Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Immortal Embrace

Marshtako
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.9k
Views
Synopsis
Revolves around the struggle against demons who control every creature for destruction and conflict especially in mortal world which leads to the awakening of Bai Zhen (demon huntress) of finding who she really is and what's the connection between her and the immortal realm. However, Bai Zhen also meet the crown prince of Novel Empire, Devo. She he doesn't want to avoid it but try the utmost to change the destiny and protect the mortal world with the help of her friends the 'Oracio' a group of demon-hunter.

Table of contents

Latest Update2
Ligtas2 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Anunsiyo

Fiesta ng pasasalamat sa kaharian ng Adalia at abot gabi ang kaganapang kasiyahan, sumasayaw ang buong tribu kasabay ng masiglang musika ng drum, plawta, at kawayan. Dumating si Bai Zhen, damit ay kulay pulang may mga aksesorya ang ulo na parang isang maharlika kasama ang kaibigang si Bituin at Leon, nakisabay sila sa kasiyahan. Pinagmasdan siya ng lahat habang napapalibutan ng mga alitaptap dahil sa kaakit-akit nitong kagandahan at mga ngiti.

"Si Bai Zhen ba yan?"

"Dalaga na siya, lumiliwanag pa!"

Siya'y lumayo ng makakita siya ng isang usang nagmamasid mula sa gubat,palagi niya itong nakikita kahit sa panaginip. Sinundan niya ito , hindi naabotan pa nina Bituin at Leon.

Nakita niya ang kapatagang nasusunog, niligtas niya ang mga hayop kabilang na ang tupa, unggoy at kunehong natatakot. Niyakap niyang isang lalaking nakahiga mismo hawak-hawak ang apoy na siyang dahilan ng sunog. Tinapon niya ito sa ilog at nabuhay kaya lumangoy si Bai upang bigyan siya ng hangin.

Sila'y nakahiga sa grasa at binalikan ni Bai ang iba pang mga hayop. Sinabihan siya ng lalake na siya'y baliw para iligtas siya sa apoy at itapon sa ilog. Nagalit si Lampara kaya iniwan siya nito at sinabing mas baliw ang taong nandadamay ng ibang nilalang habang nagpapakamatay. Hindi na niya nilingon ulit ang lalake.

Naroroon ang lalake upang sanayin ang kaniyang apoy na kapangyarihan. Iilan lamang ang taong may taglay na kapangyarihan sa Novel Empire kung saan sakop ang lupaing Adalia. Nahahati ito sa lima: Slasher, kung saan nakukuha ang kapangyarihan sa mga sandata o accesory. Soul Holder, mga taong nakakapagsamon ng Spiritual Beast para makipaglaban, Elementalist, nakokontrol ang apoy, hangin, tubig, kidlat o lupa, Healer, nakakapagpagaling gamit ang taglay na mahika, at Hybrid, dalawa lamang ang taong hybrid ayon sa mga usap usapan subalit walang nakakaalam kung sino sila. Ang hybrid ay mayroon dalawa o higit pa sa mga kapangyarihan subalit hinahanap sila ng Emperor para pagsilbihan siya dahil mananatili silang banta sa Emperyo.

Sinundan siya nito para kilalanin, tumakbo si Bai sa sobrang inis. Napunta siya tuloy sa madilim na yungib. Natabunan ang lagusan ng malaking bato dahil lumindol ng madalian.

"Buti nandito ang liwanag mo" pasurpresang sabi ni Devo habang sinindihan ang kahoy ng apoy mula sa kaniyang kamay.

"Pa-paano mo yan nagawa?" bulong ng namanghang Bai sabay tingin kay Devo at sa apoy.

"Biyaya raw sabi ni ama" nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Tinawag ni Bai ang mga alitaptap para gabayan siyang makalabas sa yungib. Para itong taong nakaiintindi sa kaniya.

"Sino ka pala?"tanong ni Devo kaya nagsimula silang magpakilala sa isa't isa.

"Bai Zhen, mula sa Adalia (mga magsasaka't mangangaso) ikaw?"

Dagdag pa niya na ito'y munting tribong may simpleng kaharian at pamumuhay.

"Devo mula sa palasyo ng Novel Empire, isang Nobelo. Medyo malapit yon dito."

"Matagal ko nang nais pumunta doon, tunay nga bang tuyo ang lupa at madisyerto sa lugar niyo?" pananabik na sambit ni Bai iniisip kung ano talaga sa Novel.

"Tama ka, tuyo na ang lupa na siyang dahilan ng pagkamatay ang mga halaman kaya nga nandito ako para humingi ng tulong. Sama ka saken?"pag-aalok ni Devo sa kaniya.

"Sige ba kapag makalabas tayo ng-" hindi nagdalawang-isip na pumayag dahil gusto talaga niyang maglakbay sa mga lugar na hindi pa napupuntahan.

"Huwag kang gumalaw" mahinang sumenyales si Devo.dahil sa isang bantang nakita.

