang cellphone ng dalaga. Sa inis, napagpasyahan na niyang i—off ang phone nito, nang makuha nito ang kanyang atensyon sa dami ng missed calls at messages nito.

"What's this? Is this related to her work or it's just her friends? It's past midnight already! Who the heck is bothering her at this hour?" Bulong nito sa sarili habang hawak ang phone.

Bubuksan na sana nito ang cellphone ng dalaga subalit may passcode na ito. Sinubukan niyang i-type ang birthday nito, birthday niya, anniversary nila at combination ng birthdays nila, subalit hindi pa rin nito mabuksan ang phone ng dalaga. Akmang io-off na lamang niya ito at tatanungin ang dalaga mamaya pagkagising nang muli itong mag-vibrate na numero lang ang nakarehistro sa screen. Nag-aalangan man, napagpasyahan niyang sagutin ang tawag.

"Hello, baby! Did you arrived safe? Why aren't you answering my calls and text?! I told you to call me when once you get home, but I didn't received any calls or messages! I should have send you off instead of letting you on your own." Ani ng nasa kabilang linya.

Hindi na niya matandaan kung ano-ano ang sinasabi nito mula sa kabilang linya, ni kung papaano niya naibaba ang tawag pagkatapos nito. Namalayan na lang niya ang sarili na in-unlock ang phone nito gamit ang fingerprint ng dalaga. Kasunod nito, kinuhanan niya ng litrato ang mga conversation nito via SMS, Viber & Messenger. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga photos at videos sa cellphone ng dalaga.

Nang dahil sa nangyari, nawala na ang antok ng binata.  Sa unang pagkakataon, samu't saring emosyon ang nararamdaman nito ngayon – galit, hinanakit, sama ng loob, at iba pa. Nais nitong magwala at ibalibag ang halos lahat ng bagay na mahawakan nito, subalit nanaig pa rin sa kanya ang kagustuhang malaman ang katotohanan mula mismo sa bibig ng kasintahan.

"How could you do this to me, Shery?" Halos pigil ang emosyon nito habang nakatingin sa natutulog na dalaga.

"Are you fooling me, all this time, huh?" Mahinang wika nito. "Ginawa at ibinigay ko naman ang lahat, pero bakit kailangan may ganitong mangyari?"

"Damn, damn it!" Napagpasyahan na nitong lumabas ng silid kaysa sa magising pa ang dalaga kapagka hindi na niya napigilan pa ang sarili mula sa emosyong nais kumawala sa kanya.

Gumayak ang binata, inayos nito ang sarili at nagtungo sa workstation niya. Kinuha din nito ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Dude, favor." Bungad niya sa tinawagan.

"Man! Seriouly?! You're calling me at 02:22 am!"

"I'm sorry, pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko na makakatulong sa akin ngayon."

"Wait, it seems serious. What is it all about?"

"Tol, I want you to find Shery's other man. I'll send the photos, videos, shots of conversations and even the number. Gusto kong malaman at makilala kung sino"

"Wait, what?!" Tila halos hindi makapaniwalang usal ng kausap sa kabilang linya.

"I want you to find Shery's other man."

"Seriously, Markus?! Tama ba ang pagkakarinig ko? Shery's other man?!"

"Yes."

"Wait, wait, wait. Seriously?! Si Shery may ibang lalaki?! Kailan pa yan?! Bakit ngayon mo lang sinabi yan?!"

"Ngayon ko lang din nalaman, Rex."

Ikinuwento ng binata ang lahat ng nakita at narinig mula sa mobile phone ng kasintahan, maski ang mga nakuha nitong katibayan na may ibang karelasyon ito maliban sa kanya.

"Man, bakit kailangan mo pa ng karagdagan na katibayan na may ibang lalaki si Shery, eh ang linaw-linaw na nga ng mga nakita mo sa phone niya?!" Tanong nito.

"Hindi pa kasi ako ganun ka-kumbinsido sa mga nakita ko! Kailangan ko ng mas matibay na ebidensya bago ko siya komprontahin."

"Man! Hindi pa ba sapat na katibayan yung sankaterbang palitan nila ng private conversation sa SMS, Viber at Messenger, maski yung mga photos and videos nila nang magkasama, hindi ka pa kumbinsido?! Kulang pa ang mga pictures nila nang magkayakap at naghahalikan, gusto mo pa ng ebidenya na nasa ilalim sila ng iiisang kumot?!"

"Tol, hindi ko na alam ang gagawin ko." Nagsimula nng tumulo ang luha sa mga mata nito.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ginawa ko naman na ang lahat-lahat! Bakit?!!!"

"Pinilit kong maging mabuting kasintahan sa kanya! Binigay ko lahat ng nais niya! Lahaaaat ng makapagpapasaya sa kanya, ginawa ko! Pero bakit ganito ang nangyari?! Bakit?!"

"Hindi ko siya pinagbabawalan sa lahat ng nais niyang gawin kahit pa minsan, pakiramdam ko ay binabalewala na niya ako at ang nararamdaman ko!"

"Never akong nagdemand ng malaking oras sa kanya! Hindi ko siya pinipilit sa mga bagay na ayaw niyang gawin!"

"I was with her during her hardest times. I tried my best to be always present whenever she needed me no matter what the circumstances are!"

"Hindi ako naging mahigpit na boyfriend!"

"All I want was her love, honesty and sincerity, but why did she betrayed me?! Kung kailan pa na naiisip ko na siyang ayain na magpakasal, damn it!"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, dude! D*mn this!"

Nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya habang naglalabas ito ng hinanakit dahil sa natuklasan. Makailang sandali pala, nahimasmasan na ang binata mula sa pag-iyak.

"Okay, dude. Pero man, I'm telling you, kung ganyang may sapat na katibayan ka na, confront her, The earlier you'll face her, the better kasi maaga mo ring malalaman yung totoo."

"I can't, dude. Not yet. Hindi ko pa yata kaya."

"Payong kaibigan lang 'to, pre. Hindi kasi maganda na patagalin pa yan. Ikaw lang din ang mas mahihirapan. Imagine? Habang ikaw nag-aalala sa kanya, siya pala nasa ibang kanlungan na. Ikaw, isip ka nang isip kung ano at saan ka nagkulang, habang siya may reserba na."  Wala namang itong sagot na nakuha mula sa kanya.

"Tol, ganito. Tutulungan kitang malaman kung sino yung lalaki ni Shery, pero tulungan mo rin ang sarili mo."

"Alright."

"Tch! Hindi ako love guru, pero dapat yata ang kausapin mo ay si Reen eh."

"Papayag ka bang kausapin ko yung asawa mo ngayon?"

"No way! Baka mamaya siya pa mismo ang sumugod diyan sa girlfriend mo! Ayaw pa naman nun sa lahat ay manloloko. Mabuti na nga lang at hindi 'to nagising sa tawag mo! Pwede naman kasing mamaya na lang, talagang ngayon mo naisipang tumawag."

"I can't help it."

"It's okay, pre. Pasalamat ka talaga, kaibigan kita. O siya, balik na ako sa kwarto. Baka magising yung misis ko nang wala ako sa tabi niya, batuhin na naman ako ng unan."

"Thanks, man. I'll wait for your update."

"Sige, pre."

******

Nagtaka si Shery nang magising ito kinaumagahan nang wala sa tabi ang kasintahan. Nasanay na ito na sa tuwing matutulog siya sa condo nito ay hindi ito umaalis sa tabi niya kesehodang may mahalaga itong gawin. Kung may mahalaga mang lakad ito, mag-iiwan ito ng note at pagkain sa may mesa sa gilid ng kama, subalit ni isang note at pagkain sa may side table ay walang nakapatong. Dahan-dahan itong bumangon at inayos ang sarili. Hinanap nito ang binata at natagpuan niya ito sa library kung saan din ang workstation ng binata. Lalapitan na sana niya ito upang yakapin nang mapansin ang basyo ng alak sa gilid ng mesa nito.

"Hon, what happened? Are you okay?!" Nag-aalalang tanong pa nito sa kanya.

"Uh, you're here." Ani ng binata.

"Naglasing ka ba? What's the problem? May problema ba sa office?"

"No, I'm okay." 

"Wait, I'll prepare breakfast for both of us. What do you want?"

"You."

"Silly. I mean breakfast, hon." Natatawang wika nito sa kasintahan.

"I'm dead serious, Shery. I want you."

"But I'm still sore, hon. Pinagod mo ako kagabi eh. Later na lang."

