Devo POV:
Sa Werto na pinamumunuan ng sakim na si Haring Siklab ,nalaman kong nagpapalaki ng tiyan samantalang payat at gutom ang mga nasasakupan. Anong klaseng pinuno ang makasarili?
"Tingnan mo ang mga mata niya, pula" bulong sa akin ni Bai habang seryosong tinuro ang Hari.
Ba't niya nakikita ang apoy ng demonyo? Akala ko kami lang ang makatutukoy kung kinokontrol ang mga tao ng demonyo.
"Oo, kinokontrol siya ng apoy na demonyo" sambit ko sa kaniya na ikinaiba ng kaniyang ekspresyon. Matagal nang gumagala ang mga demonyo sa mortal na mundo para mang-gulo o higopin ang kaluluwa ng mga mortal. Walang may alam kung saan ito nagsimula pero kailangang ubusin ang lahi nila para wala nang madadamay.
"Huwag mo siyang paslangin," bilin ni Bai.
Lumabas na kami mula sa pinagtataguan habang nagsitahimik ang karamihan.
"Bakit niyo pinagsisilbihan yang haring walang pakialam sa inyo? Pinuno ba iyan?"sigaw ko habang tinuturo ang haring nagsimulang magalit . Naaayon sa plano ko ang lahat.
"Para sa lahat ang mga pagkain, huwag kang makasarili Siklab! Palayain mo ang mga taga-Adalia!" sigaw naman ni Bai.
"Oo nga tama sila"
"Huwag natin yang pagsilbihan di bale nang maparusahan"
Nagising ang mga tao sa walang patas na pamumuno ng Hari.
Nalunok ni haring Siklab ang isang matigas na pagkaing bumara sa kaniyang lalamunan na ikinamatay niya. Lumabas ang apoy na nag-anyong baboy kaya tumakbo ang mga tao. Muntik na itong umatake kay Bai pero sinaksak ko ito una gamit ang aking espada, dito ko iniipon ang aking kapangyarihan (Nirvana-sagradong espadang tinatalo ang kasamaan) .
Kaya ito'y nawalang parang usok. Katulad ng ibang demonyong napaslang ko.
"Yan ang Nirvanang espadang gamit noon ng mga bayani" bulong ng mga taong nasa paligid.
"Nasa iyo ang Nirvana?" namamanghang hinawakan ni Bai ang espada. Sabi pa niya na matagal na niya naririnig ang kuwento tungkol sa Nirvana.
"Mahabang estorya Bai, malaya na ang mga taga-Adalia! Kayo ring mga taga-Werto nawa'y patas at may puso ang susunod niyong pinuno."
"Salamat mga bayani!"
Nagsitalon sa tuwa ang mga tao at nagsiuwian sa pagkasabik ang mga taga-Adalia.
Lumingon ako at nakitang umiiyak si Bai sa harap ng katawan ni Haring Siklab. Bakit niya iniiyakan ang walang awang Haring madali lang kontrolin ng kasamaan?
"Naging matino siguro siyang hari kapag walang masamang nilalang na nagmamanipula sa kaniya."Wika ni Bai habang tinatabonan ang lumuluhang mata.
"Pinili niyang magpakontrol Bai, gusto mo bang samahan akong dakpin ang mga masasamang nilalang na pinaglalaruan tayong mga tao?"isinuoot kay Bai ang pulang kuwentas na siyang pantaboy demonyo.
"Ano to Devo?"
"Hindi ka magagawang lapitan ng masasamang nilalang kapag soot mo yan."
"Salamat, pero may mga marka kami sa likod ng leeg panlaban sa kanila"
"Regalo ko na iyan sayo"
"Paano ka?"Nag-aalala ba siya saken?
"Takot saken ang mga iyon" nakangisi kong tugon.
"Oo, nais ko silang mawala sa mundo lahat dahil sabi ni ama, kauri nila ang pumatay sa ate ko." Nababasa kong kahinaan niya ang iwan ng taong malapit sa kaniya.
Nilibing ng mga tao si Haring Siklab Ilang araw ang lumipas at may tumubong halamang namumunga ng berdeng prutas, kinakain ito ng mga uwak.
Nilisan na namin ang Werto nang naglalakad.
"Napapagod na ang aking mga paa, pwede bang-"reklamo ni Bai, halatang napapgod na ang isang to.
Kinarga ko siya dahil nahihirapan na siya sa paglalakad, amoy pawis na.(insert dandelions by Ruth B instrumental). Natuwa si Bai at pinakanta pa talaga ako sa kalagayan ngayon.
"Ayaw ko nga nakakahiya" Hindi ko pa nasubukang kumanta, lalo na sa harap ng isang babae.
"Ako lang to, pag di ka kakanta kikilitiin ko mukha mo"pangungulit pa niya sabay himas sa aking pisngi.
"Pumikit ka muna" utos ko sa kaniya.
Sumipol ako ng isang kanta, tumahimik na siyang nakikinig sa akin. Tiningnan ko siya at nakatulog na pala. Ngayon, una kong nakitang nakangiti siyang natutulog.
Nais mo lang pala magpahinga.
_ _ _ _ _
THIRD PERSON POV:
Sa kabilang banda
Si Leon at Bituin ay nag-aabang sa gate at nakitang bumalik na ang mga bilanggo't aliping Adaliang galing sa Werto.