Higanteng puting tigreng ginising ng kanilang dala-dalang liwanag. Sinubukang umatake ni Devo subalit pinigilan siya ni Bai.

Nakita ng mabangis na tigre ang invisible na markang nasa noo ni Bai Zhen kaya naging maamo at yumuko ito sa kaniya. Hinawakan ang kaniyang ulo ng palakaibigang Bai.

"Paano?" nagtatakang tanong ni Devo sabay tingin sa dalawa.

"Lahat ng nabubuhay ay may puso't kaluluwa kahit hindi ito nakikita. Kapag nahahawakan ko sila, nalalaman ko ang kanilang mga ala-ala."

Sa tulong ng tigre, ligtas silang nakalabas sa yungib at binigyan ito ni Lampara ng malambot na tinapay bilang pasalamat.

Pumunta sila sa Adalia at sinalubong ni Leon.

"Nag-aalala na si pinuno sayo Bai, kilala niyo angisa't isa?"bumuntong hininga si Leon dahil sa pagtatakbo sa paghahanap kay Bai

"Kaibigang nagmula sa Novel"

"Halina kayo't kumain na tayo"anyaya ni Bituin.

Nagsama lahat ng tao sa mahabang hapag, kumain kasabay ng malayang musika. Lumabas si Haring Daklan dala ang anunsiyong.

"Si Bai Zhen ang pangalawang prinsesa ng Adalia, nag-iisang tagapagmana" sigaw ng Hari hawak-hawak ang kaniyang gintong baso.

" Mabuhay ang prinsesa! mabuhay ang Adalia! mabuhay ka Lampara!"Nagsiyuko lahat at binati si Bai.

"Kalma, ako lang ito, sana'y walang magbago sa inyong pakikitungo."

"Hindi na kailangan pang sakupin ang Adalia" bulong ni Devo sa sarili.

Natulog sina Bai at Devo sa punuan ng makupa, nagsiliwanag ang mga kulay rosas nitong bulaklak.

"Devo, masaya akong magkasama tayo." Napahawak sa pisngi ang dalawang kamay ni Bai.

"Papakasalan kita, suotin mo itong perlas na kuwentas. Kuha ko yan sa dakong silangan" binigay ni Devo ang hawak niya at isinuot kay Bai.

"Pag papayag si ama, at kapag alam mo kung bakit Bai Zhen ang aking ngalan" kondisyon ni Bai sa kaniya.

Bago pa man bumisita si Devo sa Adalia, kilala na niya ang ngalang Bai dahil maraming taga-Noveel ang naglalakbay patungong Adalia pagmasdan lamang siya. Nalaman din niyang

"Nagsilapit ang mga alitaptap sa inyong tahayan at ginabayan ang mga nawawalang tupa ng Adalia ng ika'y isilang kaya Bai Zhen ang iyong pangalan"

Lumuha bigla ang mga mata ni Bai nang maalalang niyang namatay ang kaniyang inang nang siya'y isinilang. Ang ate niyang si Dawani ang unang kumarga sa kaniya pero namatay ito paglipas ng ilang taon dahil sa digmaan ng pag-ibig.

"Devo, alam mo ba sa bundok na iyan, nilibing ang ate kong si Dawani? Wani ang tawag diyan pinangalan kay ate." wika ni Bai sabay tinuro ang bundok.

"Matulog na tayo" dugtong pa niya.

"Normal lang yan, may karapatang maging masaya at umiyak ang tao. Patinging nga ng mukhang nalulungkot." Pagbibiro pa ni Devo para pagaanin ang kaniyang loob.

Nagulat siyang makitang nakatulog agad si Bai, nahuhulog ang maliwanag na bulaklak ng makupa habang pinagmamasdan niya itong may luha sa mata.

"Mahiwaga."

Hindi namalayang nakatulog din siya.

Kinaumagahan pinuntahan agad ni Devo si Haring Daklan.

"Hayaan mong pakasalan ko si Bai Zhen!"Nakayukong sambit ni Devo

"At ikaw ay?"

"Devo, mandirigma ng Novel"

"Sige kung kaya mong pasukuin si Haring Siklab dahil marami siyang dinakip at ginawang aliping mula sa aming tribu. Sakim siya sa kanyiang mga tao." Bilin ni Hari Daklan sabay tango sa ulo.

"Masusunod kamahalan"

"Sasamahan kita" biglang pumasok si Bai

"Mahal na prinsesa baka--"kawal

"Kung makakaya niyang palayain ang mga tao mula kay Barnabas at panatilihin akong ligtas, magiging komportable akong pakasalan siya."Tindig ni Lamparang nakikita ang tiwala sa mga mata.

Sila'y tumakbo't naglakbay na magkahawak ang kamay.

"Hayaan natin kung sila bay tinadhang magsama"

Pagkikitang may musika

hangin ay naging presko

ibang pakiramdam

maituturing hiwaga

akoy hindi nabahala