"I'm sorry." Hinging paumanhin ng binata.

"It's okay. Come on, what do you want for breakfast? Yung seryoso ha?" nakangiting nitong tanong sa binata.

"A coffee will do." Payak na wika nito.

"Alright."

"How could you do this to me, Shery?" Ani ni Markus sa sarili, habang nakatingin sa papalayong pigura ng dalaga.

******

"Hon, what happened? Why are you drunk?" Usisa ni Shery sa binata habang nasa mesa sila at nag-aagahan.

"It's nothing."

"Really? I don't think it's nothing. You're not used to drink so early in the morning. Tell me, what is it? Maybe I can help you." Tanong ulit ng kasintahan sa kanya.

"It's really nothing, Shery. Don't worry, I'll tell you once I'm certain about it."

"Okay, Aasahan ko yan." Ani nito. Nginitian siya ng dalaga bago ito bumalik sa pagkain habang nakatingin lamang siya dito.

"Just focus on your meal."

*******

"Thanks, hon. Hinatid mo pa rin ako kahit mukhang pagod at stress ka." Wika ni Shery kay Markus. Hinatid ito ng binata sa pinapasukang kumpanya.

"I hope you appreciate all my love and efforts, Shery." Tugon nito sa dalaga.

"Oo naman. Ikaw talaga, hon. Also, you're not calling me 'babe' ever since you wake up. Hindi ka okay, hon. seriously, what's the problem?"

"Sorry. Marami lang talagang problema, but no worries. I'll be fine. Sige na, pasok ka na."

"Okay, sabi mo eh. Tell me more about it later ha? I'll go straight to your condo again after work. Seems that you need someone to be with you."

"Sure."

"I have to go na. See you later." Sabay halik nito sa pisngi ng binata.

*******

"Kuya, napatawag ka? Shouldn't you be working at the office right now?"

"How are you doing, kiddo?" Kasalukuyan nitong kausap ang kapatid na nag-aaral sa ibang bansa para sa Post-graduate degree nito.

"Kung mang-aasar ka lang, shut it." Ani nito. Akmang ibababa na nito ang telepono nang magsalitang muli si Markus.

"Mike, I would like you to go home once you finished your post-graduate degree. I want you to help us with the business. Okay?"

"Why should I do that when you're already there, helping dad to run it? I told you, I'm not interested to manage any of it."

"Kiddo, hindi na namin kakayanin ni dad nang kaming dalawa lang 'to. Lumalago na din yung negosyo natin, kailangan na namin ng katuwang. Dad needs you here. We need you here."

"Tch. As if I'll be able to contribute a lot. And stop calling me kiddo!"

"You can do it. You're more capable than you think. Also, if you don't want to be called that way, act like an adult."

"Yeah, yeah. As if I have a choice."

"Good. I'll expect you to come as early as possible by next year-

"toot, toot, toot…"

"Argh, that brat!" Napailing na lang ito sa inasta ng nakababatang kapatid. Matapos nito, may di-nial ulit ito sa kanyang mobile phone.

"Man, nagawa mo na ba yung pinagagawa ko?" Ani nito sa kausap.

"Atat lang, tol? Hindi madali yung pinagagawa mo ha? May trabaho din ako, huy!"

"I'm sorry. It's just that, I want to confront her as early as possible. Man, hindi ako mapalagay hangga't hindi ko nako-confirm na ginawa niya nga talaga yun!"

"Dude, hindi mo naman na kasi kailangan ng confirmation sa ginawa niya. Nabubulagan ka na dahil sa nararamdaman mo sa kanya. Wake up, man! Sa sariling phone niya na mismo! Nandun na yung mga katibayan! Nakita mo lahat-lahat! Narinig mo nga yung boses ng lalaki nung sinagot mo yung tawag. Tapos gusto mo pa ng confirmation?!"

"I just wanted to know who is her other man, dude. Kaya nga ako nandito sa labas ng workplace niya eh."

"What?! Hindi ka pumasok sa opisana today?! Alam ba ni tito yang nangyayari sa iyo ha?!" Wika ng kaibigan nito sa kanya.

"No, I just told dad na male-late ako."

"You've never been late to any appointment nor reporting to the office, Markus."

"For a change?"

"Dude, sinasabi ko sa iyo, hindi maganda yung kutob ko sa mga ikinikilos mo."

"Man, I'm okay. Papasok ako later, don't worry." Paniniguro pa nito.

"Umayos ka, tol. Dumaan ka dito sa bahay mamaya. Nandito si Reen. Naikuwento ko sa kanya yung nangyari sa iyo. Gusto na ngang sugurin si Shery dahil sa nalaman niya eh.

"Baliw talaga yang asawa mo. Tell her na kumalma siya, baka mamaya maging sadista pa yang dinadala niya paglaki."

"Oy tol, bawiin mo yan! Ang charming-charming ng asawa ko ha?!" Depensa naman nito.

"Oo na. Sige na, dadaan din ako diyan this week. Gusto din kitang makausap nang personal."

"Anong this week? Mamaya pumunta ka dito! Kaysa sa nakatambay ka sa labas ng building na pinapasukan ni Shery!"

"Okay, sasaglit ako diyan mamaya."

"Sige, hintayin ka namin dito sa bahay." At ibinaba na nito ang tawag.

*******

"Hon! Anong ginagawa mo dito?" Ani ng kasintahan matapos siyang makita nito paglabas nito ng opisina.

"Sinusundo ka. Bawal ba?" Balik na tanong ni Markus kay Shery.

"No, no, no. It's not like that. I was quite shock lang kasi. It's been a while since you sent and fetch me at work on the same day."

Napansin ng binata ang pasimpleng paglinga-linga ng kasintahan, na waring may hinahanap. Nang hindi na nito matiis ang nararamdaman na pagkayamot, tinanong na nito ang kasintahan.

"Are you, perhaps, expecting someone to fetch you other than me?"

"Of course not! Why are you acting strange today, Hon?" Depensa agad nito.

"Am I?" Balik-tanong nito sa dalaga.

"Yes! You're acting strange since morning. Ano bang problema?"

"It's nothing, don't mind me,"

"Kaninang paggising, parang ang distant mo na. Kung hindi pa kita ni-remind na tawagin ako sa endearment, baka hanggang ngayon Shery pa rin ang tawag mo sa akin."

"I'm sorry, stress lang. Let's eat outside tonight."

"Sigurado ka ba?" Paniniguro nito.

"Yeah."

"Okay."

*******

Kasalukuyang kumakain ang magkasintahan na sina Markus at Shery sa isang restaurant malapit sa tinitirahan ng dalaga. Habang kumakain, hindi maiwasang ni Shery na mapaisip sa ikinikilos ng kasintahan. Nang hindi na makatiis sa katahimikan na namamagitan sa kanila sa hapag-kainan, kinausap na niya ito.

"Hon, may problema ka ba? You're not talking too much today since you wake up. Iba din ang aura mo today. This is so not you."

"Wala 'to. Stress lang ako. Just focus on your food. Ihahatid pa kita sa inyo pagkatapos."

"Are you sure? We can talk about it right now, or habang nagdra-drive ka kung mahaba-haba ang ikukuwento mo."

"Hindi na. I'm okay."

At nagpatuloy sa pagkain ang magkasintahan.

*******

Habang nagmamaneho papauwi ang binata, nakabibinging katahimikan naman ang nananaig sa loob ng sasakyan. Nang hindi na nakatiis ang dalaga, tinanong na nito ang binata na halatang tutok na tutok sa pagmamaneho.

"Hon, kumusta ka nitong mga nakaraan? I'm sorry I wasn't able to ask you how have you been gayong kadarating mo lang nitong mga nakaraan sa Manila."

"It's okay. I'm okay." Maikling sagot nito sa dalaga.

"You're not okay, hon. Dali na, if hindi naman confidential yung problema mo, you can share it. You know naman that you can trust me, right?"

"I know, sarili ko ang hindi ko mapagkakatiwalaan sa ngayon."

"What? Why? Anong problema? Sa trabaho mo ba yan? Negosyo? Are you pressured na ba?"

"Wala naman, hindi 'to tungkol sa work."

"Kung wala kang problema sa work, bakit ang tahimik mo? Bakit parang ang distant mo since paggising? Sa akin ka ba galit?"

"I never get mad at you, Shery. Kung nagalit man ako noon, hindi directly sa iyo yun, kundi sa nagawa mo. Alam mo yan."

