Chapter 2 :Mikael's life
ANNE JUNELYN CASCABEL HERMOSO BRILLIANTES it's my real and full name.
Cascabel Hermoso ay ang surname ng biological mother ko. Napaka-girly ang name ko na hindi ko naman nagagamit.
Kilala akong Mikael Socorro Brilliantes. Ang Socorro ay dating surname ng stepmom ko.
Naalala ko pa noong panahon na napaka-inosente ko pa. Saahat ng mga laruan namin ni kuya Miko ay bakit wala akong nagustuhan ni isa? Four years old pa ako noon nang mapansin ko 'yon. Naging mausisa ako.
Hindi ko gusto ang toys ng kuya ko. Madalas naiinggit ako sa mga batang babae na may bitbit at yakap-yakap na manika. Mas iyon ang gusto ko.
Gusto ko ng bahay-bahayan, mas gusto kong makipaglaro sa mga batang babae. Ayoko sa mga pinsan kong lalaki.
Pero pinaghihigpitan ako ng stepmom ko. Hindi raw ako dapat makipaglaro sa kanila. Sa halip na umiyak sa mga panahon na iyon ay nagkukulong lang ako sa loob ng kuwarto ko.
Pinilit kong magustuhan ang mga laruan ng mga kuya ko pero hindi nangyari.
Five years old naman ako nang malaman ko ang lahat, nakilala ko ang tunay kong ina.
"Anne," my mother's uttered my name.
"Mikael po," I corrected her.
Nakita ko na naglandas ang luha ng mama ko noon saka niya hinaplos ang pisngi ko. Sadness, 'yan ang mababasa sa mga mata ng mama ko.
"I'm your biological mother, Anne. Junelyn ang aking pangalan na pangalan mo rin. Ikaw si Anne Junelyn Cascabel Hermoso Brilliantes. Pero kilala ka bilang Mikael S. Brilliantes, dahil kailangan. Kailangan mong maging Mikael, maging lalaki upang matanggap ka ng pamilya ng iyong daddy. Anak, p-patawad... W-walang magagawa si mama, pero kailangan mong magpanggap."
Sa batang edad ko ay roon ko lang na-realized ang lahat. Kaya pala uhaw ako sa atensyon ng parents ko. Ang stepmom ko, siya talaga ang nagpalaki sa akin. Kahit hinihigpitan niya ako sa lahat ng bagay na gusto ko ay hindi naman niya ako sinasaktan ng physically pero tahimik lang siya. Hindi niya ako kinakausap.
Si dad na malayo rin ang loob sa akin. Si mommy lang ang nakakaalam na isa akong babae kaya tinago niya 'yon kina dad. Hands on sa pag-aalaga sa akin ang stepmom ko dahil nag-iingat siya na malaman ang totoo kong pagkatao.
Honestly, puwede naman niya akong itakwil at ipaampon sa iba kung bawal ang babae sa Brilliantes clan. Pero mas pinili niyang itago ako at magkuwaring lalaki ako sa paningin ng lahat.
"How's your day, Mikael?" Nagbalik sa realidad ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni kuya Michael.
Nagitla pa ako nang hawakan niya ako sa balikat ko. Napatikhim ako pero hindi ako ngumiti. Seryoso rin kasi ang expression ng mukha niya.
"It's fine, kuya Michael," sagot ko at tumango lang siya saka niya ako tinalikuran.
Kung si kuya Markus na walang pakialam sa akin ay si kuya Michael naman na tinatanong lang ako kung kamusta ang araw ko.
Sina kuya Mergus at kuya Markin ay sila ang naghihigpit sa akin noong mga bata pa kami na hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Kapag pumapalpak ako ay pinupuna nila pero siyempre nagagalit sila sa akin.
Mas gusto ko pa yata si kuya Markus na kahit walang pakialam sa akin ay never akong nakarinig ng negative feedbacks from him.
"Kamusta, Mikael?" bati sa akin ng isa sa pinsan ko. Si kuya Daziel na halos kaedad namin ni kuya Miko.
Siya ang pinaka-pilyong pinsan ko at babaero 'yan. Sakit ulo ng parents niya pero matino naman pagdating sa trabaho niya.
"I'm fine, kuya Daziel," saad ko at inakbayan naman niya ako.
"Ikakasal na ang kuya Darcy natin at may bachelor's party ang magaganap. Punta ka, Mikael. Maraming chiks doon at alam kong magugustuhan mo 'yon," nakangising sabi ko na bagay na ikinangiwi ko.
"Busy ako kuya," sabi ko and he chuckled.
"Bakla ka ba pinsan? Naku, hindi puwedeng hindi ka pupunta," sabi pa niya at napahawak na ako sa braso niya nang humigpit ito sa leeg ko. Nasasakal ako sa totoo lang.
Matangkad si kuya Daziel at ang pangangatawan niya ay katulad din nina kuya Miko. Hanggang labi niya lang ako.
"Oo nga naman, Mikael. Pumunta ka na, minsan ka lang namin nakakasama sa isang party, eh," singit naman ni kuya Zeland.
Kaedad nina kuya Miko. Sa una talaga nang makilala ko sila ay nalito ako sa pangalan nila. Eh, ang dami nila.