"Nasaan na sina Bai?"pag-aalala ni Bituin
"Huwag kang mag-alala Bituin, sigurado akong magiging payapa at ligtas na ang Werto" buo talaga ang loob ni Leon pagdating sa kaibigang si Bai.
"Iba ka talaga Leon, malaki ang tiwala mo kay Bai"dagdag pa ni Bituin.
"Shempre, siya ang tagapagligtas ko"pagmamalaki ni Leon.
_ _ _ _
Balikan natin ang unag pagkikita ni Leon at Bai
Napunta sa mistikong gubat si Bai Zhen dahil sinusundan niyang isang usang dati pang nagpapakita sa kaniya at lagi itong nawawala. May nakita siyang isang leong humingi ng tulong dahil nasugatan ito dahil dadakpin ng mga dayuhang mangangaso. Dali-dali niya itong ginamot sa lugar na lagi niyang pinupuntahan, Ilog Adalia. Paglipas ng umaga, naging tao ito at nagpasalamat kay Bai. Siya'y isang espiritwal na hayop, ito ang araw na maaari na siyang mag-anyong tao dahil isang libong taong gulang na siya.
"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nakaligtas, ikinagagalak kong ikaw mismo ang magbigay pangalan saken"-
"Leon, simple pero matapang"-tugod agad ni Bai.
"Ako'y isang leon kaya nararapat lamang na Leon ang aking pangalan salamat mabuting tao." Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ito ni Leon.
"Bai, kaibigan"yumuko si Prinsesa Bai.
"Halika ipakikilala kita sa kaibigan kong si Bituin"
_ _ _ _
Kasalukuyan
Naabotan nina Bituin at Leon si Devong karga si Bai.
"Hala! Anong nangyari sa kaniya?!" Agad na lumapit si Bituin sa kanila.
Inilagay ni Devo ang isang daliri sa sariling bibig isang senyales para tumahimik dahil nagpapahinga si Bai.
"Kami na lang ang maghahatid sa silid niya." Wika ni Leon, kapag may kaibigan si Bai, kapatid ang turi niya sa mga ito, nararamdaman naman nila ang pagiging sincere niya sa kanila at ganoon din sila pagdating sa kaniya.
"Sige may kukunin lang ako sa labas"lumisan si Devo.
Sa paglalakad, may pamilyar na mukhang nakita si Devo "Laban" ito ang Heneral ng Novel dala-dala ang mandirigmang hukbo.
"Bumalik tayo sa Novel!"utos ni Devo.
"Kamahalan!"-mandirigma
"Utos ko, crown Prince ng Novel ang huwag umatake!"sigaw nito habang mabangis silang tiningnan.
"Sinusuway mo ba ang Emperor Hosea?"pagdududa ni Heneral Laban.
"May balita akong malamang na ikatutuwa ni ama"-nakangising sabi ni Prinsipe Devo.
Naglakbay na sila pabalik ng Novel at yumuko sa harap ni Emperor Hosea.
"Mahal na ama, hindi na natin kailangan pang sakopin ang Adalia, may kaibigan akong maaaring tumulong sa kalagayan ng ating lupa at mga pananim, tinitiyak kong sapat na iyong dahilan para huwag nang umatake pa."
"Paanong naging solusyon ang iyong kaibigan?"kunot noong tanong ni Emperor Hosea.
"Iba siya sa normal na tao, parang iisa lang sila ng mga hayop at halaman ama."
"Nais ko siyang pakasalan" dugtong pa niya.
"Dalhin mo siya dito, kung totoo man yang sinasabi mo, maaaring may magaganap na kasalan." Bilin ni Emperor Hosea, lalo pa't matagal na niyang gustong magkaapo ngunit matigas pa sa bato ang kaniyang mga anak at hindi pa nakahanap ng kasintahan.
"Sino ba yang babaeng iyan at bigla kang nag-iba Devo, mabangis na mandirigma ng Novel." wika ni Prinsipe Adan.
"Mabuting taong madaling mahalin Prinsipe Adan"tugon naman ni Prinsipe Devo
Nagsidatingan ang gintong karwaheng mula sa Novel para sunduin si Bai. Sinama niya sina Leon at Bituin upang makakita ng ibang senaryo maliban sa Adalia.
"Anong nangyayari sayo Leon?"hinahawakan ni Bituin ang hindi mapakaling si Leon.
"Nasu---suka ako!" Nanghihinsng sigaw ni Leon habang hinahawakan ang dibdib.
Tumawa si Bai dahil hanggang ngayong, hindi pa rin sanay sa mga sasakyan itong si Leon.
"Sayo na itong pangpakalmang halaman, amoyin mo lang yan" pinaamoy kay Leon ang kaniyang hawak.
Bumahing si Leon at nasukahan ang damit ni Bituin.
"LEON!!!" napipikong sigaw ni Bituin
"Pasensya na!"
Para silang batang nag-aaway sa loob ng karwahe.
Dumating na sila sa Novel Palace, soot-soot ni Bai ang kaniyang markang kulay na kasootan, nagsitahimik ang lahat.
"Nandito na ang Prinsesa ng Adalia!"anunsiyo ng kawal