"Yan na naman sa Shery na yan! Babe nga kasi, hon! Babe!"

"I'm sorry."

"Ano ba kasing problema, hon? May nagawa ba ako? Bakit parang ang cold mo? Sabihin mo sa akin if may problema ka!"

"I'll tell you everything about it soon, but not now. Things are messy as of the present, so I can't divulge everything today."

"Is that so?"

"Yeah, so stop asking me. I'm driving. Baka mapaano pa tayo. Pakakasalan pa kita kung walang magiging problema."

"Jeez. Alright! I'll expect that soon, hon. If there's anything I can do to help you, just tell me, okay?"

"Uhm."

*******

"Thanks for this day, hon." Wika ni Shery sa binata pagkahinto ng sasakyan nito sa tapat ng gate ng tinutuluyang apartment.

"It's nothing. I'm just doing my part as your boyfriend."

"Still, you made an effort despite your busy schedule."

"Nah, its okay.

"Pasok na ako, hon."

"Hatid na kita sa loob." Pag-aalok nito sa dalaga.

"Its okay, hon. Go inside your car. I know that you're tired."

"Are you sure?" Paniniguro pa ng binata.

"Yeah. Good night, hon. Call me when you get home." Ani ng dalaga bago humalik sa labi ng binata.

"Okay, good night."

*******

Nagulat si Shery sa taong yumakap sa kanya pagkapasok nito sa tinutuluyang apartment.

"What are you doing here, Joseph?!" Pabulong na angil ng dalaga dito.

"I missed you, baby. Hindi mo ako tinawagan today." Tugon nito sa kanya, habang hindi inaalis ang pagkakayakap sa dalaga.

"I told you na nasa work ako today, di'ba? Tatawagan naman kita eh."

"Nagluto ako habang wala ka. Maaga akong nakarating dito sa apartment mo kaya may time ako. Tara, let's eat." Aya nito sa kararating lang na dalaga.

"I'm full. Kumain kami ni Markus sa labas."

"Ganun ba? Kasama mo pala yung boyfriend mo. Kailan mo ba hihiwalayan yun?" Inis na tanong nito sa dalaga.

"Joseph, I told you, bumubuwelo lang ako. Makikipaghiwalay na din naman ako sa kanya, kaso parang problemado yung tao ngayon. Ang hirap kapag sasabay ako."

"Eh halos mag-iisang taon na yata mula nang unang beses na sinabi mo sa akin na hihiwalayan mo na siya kasi hindi na niya maibigay yung mga pangangailangan mo bilang babae at kasintahan! Pinapaasa mo lang din ba ako?!"

"Of course not! Kung hindi lang stress yun kagabi at kanina baka nasabi ko na sa kanya yung totoo!"

"Kaya ba hindi mo sinagot yung mga tawag at texts ko kagabi ay kasama mo siya?!"

"What?! Ano ba yang mga pinagsasabi mo?"

"Sagutin mo na lang ako!"

"Hindi! I was so tired last night kaya hindi ko na halos nareply-an pa yung mga texts mo. Alam mo naman yung nature ng work ko, di'ba? Pati ba naman ikaw? Aawayin mo rin ako? Ikaw na nga lang ang pahinga ko."  May himig ng paglalambing at pagmamakaawa sa tinig ng dalaga.

"Sorry, baby." Sabay yakap nito sa dalaga. "Kasi naman, ang tagal mong hiwalayan yang boyfriend mo na wala naman halos inatupag kundi trabaho. Puro pangako ka na lang din sa akin na sa oras na hiwalayan mo siya ay magiging akin ka na nang buong-buo."

"I promise, baby. once makakuha ako ng magandang tiyempo, makikipaghiwalay na ako sa kanya. Sayong-sayo na ako. Patience pa ha? Please."

"Ano pa ngang magagawa ko maliban sa maghintay?"

"I'm sorry baby. Promise, as soon as magkaroon ng chance, sasabihin ko na kay Markus ang totoo. Makikipaghiwalay na ako sa kanya nang sa gayon ay malaya na tayong makakalabas." Dagdag pa nito.

"Aasahan ko yan ha?"

"Yes, baby." Ani ni Shery sa kausap. Lalo pa nitong idinikit ang katawan sa kausap

"Pasalubong ko pala, baby? I'm such an understanding boyfriend with you. I deserve a reward." Wika nito habang nakatitig na nang malamlam sa dalaga. Hinapit na din nito ang kanyang baywang.

"Ako bilang pasalubong, pwede na ba sa iyo?" May himig na ng pang-aakit dito.

"Of course, hon."

*******

"Aaaahhh"

"Faster, baby!"

"Ohhhhhh"

"Sige pa, please!!!"

"'wag kang titigil please!!!!"

"Malapit na ako!"

"Joseph please…"

"D*mn baby, ang sarap mo!"

"God! Wala pa akong asawa, ni kasintahan, tapos makakarinig ako ng mga hindi kaaya-ayang ungol!" Wika ni Jessica sa sarili. Kasalukuyan itong gumagawa ng lesson plan subalit hindi ito makapag-focus nang dahil sa naririnig mula sa katabing apartment.

"Argh, makalabas na nga muna! Polluted na naman ang utak ko!" At tumayo ang dalaga para gumayak.

*******

Papasok ang dalaga sa isang convenience store nang makita nito ang isang pamilyar na mukha habang may hawak itong tubig. Magtutuloy-tuloy na sana ang dalaga sa counter nang mapagsino ang nakita. Agad niya itong nilapitan.

"Good evening, Mister." Bungad nito sa binatang nakaupo malapit sa pintuan.

"Yes? Tanong naman nito. Waring kinikilala din siya ng taong kinausap.

"Pakisabi naman kay Shery na hinay-hinay lang sa pag-ungol kapag nagtatalik kayo, kasi nahihirapan akong makapag-focus sa ginagawa ko. Maski kasi yung langitngit ng kama naririnig ko na, wood lang naman ang pagitan ng apartment namin. Huwag kayong masyadong hardcore. Mabuti na lang at tapos na ang online tutorial ko kapag naririnig ko yung halinhing ninyo sa kabilang kwarto. Bata pa naman yung mga tinuturuan ko, mamaya iba ang matutunan nang dahil sa mga naririnig nila kung sakali."

"What did you say?!" Wari'y gulantang na reaksyon ng kausap sa kanya.

"Kako, hinay-hinay lang kayo sa pagse-sex. I know that sex is wonderful and great, at nasa kasibulan at kapusukan kayo ng buhay at edad, pero try to be considerate sa katabi ninyong kwarto. Dalaga pa po ako."

"The heck-

"Next time, subukan ninyo sa hotel naman, at least doon sound-proof. Doon, pwede pa kayo mag-exhibition. Mukha ka namang maykaya, hindi yung palaging sa apartment na lang kayo nagtatalik. Hindi mo din dapat tinitipid yung girlfriend mo lalo na sa ganyang bagay, parehas naman kayong nakikinabang eh. Mukhang wild pa kayo parehas. May ibang nakakarinig pa naman ng halinhing ninyo." Paliwanag pa nito.

"I never did it with her at her apartment, what the h*ll are you talking about?!" Pasigaw na nitong tanong sa kanya.

"Uh-oh, I think I just said something that I shouldn't say." Ani ni Jessica sa sarili.

"Oh, I think I've mistaken you with someone else. I have to go!" Wika ni Jessica. Lalabas na sana ang dalaga nang pigilan ito ni Markus sa kanyang pulsuhan.

"What are you talking about, lady?" Mataman na wika nito.

"It's nothing serious. Iba yung tinutukoy ko." Pagpapalusot pa nito.

"I don't think you've mistaken me for someone else."

"Hindi, nagkamali lang talaga ako. Sige, alis na ako!"

"Aalis ka na? Mukhang hindi mo pa nabibili yung ipinunta mo dito." Madilim man ang aura ng kausap, nagawa naman siya nitong kausapin nang maayos.

"Hindi na, nawala na yung gutom ko. Itutulog ko na lang 'to." Pagpapalusot pa ng dalaga.

"Come on, just buy what you need to buy. My treat."

"No, thank you." At dali-daling naglakad papalayo ang dalaga

Naglalakad na pabalik ang dalaga sa apartment nito nang mapansing may nakasunod sa kanya. Paglingon nito, nakita niya si Markus na naglalakad at may hawak na dalawang supot na sa wari niya'y pagkain at alak ang laman.