"Bakla 'ata ang pinsan natin, Zeland. Naku hindi ako papayag! Sayang ang lahi natin, Mikael. Tuturuan ka namin kung paano mang-akit ng chiks!" natatawang sabi niya kaya halos nasa amin na ang buong atensyon ng pamilya namin.
Nang sulyapan ko ang mga kuya ko ay walang emosyon ang mga ito. Walang pakialam. Hays.
"Tigilan niyo ang kakambal ko, ah," singit ni kuya Miko at binaklas ang braso ni kuya Daziel sa leeg ko at hinila niya ako sa tabi niya.
I felt relief. Ayoko talagang maipit sa mga pinsan ko.
"Bad influence lang kayo," malamig na sabi ng kuya ko at isa-isa niyang binatukan ang dalawa naming pinsan.
"Ayokong matulad ang kaptid ko sa inyo. Naku baka paggising niyo kinabukasan ay may kakatok na sa bahay niyo na naka-buntis kayo," pangangaral na wika sa kanila.
Napasimangot ang dalawa at hindi makapaniwalang tumitig sa amin.
"Miko, para rin naman ito kay Mikael, eh! No girlfriend since birth kasi siya! Nangangamba ako sa future niya, ayokong maging bakla ang pinsan namin, right Zeland?" untag na tanong naman nito kay kuya Zeland na bahagya pang siniko.
"Yes, Miko. Sige na, mahina yatang dumiskarte si Mikael," pamimilit nito.
Inakbayan ako ni kuya Miko at inilayo sa kanila. "Ayoko nga, baka makabuntis pa ang kapatid ko. Saka hindi siya bakla, ah! Crush niya kaya iyong Morry Tsumaga!" ani kuya at namilog ang mga mata nila.
"Si Morry na famous model and actress?! Whoa! I am so proud of you, pinsan! Ang galing mong pumili!" anito na akmang yayakap sa akin pero tinulak siya ng kapatid ko. Sumimangot ulit siya.
"Problema mo ba, Miko?" nayayamot na tanong nito.
"Tigil-tigilan niyo ang kapatid ko!" nagtatagis na bagang na wika nito saka ako hinila palayo sa kanila.
"Kahit kaialan ay napaka-killjoy talaga ni Miko, baka siya 'yong bakla, eh," dinig kong sabi ng dalawa pero hindi naman namin 'yon pinansin.
"Huwag kang sumama sa dalawang itlog na 'yon, Mikael. Sinasabi ko sa 'yo na bad influence ang dalawang iyon sa 'yo," ani niya sa akin at napangiti ako.
He's the best kuya. Napaka-thoughtful ng kapatid ko kaya nagpapasalamat ako na naging kapatid ko siya. Naging kaibigan at kakampi ko simula bata and until now.
"Opo, kuya Miko."
NILAGYAN ni kuya ng kanin ang plato ko at saka beef tapa. "Kain na," nakangiting sabi niya sa akin at sinunod ko naman.
"How about Mikael, Maigel? Nakahanap ka na ba ng mapapangasawa niya?" dinig kong tanong ng isa naming tiyuhin. Napa-ubo ako dahil bigla akong nabulunan.
"Dapat bago sila mag-28 ay may asawa na sila. Si Daziel na lang ang problema ko na hanggang ngayon ay hindi pa nagtitino sa babae," anito at napahilot pa sa sentido si uncle Daemin. Siya ang daddy ng pilyo kong pinsan.
"Soon, ipapakilala ko siya sa isa kong kaibigan," sagot ni daddy na mas ikinaubo ko pa lalo.
I can't imagine myself being married with a woman.
Inabutan ako ni kuya ng baso na may lamang tubig at hinagod pa nito ang likod ko.
"Drink this, Mikael."
Kinuha ko naman iyon at ininom kaagad. Shock ako sa pinagsasabi nila.
"Pero bago ang lahat, gusto kong maunang ikakasal ang pinaka-bunso kong apo," ani grandpa. Sa tono ng boses niya ay napaka-seryoso nito.
Kinabahan na ako roon at hindi makapaniwala. Ipapakasal na yata ako sa kapwa kong babae.
"Grandpa! Mauuna na muna po si kuya Markus, bago si Mikael," singit ni kuya Mergus sa usapan.
"Oo nga naman po, grandpa. Tutal si kuya naman po ang panganay mong apo kaya siya na muna po, grandpa," kuya Michael said. Kunot na kunot ang mga noo nila.
Somehow, tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Sinalo nila ako sa arrange marriage na 'yan.
"Right, kuya Markus?"
Tahimik lang nagmamasid sa amin ang iba naming pinsan at mukhang enjoy na enjoy pa silang lahat.
"Yes. Before the youngest, hayaan po ninyo ang eldest ang ikakasal muna. After me, Michael, Markin, Mergus, Miko at mauuna pa ho si Daziel," malamig na sagot nito.
"Kuya! Mauuna ang kapatid mo! May crush na nga 'yan, si Morry Tsumaga!" sigaw ng pinsan ko. Umigting ang panga ng mga kuya ko.
"Shut up, Daziel. Mauuna ka," sambit sa kanya ni kuya Darius.
Napuno nang tawanan ang buong mansion dahil kay Daziel. To be honest, paminsan-minsan lang kaming nabubuong magpamilya.
Sa aming pinsan ay si Zeland at Daziel lang ang kumakausap sa akin. The rest ay tila hindi ako kilala.
This is my life.