"Wait, what are you doing here?" Tanong ni Jessica dito.

"I'm here to visit someone, isn't it obvious?"

"Are you following me?" Pagtataray na nito sa binata.

"Nope. It's just that, parehas tayo ng pupuntahan."

"Hindi ka dito nakatira."

"Girlfriend ko ang pupuntahan ko dito."

"Gabi na, I think you should head home na."

"Hindi ikaw ang magsasabi kung dapat na ba akong umuwi or what."

"Okay. If you say so."

"Patay ka, Ica. Ang daldal mo." Ani nito sa sarili

*******

Papasok na sana si Jessica sa apartment na tinutuluyan nang pigilan siya ni Markus.

"Where are you going?" Tanong nito sa dalaga.

"Ha? Malamang papasok na sa apartment ko." Maang na turan ni Ica sa binata.

"Samahan mo ako." Ani nito sa kanya, mahihimigan dito ang pagmamakaawa.

"What?!"

"Samahan mo ako, baka hindi ko kayanin yung makikita ko."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Samahan mo ako. Magkatabi lang naman kayo ng apartment ni Shery."

"Ano ka, bata?!"

"Please?"

"Gad, issue ninyo yan, huwag mo akong isali!" Pigil ang tinig at inis na wika ng dalaga.

"Just this once, Miss.  Please? I don't think I can handle this on my own. Not this one. "

"Fine! Dito lang ako sa door, Baka gusto mo ako pa ang pumindot ng door bell para sa iyo?" Pagtataray nito sa binata.

"No, ako na."

"Tch."

(Door bell rangs)

"Wait, sino ba yan?"

"Ako na ang magbubukas, baby." Ani ng isang baritonong boses mula sa loob ng apartment.

(Door opens)

"Anong kai-

"D*nm you! What the h*ll are you doing here, you f*cking bastard?!" Pasigaw na bungad ng binata sa lalaking nagbukas ng pintuan.

"F*ck! F*ck you!"

(Strong punches)

"Go to h*ll, bastard!"

Sa kabilang banda, nakatingin lamang si Ica sa dalawang binatang nagsusuntukan sa harapan nito.

"Hon, bakit ang ta- what are you doing?! Joseph, joseph honey!" Histerikal na pagsigaw ni Shery. Itinulak nito ang lalaking nakadagan sa kalaguyo.

"What's your problem, bas-Markus?!" Halos malaglag na ang panga nito nang mapagsino ang lalaking sumuntok kay Joseph.

"Bastard? Really Shery? Bastard? Me?"

"Markus, anong ginagawa mo dito sa apartment ko?" Kinakabahang tanong ng kasintahan sa kanya.

"Binibisita ka."

"Akala ko, nakauwi ka na."

"Bakit? Bawal bang pumunta dito nang walang pasabi?"

Walang nakuhang sagot ang binata mula kay Shery.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin, Shery?" Madilim man ang aura, nagawa pa ring pigilan ni Markus ang galit para sa ginawa ng dalaga, at kausapin ito nang malumanay.

"Markus, let me explain-

"Explain what, Shery? Ipapaliwanag mo ba sa akin kung saan at kailan nagsimula yung panggagago mo sa akin? Sasabihin mo ba kung kailan pa ako naging hindi sapat para sa iyo at lumandi ka pa? Am I not satisfying you in bed para maghanap ng iba? Sasabihin mo din ba yung mga kalandian at kahayu-

"Hindi malandi at hayop si Shery!" Biglang sigaw ni Joseph sa binata.

"Hindi kita kausap, gag*!" Akmang susugurin na naman ni Markus si Joseph nang inawat na ito ni Jessica.

"Kumalma ka nga diyan!" Sita ni Jessica dito.

"Jessica, anong ginagawa mo dito?" Saka lamang napansin ni Shery ang dalaga dahil sa komosyon na nagaganap.

"Ano Shery, sabihin mo ngayon sa akin kung bakit mo ako ginago!"

Wala pa ring nakuhang sagot ang binata mula sa kausap.

"Sumagot ka!"

"F*ck, wag na wag mong sisigawan si Shery!" Nang makawala mula sa pagkakayakap ni Shery si Joseph, agad nitong sinugod si Markus. Hindi rin naman nagpaawat ang binata na sa kabila ng pagpigil sa kanya ni Jessica ay nakawala din ito.

"Mister, tama na!"

"Markus, please stop it!"

"Stop! Markus, stop! You're hurting Joseph! Hon!"

"Stop it! Just stop!" Umiiyak nang wika ni Shery habang pilit na inaawat ang dalawa.

"Tch. Malanding tunay." Ani ni Aia sa sarili. Bumuntong-hininga muna ito bago muling lumapit muli sa dalawang lalaki at isinaboy dito ang mineral water na kinuha pa niya mula sa pinamili ng binata.

"The f*ck are you doing!" / "What the h*ll?!" na agad din naman na sinundan ni Jessica ng batok sa ulo ng parehas na binata.

"Unang-una, hindi ninyo ako pinakakain para magmura, or murahin ako direct or indirectly. Ikalawa, hindi soundproof ang apartment namin, nakakaabala na kayo nang sobra. Tignan ninyo yung paligid ninyo, may audience na kayo. Ikatlo, wala kayo sa palabas para dito gumawa ng aksyon at eksena. Panghuli, ayusin ninyo yung problema ninyo, wag kayong mandamay at mang-abala ng iba lalo pa at gabi na."

"Miss, wag kang makialam dito, wala kang alam sa nangyayari!" Ani ni Joseph kay Jessica.

"Yeah. Mukhang hindi mo rin alam na yung kasama mo sa apartment ngayon at itong lalaking ito," sabay turo kay Markus, "ay magkasintahan." "Mukhang ang saya-saya pa ninyo eh." Dagdag pa nito.

"Jessica, what is the meaning of this?! Pasigaw na tanong ni Shery dito.

"Ikaw ang dapat na tinatanong nang ganyan, Shery!" Depensa naman ni Markus dito.

"Hon! Let me explain, please!" Umiiyak nang turan nito sa binata. Akmang lalapit ito nang itaboy ni Markus ang kamay nito palayo sa kanya.

"Shery!" Wika ni Joseph at lumapit sa dalaga.

"Ang sama mo, Shery! Paano mo nagawa sa akin 'to? Ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko para maging mabuti at ideal boyfriend for you. I did everything I can! Bakit ito ang isinukli mo?!"

"Saan ba ako nagkulang sa iyo, ha?! Saan?!"

"Mas mapera ba siya ha? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin kaya niloko mo-"

"Hayop ka! Hayop ka! Hindi ganyan si Shery!"

"T*ngna wag na wag kang sasabat sa usapan namin!" Akmang susugurin na muli ni Markus ang binata nang may sumigaw:

"Hoy! Gabi na! Kung hindi kayo titigil diyan, mamili kayo kung sa barangay o sa police station na kayo pupulutin!"

"Magsama kayong dalawa! Pare-parehas kayo! Mga manloloko!" Pasigaw na tinuran ng binata bago tuluyang umalis.

"Markus, Markus sandali! Let me explain!" Pahabol na wika ni Shery, subalit hindi na lumingon pa ang binata.

"Malanding tunay talaga. Iba. Iba talaga kapag haliparot." Bulong ni Jessica bago pumasok sa tinutuluyan nitong apartment.

*******

Kasalukuyan ngayong nakahiga sa kama si Jessica habang iniisip yung nanyari kanina.

"Grabe, may mga tao talaga na hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila. Meron din naman na akala mo, nasa sa kanila na ang lahat, kaso hindi pa rin sapat yun para makuha lahat ng naisin nila, o manatili sa piling nila yung taong gusto nila. Meron din na alam na nilang bawal, o hindi na pwede kasi pagmamay-ari na ng iba, pero inaagaw pa rin nila. Ano bang masaya sa pakikiapid?"

"Ang gulo ng mundo. Ang gulo din ng mga tao."

"Buti na lang ako, chill lang."

Habang nagmumuni-muni, hindi maiwasang maisip ni Jessica si Markus.

"Ano na kayang nangyari sa lalaking iyon? Grabe yung nangyari kanina. Poor guy. Iniputan sa ulo. Big time."

"Haynaku Ica, itulog mo na yan! Isa ka pang magulo!"

Lumipas na ang hatinggabi, subalit mulat na mulat pa rin si Jessica. Ni kakaunting bahid ng antok ay hindi makikita sa mga mata nito.

"Kainis naman! What's wrong with me?! Hindi naman ako yung kinuyog ah?!"

"Ganito ba ang pakiramdam kapagka sumabit sa problema nang may problema?! Dapat talaga hinayaan ko na lang yung lalaking yun eh, aish!"

Ilang sandali pa…

"Tch. Bahala na nga!" Dali-daling hinanap ni Jessica sa bag ang calling card na ibinigay ni Markus sa kanya nung nakaraan. Nang mahanap, tinext ni Jessica ang number ni Markus. Nang hindi ito nagreply, tinawagan na nito ang binata. Nakailang dial at ring bago may sumagot mula sa kabilang linya.

"Who the f*ck is calling me at this hour?! Wala bang bukas?!" Pasigaw na wika ng binata.

"I'm sorry for calling you this late. " Ani ni Jessica, sabay baba ng phone.

"Aish, ako na nga itong nagmamalasakit, ako pa ang sinigawan."

Patulog na sana ang dalaga nang mag-vibrate ang cellphone nito. Sa inis, sinagot niya 'to.

"Sino 'to?! Patulog na yung tao, saka pa tumawag!"

"Jessica? Is this you?"

"Who's this?"

"This is Markus. Bakit ka tumawag? Where did you get my number?"

"Hello?! Binigay mo sa akin yung business card mo!  Besides, I'm just checking on you. Baka magpakamatay ka pa, kargo de konsensya ko pa."

Wala namang nakuha na sagot ang dalaga mula dito.

"Anyway, kung wala kang sasabihin, ibababa ko na 'to. Maaga pa ako mamaya, napuyat na ako. Tinignan ko lang kung buhay ka pa." Akmang ibaba na muli ng dalaga ang tawag nang sumagot ang binata.

"Wait!"

"Oh?"

"I'm sorry."

"For what?"

"For shouting at you."

"Apology accepted, pero dapat hindi ka ganyan kahit gaano ka pa kaproblemado, lalo na kugn wala naman kaming kinalaman sa problema mo."

"Sorry."

"Huwag mo na lang ulitin. Huwag mo rin gawin sa iba yan."

"I'm sorry." Wika ulit nito

"Okay na."

Katahimikan ang sumunod na namayani sa kabilang linya. Ilang sandali pa na hindi sumagot ang binata, binaba na ni Jessica ang phone. Maya-maya ay nag-ring ulit ang cellphone nito.

"Bakit na naman?" Pagtataray nito sa kausap.

"Thank you."

"For what?"

"For waking me up."

"Huh? From what?" Maang na tanong nito.

"Nightmare."

"I don't know what you're talking about. Itulog mo na lang yan."

"If only it's that easy."

Napabuntong-hininga ang dalaga bago sumagot.

"Where are you? Are you home? Don't you dare to commit suicide ha?"

"Don't worry, hindi ako magpapakamatay. Babae lang yan, marami pa naman diyan." Wika nito. Narinig pa niyang humahalakhak ito mula sa kabilang linya.

"Maka-babae naman 'to, parang hindi babae ang kausap mo."

"I'm sorry."

"Tch. Ipahinga mo na lang yan."

"I'm fine, really."

"Okay, sabi mo eh. Siya, matutulog na ako. Hinay-hinay lang sa pagpapanggap."

"Are you that sleepy na ba?"

"May pasok pa nga ako, Mister."

"I'm sorry."

"It's okay. Good night."

"Good night, Jessica, and thank you."

Binaba na ng dalaga ang tawag, at maya-maya pa'y nakatulog na din ito.

*******

Jessica's Point of View:

"Is my name sounds weird? Bakit iba ang dating ng pagkakasabi niya ng pangalan ko?" Habang nakahiga, di maiwasang maisip ni Jessica ang saglit na pag-uusap nila ni Markus sa telepono.

"Naku Ica, itulog mo na yan! Baka pandinig mo na ang may problema! Hindi pwede 'to, paano na ang career mo kapag nagkaproblema ako sa pandinig?!"

*******

Habang mahimbing na natutulog si Jessica, gising na gising naman si Markus sa condo nito. Hindi sapat ang alak na nainom nito upang maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"Damn, damn, damn!"

"F*ck!"

"Shery! Why did you do this to me?!"

"F*ck this liquor! I can't even sleep!"

"Why it is so painful?!"

"Shery!!! Bakit mo ako niloko? Bakit?!!!"

Hindi maiwasan ng binata na ilabas ang lahat ng hinanakit nito sa kasintahan nang dahil sa pagtataksil nito. Nang hindi pa nakuntento, isa-isa na niyang pinagbabasag ang bote ng alak.

"Argh!!!"

"Mga manloloko! Mga h*yop kayo!"

"Ano bang ginawa ko sa inyo para saktan ako nang ganito?! Nagmahal lang naman ako!"

"Isa pa 'tong alak na ito!" sabay bato ng bote ng alak na naubos nito.

*******

"What the- anong nangyari dito?!" Bulalas ng kaibigang si Rex nang makita ang itsura ng kaibigan, lalo na ang tinutuluyan nitong condo.

Tinitigan lamang siya nito habang hiniholot ang sintido.

"Dude, may riot ba dito kagabi?! Ba't di ka nag-aaya?!" Nakapameywang nang tanong ulit nito.

"What brings you here, man?" Balik tanong lamang nito sa kaibigan.

"Markus, I have the details of the man you're asking me to look for."

"I don't need that anymore, dude."

"What?! Why? Ang hirap kunin ng information ng taong yun! Walang social media accounts, sa probinsya nagtapos, at hindi naman ganun ka-impressive ang credentials. Kaso tol, he's a decent guy based sa nakalap kong info. I wonder kung bakit pumatol yun kay Shery kahit na may boyfriend na siya."

"Dalawa lang yun: parehas kaming niloko, o parehas nila akong niloko, and I think it's the latter based on the way he defended her."

Napabuntong-hininga ang kausap bago ito nagsalita.

"Dude, before anything else, could you fix yourself and these mess first?" Sabay tingin ni Rex sa kabuuan ng dining room.

"I'm not in the mood to do anything today, Rex. If that's the reason why you went here today, you may go now. I'll went to your house later to visit you and Reen."

"Tch! Umayos ka diyan. Markus. Tinanong na ako ni Tito kagabi kung saan ka nagpunta kahapon at kung bakit hindi ka pumasok. Hindi mo rin daw sinasagot yung mga tawag niya sa iyo. Tapos hindi ka ulit papasok ngayon?!"

"Not now, please. Leave me alone, Rex. I need some time on my own."

"Dude, hahayaan kita sa ngayon, kasi alam ko yang pakiramdam na iyan. Pero ayusin mo yang sarili mo. Nag-aalala na si Tito sa iyo."

"I'll be fine, dude. Trust me."

"O siya, mauna na ako. Heto yung pinabili sa akin ni Reen na pagkain. Kainin mo 'to ha?! Isusumbong kita dun kapag di mo to kinain! Hindi yung puro alak ang laman ng tiyan mo. Maglinis ka din, man!" At inabot ni Rex ang dalang pagkain para dito.

"Okay."

"Heto, kunin mo na rin 'to, sayang naman yung effort ko at ibinayad mo." May inabot din itong envelope sa kanya.

"Thanks."

*******

Kringggggg!!!!!

Kringggggg!!!!!

Kringggggg!!!!!

"Argh! Inaantok pa ako eh! Kainis naman kasi yung mga iyon, napuyat pa tuloy ako!" Ani ni Jessica. Ang tinutukoy nito ay ang nangyari kagabi sa tapat ng apartment niya. "Kaso Ica, kailangan mong pumasok. May mga batang naghihintay sa iyo. 5, 4,3,2,1. Go!" At tuluyan nang bumangon ang dalaga. Nag-stretching din ito saglit bago gumayak. Kasalukuyang nagbibihis ang dalaga nang may nag-doorbell. Pagkabukas niya ng pinto, hindi niya inasahan ang taong nasa harapan niya.

"Markus?"

"Yes, it's me."

"Maling doorbell yata ang napindot mo?"

"Nope. Ikaw ang pakay ko today."

"Ha???" Maang na wika nito.

"Ano na naman bang nagawa ko?! "Ani nito sa sarili.

"Aren't you going to invite me inside?" Tanong nito sa kanya.

"Nope."

"Why? I came here to visit you. I also bring you food."

"We're not friends nor acquainted to one another para papasukin kita sa loob ng apartment ko. May lobby naman kami dito." Pagtataray nito.

"Is being friends or acquaintances a requirement for you to visit someone?" He retorted back.

"Hindi naman. Teka, bakit ba nandito ka?! May pasok pa ako, abala ka!"

"Binibisita nga kita. I also want to ask you something."

"Parang alam ko na iyang concern mo. Kung tama ang kutob ko, ayoko. Hindi ako involved sa inyo. Kung hindi naman tama ang hinala ko, saka na natin pag-usapan yan. May mga batang naghihintay sa akin sa school."

"No need. Tumawag ako sa admin ninyo na hindi ka makakapasok ngayon dahil may sakit ka." Paliwanag nito.

"What?! Why did you do that? Who gave you the right to meddle in my personal schedule?!"

"I'm sorry. I need to talk to you that's why I did that. Don't worry, I'll compensate you for today. I'll triple it pa for the inconvenience that I've caused you." Paliwanag nito.

"Sira ka pala eh! Sino ka ba sa inaakala mo para pakialaman yung schedule ko?! Ni parents ko nga hindi nanghihimasok sa buhay ko, tapos ikaw na estranghero lang ginulo mo pa?!" Angil nito.

"Why are you shouting at me?! I said that I'm sorry! I'm quite desperate right now. I just don't know what to do." Ani nito na mahihimigan na ang pagmamakaawa at inis sa tinig.

"Wala kang karapatang guluhin o baguhin yung mga bagay-bagay sa buhay ko! Baka kaya pinagpalit ka ni Shery kasi masyado mo nang pinakikialaman halos lahat, maski yung mga di mo dapat pakialaman! Hay kainis!" At padabog nitong isinara ang pintuan, di alintana ang taong nasa harapan nito.

*******

"Bwisit! Sino ba siya sa inaakala niya? Hah! Ano nang gagawin ko ngayon?!Hindi naman ako pwedeng pumunta dun, paniguradong may nag-sub na sa akin, o di kaya inihalo na sila sa ibang room. Aish!" Napakamot na lang sa ulo ang dalaga sa inis.

"Pero hindi kaya nasobrahan ako sa mga sinabi ko? Broken pa naman yun, tapos pinagsalitaan ko pa nang masasakit." Dagdag pa nito sa kanyang sarili habang naglalakad nang pabalik-balik.

"Kaso, nakakainis naman kasi yung ginawa niya eh! Pakialaman daw ba ang schedule ko?! Wala pang gumagawa sa akin nun! Kasalanan niya yun!"

"Bahala na nga! Nandito na rin naman, hindi na ako papasok! Magrerelax na lang ako today!"

Matapos ang mahaba-habang pag-iisip, napagpasyahan ni Jessica ang gagawin sa araw na iyon. Kinuha niya rin ang cellphone mula sa bag, may tinipa, muli itong isinilid sa kanyang bag, at umalis ang dalaga bitbit ang nasabing bag.

To Markus:

Markus, let's meet today at Nook's Coffee Shop in front of Salve Reina Academy. 2 pm.

– Jessica.

*******

"Girl! Kumusta ka na! Buti naman at binisita mo ako today!" Ani ng kababata ni Jessica na si Violet. Pagkakitang-pagkakita pa lamang nito sa kanya ay niyakap na kaagad siya nito.

"Pasensya ka na at ngayon na lang ako nakadalaw dito. Kumusta naman ang buhay bilang self-employed?"

"Okay lang yun! Heto naman! Ang hirap din ng trabaho mo bilang guro, tapos may part-time ka pa." wika nito kanya habang iginigiya siya nito papasok ng bahay. "Mahirap ang self-employed. Ako mismo ang nagahahanap ng mga kliyente ko, alam mo yan. Kapag wala naman akong schedule, inaatupag ko yung tindahan ko diyan sa labas. May helper din ako dito kaya keri naman kahit wala ako. Nag-o-online selling na din ako ng mga damit at bag. Alam mo na, kailangan nating kumita para sa ekonomiya at kinabukasan!"

"Wow! Payaman ka girl ha? Ginalingan mo naman masyado sa pagnenegosyo! Bilib na talaga ako sa iyo!" Tugon naman ni Jessica sa kaibigan. Sumalampak na din ito sa couch nito. "okay lang ba na mag-stay ako dito hanggang Sunday? Ang boring kasi sa apartment Naiistress na din ako. "

"Sure thing! Welcome na welcome ka dito! Dalawa lang kami ng katiwala ko dito kaya okay lang! At least may makakasama ako this week! Sa kwarto ko ikaw matulog ha? Marami tayong pag-uusapan!"

"Sige!"

*******

"Grabe, iba din yang kapit-kwarto mo ha? Ang haba ng buhok! Baka gusto naman niyang magdonate ng ganda at landi sa mga kagaya nating loveless? Ani Violet nang matapos maikuwento ni Jessica ang nangyari sa tapat ng boarding house na tinutuluyan nito, "So kaya ba dito ka muna mananatili kasi ayaw mong madawit sa gulo nila?" Tanong pa nito.

"Oo eh, pasensya na."

"Medyo user ka din talaga minsan, Ica ha? Joke!" Dagdag pang-ookray pa nito sa kababata na siyang ikinasimangot nito.

"Biro lang! Heto naman parang others?! Nagkakalkal pa lang tayo ng lupa dzai sa kabundukan, tandem na tayo. Kaya keri lang!"

"Salamat talaga, Let ha?"

"Oo na! Ang unli mo! Osya, magkikita pa kayo nung Markus, di'ba? Hala gumayak ka na, at baka sakaling kaya naghiwalay sila ng girlfriend niya ay ikaw pala ang the one niya." Pang-aalaska pa nito,

"Heh! The one ka diyan?! Asa! Di ko type yung ganun!" Depensa nito.

"Weh? Package na kaya si kuya, ite-take home mo na lang! Lugi ka pa ba?"

"Ewan ko sa iyo!" Sabay bato nito ng unan sa katabi matapos tumayo.

Naririnig ni Jessica ang malakas na tawa ng kaibigan habang naglalakad siya palayo.

*******

"You're here." Ani ni Markus pagkarating ni Jessica sa meeting place. Ipinagtulak pa siya nito ng upuan at iginiya para makaupo.

"Salamat. Ang aga mo naman, kanina ka pa dito?" Tanong nito sa binata.

"Hindi pa naman."

"Kaya pala nakaubos ka na ng isang frappe at cake." Wika nito sa binata.

"I'm sorry if I wasn't able to ordered you a food. Hindi ko alam ang type mo na pagkain." Hinging-paumanhin nito sa dalaga. "What do you want? It's on me." Sabay abot ng menu sa dalaga.

"It's okay, hindi naman ako nagpunta dito para kumain, Anyway, ano palang kailangan mo sa akin at pati ang leave ko ay pinakialaman mo pa?" Tanong nito na may himig ng pagkairita.

"You're so direct to the point, Miss. Order ka kaya muna so that while we're eating, we can talk about my concern."

"Okay, if you say so. Kung ano na lang yung oorderin mo, iyon na lang din ang akin."

"Don't you have a preferred food? Drinks? Anthing?" Pang-uusisa pa nito sa dalaga.

"Nothing in particular. Hindi naman ako mapili sa pagkain."

"Still, you should decide on your own, especially if it is food. Paano kung di mo pala type ang order-in ko?"

"Oo na, ang dami mong sinabi! Akin na nga yung menu!" Pataray nitong turan sa binata.

"Sorry, sorry. Same tayo ng order right? Ako na bahala, next time ka na lang umorder ng iba. Wait me here." At tumayo na ang binata para unorder ng pagkain nila sa counter.

"Tch. Nakakainis!" Pabulong na turan ni Jessica dito.

"I heard that, Miss." Pahabol pa nito,

*******

Habang kumakain ang dalawa, nagpapakiramdaman ang dalawa sa kung sino ba sa kanila ang mauunang magsalita.

"Will she get annoyed at me again if I asked her about Shery and what she knows while she's still eating? I can't believe that she's a grade school teacher based on her attitude." Nawika na lamang ni Markus sa sarili habang lihim na inoobserbahan ang dalaga na kasalukuyang abala sa pagkain nito.

"Ang awkward naman nito, bakit hindi nagtatanong 'to? Akala ko ba mag-uusap kami habang kumakain?" Ani ni Jessica sa sarili habang kumakain ng Chocolate Mousse Cake. "Hmm, masarap 'to ha? Paano kaya gumawa nito? Ma-search nga sa YT." Dagdag pa nito sa sarili.

Nang hindi na nakatiis pa ang binata, naglakas-loob na itong magtanong sa dalaga.

"Miss, I want to ask kung ano ang pagkakakilala mo kay Shery, saka kung may iba ka na bang napapansin noon pa man. I remembered you told me last night sa convenience store, yung about sa sex. It appears to me that it happens several times already."

"Quit the 'miss', Mister. Mas matanda ka sa akin, and you're not my student nor their parents to address me as such. You can call me Jessica."

"Okay, but Jessica is too long for me. Don't you have a second name? Maybe I can call you with that name."

"Wala."

"Then, I will call you Jess na lang for short, is that alright with you?"

"Suit yourself. It's just a name."

"Okay, Jess. Gaya na tanong ko kanina, ano ang pagkakakilala mo kay Shery?"

"Seriously, Markus? You're asking me that? Hello, you're the ex! Higit kanino man, kilala mo dapat siya!"

"Yun na nga eh, I thought I knew her enough."

"Sa kanya ka kasi dapat magtanong ng ganyang klaseng tanong, hindi sa ibang tao. Kaya ang daming relasyong hindi nagtatagal eh, tch."

"I'm sorry, I just can't believe it. Hindi ko pa ma-process lahat. She's not like that. Hindi iyon ang pagkakakilala ko sa kanya.

"So, hindi mo pa talaga siya ganun kakilala."

"No, hindi siya ganun dati. I can't believe na magagawa niya sa akin 'to." Wika nito. Kalmado man, subalit mababanaag dito ang pigil na emosyong kinikimkim nito.

"In-denial stage ka pa, Mister."

"I know, but it pains me, a lot. D*mn."

"Ganyan talaga."

"But seriously, kailan mo pa naririnig yung mga hindi mo dapat naririnig mula sa kwarto niya? Be honest with me please."

"Yung totoo ba? Hmm… matagal na. Polluted na nga ang utak ko nang dahil sa mga naririnig ko eh." Panimula nito sabay inom ng French Vanilla Coffee.

"Mabuti na lang talaga at hindi iyon natataon kapag may online tutorials ako, kung hindi ay baka noon pa lang, kinatok ko na siya. Nahiya lang din ako kasi normal na lang yata sa panahon ngayon ang ganyan, kahit nga hindi magkasintahan nagse-sex na ngayon, basta maisipan." Sabay buntong-hininga nito.

"Akala ko nga, ikaw yung nakakatalik niya diyan kasi ikaw yung nakikita ko na naghahatid sa kanya sa tuwing umuuwi siya. Hindi rin ako aware na may iba pa pala siyang dinadala diyan, siyempre pakialam ko naman sa buhay ng iba, sarili ko nga hindi ko na gaanong maasikaso eh." Dagdag pa niya.

"I'm not that cheap, I have my own condo, and I value my privacy, which includes my sexy time with her." Wika nito habang matamang nakatingin sa dalaga.

"Iyon lang naman ang alam ko. Kung tatanungin mo ako about sa personal niyang buhay, wala na akong alam diyan. Shery is a nice person, okay siya na kapitbahay. Since napadpad ako dito sa Manila at diyan ako nangupahan ay wala naman akong naging problema sa kanya. Other than that, hindi na ako makakapagkwento pa sa iyo. Besides, I don't think kailangan mo pang gawin 'to, you're just wasting your time gayong sinampal ka ng katotohanan."

"D*mn. Ang tagal ko na palang ginagago, wala man lang akong kaalam-alam. Tch." Sabay inom nito ng kape.

"Ganyan talaga, mahal mo eh. You were blinded. Bulag ka kasi nagmamahal ka. Balewala sa iyo lahat ng hindi magagandang katangian at nagawa niya kasi mahalaga siya sa iyo. Malaki ang tiwala natin sa mga taong mahal natin na hindi nila sisirain ang tiwalang ibinigay natin sa kanila, without realizing na yung tiwala na iyon is also a double-edge sword na pwede ding makasakit sa atin sa huli. Hindi bale, patunay lang yan na mahal mo talaga siya. Let her go na lang. Iiyak mo yan. Ipagluksa mo, pero bumangon ka pagkatapos."

"Easier said than done."

"Duh, it's not easy, but it's possible." Irap pa nito sa binata.

"Seems that I will no longer need Reen to lecture me, huh?" Nawika nito sa sarili.

"What? Sinong Reen? Kaibigan mo? Fling? Bed warmer?" Tanong ni Jessica sa binata.

"What bedwarmer?! I didn't casually bedded someone, especially my best friend's wife! You and your wild imagination, woman!" asik nito sa dalaga, waring nanggigigil na sa inis.

"Sorry, mukha ka kasing sexually active." Ani nito sa binata.

"Mukha ba akong manyak sa paningin mo?" Tanong nito sa dalaga.

"Mahilig, Markus. Not manyak." Pagtatama naman nito.

"Geez, it's the same. Just finish your food, lady. May pupuntahan tayo pagkatapos."

"What?! Ang usapan eh, mag-uusap lang tayo ngayon dito sa café patungkol sa alam ko sa ex mo."

"We're not done talking, lady."

"May online tutorial pa ako!"

"Just cancel it for today."

"Ayoko! Ano ka importante?!"

"I'll triple the pay."

"Ayoko pa rin!"

"Come on, lady! Just do it for today."

"Argh! Bossy!"

"Thanks, my lady." Pang-aalaska pa nito sa dalaga nang sa pakiwari ay papayag na itong sumama sa kung saan man nito plano na pumunta.

"Eew!"

*******

"Uyy ano na Ica, kumusta ang lakad? Buo ka pa rin ba?" Untag ng kaibigan na si Violet pagkarating na pagkarating sa bahay nito.

"Lokaret! Malamang heto nga oh, uninjured pa akong nakauwi dito."

"Nah, I mean the Bataan. You know." Nakangisi pang turan nito sa kanya.

"Siraulo! Wala no! Boyfriend ko? Asawa?" Angil nito sa kaibigan.

"Chill, naniniguro lang. Napaka-defensive. Akala ko naman magkakaroon na ako ng inaanak mula sa iyo."

"Isa ka pa!"

*******

Sa mga sumunod na araw at buwan, naging maayos naman ang buhay ni Jessica bilang isang grade school teacher at part-time online instructor. Hindi nga lang maiwasan na maisip ng dalaga si Markus, sapagkat matapos nitong magpasama sa kanya sa condo at bahay ng kaibigan nito, ay wala na siyang balita pang natanggap mula rito. Ni minsan ay hindi rin ito tumawag ni nag-text man lang sa kanya.

"Ano na kayang nangyari doon? I hope he's doing well right now kaya hindi na siya nanggugulo pa."

*******

Kasalukuyang nakaharap sa monitor si Jessica at nagtuturo online nang may marinig itong sunod-sunod na kalampag ng pintuan. Nagpaalam muna siya sa mga estudyante niya bago lumabas ng silid.

"Teka sandali, sino ba yan?" Sigaw nito habang papalapit sa pintuan. Pagbubuksan na sana nito ng pito ang kumakatok nang muli itong kumalampag.

"Makakatok na-

"You b*tch! How dare you meddle in our relationship?!" Bungad agad sa kanya ni Shery pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan.

"Anong-

"Kasalanan mo rin kung bakit siya sumali sa drag racing at nabangga yung sinasakyan niya!"

"What the heck are-

"Alam ko na ang lahat, Jessica! Alam ko na! Ikaw ang nagdala kay Markus dito the night na nalaman niya na may relasyon kami ni Joseph! Ikaw rin ang huling nakasama niya bago siya sumali sa drag racing na yun na naging sanhi ng aksidente niya!"

"Ano?! Naaksidente si Markus?!"

"Yes! And it's your fault na comatose pa rin siya hanggang ngayon!"

"Teka teka, anong kinalaman ko sa inyo at sa aksidente na nangyari sa kanya? Wala naman ako nung naaksidente siya ah? At hindi naman ako ang third party kaya kayo naghiwalay!"

"Kung hindi mo sinabi na may naririnig kang kakaiba sa kwarto ko, at kung hindi mo siya sinamahan na pumunta dito, tingin mo malalaman niya na may affair ako kay Joseph na magdudulot sa kanya ng depression?! Baka hanggang ngayon masaya pa kaming dalawa!"

"Eh t*nga ka pala! Ako ba ang lumandi ha? Ako ba ang bumangga sa kanya kaya siya na-comatose? Wag mo akong sisihin sa mga nangyari, kung tutuusin kasalanan mo kung bakit ka nauwi sa ganyang sitwasyon! Just so you know, kusang pumunta dito si Markus sa apartment, hindi ko siya sinamahan na pumunta dito para makita yung pinaggagawa mo! We're not even friends nor acquainted back then, kaya huwag mong isisi sa akin yung mga nangyayari sa iyo ngayon nang dahil sa kalandian mo! Istorbo ka, nagtratrabaho ako!" Wika nito at pinagsarhan ng pinto ang kausap.

"B*tch! Open the door! We're not done!" Aniya habang patuloy ito sa pagkalampag ng pinto.

"Tch, panira ng araw 'to. Akala ko pa naman matalino at matinong tao." Nawika na lamang ng dalaga sa sarili.

"No wonder, hindi na nagparamdam yung mokong, na-comatose na pala. Akala ko naman nakalimutan nang magpasalamat sa akin at magparamdam nung nalaman na niya ang totoo patungkol sa ex niya." Ani nito sa sarili.

"Mapuntahan nga sina Reen once maluwag na ang schedule ko." Dagdag pa nito sa sarili. Simula kasi nang isinama siya ni Markus sa bahay ng kaibigan nito, at nakilala niya ang mag-asawa, ay nakagaanan niya kaagad ng loob ang mga ito, lalo na si Reen.

Bago bumalik sa pagtratrabaho, agad na kinuha ni Jessica ang kanyang cellphone at may tinext na tatlong katao – ang landlord nila para ireport ang ginawang pag-eeskandalo ni Shery, ang kaibigan na si Violet para mangumusta at ibalita ang nangyari, at ang huli ay para kay Markus.

To Markus:

"Hello! This is Jessica. I hope you're doing well. Just text me when you need someone to talked to, kung nahihiya ka na sa mga kaibigan mo even though it seems you don't even have the concept of shame. I will listen to your rants kahit annoying na."

Matapos nito ay itinabi na niya ang cellphone sa gilid ng monitor. Huminga nang malalim, at muling bumalik sa natigil nitong trabaho.

"I hope lang na magising na din siya." Piping dalangin ng dalaga para sa binata.

*******

Makalipas ang ilang araw, napagpasyahan ni Jessica na bisitahin ang binata sa ospital kung saan naka-confine ito. Naabutan niya ang isang pigura ng matanda habang may kausap na isang lalaking hindi pamilyar sa kanya. Nang makita siya ng mga ito, tumango lamang ang lalaking kausap nito sa matanda at saka ito lumabas ng silid.

"Magandang hapon po. Ako po si Jessica, bibisitahin ko lang sana po si Markus." Wika nito sa matandang nakausap.

"So, you must be my son's friend since you pay a visit." Ani nito.

"Ay hindi po talaga kami magkaibigan, nakilala ko lang po siya nang dahil po kay Shery."

"So, you're friends with that woman?" Tanong pa nito, medyo kumunot na rin ang noo nito.

"Hindi rin po, Sir."

"Eh, what are you to my son?"

"We're acquaintance po, Sir."

"Just acquaintance?"

"Yes po."

"I don't think so."

"Huh?"

"Nevermind. I have to go first. If you don't mind, can I leave my son to you? I have matters to attend first."

"Okay po, Sir."

"Apologies for the late introduction, I'm Maximillan Lee. You can call me Tito Milan."

"Okay po, Sir."

"Tito." Pagtatama nito.

"Sorry, Tito Milan. Hindi po ako ganun kakomportable na tawagin kayong tito, haha. Hindi po kami close ng anak ninyo."

"But you were there when he's at his worst, hindi pa ba kayo close sa lagay na yun?"

"Ah, nagkataon lang po yun."

"If you say so. Paano, I need to go. If there's an emergency, you can use the landline here. Pwede mo rin akong tawagan." Ani nito sabay abot ng calling card dito. Nag-aalangan man, tinanggap pa rin ng dalaga ang calling card na inabot nito.

"Okay po."

"Thank you, Jessica. Take good care of my son."

Ngiti at tango na lamang ang naitugon dito ng dalaga.

*******

Napagpasyahan ni Jessica na magpalipas ng oras sa silid ni Markus bago umuwi. Habang nakaharap sa laptop at gumagawa ng exam paper, panaka-nakang sinusulyapan ng dalaga ang binata. Nang matapos ito sa ginagawa, lumapit muna ito saglit sa tabi nito at pinagmasdan ito.

"Gumising ka na diyan. Nag-aalala ang pamilya at mga kaibigan mo. Maski si Reen na buntis ay nag-aalala sa iyo. Binibisita ka pa dito daily."

"Let her go. Wag mo nang panghawakan yung taong siya mismo ang gumawa ng paraan para saktan ka. No one deserves to be cheated. No one deserves to be just an option. Gwapo at matalino ka naman. Marami pa diyan."

"Focus on yourself. You're successful enough. Baka marami ka pang gustong gawin. Do it all first. Maling tao yung sineryoso mo. Baka hindi talaga will ni Lord na siya ang makatuluyan mo. Nagsasayang ka na lang ng pagmamahal at panahon sa maling tao. Use your time loving yourself muna."

"Kung wala ka talagang mapaglaanan ng panahon, o masyado ka nang bored, mas magpayaman ka. Balita ko kina Reen at Rex ay may Outsorcing Company kayo, at may iilang branch na din. Palaguin mo yun. Pwede din na gumawa ka ng sarili mong kumpanya o magbukas ng bagong negosyo. Don't forget to give back nga lang. Pwede ka din magvolunteer kung sawa ka na magpayaman. Basta do everything in your power to forget Shery. Oo, maganda at matalino yun, kaso aanhin mo naman lahat ng iyon kung hindi naman ikaw ang nag-iisang lalaki sa buhay niya? Kawawa ka lang."

"Kung nanghihinayang ka sa panahong pinagsamahan ninyo at pagmamahal na ibinigay mo, isipin mo na lang na sa kabila ng lahat ng ginawa at binigay mo, hindi ka pa rin sapat sa kanya at naghanap pa siya ng iba. Mas manghinayang ka sa ginawa mo nung nakaraan, at lalo na sa sasakyang nasira mo nang dahil sa pagsali mo sa drag racing."

"At kung magpapakamatay ka man nang dahil sa sakit na nararanasan mo, sana tumalon ka na lang sa bangil, o sumakay ka sa Yate tapos pumalaot ka, then talon ka mula dun. Siguraduhin mong hindi ka na matatagpuan pa ng mga mahal mo sa buhay. Sa ginagawa mo kasi, sinasaktan mo din sila."

"May mga pasya tayo sa buhay na hindi lang tayo ang naaapektuhan. Sana paggising mo, mapagtanto mo yun. Maawa ka sa sarili mo. Maawa ka sa mga taong nagmamahal sa iyo."

"Isa pa, baka hindi talaga siya ang inilaan ni Lord sa iyo. Baka pinadaan lang siya sa buhay mo to teach you a permanent lesson. He only knows kung ano yun, and perhaps alam mo na rin kung ano yung lesson na dapat mong matutunan. Baka rin tapos na ang papel niya sa buhay mo. Hindi mo makikilala yung inilaan ni Lord sa iyo kung mananatili kang nakakulong sa nakaraan. Kaya sana, lumaban ka."

Nang wala nang maisip si Jessica na sabihin pa, napabuntong-hininga ito sabay wika ng "sabi nila, kapagka comatose ang isang tao, kausapin daw dapat nang kausapin kasi naririnig ng pasyente lahat ng sinasabi mo kahit tulog pa, at mas makatutulong daw iyon para magising ang pasyente. Hindi ko alam kung totoo yun, pero sana nga narinig mo yung mga pinagsasabi ko, at nang hindi naman sayang yung laway ko."

Tumayo na ang dalaga mula sa pagkakaupo sa tabi nito, naghahanda nang gumayak upang umalis. Bago tuluyang lumabas, sinulyapan pa nito ang binata sabay sabi "Baka hindi na kita mabisita kasi marami akong kailangang gawin, pero sana magising ka na. Ako ang nahihirapan para kay Reen sa pagbisita sa iyo araw-araw. Hindi ka na naawa sa mga kaibigan mo, lalo na at buntis pa yun. Hoping to see you soon, Markus. Please be well."

Itutuloy